Chapter 16

2116 Words
Kris' POV Mabilis akong pumasok ng kwarto. I leaned on the door for seconds. Kinapa ko ang bibig ko. Ganito ba talaga kapag first kiss? Ang gaan ng pakiramdam ko at parang gusto kong lumipad. My heart beats fast as well. Ang saya ko na hindi maintindihan. Lumapit ako sa higaan at nagpatumba roon. I stared at the ceiling. How dare that Evan stole my first kiss! Ngunit, bakit imbes na magalit ay parang natutuwa pa ang puso ko? Ganito rin kaya ang pakiramdam niya? Sa gabing ito natulog akong may ngiti sa labi. -- "Uy, Kring. Ano nagkausap ba kayo ng pinsan ko? Naitanong mo ba kung bakit hindi siya pumasok kahapon?" tanong sa akin ni Sheen habang kumakain kami ng lunch sa canteen. Kaming dalawa lang ang naroon kasama si Jecca. She's not wearing her big glasses anymore. Sakto na rin ang uniporme sa katawan nito. Lumabas ang tunay na ganda niya. Mabalik tayo kay Evan. Hindi na naman kasi siya pumasok sa klase namin. Kahapon ay wala rin siya. Sa sobrang pag-aalala ko sa kaniya ay gusto ko na siyang tawagan kagabi pero nilamon ako ng hiya. Mabuti na nga lang at naisipan nitong unang tawagan ako. Nakiusap siya kung pwede kaming magkita. Dala ang motor niya ay pumunta kami ng park at doon ko nasaksihan ang pag-iyak niya. Hindi ko naman akalaing hahalikan niya ako roon. "Kring? Hoy!" Sheen wave her hand in front of me. "Are you okay?" "Ah... oo," sagot ko. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. "Are you sure? Eh bakit ka tulala diyan?" Itinuro niya ako gamit ang tinidor na hawak niya. "Namimiss mo siya no?" tukso nito. Inilapag nito ang kubyertos niya sa plato at tinusok-tusok ako ng daliri niya sa tagiliran. "Sira! Hindi no," tanggi ko at iniwas ang gilid ko sa kamay niya. "Nagkausap nga kami kagabi e." Tumigil siya sa panghaharot niya sa akin. "Iyon naman pala e. Ano raw sabi? Bakit hindi siya pumasok?" "Hindi ko naitanong e. All I know is that parang ang laki ng problema niya Kring. Hindi ba magpinsan kayo? Ibig sabihin dapat alam mo ang nangyayari sa buhay niya?" Napalunok siya. Kinuha nito ang baso ng tubig at ininom ito. "Magkwento ka naman tungkol sa kaniya Kring," pakiusap ko. "Uy, interested," tukso ulit nito sa akin. I defended myself. "Hindi ah. Gusto ko lang naman kasing malaman." "Okay, dahil mapilit ka ikukwento ko sa'yo ang buong pagkatao niya. Pero 'wag mong sasabihin sa kaniya na ichinismis ko ha baka tsinelasin ako nun." Itinaas ko ang kanang kamay. "Promise." "Okay, papamagatan natin ang kwentong ito ng My Legendary Cousin," paunang kwento niya. Nagkamot ako ng ulo. "Bakit Legendary?" usisa ko. "Legendary kasi he is a famous part-timer. Alam mo ba na maraming trabaho iyang pinsan ko at sa lahat ng trabaho niya sikat siya roon bilang gwapo at masipag siyempre." "Ah. Kaya pala. Marami nga talaga siyang trabaho dahil nakasalubong ko siya minsan sa mall at nagtatrabaho rin daw siya roon maliban sa cafe na pinuntahan natin." "Uh huh! Can you believe it? Marami na siyang trabahong napasukan," Nagsimula itong magbilang gamit ang daliri niya. "Maintenance, delivery boy, cashier, taekwondo trainer, cook, bell boy, waiter and so on... that made him the Legendary Evan." "Ah..." Iyon lang ang tanging nasabi namin ni Jecca dahil hindi namin alam kung anong irereact namin. "Bakit nga pala siya kumakayod? Nasaan ba ang mga magulang ni Evan?" tanong ni Jecca. Nagulat naman kami ng may tumikhim sa gilid. "Ahemm." Tumingin ako sa kararating lang na taong iyon at natagpuan ko si Evan. Bagong gupit ito. Wala na ang bangs nito sa harap ng noo niya dahil undercut ang gupit nito na kitang-kita sa kaliwang parte ng ulo niya at ang bangs naman nito ay sinuklay papuntang kanan. Mas lalo siyang gumwapo. "Did I just heard my name?" tanong nito sa amin. Inilihis ko ang tingin ko sa kaniya nang sulyapan niya ako. Naalala ko ang first kiss namin. My cheeks feels like they are burning. Sana lang hindi niya mahalata ang pagblush ko. "Nagkwentuhan lang kami Ban," sagot ni Sheen. "Bakit kasi hindi ka pumasok kahapon at kaninang umaga?" "Marami kasi akong inaasikaso," sagot nito at naupo sa gilid ko. Pang-apatan ang mesang iyon at bakante ang nasa gilid ko kaya pumwesto siya roon. Habang nasa tapat sina Sheen at Jecca. Kinuha nito ang inorder kong tinapay at kinain iyon. "Hoy! Bakit mo naman kinain ang tinapay ni Kris?" saway ni Sheen sa kaniya. Mas lalo pa akong nakaramdam nang hiya dahil iba ang rumehistro sa akin sa pagkakasabi nun ni Sheen. Hindi naman ito nagpapigil at ipinagpatuloy lang ni Evan ang pagkain sa tinapay na iyon. Hindi pa nakuntento at kinuha ang nasa platito ni Sheen. "Ano ba yan! Kinain mo na nga iyong kay Kris, kukunin mo pa ito," saway ulit ni Sheen sa kaniya. Pinitik nito ang kamay ng pinsan niya dahilan upang bitawan niya ito. "Ang kulit mo a, iyong kay Kris na lang kasi ang kainin mo!" I bit my lip. Iba talaga ang naiisip ko 'twing naririnig ko si Sheen. "Excuse me." Nakayuko akong nagpaalam muna sa kanila. "Restroom lang ako." Kinuha ko ang bag ko at dali-daling pumunta sa banyo. Nasalubong ko pa sa daan ang babaeng sumabunot sa akin at sumunggab ako sa kaniya. "Aray! Watch where you are going b***h!" aniya habang nagsalubong ang kilay nito. Ngunit, nang mamukhaan ako nito ay kaagad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Oh, ikaw pala." She cleans my uniform right on my shoulder. Animo'y nagpagpag ng alikabok. "Be, careful next time dear," wika nito. Weird! Dumiretso na ako ng banyo at naghilamos. Bakit nga ba ako nandito sa banyo? Para maghilamos o para umiwas sa kaniya? "Krissa de la Vega, akala ko ba matapang ka?" tanong ko sa sarili ko. I wiped my face with my own handkerchief. Nagsimula akong magpulbo at magliptint. Inayos ko ng konti ang buhok ko at ngumiti sa harap ng salamin. I reached for my bag at lalabas na sana ako ng may humarang sa akin. Napasandal ako sa dingding sa sobrang gulat. "Para sa akin ba ang pagpapaganda mong 'yan?" tanong ni Evan sa akin. He put both his arms on the wall at ikinulong ako roon. He smirked. "You're so beautiful Ms.de la Vega," aniya. "What are you doing?" palag ko sa kaniya. "Paraanin mo 'ko." "Paano kung ayaw ko?" Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi nito. "Edi pasensyahan na lang tayo dahil tatamaan ka sa'kin," matapang na sagot ko. Anong akala niya sa akin mahinang nilalang na hindi kayang ipagtanggol ang sarili? Hindi ako nagpakita nang kahinaan sa kaniya. Unfortunately, he never listened. Inilapit pa nito ang mukha niya sa akin dahilan upang gumalaw ang kamay ko. I try slapping him pero nahawakan nito ang kamay ko. He pinned me upang hindi na ako makagalaw. "Let me go!" sigaw ko sa kaniya habang nagpupumiglas. He moves his face closer into mine. Dahil wala na akong magagawa ipinikit ko na lang ang mga mata ko. I waited... Ngunit, ilang segundo ang lumipas ay walang labing dumampi sa akin. Ibinukas ko ang talukap ng aking mga mata. He's gone? Para akong tanga na nakadikit sa dingding ng comfort room. Luminga-linga akong kung may taong nakakita sa akin. Mabuti na lang at ako lang ang naroon. Inayos ko ang sarili ko at bumalik kina Sheen. Wala roon si Evan. Saan kaya siya nagpunta? "Sinong hinahanap mo?" tanong ni Sheen sa akin. "W-wala. wala," sagot ko at muling umupo sa kanila. Mabuti na lang at wala na roon si Evan dahil baka kainin na naman ako ng pagkailang ko sa kaniya. Ano ba kasi talaga ang balak niya sa akin? "Kring..."bulong ni Sheen sa akin. "H-ha?" bulalas ko. "Sabi ko tara na at kailangan na natin bumalik ng classroom. Okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala a. May nararamdaman ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Sheen. Kung pwede ko lang sanang sabihin na oo, ramdam ko ang sobrang hiya kapag kaharap ko ang pinsan mo. Kaso hindi pa nasisira ang ulo ko para sabihin sa kaniya iyon. "Wala," sagot ko. Isinuot ko ulit ang bag ko at sumunod sa kanila. Pagpasok namin sa kwarto ay natagpuan ko si Evan sa ibang upuan. Nasa gilid ito ni Jecca. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa upuan ko. Pumasok na ang instructor namin sa classroom at nagsimulang maglecture. Hindi ko naman nada-digest ng mabuti ang mga leksiyon nito sa utak ko dahil kung hindi ko naaalala ang halik na iyon ay ang mukha naman nito ang nakikita ko. I glanced at him. Aba ang magaling na lalaking iyon imbes na makinig sa guro nakipag-kwentuhan pa kay Jecca. Hindi ba pag-aaral ang pinunta niya rito? Masamid ka sana ng laway mo. Hindi ko alam kung bakit ako nanggigigil. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa harap. Sakto naman na may tumingin sa akin na classmate ko. Oliver yata pangalan niya. Nagwave ito sa akin. He smiled. Nakahanap ako ng panlaban. I smiled back at may kasama pang flying kiss. "I hope he is watching this," bulong ko. Umirap ako at muling binigyan si Oliver ng magandang ngiti. "Hi," wika nito nang pauwi na kami. "Hi," tipid na sagot ko. Hindi ko naman akalaing seseryosohin niya ang ginawa ko kanina. "I'm Oliver. But, you can call me yours," banat nito at kumindat pa sa akin. Natawa ako sa ginawa niya. Makikipag-kamay na sana ako ng biglang dumaan si Evan sa mismong gitna naming dalawa. Mukhang naiinis ito. Hindi namin siya pinansin at patuloy kaming nag-usap. "Sorry ha. But, I'll rather call you Oliver," wika ko sa kaniya. "Okay lang!" mabilis na sagot nito. "Can we be friends?" Inilahad nito ulit ang kamay niya. "Oo naman," sagot ko sa kaniya. "Good, saan ba ang bahay niyo at ihahatid na kita. I got my own car." Iwinagayway nito ang susi sa ere. Bago pa man ako makasagot ay may humila sa akin. "Aray! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kaniya. Medyo malayo-layo na kami kina Sheen. Marami na ring estudyante ang nasa hallway. Malamang tapos na rin ang klase nila. Binitiwan nito ang kamay ko. "Tapos ka na? At talagang papatulan mo ang lalaking iyon ha?" galit na tanong nito. "Anong pinagsasabi mo ha? At bakit galit na galit ka?" naiinis na tanong ko sa kaniya. "Wala!" "Wala naman pala e! Bakit mo pa ako hinila papunta rito? Nababaliw ka na siguro," naiinis na wika ko at hahakbang na sana pabalik kina Sheen. Ngunit, may pumigil ulit sa'kin. "Ano ba talagang prob..." Natigil ang sasabihin ko dahil paglingon ko ay si Matthew na ang may hawak ng kamay ko. Where is Evan? Lagi na lang siyang nawawala bigla. "M-moks ikaw pala," usal ko. "Ako nga. Sino ba kasing kausap mo?" tanong nito. Luminga-linga ako para hanapin si Evan. "W-wala," tipid na sagot ko. "Bakit parang galit ka? May kaaway ka ba?" muling tanong niya. "Wala moks," pagsisinungaling ko. "Mabuti nga at nandiyan ka na. Tara uwi na tayo," anyaya ko sa kaniya. Sumang-ayon naman siya. Kinuha nito ang bag ko at siya na raw magbibitbit. Paglabas namin ay wala pa roon si Mang Edwin kaya naabutan kami nila Sheen. "Kring! Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. "Bakit? May nangyari ba kanina?" sabat ni Matthew. Sumenyas ako kay Sheen na hindi na muna magsalita at mukhang nakuha na naman ito. "I mean Kring... are you okay riding home with us?" pag-iiba ni Sheen. " Hindi ba sabi mo kanina kami na ang maghahatid sa'yo?" Napangiwi ako. "Sinabi ko ba 'yon?" tanong ko. "Oo hindi ba?" My brows met. Hindi ko naman alam na ito ang sasabihin ni Sheen. She looked at me as if saying that I should go with the flow of our conversation. "Ah! Oo. Sinabi ko nga iyon." I said while staring at her. "Oo kasi. Okay lang ba Matthew if sumabay na siya sa amin pauwi?" pakiusap ni Sheen sa kaniya. "Ahm. Sige basta dumiretso kayo sa pag-uwi ha," paalala niya kay Sheen. Pagdating ni Mang Edwin ay nagpaalam na ito sa akin. "Diretso uwi ha," sigaw pa nito bago umalis ang sasakyan. Tumango lang ako. Dumating naman ang sundo ni Sheen. Pumasok na kami ng sasakyan. Nasa back seat kaming dalawa. "Now tell me! What's was that earlier?" seryosong tanong niya sa akin. "H-ha?" naguguluhan na tanong ko. "About you and my legendary cousin?" Pagkasabi niya noon ay saka ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin. "Bakit parang galit siya kanina sa'yo nang hilahin ka niya? Kayo na bang dalawa?" sunod-sunod na tanong nito. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD