Kris' POV
Nandito ako sa clinic ngayon together with the boys. Evan is watching outside the window while Matthew is by my side.
Akala ko wala ng mas malala pa sa bullying na nangyari sa akin kaninang umaga. Meron pa pala. Hindi ko sukat akalaing susunod-sunurin ako ng malas sa araw na ito. I was about to see Evan that moment dahil tinakasan niya ako. Malas naman na hindi pala siya ang kinausap ko at iyon pa talagang may sabit.
Flashback
"Hindi naman siguro pwedeng lagi na lang tayong magkasama hindi ba?" giit nito sa akin habang nasa hallway na kami. Tapos na ang klase namin para sa umagang iyon at oras na para sa tanghalian. "Mamaya baka ano pang isipin ng ibang estudyante sa atin."
"Eh sige na please, wala naman akong ibang kakilala dito e. Paano kung dumating na naman ang tatlong 'yon?" I reached for his hands para magmakaawa pero iwinaksi lang niya ito.
Pakiramdam ko naiinis na naman siya sa akin.
"Binigay ko naman sa'yo ang numero ko hindi ba? Kapag nakita mo sila dito tawagan mo'ko. Ganoon lang ka-simple ang gagawin mo."
"Ganito na lang, kapag may nakilala na ako sa classmates natin saka na ako hindi lalapit sa'yo. Promise yan!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para maipakitang sincere ako sa mga binibitawan kong salita.
"Sigurado ka?" paniniguro niya. "Kapag may nakilala kang classmate natin?"
Sumang-ayon ako."Oo, kapag may kausap at kasama na akong iba malamang hindi na kita papansinin. Ang gusto ko lang naman kasi may makasama para hindi ako maligaw o ma-out of place dito."
Ngumiti siya sa akin. Ngiting mapaglaro dahil halos hindi na makita ang mata niya. Ngiting hindi mapapagkatiwalaan at mukhang may gagawing ikaka-sorpresa ko. Hinabol ko siya ng tingin sa saglit na umalis siya. Tumaas ang isang kilay ko.
"Bakit naman siya bumalik ng classroom namin? Ah... baka may naiwan lang," kumbinsi ko sa aking sarili.
Hinintay ko naman siya at pagbalik nito ay may kasama na siyang isang babae. Naningkit ang mga mata ko. Girlfriend niya kaya ito? Kaya ba ayaw niyang sunod nang sunod ako sa kaniya?
Ngunit, napapailing ako. Tindig at postura pa lang ay malalaman mo na talaga na siya ang tipo ng estudyante na anti-social. Introvert kumbaga. Malaki ang glassess na suot nito at kulot ang itim na buhok. Malaki rin ang suot na uniporme kumpara sa katawan nito. Malabo yatang ganito ang mga tipo niya. Pero malay ko ba kung iyon talaga ang gusto niya.
"Sino 'yan?" tanong ko habang napapakamot ako ng batok."Girlfriend mo?"
He laughed at nagsimulang magsalita. "Kris, meet Jecca classmate natin siya. Jecca ,this is Krissa. The one I am telling you na nangangailangan nang aruga ng isang kaibigan." I gritted my teeth sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang palakpakan sa sobrang talino nang naisip niyang paraan para dispatyahin ako.
"Ngayon may kakilala ka na. Siguro naman hindi ka na bubuntot sa akin di'ba? Hmmm?" He winked at me. Oo nga naman. Ngayon may kilala na ako sa classmates namin. Ibig sabihin lang pwede ko na siyang tantanan. I stared at Jecca, nahihiya itong ngumiti sa akin. Paglingon ko naman ay hindi ko na mahagilap ang magaling na lalaking iyon. Bilis a! May lahing Flash pala ang kumag na 'yon.
"Ahm. Je-jecca sorry ha. May kailangan pa akong sabihin kay Evan kaya hindi na muna kita maisasama ha. Pasensya na talaga and nice meeting you," paalam ko sa kaniya.
Mukhang hindi naman big deal sa kaniya ang lahat at tanging nahihiyang ngiti lang ang iginanti niya sa akin. I felt sorry for getting her into this but I don't have a choice. Mas kailangan ko ang magaling na Evan na iyon.
Ilang minuto pa ay natagpuan ko siya sa canteen. Nakatalikod at nakaupo na may kasamang isang babae. Kaya siguro ayaw niya akong makasama dahil ito ang talagang girlfriend niya. Naglakad ako papunta sa kanilang direksion .
"Ang galing mo talaga e no. Kaya ba ayaw mo akong kasama dahil sa kaniya? Ano bang ayaw mo sa akin ha? Pangit ba ako? Mabaho? Amoy lupa? Bakit ayaw mo akong kasama?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Biro ko lang naman sana iyon e. Ni hindi niya ako nilingon na kinainis ko naman. Hinawakan ko ang balikat niya at pilit na iniharap sa akin. Nang makaharap na ito ay namilog ang mga mata ko.
"Sabi ko na eh. Manloloko ka talaga Reymond!" sigaw ng babae na kausap nito. Maganda ito at mukhang mayaman. Sopistikada at may breeding.
"Babe, let me explain. Hindi ko naman kilala ang babaing ito e," depensa niya. Bumaling ito sa akin. "Miss, sino ka ba? Pwede bang sabihin mo sa girlfriend ko na hindi kita kilala," pakiusap nito.
"Ah...s-sorry. Akala ko s-si..." utal-utal kong sabi habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parang gusto kong lamunin na lang ng lupa sa sobrang kahihiyan.
"Ah talagang gusto mo pang pagtakpan ka niya?" Lumapit ang babaing iyon sa akin. Ang susunod na pangyayari ay lalong mas ikinagulat ko. "Hayop ka! Mang-aagaw!" sigaw ng babaing iyon. Hinila niya ang buhok ko at ako'y kaniyang kinaladkad. Nagsitayuan na ang ibang mga kumakain doon.
"Babe, tama na. "Wag ka nang gumawa nang eskandalo dito. Maraming tao o," awat ng lalaking iyon na napagkamalan kung si Evan. Animo'y nahihiya sa ginagawa ng kabiyak nito. Kahit nakayuko ako habang hawak ng babaing iyon ang buhok ko ay ramdam ko ang presensya ng maraming tao na naroon. Ang mga sapatos nila ang tanda na nagkumpulan na sila upang makitingin at maki-tsismis. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng buhok ka sa aking anit. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang naranasang masabunutan.
"Babe, tama na. Nasasaktan mo na ang tao. Bitawan mo na siya," awat pa rin ng lalaking iyon. Pero hindi pa rin mapigilan ang kasama nito.
"Wag na 'wag mo akong pipigilan Reymond. Kaya ba nakikipag-split ka na sa'kin ngayon? Dahil ba sa malanding babae na ito?" Dumami pa ang estudyanteng nakipanuod. "Pwes! Hinding-hindi kayo sasaya dahil ngayon pa lang sisirain ko ang buhay niya!"
"Ano ba 'yan, eskandalo agad. Unang araw pa lang ng klase a," rinig kong reklamo ng isang estudyante.
"Oo nga e. nakakawalang-gana kumain," sabat naman ng isa pa.
Marami pa akong narinig na mga usapan pero hindi ko masyadong maintindihan dahil sa sakit nang naramdaman ko sa ulo ko. Hindi ako nanglaban. Nang magkaroon ng pagkakataon ay itinulak pa ako ng babaing iyon sa sahig. Bumagsak naman ako at nasagi ko pa ang isang upuan kaya natumba ito. Napasigaw pa ang mga ibang estudyante na naroon at nanunuod.
"Sh** kawawa naman ang babaing iyan." ani ng isang estudyante.
"Bagay lang iyan sa mga mang-aagaw," pagbabara naman ng isa pa.
"Hindi mo pa nga alam ang lahat mang-aagaw na kaagad. Ang judgemental mo."
"Malay ko ba, hindi naman siya nagsasalita e. Malamang iisipin ng lahat na totoo ang mga paratang ng babaing iyan. Anak pa naman raw ng Dean iyan dito."
"Ano tumayo ka! Malanding babae ka!" sigaw ng babaing tumulak sa akin. Tumingin lang ako sa kaniya. Paano ko ba sasabihin na misunderstanding lang ang lahat? Nakita ko ang nag-aapoy na galit nito sa kaniyang mga mata. Sasampalin pa sana niya ako ng may pumigil sa braso nito.
Then, I saw him. My superhero.
"You're not that nice for a woman huh!" rinig kong sabi nito.
"Bitawan mo'ko! Sino ka ba sa tingin mo ha?!" Iwinaksi naman ni Evan ang kamay niya.
"Next time you'll do something to her I will not only make your life miserable. Expect the worst that I can do to you!" seryosong banta nito. Humanap ako ng makakapitan at pinilit kong tumayo para sana lapitan si Evan pero nandilim ang paningin ko. The next thing I remember is that I think I am carried by someone with familiar scent.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong walang malay. Nang buksan ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang puting ceiling.
"Am I in heaven?" sambit ko. Sapo ko ang noo ko.
Nagulat ako ng may nagsalita. "You're still in the school, i***t!" turan nito. Inilakbay ko ang paningin ko at natagpuan ko roon si Evan sa gilid ng bintana at nakatingin sa labas. Napangiti ako.
Kumbinsido na ako na darating talaga siya kapag kailangan ko siya.
Nang sinubukan kong bumangon ay may tumulong sa akin that was the time I realizes na naroon din pala si Matthew. That scent, naisip ko bigla. It was him who carried me on the way here. Masakit pa rin ang katawan ko kaya napakapit ako sa mga kamay niya.
End of flashback...
"The school nurse says you are fine," basag ni Matthew sa namayaning katahimikan sa amin."Medyo nahilo ka lang daw dahil sa pagkakasabunot sa'yo but, everything's fine. Now, speak!" utos niya. Alam kong gusto niyang marinig ang paliwanag ko.
"It was a misunderstanding moks," paunang explanation ko.
"Misunderstanding? Sobra-sobra naman yata ang ginawa niyang ito dahil lang sa isang misunderstanding!" galit na sabi nito."That b***h really needs a beating,"
"Moks, wala to okay?" alo ko sa kaniya. "Wag mo na akong isipin, kasalanan ko naman e. I never tried defending myself."
He heave a deep sigh. "Iyon na nga e. Ni hindi mo man lang dinepensahan ang sarili mo. Ano na lang ang sasabihin ni Tita kapag nalaman niya ito? Baka mamaya isipin niyang pinababayaan kita rito." Naalala ko si Mama.
"Moks please wag mo nang banggitin ito kay mama. Baka mag-alala lang siya," pakiusap ko sa kaniya. "Ayoko siyang mag-isip pa rito sa akin."
"Pero Kris, kailangan niya ring malaman ang totoo," giit nito.
"Why don't you just listen to her?" sabat ni Evan na nakatayo pa rin sa gilid ng bintana. He is crossing his arm like a cool guy. Nilingon siya ni Matthew. Nagtinginan silang dalawa at mukhang nagkaroon ng nagbabagang apoy sa pagitan nila.
"And who are you?" tanong ni Matthew kay Evan.
"You don't deserve to know it," sarkastiko namang sagot ni Evan.
Dahil sa narinig ay kaagad na tumayo si Matthew at sinunggaban siya. He pulled the collar of his uniform dahilan upang mas tumaas ang tensyon sa kanilang dalawa. Nataranta naman ako, kaya kahit masakit ang katawan ko ay bumangon ako sa kama at pinigil ko sila. I grabbed Matthew's arm na nakadikit pa rin sa kwelyo ni Evan.
"Matthew stop it! Bitawan mo siya!" utos ko sa kaniya. Mistula naman siyang bingi ng ilang segundo sa sinabi ko dahil naroon pa rin ang nag-aapoy niyang tingin kay Evan.
"Ang yabang mo a, sa tingin mo ba kakayanin mo'ko?" nanlilisik ang mata ni Matthew. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit. It creeps me seeing him like that. Para siyang ibang tao. Nanatili namang kalmado si Evan habang pigil nito ang hininga.
"Matthew...Matthew...look at me. Bitawan mo na siya. Please," huling pakiusap ko sa kaniya. Ibinaling naman niya ang tingin sa akin. Mabuti na lang at nakinig naman siya at patulak nitong binitawan si Evan.
"Sino ba kasi ang lalaking 'to Kris?" naiinis na tanong niya sa'kin habang itinuturo si Evan.
"Can you please calm down first? Kaibigan ko siya Matthew. Mag-classmate kami," paliwanag ko.
"Kaibigan? This jerk isn't that type na makikipag-kaibigan lang sa'yo na walang kapalit Kris. I don't want you making friends with him!" aniya na nilakasan pa upang marinig ni Evan.
"Woah! Wait lang ha. Wala tayong pinag-usapan na ikaw pala ang mamimili ng gusto kong maging kaibigan." sagot ko sa kaniya.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghakbang ni Evan.
"Where are you going?" tanong ko sa kaniya. Wala akong narinig na tugon galing sa kaniya bagkus ay dumiretso ito sa pinto ng clinic at lumabas. Tinapunan ko ng masamang tingin si Matthew at hinabol si Evan.
"Saan ka pupunta?" sigaw ko sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad kaya nagkaroon ako ng tsangsang lumapit sa kaniya. "Kung ano man ang narinig mo, it is just nothing. Siguro nasabi lang ni Matthew iyon dahil magkaibigan kami. He is just protecting me." I don't know why am I explaining to him. Ang alam ko lang pakiramdam ko nasaktan siya sa sinabi ni Matthew.
"I understand," maikling sagot nito. His expression is neutral. Alam kong hindi ito okay.
"You mean naiintindihan mo naman si Matthew hindi ba?"
"Sino ba ako sa'yo Kris?" Natigilan ako. Sino nga ba siya sa akin? Why am I feeling like I dont want to hurt him though we just meet?
"Ni hindi tayo magkaibigan," he added. "I am not who you think I am Kris. Kaya sa tingin ko tama ang kaibigan mo. You should stay away from me," malamig na sabi nito. "It's not a warning but a request. Please stay away from me. Kapag lumapit ka pa ulit sa akin baka nga...baka nga kung ano nang gawin ko sa'yo."
Pagkasabi noon ay tinalikuran na niya ako. Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Ano nga bang gagawin niya sa akin kapag lumapit ulit ako sa kaniya? Will he kick me like the bullies?
Bumalik ako sa loob ng clinic na masama ang loob.
"What do you think you're doing?" naiinis kong dabog sa harapan ni Matthew. "Anong karapatan mong diktahan ako kung sino ang pwede at hindi sa magiging kaibigan ko. That is beyond your responsibility as my friend!" sigaw ko sa kaniya.
"So, mas kinakampihan mo pa siya? Keysa sa akin na bestfriend mo?"
"Hindi iyon ganun Matt. How come that you are that insensitive. Hindi mo man lang naisip kong masasaktan mo iyong tao?"
"Insensitive na kung iyon ang tawag mo dun. Ang akin lang lalaki ako Kris, alam ko ang takbo ng isip ng mga kagaya kong lalaki. Besides, wala akong tiwala sa kaniya. Kaya makinig ka sa akin," he holds me on my shoulders. Pilit niya akong pinapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Paano pala kung hindi siya gaya mo mag-isip? Paano pala kung iba siya at hindi siya gaya mo?" He thinks for a while while staring at me. I guess what I've just said hit him.
Inilaglag nito ang kamay niya.
"That is nonesense. Can we just stop this argumentation? Kunin mo na ang bag mo at ihahatid na kita sa bahay. I'll tell mommy to excuse you this afternoon," mahinang utos niya sa akin.
Wala naman akong nagawa kung hindi ay sundin siya. Isa pa nararapat lang siguro na makinig ako sa kaniya dahil sila ni Tita ang tumutulong sa akin dito. Hinanap ko na ang bag ko at sumunod sa kaniya palabas ng clinic.