Chapter 14

2023 Words
Evan's POV "Ban, okay lang ba ikaw muna ang maglinis nito?" tanong ng lalaking kasama kong part-timer. Itinuro nito ang paninda sa harap ng counter. "Magrerestock lang ako." Nandito ako ngayon sa Hudgens's Convenient Store. Apat kaming nagtatrabaho rito pero naka-sick leave iyong isa. Iyong isa naman pang morning shift kaya dalawa kaming nagdu-duty ngayon. "Oo naman!" sagot ko at kinuha ko ang pamagpag ng alikabok na kanina'y hawak niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya binati ko ang pumasok. "Good evening!" masiglang bati ko. I am wearing my white plain tees paired with rugged black pants and rubber shoes. Nakasumbrero rin ako na provided ng store, asul ito at gayundin ang blazer na may logo na H.C.S (Hudgens Convenient Store). Marami na ang branches nito pero dito ako nagpadeploy malapit sa apartment ko. Para hindi na ako gumastos ng pamasahe. Tatlong lalaking naka-mask ng itim ang nabungaran kong pumasok. Nakasumbrero rin sila ng itim. Ang isa ay naka-leather jacket pa. Sabay-sabay silang lumapit sa akin sa counter. Nasulyapan ko naman ang isa sa kanila na may kinuha sa likuran nito at tinakpan ng jacket. "'Wag kang kikilos ng masama, holdap to!" deklara ng naka-leather jacket habang itinututok nito sa akin ang kung ano sa jacket nito. "Nagtanong ba ako?" walang ekspresyon na tanong ko. "Aba, pilosopo ka a," sabat naman ng isa. "Nasaan' ang pera?" "Aba malay ko," I answered. Nagtinginan silang tatlo. "Mukhang hindi naman natin ito mapapakinabangan pare, patayin na lang natin to," wika ng naka-leather jacket. Sumang-ayon naman ang dalawa pang kasama nito. "Boss, baka pwede naman nating pag-usapan 'to," pakiusap ko. "Ako na lang ang inaasahang gwapo ng mga tropa ko. Kung papatayin niyo ako. Paano na lang sila?" paliwanag ko sa kanila. Hindi sila nakinig bagkus ay binuksan nila ang counter at inilabas ako roon. Hinila nila ako ng hinila hanggang sa malapit na kami sa pinto. Nakita naman kami ng lalaking kasama ko roon. "B-ban? Anong nangyayari?" nanginginig na tanong nito. Kinuha nito ang cellphone at tila may tatawagan. Mukhang hihingi ng tulong. "'Wag!" sigaw ko sa kaniya. "Let me handle this!" Pagkasabi nun' ay kinuha ko ang kamay ng lalaking suot ay leather jacket sa balikat ko at mabilis siyang pinatumba. Lumaban naman ang dalawang pang kasama niya. Nang aktong susuntukin ako ng isa sa kanila ay hinila ko ito gamit ang kamay niya ng ubod lakas kaya siya ay tumilapon. Isa na lang ang natitira sa kanila. Kinuwelyuhan nito ako ng ilang segundo at nagtinginan kaming dalawa. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Nang magsawa siya sa kakatingin sa akin ay ibinaba nito ang kwelyo ko at niyakap ako. "Ay! Ano ba 'yan ang daya," reklamo ni Kenji, siya ang naka-leather jacket. Pinagpag nito ang jacket niya. "Oo nga e, halos mabunggo na ako sa salamin e," sabat naman ni Jo. "Bakit, hindi ko naman sinabing gagaya ako sa inyo di'ba?" Zandy answered. Napangiti ako sa kanila. Lumapit si Kenji sa akin at piningot ang dibdib ko. "Ikaw! Ba't hindi ka nagpapakita sa amin ha? Akala mo matatakasan mo kami?" aniya at diniin pa ang kamay nito. "Sh*t! Ang sakit pre!" pinalo ko ang kamay niya hanggang sa bitawan niya ako. "Oo nga bro, hindi ka na namin nakikita a. Akala ko ba mag-aaral ka sa H.U?" tanong ni Zandy. "Nag-aaral naman ako a. Sadyang malaki lang ang school na iyon kaya hindi tayo nagkikita-kita. Iba naman kasi ang kurso niyo sa akin," paliwanag ko. Kenji, Zandy and Jo are my close friends mula pa noong high school. Ang totoo niyan ay hindi talaga ako kasali sa grupo nila kaso noong tinambangan sila ng mga bullies nakita ko sila at tinulungan. Isang nakakatakot na enkwentro rin iyon dahil may naglabas ng kutsilyo sa kalaban. Mabuti na lang ay nakita ko agad ito at naagapan ang pagkasaksak kay Kenji. Simula noon ay tinanggap at tinuring na nila ako bilang isa sa kanila. Kenji is the naughty one. Zandy is a father type while Jo is the innosent one. Kenji loves wearing leather jackets. Superstar ang laging pormahan nito. Si Zandy naman kaya ko nasabing father type of a friend kasi siya ang laging mahilig magbigay ng advice sa amin. Idagdag pa ang gusto niyang laging nasa tama sila. He often wears simple tees and pants. Si Jo naman ang inosente at torpe. Sabi niya mas pipiliin nitong makasama ang pagkain buong gabi keysa babae. He usually wears polo shirts na bumabagay sa mukha nito. "Minsan kasi dumalaw ka rin sa department namin," wika ni Zandy. "Kapag may oras bro," sagot ko naman. Pinaupo ko muna sila sa mesang naroon sa loob ng convenient store at kinuha ulit ang pamagpag ko ng alikabok. Kung hindi lang kasi dumating itong mga kaibigan ko marami na sana akong nalinis. Namataan ko naman ang kasama kong part-timer nakatayo pa rin doon sa kinatatayuan niya. "Hoy!" I snapped my fingers. Kumurap-kurap siya. "Anong nangyari sa'yo?" "W-wala Ban. Akala ko kasi totoong mga holdaper," sagot nito. Tumawa ako at hinawakan siya sa balikat. "Sorry ha. Ganun' lang talaga magbiro ang mga kaibigan ko but, they are harmless," paliwanag ko sa kaniya. "Sige na, bumalik ka na ng stock room." Ginawa naman nito ang sinabi ko. Kinuha ko na ang pamagpag sa alikabok at lumapit sa mga kaibigan ko. "Bakit nga pala kayo nandito? 'Wag niyong sabihing tatambay lang kayo rito ha? Bumili naman kayo," engganyo ko sa kanila. Iniwan ko muna ang ginagawa ko at kumuha ako ng tig-iisang cup noodles. Nilagyan ko ito ng mainit na tubig at isinerve sa kanila. "Wow!" wika ni Kenji. "Libre ba ito bro?" tanong nito. "Masaya kayo. Siyempre babayaran niyo 'yan. Ang yaman-yaman niya tapos kuripot." "Hayss. Hindi ka pa rin nagbabago," ani ni Zandy at kinuha ang isa sa cup noodles na iyon. "Hindi ko tatanggihan ito siyempre," sabi naman ni Jo. "Kumain lang kayo. Marami pa iyan doon. Siyempre pagkatapos niyong kumain anong gagawin?" "Babayaran namin," sagot nilang tatlo. Iyon kasi ang lagi kong sinasabi sa kanila. Hindi kasi ako nanglilibre lalo na at alam kong kaya naman nilang bilhin. "Mamaya ka na magtrabaho bro. Maupo ka muna rito kasama namin," aya ni Kenji. Umupo naman ako sa tabi niya. "Bakit? Anong meron?" usisa ko. "Hanggang kailan ka magtatrabaho rito?" tanong ni Zandy. "Umuwi ka na kasi sa pamilya mo. Mahirap kayang may tinatakasan. Baka hindi magtagal pagsisihan mo pa iyan." Tumawa ako. "Kanino niyo naman narinig na tumakas ako?" "Kay Kenji," sagot nilang dalawa. Mas humagalpak pa ako ng tawa. Ibinaling ko ang tingin sa kumakain na si Kenji. Sandali itong tumigil. "Bwaakket?" tanong nito dahil puno ng noodles ang bunganga nito. Nang malunok na nito lahat ng noodles ay muli itong nagsalita. "Assumptions ko lang iyon bro. Kasi naman ang tagal na nating magkaibigan hindi mo pa rin kami dinadala sa inyo. At wala ka ring naikukuwento sa amin tungkol sa pagkatao mo o magulang mo man lang," usisa niya sa akin. "Hindi kaya isa kang alien?" I smirked. "Kahit kailan talaga ang lawak ng imagination mo e." "Bakit nga ba ayaw mo pa ring sabihin sa amin? " tanong naman ni Zandy. "Hays! I already told you guys may tamang panahon ang lahat...at hindi pa iyon ngayon. I hope you understand. I trusted you guys but, let me keep this one muna? Okay lang ba?" "Okay, wala naman kaming magagawa e. Basta pinapaalala lang namin nandito kami para sayo men," ani ni Zandy. "Alam ko naman e. Ang drama a. Tigilan na nga natin to. Magtatrabaho na ako. Baka pagalitan pa ako ng boss namin e," paalam ko sa kanila. "Hoy! Bayaran niyo 'yan ha," paalala ko sa kanila. "Sayang! Akala pa naman namin makakalimutan mo na. Dapat kasi kinausap pa natin siya ng matagal e," biro ni Jo. "Hindi niyo ko madudugas. Hala! Ubusin niyo na 'yan at magsilayas na kayo," utos ko sa kanila. "Ang harsh pare parang di tayo kaibigan." ani Jo.. "Oo nga e," rinig kong sagot ni Kenji. Ganito na kami matagal na. Kabisado na namin ang ugali ng bawat isa kaya hindi na kami nasasaktan sa mga masasamang salita na lumalabas sa bibig namin. Kinuha ko naman ang pamagpag ng dumi at nagsimulang maglinis ulit sa counter. Ilang minuto rin akong naglinis ng may dumating na lalaking kostumer. "Magandang gabi," bati ko sa kaniya. Lumapit ito. "Pabili ngang yosi," utos nito kaya dali-dali akong pumasok ng counter at kumuha ng yosi. Ngunit, nang iabot ko ito sa kaniya ay namukhaan ko ito. Ngumisi siya. Alam kong namukhaan niya rin ako. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon o," aniya at inilagay ang kamay sa beywang nito. "Sa lahat ng makikita ko rito, ikaw pa talagang hayop ka." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Kunware ay hindi ko siya kilala. "Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ikaw ang sumipa sa mukha ko noong unang araw ng klase. Iyong kasama ng babaing 'yon!" mariing wika nito. Umakto ako na parang wala talaga akong alam. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," turan ko. "'Wag mo akong gawing tanga. Hindi ako mabilis makalimot ng mukha lalo na kung kaaway ko. Bakit? Nababahag na ba buntot mo?" kutya niya sa akin. Wala akong balak patulan siya kasi nasa trabaho ako. Mukhang narinig naman ng mga kaibigan ko ang usapan namin. Wait, Al..Albert! Oo iyon yata ang pangalan ng lalaking 'to. "Anong nangyayari dito?" seryosong tanong ni Kenji. Naalarma naman ang lalaking iyon ng makita sila. "Ano? 1 versus 1 na lang. Baka matapang ka lang kasi may kasama ka," banat pa nito. "Ano sa labas? Tayo lang dalawa," hindi pa rin nasisindak na aya niya sa akin. Talagang gusto niyang makatikim ng sapatos ko ngayon. "Albert? Albert tama?" pagkaklaro ko sa kaniya. "Habang may oras ka pwede ka pang umatras at bawiin ang mga sinabi mo. Baka magsisi ka," banta ko sa kaniya. "Hindi ako natatakot sa'yo kung iyan ang iniisip mo," sagot naman nito. Dahil sa sinabi niya ay wala akong nagawa kung hindi ay pagbigyan siya. Mapilit e. Lumabas kami ng store. Hinubad ko ang blazer at cap ko para naman kapag may nangyaring demandahan ay labas ang pinagtatrabahuhan ko roon. "Bro, sigurado ka ba?" pag-aalalang tanong ni Zandy. "Ako pa talaga tinanong mo bro. " Naglakad na kami papuntang likuran ng store kung saan walang tao. Sumunod lang ang kaibigan ko sa akin. "O isang libo para sa humahamon," rinig kong sabi ni Kenji. Ginawa ba naman kaming pustahan. Ano kami manok na pinagsasabong? "Sira!" wika naman ni Jo. "Ayaw mo bahala kayo, isang libo rin to," dagdag pa Kenji. "Sige, kay Evan ako," ani ni Zandy. Mga traidor! Ginawa talaga akong pustahan. Ibinaling ko ang tingin ko kay Albert. Nagwarm-up pa ito at nagpakitang gilas sa harap ko. Hindi pa nakuntento at nagpush-up pa ng ilang beses. Naghintay lang ako kung kailan siya preparado. Pero hindi ko inaasahang tatraidurin niya ako dahil bigla niya akong sinuntok dahilan ng pagdugo ng labi ko. I wipe my lower lip with my thumb. I clenched my fist. Magalaw siyang kalaban kaya kalmado akong naghintay ng pagkakataon. Nang makakuha ako ng saktong tiyempo ay ginalaw ko ang paa ko at hinataw sa panga nito. Blag! Natulog siya ng wala sa oras. Namilog ang mga mata ng kaibigan ko sa nakita nila. Mabilis namang hinablot ni Zandy ang isang libo sa kamay ni Kenji na ayaw sana nitong bitawan dahil hindi pa ito nakapag-get over sa ginawa ko bago sabay-sabay kaming tumakbo papasok ng store. "Bro, anong gagawin natin sa kaniya?" nag-aalalang tanong ni Jo. "Let him be, it's his fault afterall," wika ko at isinuot ulit ang blazer at cap. Bumalik na akong trabaho at pinauwi ko na rin ang mga kaibigan ko. Iyon ang nakukuha ng mga kumakalaban sa akin. Kung hindi natutulog ay nagkakapasa ang mukha. Dapat kasi inisip muna ng Albert na iyon kung sino ang kinakalaban niya. Hindi ko rin natiis ang Albert na iyon kaya binalikan ko siya. Natutulog pa rin ito sa likod ng store. Kinapa ko ang bulsa niya at kinuha ang cellphone nito. Mabuti na lang at walang password. Naghanap ako sa contacts at dumial ng kung sino at pinasundo siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD