Chapter 17

2130 Words
Sheen's POV Nasa loob kami ng sasakyan ni Kring. I want her to explain everything kasi naguguluhan ang 99 percent ng utak ko. Nasa hallway kasi kami kanina at kinakausap nito ang classmate naming si Oliver ng bigla siyang kinaladkad ng pinsan ko at parang galit na galit ito. Marami pa namang estudyante ang nakakita ng ginawa ni Evan sa kaniya. "I don't know where to start Kring." She said while holding her head. Base on my observation and weighing of facial expressions, I really think that there's something going on between her and my cousin. "Start from the very beginning." I suggested. I reached for both her hands at pinisil iyon. "I'm here Kring, ready to listen. Ano ba kasing nangyayari sa inyong dalawa?" "Hindi ko rin alam Kring," nalulungkot na sagot nito. "Last night, we talked. Nasabi ko na sa iyo kanina sa canteen hindi ba? Tapos umiyak siya sa harap ko kaya kinomfort ko siya. Hindi ko naman ineexpect na..." "Na ano?" pigil hiningang tanong ko dahil binibitin niya ako. Ako na talaga ang dakilang chismosa ng taon. "Na..." "Sabihin mo na kasi may pa bitin-bitin ka pa e," naiinis na turan ko sa kaniya. "Na hahalikan niya ako," patuloy niya. She lowered her head as if she is being shy in front of me. Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Umakto ako na parang ipinaypay ang mga kamay ko sa aking mukha. "Wait...wait...woah! Hindi ko kinaya ang narinig ko. Papitik nga ako," utos ko sa kaniya. "Baka nagkamali ako nang dinig eh." Pinitik naman nito ang tenga ko. "Aghhhhhhhhhhhhhh. Yieeeeeeh!" tili ko at niyugyog siya. Sumabay naman ang buong katawan niya sa ginawa ko. Her head moved back and forth. Maya-maya pa ay tinakpan nito ang bibig ko. Pilit ko namang ikinalas ang mahigpit na kamay nito sa bunganga ko. "Pssshhhh!" saway nito sa akin. "Ang ingay mo! Ano ba 'yan." "Kasi naman e. Kinikilig ako sa inyo," wika ko at niyakap ang isang balikat niya. Iniharap naman niya ako sa kaniya. "Hoy! 'Wag na 'wag mong sasabihin ito kahit kanino ha! Lalo na kay Matthew. Kapag nalaman niya ito malamang isusumbong ako 'nun kay Mama. Malilintikan ako kapag nagkataon. Kaya please, make sure to keep this as our secret. Okay?" Umakto akong nagsasarado ng bibig. "Mouth zipped!" turan ko. "Pero bakit parang galit na galit siya kanina sa'yo?" Nalungkot ulit ang mukha niya. "Hindi ko nga alam Kring e. Hindi ko rin naman siya makausap ng matino kasi nahihiya ako 'twing lumalapit siya sa akin. Hays ewan ko ba," maktol niya. "I see. Kaya pala parang hindi ka mapakali kanina tapos tulala ka pa. Pero yieeeeee! Hindi pa rin ako makaget-over sa inyo," masayang wika ko sa kaniya. "Nacurious tuloy ako. Anong feeling ng first kiss?" "Hindi ko alam... I mean hindi ko maipaliwanag Kring," sagot nito. I pouted. "According to the article I have read, kapag nagkiss daw ang dalawang tao at first kiss nila ito iba-iba ang response ng katawan nila pero one thing is sure, it creates sympathetic nervous system arousal. Totoo ba ito? Did it make you nervous nang halikan ka niya?" Tumango siya. "Ibig sabihin totoo ang nabasa ko. Hindi ko pa kasi na-eexperience mahalikan e. Gusto ko tuloy itry para malaman ko ang response ng katawang-tao ko." I said. Binatukan niya ako. "Gaga. Ano iyon? Gusto mo magka-first kiss para lang sa experimentation?" singhal nito sa akin. "Bakit? First kiss, second kiss, third or last? Kiss pa rin iyon girl. Anong pinagkaiba nun?" welga ko sa kaniya. "Hays. Ang hirap kasi sa mga matalinong gaya mo akala niyo naiintindihan niyo lahat. Iyong first kiss, special 'yon. Lahat ng first special kasi iyon ang mga pangyayaring hinding-hindi makakalimutan ng kahit na sino," seryosong paliwanag niya. "Eh paano kapag nagka-permanent amnesia ang tao? Hindi pa rin niya makakalimutan?" pilosong sagot ko. "Ewan ko sayo! Iba naman kasing usapan 'yan Kring. Teka, bakit naman tayo napunta sa mga amnesia?" "Hindj ko nga rin alam e. Pero seryoso may nararamdaman ka ba para sa pinsan ko?" She paused for a moment at saglit nag-isip. "I don't know Kring. Ang alam ko lang lagi ko siyang hinahanap kapag wala siya. Naiinis ako kapag may kausap siyang iba. Pero nahihiya naman ako kapag pinapansin niya ako. Feeling ko nababaliw na ako." "Tsk!Tsk! Positive. Inlove ka nga sa kaniya Kring," kumpirma ko sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay niya. "What! Positive agad? Hindi pa naman ako sure Kring e. Paano kung hindi pala?" "Anong hindi sure?" usal ko. "Hindi pa ako sigurado Kring. Baka kasi nararamdaman ko lang ito dahil mabait siya, responsable, at siguro dahil na rin sa halik na iyon." "Hmmm. Okay. Total ikaw naman ang nakakaramdam Kring e. Siguro nga kailangan mo munang i-figure out ang lahat. Baka mamaya paghanga lang talaga iyan. Pero si Evan ba nagtapat na sa'yo?" naiintriga kong tanong sa kaniya. Never ko pa naman narinig na may niligawan ang pinsan ko. She shook her head. "Hindi naman niya sinabi sa akin ang nararamdamn niya e." "Hay naku! Mahirap 'yan Kring. Sa tingin ko kailangan niyo talagang pag-usapan muna ang lahat baka namis-interpret niyo lang ang isa't isa at umasa kayo. Ayoko pa namang dumating ang araw na hindi na kayo nag-uusap." Marami kasing ganoon sa magkakaibigan, na kapag naging magka-IBIGan at nagkahiwalay. Wala na! Tapon na lahat pati friendship. Hindi na nagkikibuan. Sa sobrang wili namin sa pag-uusap ay hindi namin namalayan na naroon na pala kami sa harap ng bahay nila Krissa. "Ma'am andito na po tayo," wika ng drayber ko. "Paano andito na tayo. Kung pwede lang sanang doon ka na lang matulog sa akin e." Pagkasabi noon ay nakaisip ako ng maraming ideas. I smirked. Pagkababa namin ay naroon si Matthew sa labas ng gate naghihintay. Nauna akong lumabas ng sasakyan. "Matt, andiyan ka pala," nakangiting usal ko. Bumaba naman si Kris ng sasakyan. "Oo nga pala Matt, pwede ko bang ipagpaalam si Kris? May group project kasi kami sa isang subject namin. E hindi pa tapos iyon. We need to think about the concept kaya kailangan ko si Kris sana. Okay lang ba? Doon na lang siya mag-over night sa condo ko?" "Anong sinasabi mo?" maang tanong ni Kris. Siniko ko siya at hinawakang mahigpit ang isang kamay niya. "Totoo ba 'to Kris?" Matthew said looking skeptical. "Ah...oo-oo. Malapit na kasi ang deadline nun' Moks," she said habang tinititigan ako ng masama. Ngumiti ang utak ko. Pati si Kris ay napilitang magsinungaling dahil sa'kin. "Okay. Pero kailangan niyo munang magpaalam kay Mommy. Para alam niya kung saan ka hahagilapin," wika nito. Bakas sa mukha niya ang pagtutol pero anong magagawa niya kung ako na ang nagplano? "Iyon lang ba?" tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ni Kring at hinanap ang numero ng Tita nito. Nakatingin lang si Kris habang isinasagawa ko ang sarili kong scheme. Pinindot ko ang pangalan ng mommy ni Matthew. Tita Roxanne ang nakalagay roon sa contacts ni Kris. Nang sagutin nito ay kaagad akong nagpakilala ng maayos bago ipinagpaalam si Kris sa kaniya. Sinadya ko itong lakasan para marinig ni Matthew. Mabait naman ang mommy nito dahil pinayagan niya agad si Kris. Nagpasalamat ako sa kaniya bago tuluyang pinatay ang tawag na iyon. "I guess we are settled here," nakangiting wika ko. Tumingin si Matthew kay Kris habang si Kris naman ay walang imik. "Mag-iingat ka roon ha," narinig kong paalala ni Matthew sa kaniya nang magpaalam siya rito. Nagdala siya ng pampalit na damit at isang pares ng uniporme para bukas. Inihatid ulit kami ni Matthew sa labas. "Para saan 'to?" tanong kaagad ni Kris ng nasa loob ulit kami ng sasakyan on our way to my condo. "Hindi ba sinabi ko na kanina pa. I need you for the concept of our group project." Binatukan niya ako. Nakadalawa na yata siya sa akin ngayong araw. Hindi bale mamaya naman ang ganti ko. "Gagi. Hindi mo ako maloloko. Si Evan na ang nag-isip ng concept natin remember? Now tell me! What is this about?" she asked while crossing her arms. "Hihi. Wala naman Kring. Gusto lang kitang makasama ngayon. Pagbigyan mo na ako," suyo ko sa kaniya at niyakap siya. "Hmp. Kung hindi lang kita kaibigan," payag niya. "Eh," niyakap ko ulit ang balikat niya. "Thank you Kring you're the best!" Nang makarating na kami sa condo ay tinulungan ko siya sa gamit niya. "Ikaw lang ba mag-isa rito?" tanong nito sa akin pagpasok namin. "Oo," sagot ko habang inilalapag ang backpack niya sa sofa. "Hindi ka ba natatakot?" "Hindi rin," sagot ko. Bakit naman kasi ako matatakot? "Dito ka muna ha. Maliligo lang ako," paalam ko sa kaniya. Pumasok akong kwarto at inilaglag ang bag sa kama. Then, I went to my glass-walled bathroom. Ilang minuto rin akong naglinis ng katawan. "Maligo ka na rin," utos ko sa kaniya at itinapon ang puting tuwalya pag labas ko ng kwarto. Tumayo naman siya sa pagkakaupo sa sofa habang dala ang towel na iyon. "Oo nga pala, baka may tumawag sa akin. Sabihin mo naliligo ako. Okay?" I nodded. Sino ba naman ang tatawag sa kaniya ng ganitong oras? Nang makapasok na siya ng kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko. Tinawagan ko si Evan. "Oh bakit?" kaagad na tanong nito. I acted like I'm in pain "Asan ka? I need you Ban. Inaatake ako ng allergy ko. Nakalimutan ko kasing allergy pala ako sa peanut e kumain ako kanina." "What! Paano yan? Sinong kasama mo dyan?" nag-aalalang tanong nito. Umubo ako kunware. "W-wala Ban. Ako lang mag-isa. C-can you buy me medicine for my allergy at dalhin mo na lang dito? Medyo nagka-rashes na kasi ako at pakiramdam ko hindi na ako m-makahinga." I felt like I'm enjoying being a liar. "S-sige. Hold on. Okay? I'll be there hintayin mo lang ako," turan niya "S-sige. Bumili ka na rin ng snacks and drinks ha," bilin ko. "Para saan naman ang snacks at drinks?" "B-basta. Dumiretso ka na lang ng kwarto pagdating mo. Okay? I'll leave the door open. Hindi kasi ako makagalaw." "Sige. Sige na, papunta na akong convenient store," aniya. Aaminin ko na it's kind of exciting pero kinakabahan ako. Nang pinatay ko na ang tawag ay dinala ko ang backpack na dala ni Kris sa kwarto. Dali-dali kong kinuha ang kandado sa cabinet kung saan naroon ang malaking flat screen na t.v. Ilang minuto pa ang nakalipas ay naramdaman ko ang pagpasok ng pinsan ko. Nagtago ako sa ilalim ng sofa para hindi niya ako makita. Pigil ang paghinga na gusto kong tumawa sa mga pinag-gagawa ko. "Sheen, andito na ako," wika nito. Nang pumasok ito ng kwarto ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at isinarado ang pinto. Kaagad ko itong kinandado sa labas. Narinig ko pa ang sigaw ni Kris. "Sh*t! Anong ginagawa mo rito?" "Ikaw anong ginagawa mo rito? Condo ito ng pinsan ko at pinabili niya ako ng gamot dahil may allergy siya. Sh*t!" Mukhang nahulaan agad nila ang plano ko. Sabay silang kumatok sa loob. Sinubukan nilang buksan ang pinto ngunit hindi sila nagtagumpay. Nakita ko pa ang pag-ikot ng doorknob ng ilang beses. "Sheen, buksan mo ang pinto. I know it's your idea!" sigaw ni Evan at kinatok ang pintuan. "Kring, buksan mo ang pinto. Ano bang iniisip mo?" wika naman ni Kris. "Kring, ano ba? Open the door." "Sheen..." "Kring!" Hinayaan ko silang dalawa. Binuksan ko ang t.v at kumuha ng ice cream at pop corn. Mag-isa akong naupo sa sofa at nanuod roon. "Kring, ano ba?" rinig kong tawag ulit ni Kris sa akin. "I'm really sorry Kring. Gusto ko lang naman mag-usap kayo e," sigaw ko at tinaasan ang volume ng cartoon channel na pinapanuod ko. Sana magkalinawan na silang dalawa. Gusto ko lang naman silang tulungan e. To figure out what they should figure out. Para maging malinaw ang mga malabo. At masabi na ang mga nakatagong sasabihin. I really hope this plan works. Pero sa kabilang banda naisip kong sana hindi sila gumanti sa'kin. Kasi lagot ako kapag nagkataon. Bahala na si Batman! Bukas ko na lang iisipin iyon. Nang ilipat ko ang channel ay bigla akong inantok. Hindi ko na alam kung anong nangyari. When I woke up dali-daling kong binuksan ang kwarto ko to see what happened. OMG! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako dahil kakaiba ang pagtulog nilang dalawa sa kama ko. Both of their hands are stretch. Nasa mukha na ni Evan ang isang kamay ni Kris. Habang ang pinsan ko isang ikot na lang mahuhulog na. Kris envaded the space of the bed. Parang wala itong kasama sa higaan. Nakabukaka pa ang hita nito mabuti na lang at mahaba ang pantulog nito. Kawawa naman ang pinsan ko. But, they look cute as a couple though!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD