Chapter 4

2030 Words
Evan's POV Ramdam ko ang mga titig niya pero binalewala ko lang iyon. Hindi ko sukat akalain na magka-klase pala kami. Dito siya pumwesto sa gilid ko dahil iyon lang ang bakanteng upuan sa loob ng classroom namin. Dapat magbunyi siya dahil gwapo ang katabi niya. Inilahad nito ang kamay niya at nagpakilala ngunit hindi ko iyon tinanggap. Hindi naman sa maarte ako, hindi lang talaga ako nakapag-hugas ng kamay dahil sa sobrang pagmamadali kanina. Nagkataon kasi na nasa banyo ako ng panlalaki nang makarinig ako ng isang sigaw. Ako naman itong si tanga na mabilis pa sa alas-kwatro na tinungo ang pinanggalingan 'nun. Natagpuan ko nga ang may-ari ng boses na iyon sa isang malawak na espasyo sa likuran lang na parte ng comfort room ng mga lalaki. Bumungad sila sa akin--ang isang babae na animo'y pinagti-tripan ng tatlong lalaki. Nakumpirma ko nga iyon ng kinausap ko sila. Minaliit pa nga ako ng mga mahihinang nilalang na iyon pero sila naman ang kaagad bumulagta nang maglaban na kami. I hissed. Ang isa nga sa kanila ay naduwag pa at kusang lumuhod. Kung gaano kalaki ang katawan niya ay kabaliktaran ang laki ng tapang nito. What can they do to a person who mastered self-defense anyway? Pagkatapos ko silang labanan at nabawi na rin namin ang cellphone na ugat ng lahat ay naisip kong magmadaling bumalik sa classroom namin. Naroon na kasi ang babaing instructor namin bago ako umalis. Kasalukuyan siyang nagroll call nang magpaalam ako dahil ihing-ihi na talaga ako. Humingi ako ng permiso na lumabas muna at pinayagan naman niya ako. Kaya nang mabawi na namin ay cellphone ay mabilis kong tinungo ang kwarto namin at eksaktong pangalan ko na ang tinawag niya. Samantalang, sinundan naman ako ng babaing iyon. Akala ko nga nagkamali lang siya ng pasok sa sobrang buntot sa akin pero klasmeyt pala talaga kami. Kinulit niya ako nang kinulit pero wala siyang napala. Numero uno pa naman sa listahan ng pinaka-ayaw ko sa babae ay madaldal. "Krissa de la Vega?" tawag ng instructor. Mukhang nasa 30's na si Ma'am pero maganda pa rin. Maiksi ang maitim na buhok nito at mayroong salamin. Nagtaas ng kamay ang babaing iyon at masiglang sinabi ang "Present". Bilib din ako sa kaniya e. Parang hindi iniinda ang nangyari kanina at hypher pa. "Mayroon pa ba akong hindi natawag?" paninigurado ni Ma'am. Wala namang sumagot kaya itiniklop na nito ang kanina'y tinitingnan na parang log sheet at inilagay ang sign pen sa ibabaw nito. Tumayo siya at inayos ang uniporme saka pumwesto sa pinaka-sentro ng classroom. "I am Ms. Sonia Villaflor and I will be your teacher in Understanding yourself," mahinahong paliwanag nito. "You heard it right understanding yourself...so, what is self?... and what are the factors that influenced our self? Ano ang kahalagahan ng pag-unawa natin sa ating sarili?... Lahat ng ito ay matututunan ninyo sa subject ko. We will also discuss the different views of pilosophers regarding self at mga impluwensiya nito sa ating bansa," aniya habang palipat-lipat ang mga mata nito. Tahimik ang buong klase at nakapako ang atensyon ng lahat sa kaniya. Ako naman ay tutok din sa mga sinasabi niya dahil pakiramdam ko ay nakakapukaw ng interes ang subject na ito. "Pst. Anong pangalan mo?" Tiningnan ko kung sinong kumalabit sa akin at nagtama ang mata namin. Naningkit ang mata ko dahil inistorbo niya ako. Minsan nga lang ako naging interesado sa subject e. "Krissa right?" tanong ko sa kaniya. Kaagad siyang tumango tanda ng pagsang-ayon. "You don't know when to keep your mouth shut do you?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. She pouted her glossy thin lips. "Ang suplado nagtatanong lang naman e," reklamo niya. I acted like I don't care saka ibinaling ulit ang tingin kay Ma'am na nagdidiscuss pa rin. Tinawag na ni Ma'am Sonia ang pangalan ko kanina kaya imposibleng hindi niya natandaan ang pangalan ko. That will hurt my ego pag nagkataon. I know segway lang iyon para makausap niya ako. I know that tactic so don't me. Marami na kayang babae ang ganun ang ginawa. Ilang segundo rin ang ibinigay niya sa akin na katahimikan. "Pst. Thank you nga pala ulit," muling pangungulit niya sa akin. I bit my lower lip at tiningnan siya ng masama. Akala ko ay sapat na iyon para tumigil siya. Kaso nagkamali ako. "Ang sungit mo talaga," aniya at tila napalakas ang boses. "Mr.King and Ms. de la Vega, pwede bang mamaya na lang kayo mag-usap pagkatapos nang klase?" singit ni ma'am. Sabay kaming napalingon at saka ko lang napagtanto na naroon sa amin ang tingin ng lahat. I nodded saka inirapan ang babaing iyon. "It's your fault," pabulong kang sisi sa kaniya ng ipinagpatuloy na ni Ma'am ang discussion niya. "Luh? Nagpapa-thank you lang naman ako e. Anong masama 'dun?" depensa niya. "Bakit ba kasi ang sungit-sungit mo? Bakla ka ba?" Nag-init ang dugo ko sa narinig ko. Husgahan ba naman ang pagkatao ko dahil lang ayaw ko siyang pansinin. Halikan ko kaya 'to? "Watch your mouth Miss," banta ko sa kaniya. "Baka mas mapahamak ka dahil diyan." Napaismid siya. "Binabantaan mo ba ako?" tanong niya. "It's could be a threat but, it can also be a warning. Depende lang sa kung anong dating nang sinabi ko sa'yo," pagkakaklaro ko naman sa kaniya. "You two!" Napalingon kami sa seryosong si Ma'am. "You may have your conversation outside since you don't seem to take my class seriously so, I want you two to go outside this room...now!" utos ni Ma'am at itinuro pa ang pinto. Mahinahon ang pagkasabi nito pero may kasamang diin. Nangangahulugan lang na galit na siya sa amin. Naiinis akong tumayo at kinuha ang bag ko. Naglakad ako palabas ng kwarto. "Pahamak talaga ang babaing iyon," singhal ko. Dumiretso na lang ako ng canteen. Hindi naman ito gaanong malayo kaya't mabilis ko itong napuntahan. Wala pang gaanong estudyante kaya payapa ang paligid. Nang aakma ko nang ilalagay ang bag ko sa upuan ay may nagsalita. "Uy sorry," ani ng isang boses. Uminit ang ulo ko nang mapagtanto ang pamilyar na boses na iyon. "Pati ba naman dito?" dabog ko. "Hanggang saan mo ba ako balak sundan ha?" naiinis kong tanong sa kaniya. Natahimik siya ng ilang sandali. "Ahm. Hanggang sa kausapin mo na ako?...at tanggapin mo na ang thank you ko?...hanggang sa maging magka-IBIGan na tayo?" aniya at binigyang-diin pa ang IBIG. Hindi ko alam kong magagalit pa ba ako o matatawa pero aaminin ko nakuha niya ang ngiti ko sa huling sinabi niya. "Joke. Magkaibigan kasi," bawi niya. "Ewan ko sa'yo." Hinatak ko pataas ang bag at ikinabit uli sa balikat ko. Lilisanin ko na lang sana ang lugar na iyon at hahanap ng ibang tatambayan nang pinigil niya ako. Napatingin ako sa kamay niya nakakapit sa aking braso. "'Wag ka nang umalis, please," pakiusap nito. "Bitawan mo nga ako," utos ko sa kaniya. Pero hindi siya nakinig dahilan nang pagtaas ng dugo ko. " Ang aga pa nang trip mo a? Ano ba kasing problema mo ha?!" sigaw ko sa kaniya. Mabuti na lang talaga konti lang ang taong naroon. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa kakulitan niya. "S-sorry. Natatakot lang ako e ," aniya at hindi ko inaasahang umagos ang luha sa kanang mata niya. Doon ko lang napagtanto na baka may aftershock iyong ginawa sa kaniya kanina at nagkukunwari lang na matapang. Maya-maya pa ay humagulhol na siya sa harap ko. Iyak na may bahid nang takot. Iyak na nangangailangan ng kakampi. Number two pa naman sa listahan ng pinaka-ayaw ko ay ang makita ang babae na umiiyak dahil para akong nahahawa dito. Nalulungkot din ang puso ko sa bawat patak ng kanilang luha sa hindi ko malamang kadahilanan. Walang anu't-ano pa'y itinapon ko ang bag ko. Hinatak ko siya papunta sa aking dibdib at niyakap ko siya. Dibale na kung anong sabihin ng ibang estudyante na daraan o ng teachers na titingin o ng tindera na makikiusyuso. Ang mahalaga ay tumahan siya. I heave a deep sigh. Ms. Krissa de la Vega, why is it that I feel like you're my responsibility? Should I take you as my responsibility? Ilang segundo rin kami sa ganoong sitwasyon. "Okay ka na?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. Dinala ko siya sa lugar kung saan kami unang nagkita at kung saan ko siya buong tapang na ipinagtanggol. Hindi ko alam kung gagaan ang pakiramdam niya dahil sa pagdala ko sa kaniya rito. Naawa ako sa kaniya kanina sa canteen. Kasalanan ito ng mga bullies na iyon. Dahil diyan I will make them pay. "Sabi kasi nila you have to face your fear in order to overcome it. Kaya kita dinala dito para sabihin sa'yo na hindi mo dapat hayaang bigyan ka ng masamang alaala ng lugar na ito. Hindi ka dapat natatakot kapag naiisip mo ang espasyo dito. Kasi ang nangyari sa'yo kanina ay nagkataon lang," paliwanag ko. Naghanap ako nang mauupuan at sakto naman na may naroong upuan na pang-dalawahan. Parang sinukat para sa aming dalawa. Sabay kaming naupo roon at hinubad ang mga bag namin. "Sa tingin mo hindi na sila babalik? Paano kung balikan nila ako? Ikaw? Natatakot ako na baka anong gawin nila." Tumingin ang maamong mata nito sa akin. "'Wag ka nang mag-isip ng negatibo. Alam kong hindi na babalik ang mga iyon so calm yourself. Okay?" I said confidently. "Paano ka naman nakakasiguro? Baka nga ngayon naghahakot na sila ng mga kasama niya sa labas e. Paano kung tambangan nila ako sa daan? Baka hindi na ako makauwi ng probinsya. Paano na lang si Mama kapag nangyari iyon? Siguro ay kailangan ko siyang tawagan para kahit papaano ay makausap ko naman siya bago ako mawala sa mundong ito," walang katapusan nitong tanong. Tiningnan ko siya ng masama and smacked her head with my own hand. "Aray naman!" reklamo niya sa akin. "You're crazy. Kung anu-ano na lang ang sinasabi mo at idadamay mo pa talaga ang nanay mo ha. Sa tingin mo sasaya siya kapag nalaman niya ang lahat?" pangaral ko. Kaunting pangaral pa at magmumukha na akong tatay niya. "All you have to do for now is just trust me Kris." Hindi na siya nakipag-argumento pa sa sinabi ko. "Okay, sabi mo e. Ipagtatanggol mo pa naman ako kapag nakita ko ulit sila dito diba?" seryosong tanong niya sa akin. "It'll depend," preskong sagot ko. Sumimangot naman siya. Siguro ay hindi niya inaasahan ang naging sagot ko sa kaniya. Ipinako ko ang tingin ko sa kaniya at nag-isip. Nagtama ang mata naming dalawa. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya ng dahan-dahan. Iniatras naman nito ang mukha niya at sa hindi ko malamang dahilan ay pumikit siya. Ilang pulgada na lang ang layo ng labi ko sa kaniya. Napansin ko naman ang pagkapit niya sa kaniyang palda. I stretch one of my hand saka kinuha ang cellphone na naroon sa gilid niya. Nakapatong ito sa upuan. Saka ako nagtanong. "What are you doing?" Ibinukas niya ang talukap ng mata nito at napapeke nang ngiti. Tumikhim muna ito bago iniayos ang sarili. Hindi ako nagpahiwatig ng pakialam bagkus ay binuksan ko ang cellphone niya at nagdial dito. "Here!" Ibinalik ko ang cellphone sa kaniya. "If you have problem just call me." Tinanggap naman niya ito at tiningnan ang screen. "Superhero?" natatawang basa niya contact name na inilagay ko."Seryoso ka? tanong pa nito. "Bakit hindi? Ano ba tawag sa mga tagapag-tanggol ng naapi?" giit ko. "Tara na," aya ko sa kaniya at tumayo na. "S-saan?" nagtataka niyang tanong. "Sa second subject. Saan pa ba? Alangan namang mamasyal tayo sa gitna nang klase di'ba?" Sumang-ayon naman siya. "Malamang tapos na si Ma'am Sonia sa klase niya ngayon. Ayaw mo naman sigurong pati sa second subject ay absent ka? Ikaw kasi kung hindi ka sana nangulit e wala tayo sa labas ngayon," dagdag ko pa. "Sorry na nga e. Pwede bang patawarin mo na lang ako?" Kinuha ko ang bag niya at ako na ang nagdala nito. Nauna ako sa kaniya at sumunod naman ito. Habang naglalakad ay kinuha ko ang cellphone ko at nagdial. "Hello Mr. Alcantara, can I talk to you tonight? I wanted you to do something for me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD