Kris POV
“Tita!” sambit ko nang makita ang babaing nakapang-typical office suit. Maganda ito at maganda rin ang hubog ng katawan. Kung titignan ay magkasing-edad lang sila ni Matthew. Di pa rin talaga kumukupas ang ganda ni Tita Roxanne. Nasa South Korea ang asawa nito, minsan lang ito umuuwi dahil sa inaasikaso niya ang negosyo nila roon. Ang swerte talaga ni Matthew dahil mayaman ang pamilya nila. Nawala ang seryosong mukha ni Tita at napalitan ng malapad na ngiti.
“Bakit ang aga mo naman umuwi my,” tanong ni Matthew nang pababa na si Tita Roxanne at nakapambahay na ito. Nasa sala na kame at tapos na kaming kumain ni Matthew.
“Siyempre, alam ko na ngayon kayo darating kaya maaga ako umuwi. Iniwan ko muna sa sekretarya ang lahat para makasama kayo. Ayaw mo yata e. Halika nga baby ko.”
Lumapit si Tita Roxanne sa kaniya at nilambing ito. Bagay naman na pilit iniwasan ni Matthew.
“My hindi na po ako bata. Ano ba yan! Nakakahiya naman eh.”
Pilit niyang iwinawaksi ang braso ng nanay niya na nakapulupot sa balikat nito. Ang sweet talaga ni Tita Rox. Kumpara kay mama kalmado lang siya palagi kapag nagsasalita.
“Asus! Nahihiya ka pa. Para namang hindi alam ni Kris na ikaw ang nag-iisang baby ko. Ang laki na talaga nitong baby ko. Parang kaylan lang naghahabulan pa kayo nitong si Kris na walang underwear sa probinsya.”
Napangiwi ako.
“My naman huwag niyo na po sabihin. Ang sagwa po eh. Isa pa matagal na ho iyon. Sigurado naman akong nagpapanty na iyan ngayon,” saway nito sa nanay niya na may halong pang-aasar.
Nahalata naman siguro niya ang pagkailang ko kaya tumawa nalang siya. Sinamaan ko nang tingin si Matthew.
“Kaya nga e. Ang bilis talaga ng oras. Oo nga pala, kamusta ang mama mo Kris? Medyo matagal din kaming di nagkita e,” baling niya sa akin at tumabi na kay Matthew sa sofa .
“Maayos naman po, Tita. Sa katunayan po may tindahan na po siya ngayon na pinaglalaanan ng oras niya. May pinadala pala siyang pasalubong para sa inyo galing probinsya. Nasa maleta po kukunin ko muna.”
Aakma na sana akong tatayo pero pinigilan niya ako. “ Mamaya na hija. Dito ka muna.”
“Kaya naman pala ang bigat ng gamit mo kanina eh, " reklamo ni Matthew. “Sumakit tuloy balikat ko, may pasalubong ka pala di ka man lamang namigay.”
“Hindi naman kasi para sa'yo 'yon. Para iyon sa mommy mo no! Isa pa, pwede ka naman bumili nang nandoon ka pa eh.”
Pakiramdam ko may magaganap na naman na mainit na debate sa aming dalawa.
“Kahit na. Iba pa rin iyong galing sa iba. Kahit man lang pasasalamat sa pagbuhat ko ng mga gamit mo ano,” aniya. “Aray! Ayan masakit pa rin ang balikat ko. Kasalanan mo ito eh.” paninisi niya sa akin habang hinihilot kuno ang balikat nito.
“Ang arte mo!”
“Hindi ito arte. Alam mo ba kung gaano kabigat iyong maleta mo ha?”
“Oo kaya. Ako nagbuhat noon paakyat sa kwarto at kaya ko naman. Kaya 'wag mo ko artehan. Ke lalaki mong tao o baka naman di ka talaga lalaki?” banat ko sa kaniya.
Medyo mabigat naman talaga ang maleta ko. Pero kung ikukumpara ko naman ang lakas ng lalaki sa'kin mas magaan iyon para sa kanila.
“Hindi pa rin talaga kayo nagbabago,” sabat ni Tita Roxanne. Napatingin tuloy kaming dalawa sa kaniya. “Hindi na talaga kayo magkasundo. Baka naman mainlove kayo niyan sa isa't-isa. Sabe nga nila the more you hate, the more you love,” tukso niya.
Sabay kaming dalawa na umarteng nasusuka sa mga narinig namin.
“No! Yuck!” ani ni Matthew.
“Eww. Neever!” sagot ko naman. Kahit sa panaginip, hinding hindi ako magkakagusto sa mokong na
ito na may nunal sa ilong.
“Anyways, bukas darating iyong si Mang Edwin at Aling Jessa. Sila ang makakasama niyo dito sa bahay kapag wala ako. Si Mang Edwin ang maghahatid sa inyo sa school. Ikaw naman 'nak, huwag mo pababayaan iyang kababata mo at hindi pa niya kabisado ang buong Unibersidad. Maayos na lahat sabi ng sekretarya ko kaya papasok na lang kayong dalawa. Iyon nga pala na uniporme niyo ay nasa cabinet niyo na. Ngayon, ang hiling ko lang ay bawas-bawasan niyo ang bangayan niyo na yan ha. Matthew?”
Tumango lang naman siya. Nagpapasalamat talaga ako sa kaniya dahil sobrang bait ni Tita Roxanne sa'kin. Maliban na lang sa anak niyang may topak. Ewan ko ba! Mabait naman siguro si Matthew pero ang nakakainis lang ay hindi talaga mabubuo ang araw niya kapag hindi ako naasar.
Isang masayang hapunan ang nangyari sa gabi habang nagkukwentuhan kame ni Tita. Samantalang si Matthew naman ay panay titig lang sa aming dalawa.
“Nagustuhan mo ba iyong kwarto mo? Alam mo ba na si Matthew iyong nagrequest niyan. Ang gusto mo raw kasi ay…” naputol ang pagkukwento ni Tita nang sumali siya sa usapan.
“My naman,” sabat niya. Saka patuloy na kumain.
“Talaga po?” masiglang tanong ko. “Sabe niya kasi sa akin kanina ikaw daw po ang may idea na gawin ang ganoon. Aish. Napakasinungaling.”
“It’s his idea hija,” pagkukumpirma ni Tita. “Alam mo ba na sobrang saya niya noong makumbinsi ka niya na dito mag-aral. Alam mo naman maliban kay Valir ay ikaw lang ang kaibigan niya.”
Bigla naman na tumayo si Matthew. “Tapos na ako my, papasok na akong kwarto,” anito at tumalikod na sa amin. Sinundan ko naman siya ng tingin.
Hala! Okay lang kaya siya? Naiwan naman kaming dalawa ni Tita.
“Hayaan mo na siya Kris. Ganoon talaga kapag binata na,” pilyang biro ni Tita. “Sige kwentuhan mo pa ako ng tungkol sa probinsya,” nakangiting anyaya nito.
Mas nabusog yata ako sa kwentuhan namin keysa sa pagkain. Bago ako natulog ay tumawag muna ako kay mama. Namiss ko kasi kaagad siya pati ang ingay ng kulisap sa gabi. Ngayon kasi ingay lang ng aircon ang naririnig ko. Senyales ito na wala na talaga ako sa probinsya namin. Tatawagan ko pa sana si Matthew dahil namamahay ako pero baka asarin niya lang ako. Minabuti ko na lang magbasa sa isang reading app hanggang sa makatulog ako.
--------
Hudgens University
Late na ako. Kailangan ko nang tumakbo papasok ng room namin. Iniwan ba naman ako ni Matthew at ni hindi ako ginising. Mabuti na lang at alam ni Mang Edwin ang papunta sa school dahil nauna niyang inihatid ang kumag na iyon. Nasa hallway na ako ng dumulas ang cellphone ko sa kamay ko sa sobrang pagmamadali. Pupulutin ko na sana ito ng biglang may naunang kumuha. Parang isang scene sa pelikula na nagtama ang mga mata namin habang hawak sa magkabilaang-dulo ang cellphone. Siya na ba si Mr. Right?
“T-thank you.” sambit ko at ibinahagi ang matamis na ngiti sa kaniya. Nang makatayo na kami ay noon ko lang napagtanto na may kasama pala siya. Isang mataba at isang payat. Hindi naman siguro sila ang
tatlong bibe?
“Is this yours?” tanong ng lalaking singkit ang mga mata at may kaunting bigote. Sampung ligo pa at baka mahawig na siya kay Xian Lim.
Tumango naman ako. Ngumisi siya. “Well, get it! If you can!” anito na parang may ibang ibig ipahiwatig.
“Ha? Eh kung ibalik mo nalang sa’kin yan. Pwede? Late na ako eh,” pakiusap ko.
Umakto naman sila na hindi ako naririnig at pinagpasa-pasahan pa
nilang tatlo ang cellphone ko.
Kung siniswerte ka ba naman. Kung saan na ako late saka pa darating ang mga kumag na’to. Palayo na sila ng palayo habang tangay ang cellphone ko.
“Hoy!” sigaw ko.
Hindi pwede ‘to, kailangan ko iyon makuha. Pinag-ipunan pa naman
ni mama ‘yon para lang mabili. Sinundan ko sila nang sinundan hanggang makarating kami sa gilid ng isang building na hindi ko pa alam.
“Iyong cellphone ko! Ibalik niyo na!” sigaw ko sa kanila. “Kung wala kayong magawa sa buhay niyo, pwede ba ‘wag niyo na akong idamay!” sigaw ko habang tumatakbo. Bigla naman silang tumigil bagay na pinapasalamatan ko dahil pagod na ako kakahabol sa kanila.
“Ang tapang mo naman miss. Sumunod ka pa hanggang dito. Bago ka dito ‘no? Kaya hindi mo kame kilala,” ani ng lalaking unang nakapulot ng cellphone ko na akala ko si Mr. Right na. “Talagang hindi ko kayo kilala. Sino ba kayo?” tanong ko. Baka kasi pwede ko pa silang pakiusapan.
“Kami? Kami lang naman ang… “THREE BULLIES!” sabay pa talaga sila. Pumorma silang tatlo na parang mga gangster sa harap ko. Siyanga naman! Three bullies pala akala ko tatlong bibe.
“Ako nga pala si Albert, baka kasi isipin mo na ang bastos ko at hindi muna nagpapakilala. Ako ang lider nila at total andito ka na, sige nga, lumapit ka sa akin kung talagang gusto mo na makuha ‘to!” Albert pala ang pangalan ng lalaking may bigote. Iwinagayway nito ang cellphone ko sa ere.
“Kung hindi wawasakin ko ‘to!” dagdag pa niya. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito mula sa parang anghel hanggang sa mukhang tutubuan na ng sungay at buntot.
Ngayon ko lang naramdaman ang pagkatakot sa mga mukha ng lalaking ito, mukha kasing hindi gagawa ng mabuti. Ito ba ang sinsabe nilang bullies? Totoo pala talaga sila. Pero bakit ako pa? Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito? Ganito pala ang pakiramdam nang binubully. Parang gusto ko nang maiyak.
Lumapit ako ng kaunti saka naman ako pinalibutan nilang tatlo. Nanlilisik ang mga mata nila, senyales na maya-maya may gagawin na silang masama sa akin. Nakakaamoy ako ng panganib, pero kailangan ko talagang makuha ang cellphone. Aakma na sana silang hawakan ako ng biglang may nagsalita.
“Don’t you dare touch that girl or I’ll kill you!” maangas nitong banta
sa kanila.
Napalingon kame sa pinanggalingan ng tinig na iyon at tumambad sa akin ang isang lalaki. Mistiso at misteryoso ang awrahan nito. Mataas siya ng kaunti sa akin at disente tignan. Sa suot niyang uniporme ay nahulaan ko kaagad na iisang departamento kami.
“Oh! Isa ring newbie. Girlfriend mo ba ito? Kung sino ka man, ibalato mo na sa amin ang babaing ‘to. Isa pa, wala ka namang laban eh, tatlo kame at nag iisa ka lang. Isang pagkakamali kapag kinalaban mo kame. Kaya hangga’t may oras ka pa tumakbo kana, bata!” pagbabanta ni Albert. Hindi naman umalis ang miseryosong lalaking iyon, laking pasasalamat ko naman at hindi siya naduwag.
Ngumisi lamang ito. Nagmukha tuloy siyang action star sa pigura niya na nasa loob ng dalawang bulsa ang kaniyang kamay at mahinahong hinihintay lang na umatake ang kalaban niya. Astig!
“Clint, Biggy, hawakan niyo muna iyang babae at tuturuan ko muna itong batang ito. Mukha kasing kailang nang leksiyon e,” utos naman ni Albert.
Hinawakan naman ako ng dalawang lalaking iyon sa magkabilang-braso.
“Bitawan niyo ako. Mga manyak!” sigaw ko sa kanila. Pero hindi nila ako pinakinggan bagkus ay mas hinigpitan pa nila ang pagkakahawak sa akin.
“Mamaya na kasi, maghintay ka kapag bumulagta na iyong superhero mo. Tiyak bibitawan ka namin at si Albert na ang bahala sa iyo,” ani ng matabang may hawak ng kanang braso ko. Kung hindi ako nagkakamali ito si Biggy. Kasing obvious ng pangalan niya ang katawan nito.
“Sinong Albert?” tanong ng misteryosong lalaki.
Napatingin kaming lahat sa kaniya at nagulat ako nang makita ko na nakahandusay na ang leader ng mga lalaking ito. Paano niya napatulog ang Albert na iyon ng ganoon kabilis?
“Anong ginawa mo sa kaniya? Hayoop ka! Pagsisisihan mo ang ginawa mo,” sigaw naman ni Clint, ang payat sa kanila. Nagpakita ito ng the moves ng Kung fu pero dahil payat lang siya, isang pananggang sipa lang ang ibinigay ni Mr. Mysterious at bumigay agad ito. Pawis na pawis at seryoso namang lumapit si Biggy at… lumuhod.
“Sorry po, sorry po. Hindi na po mauulit,” anito na parang asong nabahag ang buntot. Parang gusto ko na matawa sa ginawa niya. Ang laking duwag naman pala nito.
“Get her phone,” utos ni Mr. Mysterious. Nanginginig naman itong kinuha ni Biggy sa bulsa ni Albert na tulog pa rin.
“Buti nga sa iyo,” bulong ko.
“Sa’yo ba’to?” tanong ng lalaking sumagip sa akin habang hawak-hawak ang cellphone. Tumango naman ako. Kinuha nito ang kamay ko at inilagay ang cellphone. Saka nagsimulang maglakad palayo sa lugar na iyon. Nakaramdam naman ako ng proteksyon sa katauhan niya.
“T-teka? A-anong pangalan mo?” pahabol ko na tanong sa kaniya pero hindi niya ako nilingon. Hinabol ko siya para magpasalamat pero habang nakasunod ako sa kaniya ay hindi siya umiimik.
“Sabi ko thank you sa pagligtas sa akin. Dahil sayo nakuha ko ulit itong cellphone ko, kung hindi lagot ako kay mama. Pinag-ipunan pa naman niya ito tapos kukunin lang ng mga asungot na iyon. Thank you talaga! Ang galing at napatumba mo agad iyong Albert. Pansin ko nga pala pareho tayo ng uniporme. Business Administration din ba kurso mo? Anong section ka?” pangungulit ko sa kaniya pero para akong nakikipag-usap sa hangin dahil ni isa sa tanong ko hindi siya nag-atubiling sagutin. Ano kayang problema nito? Di naman siguro siya bingi e no?
“Anong pangalan mo?” huling tanong ko.
“Evan King!” tawag ng instructor sa loob ng classroom.
“Present!” sagot naman niya at pumasok na. Sa sobrang daldal ko hindi ko namalayan ang dinaanan namin, napatingin naman ako sa pinto ng classroom kung saan siya pumasok.
BSBA1-1. SECTION 1?
WHAT! Eto iyong classroom ko. Kaagad naman akong sumunod sa kaniya at naupo ako sa gilid niya
dahil iyon na lang din ang bakante.
“Ako nga pala si Kris. Krissa De La Vega,” iniabot ko ang kamay ko tanda nang pagpapakilala pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin nito tinanggap. Ni hindi niya ako tinitingnan. Binawi ko na lang ang kamay ko at nagkunwaring nagpagpag ng dumi. Hmp! Kung hindi mo naman ako iniligtas hindi naman kita papansinin eh. Suplado! Swerte mo gwapo ka!