Chapter 15

1657 Words
Evan's POV It's 2:am. Kakauwi ko lang dito sa tinutuluyan ko. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang maliit na loob ng aking apartment. Hinubad ko ang suot kong bag at itinapon ito sa gray na sofa. Ibinagsak ko rin ang katawan ko sa isa pa na kaharap lang nang nilagyan ko ng bag. My body feels tired. Idinantay ko ang isang paa ko sa gilid. I can feel the warmth on my back. Ang sarap magpahinga. I close my eyes. Saglit akong nawala sa kasalukuyan. "Baby, pasensiya ka na ha. Mommy needs to go. But, don't worry your Dad will be here for you," umiiyak na paalam niya sa akin. I don't understand why she needs to leave. Nang yakapin niya ako ay hindi ko siya binitawan. "Ban, let go!" utos ni Daddy. Umiiyak na ako nang pilit niya akong ihiwalay sa mommy ko. Pinilit akong kumapit sa kaniya kahit sa buhok niya man lang o sa daliri niya. Basta hindi lang siya umalis. "Ban, anak... let go of mommy na... please," pakiusap nito nang mahawakan ko ang kamay niya. I shook my head. "No! Mommy. Don't go!" wika ng batang ako. Basang-basa na ng luha ang mukha ni mommy. Ayoko siyang bitawan dahil ayoko siyang umalis. Makita ko lang siyang bitbit ang maleta niya ay para akong tinutusok sa puso. Sobrang sakit. "Mommy...hindi na po ako bad...wag lang ikaw alis," utal-utal na wika ko para lang makumbinsi siyang manatili. Pero kahit ano yatang sabihin ko hindi siya makikinig sa akin. Who would listen to a little child like me who can do nothing anyway? Kinarga ako ni Daddy at sinubukang pakalmahin. Niyakap ko siya at sa kaniyang likuran umiyak ako nang umiyak. Simula noon ay ipinangako kong hindi ako gagawa nang ikakagalit ni Mommy. I fixed my toys. Sumasabay na ako sa pagkain. Nagtotoothbrush na ako mag-isa. Ginagawa ko na rin ang assignments ko tuwing weekends. Naghintay ako sa labas ng bahay namin hindi lang isa o dalawang araw. "Mommy..." tawag ko sa kaniya habang nasa labas ako. "Mommy...asan ka na po?" Naghintay ako dahil akala ko maaawa siya sa pagpupursigi ko. Grade 1 pa lang ako noon. I am six years old. Isip bata pa para marealize na hindi lahat ng gustuhin ko makukuha ko. I opened my eyes. Saglit akong tumingin sa kawalan. Inilabas ko ang wallet ko at binuklat ito. There I saw a picture of me and my mom. "Where are you Mom? Are you thinking about me too? O baka nakalimutan mo na talaga ako?" Tears rushed through my face. "Ang dami ko pong gustong itanong sa inyo Mommy. Sana dumating na ang araw na makita na rin kita." Ilang taon na akong nag-aantay at hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magkikita rin kami ulit. May narinig akong kumatok sa pinto kaya kaagad akong bumangon at ibinalik sa pitaka ang litrato. Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko roon si Mr. Alcantara. He is my private agent/body guard/ butler. Hinire siya ng Daddy ko para mag-alaga sa akin pero nasa akin ang loyalty niya. Pinapasok ko siya sa loob. Siya ang kasama ko sa apartment na 'yon. "Kamusta?" tanong ko sa kaniya. Ang ibig kong sabihin ay ang paghahanap niya sa Mommy ko. Kinuha nito ang sumbrero niya at isinabit sa may coat rack na nasa likod ng pinto. "Negative. Sa tingin ko wala na siya rito hijo," malungkot na tugon nito. Isinara ko ang pintuan bago bumaling sa kaniya. "'Wag kang titigil sa paghahanap sa kaniya. Kung kailangang halughugin mo ang buong Maynila, gawin mo!" utos ko sa kaniya at bumalik sa sofa. "Pero Ban, matagal na nating ginagawa to. Hindi kaya..." Pinigil ko siya sa gusto niyang sabihin. "No. Ramdam ko na buhay siya. Kaya please...hangga't wala tayong natatanggap na balita na wala na siya. Hanapin mo siya para sa akin," pagmamakaawa ko sa kaniya. Tumango si Mr. Alcantara at pumuntang kusina. Pagbalik niya sa akin ay may dala na itong tubig sa baso. "Anyway, your father called me earlier. Sabi niya itigil mo na raw lahat ito at bumalik ka na sa kaniya," wika nito at nilagok ang tubig na hawak niya. Tumalikod ako. "Hayaan mo siya. Kahit kailan hindi niya ako maiintindihan. Kung okay lang sa kaniya na wala si Mommy, sa akin hindi. Sa susunod na tatawag siya tell him I'm doing fine. Okay?" "Okay," dinig kong sagot niya. Kinuha ko na ang bag ko na naroon sa sofa at pumasok ng kwarto. I'm still tired dahil sa mga trabahong pinapasukan ko. Kumuha ako ng malinis na pambahay na damit at pumuntang banyo. Nagshower muna ako bago natulog. --- "Ban, gising na!" Iminulat ko ang mga mata ko. "Bakit?" inaantok pang tanong ko kay Mr. Alcantara. Tumingin ako sa alarm clock ko. Pasadong alas-singko pa lang. "One of my asset told me na nay nakita raw silang kamukha ng Mommy mo," balita nito sa akin. Biglang nabuhay ang dugo ko sa sinabi niya. Mabilis akong bumangon at naghilamos. "Sigurado ka ba?" tanong ko habang nagpupunas ng mukha. "Hindi pa siya hundred percent sure kung siya na nga talaga iyon. Pupuntahan ko na nga ngayon. Sasama ka ba?" Ngumiti ako. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na makita siya ulit kaya hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito." Naglinis ako ng katawan bago tuluyang sumama sa kaniya. Hindi ko inaasahang mapupunta kami sa isang squatter area. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Sobrang awa ang mararamdaman ko kapag nakita ko ang Mommy ko na naroon sa ganoong sitwasyon. Pumasok kami sa isang maliit na iskinita at doon kami sinalubong ng asset ni Mr. Alcantara. He showed us the way. Habang papunta kami sa nasabing lugar ay may nakakasalubong akong mga bata. Wala itong sapin sa paa at marumi rin ang mga damit. Payat rin ang mga katawan nila. "Dito po sir," anyaya nito kay Mr. Alcantara ng malapit na kami sa isang barung-barong. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ito na ang matagal ko nang hinihintay. Makikita ko na siya ulit. Hinayaan akong pumasok ni Mr. Alcantara sa loob ng bahay na iyon. Tumambad sa akin ang isang babaing payat at nanghihina na. "S-sino ka?" gulat na tanong nito sa akin. Dumaloy ang luha sa mata ko. "K-kayo po ba s-si Freya Trinidad?" My voice cracked while asking that pitiful women. Kamukha nga nito si Mommy. Kaso payat lang ito. "Hindi nga ako iyon hijo. Faye Trinidad ang pangalan ko. Hindi naman ako ulyanin para makalimutan ko ang pangalan ko. Kapatid ko nga iyong si Freya. Pero hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. Sino ka ba hijo?" muling tanong nito. "A-ako po ang anak niya," sagot ko na ikinagulat niya. Paika-ika itong lumapit sa akin. Kinapa ang mukha ko ng magaspang nitong kamay. "Pamangkin pala kita kung ganoon. Kamukha mo nga ang kapatid ko. Pero pasensya ka na hijo dahil matagal na kaming hindi nagkikita noon simula ng mag-asawa siya," kwento niya sa akin habang naluluha. Umubo ito ng halos hindi na mahagilap ang paghinga niya. Naawa ako sa sitwasyon ko kaya hinagod ko ang likod niya. Iginayak ko siya sa tablang upuan nila. "Wala po ba kayong alam na pwede niyang puntahan?" tanong ko ulit sa kaniya. "W-wala talaga hijo e," aniya at umubo ulit. "Isang misteryo nga sa amin ang pagkawala niya dahil ni hindi man lang ipinaalam sa amin." Umubo siya ulit. Sa pagkakataong iyon ay hindi na tumigil ang ubo niya at may kasama na itong dugo. "K-kapag n-nagkita ulit kayo ng k-kapatid ko s-sabihin mo na namimiss ko na siya ha. Sayang n-nga lang a-at mukhang h-hindi na k-kami magkikita," aniya at para itong kinapos ng hininga. Tinawag ko si Mr. Alcantara at dinala namin siya sa ospital pero hindi na siya umabot.Sabi ng ilang taga-roon ay wala na itong ibang kapamilya kaya inako ko na ang responsibilidad ng pagpapalibing sa kaniya. Oo! Binawian na ito ng buhay. Mas lalo pa akong nasaktan dahil naisip ko na paano kung sa ganoong tagpo ko rin matagpuan ang mommy ko. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Kaya kailangan ko siyang mahanap sa madaling panahon. "Pasensiya ka na Ban," wika ni Mr. Alcantara. "I failed again. Akala ko natagpuan na natin siya." "Ginagawa niyo naman po ang lahat. Okay na naman siguro iyon," tugon ko sa kaniya. "Hindi naman nasayang ang pagpunta natin dito dahil nakilala ko naman ang tiyahin ko. Basta huwag lang kayo titigil hangga't hindi niyo siya nakikita." He nodded. Pagkauwi namin ng bahay ay laglag balikat akong naupo. Hindi na ako pumasok ng school dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako. Naalala ko si Kris kaya tinawagan ko siya. "Bakit ka absent kanina?" tanong nito. Nandito lang kami sa swing ng park na pinagdalhan ko sa kaniya. "May inasikaso lang ako," sagot ko sa kaniya habang nakayuko. Itinuon nito ang pansin sa akin. "May nangyari ba? Bakit para kang tinakluban ng langit at lupa?" pansin niya sa akin. I cupped my face with my hands. Hindi ko na mapigilang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Nakakahiya man pero hindi ko naiwasang humagulhol sa laki ng dinadala kong problema. Tumayo naman siya at humarap sa akin. She placed her arms around my head at hinagod ang likod ko. "I don't know kung anong pinagdadaanan mo pero gusto ko lang sabihin na nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap," alo nito sa akin. Pinahid ko ang luha ko at humingi ng paumanhin. "Pasensya ka na ha. Pati ikaw nadadamay ko." "Ano ka ba? Kaibigan tayo kaya sino pa ba magtutulungan kung hindi tayo hindi ba?" She's so kind that I can't help myself stare at her. Even the moon couldn't resist her beauty that night. Tumayo ako at hindi ko napigilan ang aking sarili. My left hand were on her neck while my right hand is on the side of her face. Slowly, I move my head towards her and kissed her...on her lips. The feeling is new to me. Parang may malamig na bagay na dumampi sa labi ko at nagbigay ng nakakakiliting sensasyon na dumaloy sa buong pagkatao ko. It is tasteless yes... but it gives signal on my mind to want more. Pero bago ko naisagawa iyon ay naramdaman ko ang pag-freeze niya. Is it also her first time? Lumayo ako ng isang hakbang sa kaniya. "I-i'm sorry. I wasn't thinking," natatarantang wika ko pero hindi siya sumagot. "Kris...are you okay?" "C-can you t-take me home?" utal na utos nito. Tulala pa siya ng ihatid ko at hindi rin kami nag-usap habang nasa daan kami. "Kris, I'm sorry." I said when we reached their home. "Sorry for what?" tanong nito sa akin. My forehead wrinkled. "Sa K-kiss?" nahihiyang turan ko. Tumango siya. I don't know what that means. Nagmadali siyang pumasok ng gate. Galit kaya siya sa ginawa ko? "Ano kasing naisip mo at ginawa mo 'yon?" bulong ko sa aking sarili. I slapped my face. "Ouch!" Ang sakit pala. I shook my head at isinuot ulit ang helmet ko. I'd better leave. Umuwi nga ako at doon sa kwarto nagmukmok. Naisip ko ang halik na iyon. Lumapit ako sa salamin na naroon. "What have you done Evan," kausap ko sa repleksyon ko sa salamin. Kapag naalala ko ang halik na iyon ay napapangiti ako. Parang nawala lahat ng problema ko sa buhay. Lahat gumagaan. Nahiga ako at hinawakan ko ang bibig ko. Sh*t it keeps bothering me. I close my eyes. Itutulog ko na lang lahat ng ito. Maya-maya pa ay pumikit ako ngunit, ilang segundo lang iyon dahil gumuguhit na naman lahat sa alaala ko. Her soft lips locked by my lips. Agh! Tumagilid ako. This is supposed to be nothing gaya ng mga napapanuod ko sa t.v na wala lang after they kissed. Bumaliktad ako nang higa. I have to sleep para makapasok ako bukas. I stared at the ceiling. Nakipag- eye to eye ako roon para mabilis akong makatulog. But, it doesn't last a minute dahil naiisip ko na naman ang halik na iyon. Napapangiti pa ako na parang tanga. Umupo ako sa kama at kinuha ang unan. Ipinalo ko ito sa mukha ko. "Forget it! Forget it!Forgeeet it! Evan!" sigaw ko. Napalakas yata ang sigaw na iyon at narinig ni Mr. Alcantara. Binuksan nito ang kwarto ko. "Are you okay?" tanong niya sa akin. My bed is all messed. "Yah! Yah! I'm great," sagot ko and smiled. I show him all my teeth. However, that smile fades after niyang isarado ulit ang pinto. I guess I'm going crazy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD