Kris POV
Nakakainis rin minsan si Matthew. Ano ba 'yan! Daig pa niya ang tatay ko sa sobrang higpit. Anong akala niya sa akin elementary? Speaking of Tatay walang ibang nabanggit si Mama tungkol sa kaniya. Ang sabi nito sumakabilang-buhay na ang Papa ko kaya lumaki akong hindi siya hinahanap. Nasanay na rin kasi akong walang ama. Pero nahihiwagaaan pa rin ako dahil ni litrato nilang dalawa ni Mama ay wala akong mahagilap. Baka ayaw lang ni Mama na maalala siya kaya ganun'.
Nagbihis na ako ng pambahay na damit at nahiga sa kama. Naalala ko si Evan. Naalala ko kung paano siya ngumiti. It is like watching a beautiful scenery. His eyes...hindi ko maexplain ang nararamdaman ko sa tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa. The way he took good care of me. Napapangiti ako kapag naalala ko ang lahat ng 'yon.
Natigil ang pag-iisip ko nanh marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. It's him.
"Hello? Napatawag ka?" kaagad na tanong ko.
"Namimiss lang kita."
Nag-init ang pisngi ko dahil sa sagot niya. Is he also thinking about me? Kaya niya ba ako tinawagan?
"Joke lang," bawi niya naman agad sa sinabi nito. Nalungkot ako bigla. Maaari kayang dahil umaasa akong totoo na lang sana ang sinabi niyang namimiss niya ako?
"Kaya ka ba tumawag para pagtripan ako?" singhal ko sa kaniya.
Bahagya itong natahimik bago seryosong muling nagsalita. "Pasensiya ka na, medyo nalulungkot lang ako kaya tinawagan kita."
Naisip ko tuloy kung kanino niya nakuha ang numero ko dahil hindi ko naman ito ibinigay sa kaniya at mas lalong hindi niya ito hiningi sa akin.
"Kanino mo nakuha ang numero ko?" pag-iibang tanong ko sa kaniya.
"Ay! oo nga pala. Hiningi ko ang numero mo kay Sheen. 'Wag ka nang magalit sa kaniya. Ako naman talaga ang nagpupumilit na ibigay niya sa akin e," paliwanag niya.
"Ah. Okay lang naman. Wala namang problema sa akin e," wika ko..
Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang segundo. Nakahiga pa rin ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Pero ayoko ring patayin ang tawag na iyon dahil sa kadulo-duluhan ng puso ko ay may nagsasabing gusto ko pang marinig ang boses niya.
"Hindi ka ba pinagalitan?" rinig kong tanong niya.
"H-hindi naman," maikling sagot ko.
"Mabuti naman. Ah Kris? Pwede ba magtanong sa'yo?"
Tanong? Is this it? Manliligaw na ba siya sa akin? Tinakpan ko ng kamay ang mga bibig ko upang hindi niya marinig ang ipit kong tili. Nanginginig pa ang kamay ko pati ang kalamnan. Kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan.
"Ah,oo naman." Naghintay ako ng sagot habang kagat ko ang ibabang labi ko.
"A-Ahm.Anong...anong favorite color mo?"
Ang kaninang ngiti ko ay napalitan nang pagkadismaya. Hindi ko akalaing paboritong kulay ko lang pala ang itatanong niya. Bakit hindi na lang niya itinext sa akin. Nagsayang pa siya ng oras at load.
"Ewan ko sa'yo! Iyan lang ba talaga itatanong mo? Edi sana itinext mo na lang para hindi sayang ang load mo," reklamo ko.
"Bakit bawal na ba itanong ang paboritong kulay mo?" sabat naman nito.
"Bawal!" sigaw ko at pinatay ang tawag na iyon.
Hindi ko alam kung bakit sobra ang inis ko. Siguro dahil umasa akong magtatapat siya o magtatanong kung pwede niya akong ligawan. Bakit kasi nag-assume ako agad. Tumawag siya ulit sa akin. Sinagot ko naman iyon.
"Bakit mo pinatay?" tanong nito.
"Eh wala ka namang matinong sasabihin e," kaagad na sagot ko sa kaniya.
"Matino naman ang tanong ko a," rason niya. "Pero sa totoo lang kaya ako tumawag kasi namimiss ko ang boses mo. Tsaka wala kasi akong makausap dito kaya okay lang ba ikaw muna ang tawagan ko?" Naramdaman ko ang lungkot sa boses nito kaya naintriga ako sa kaniya.
"Sige, wala ka bang ibang kasama diyan? Nasaan na ba ang mga magulang mo?" tanong ko sa kaniya.
"Mag-isa lang ako," sagot niya. Nakaramdam ako ng simpatiya sa kaniya.
"Mahirap ba ang mag-isa? Kaya ka ba nagtatrabaho sa cafe na iyon?"
"It's complicated Kris. Sasabihin ko na lang sa'yo sa tamang panahon ang lahat."
Complicated? Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang kwento ng buhay mo Evan? Mas lalo pa akong naengganyong malaman ang lahat sa kaniya.
"Sa ngayon mag-isa ako. I have to work for myself para matustusan ko ang mga pangangailangan ko. Pero kahit ganun' hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko na mag-isa. I have to learn standing on my own at sa tingin ko naman maayos kong naisasagawa ito," kwento niya.
Isa siyang independent thinker? Lalo pang dumagdag ang paghanga ko sa kaniya.
"Mabuti naman hindi ka nahihirapan. Siguro kapag ako nasa kalagayan mo baka sumuko na ako."
Totoo naman e. Kapag wala nga siguro ang suporta ni Mama at ni Tita Rox hindi ko alam baka nasa kangkungan ako ngayon.
"Noong una naisip ko rin iyan until I realized that life is like reaching my dreams, if I give up I will lose the opportunities on achieving that dream. Kaya kailangan kong magpatuloy no matter what, kasi mabigo man ako atleast I can still say that I've done everything I can. That way I will not regret the outcome kasi alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat. Ngayon kung hindi na natupad iyon ibig sabihin hindi na talaga para sa akin iyon," mahabang litanya niya.
"Tama nga naman," sagot ko.
"Pwede ba kitang makita?" tanong nito na ikinagulat ko.
"W-what do you mean?"
"Nandito ako sa labas ng bahay niyo."
"No way, pinagtitripan mo na naman ba ako?" naiinis kong sagot sa kaniya. Sino ba naman kasi ang maniniwala e kanina lang nito ako inihatid.
"Just go out," aniya.
Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kaniya. Para namang may enerhiyang tumulak sa akin na tunguhin siya sa labas.
"Evan kapag pinagtitripan mo lang talaga ako makakatikim ka talaga sa aki," bulong ko sa aking sarili.
Ngunit, laking gulat ko naman nang matagpuan ko siya sa roon sa labas. Hindi pa siya nakapagbihis at iyon pa rin ang suot niya. Hindi nga talaga siya nagbibiro. Binuksan ko ng dahan-dahan ang gate dahil ayokong malaman ni Matthew.
"Anong ginagawa mo rito?" kaagad kong tanong sa kaniya. Hindi na siya bumaba ng motor niya at nakabukas lang sa harap ang helmet nito.
"Gusto lang kitang makita," sagot nito at may iniabot na paper bag sa akin.
'Ano naman 'to?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Mamaya mo na tingan kapag nakaalis na ako," sagot niya.
"Sige na, baka lamigin ka pa," utos niya. Nakalimutan kong nakapambahay lang pala ako. Isang short na itim at sando ang suot ko.
Tumango ako at pumasok ng gate bago pa mapansin ni Matthew. Narinig ko naman na humarurot ang motorsiklo nito.
Dahan-dahan ulit akong umakyat papuntang kwarto at inilock ang pinto. Inilagay ko ang paper bag sa kama at naupo sa gilid.
"Ano kaya 'to?" bulong ko. Binuksan ko ang paper bag na iyon na selyado ng stapler at nakita ang isang 3D Figures naming dalawa.
"Super ganda! Bakit naman niya naisipang magpagawa nito? Mahal kaya to?"
Ibinalik ko muna iyon sa paper bag at itinabi sa gilid ng dressing table ko. Baka kasi makita ni Matthew at magtanong iyon.
Kinaumagahan..
"Magbihis ka may pupuntahan tayo," utos ni Matthew sa akin. Kakababa ko lang ng oras na iyon.
"Saan naman tayo pupunta?" nakapameywang kong tanong sa kaniya.
"Dahil gusto kong maging pamilyar ka rito ililibot kita," sagot naman niya.
"Talaga?" naeexcite kong tanong sa kaniya. Sa totoo lang ay gusto ko rin namang mamasyal sa lugar na iyon.
"Oo, kaya magbihis ka ng maayos," aniya.
Kaagad akong umakyat ng kwarto at hinanap ang casual dress ko. Pink ito at kahit simple ay elegante tignan. Ipinares ko ang puting rubber shoes ko na bumagay doon, naglagay din ako ng kaunting make-up sa mukha ko para hindi naman akong maputla tignan. Inayos ko rin ang straight na buhok ko at kinulot ko ito ng kaunti. Nang katukin niya ang pinto ng kwarto ko ay tapos a rin ako. Paglabas ko ay natulala si matthew sa akin.
"Ang ganda mo ngayon," usal nito.
"Anong ngayon? Matagal na," salungat ko sa kaniya.
"Ikaw na bahala. Tara na!"
Sumunod naman ako sa kaniya at nagpahatid naman kami kay Mang Edwin.
"Kuya, tatawag na lang ako kapag magpapasundo na kami ha," bilin ni Matthew kay Mang Edwin. Tumango naman si Mang Edwin.
Paglabas ko ng sasakyan ay nalula ako sa laki ng mall na pinuntahan namin.
"Wow moks! Ang laki naman nito," masayang wika ko sa kaniya.
"Medyo hinaan mo ang boses mo baka marinig ka nila," aniya. Ang tinutukoy niya ay ang mga taong naroon sa labas.
"Mamaya isipin nilang inosente ka," dagdag pa nito.
"Eh ano naman? Naappreciate ko lang naman ang laki ng mall na ito a," maktol ko. Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako. Akbay na may kasamang pagtakip ng bunganga ko.
"Kahit kailan talaga ang dami mong rason," wika nito at iginayak na ako sa loob. Mas lalo pa akong nalula ng nasa loob na ako dahil sa sobrang ganda roon sa loob.
"Play Zone muna tayo. Gusto ko maglaro e," aya ni Matthew.
Sumunod lang rin ako sa kaniya. Para akong aso na bubuntot buntot sa amo niya. Palibhasa ay hindi ko alam at kabisado ang lugar na iyon kaya kailangan kong mag-ingat at hindi malingat. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa makita ko ang isang area roon na may nakalagay na "Play Zone". Merong biniling ticket si Matthew bago ito tuluyang pumasok na sa loob. Walang katapusan naman ang puri ko sa lugar na iyon.
"Anong gusto mong laruin?' tanong nito sa akin. Wala naman akong maisagot dahil wala naman akong alam sa mga pwedeng laruin doon.
"Hindi ko alam," nahihiyang sagot ko. Saglit siyang nagisip at dinala ako sa ball shooting na medyo mataas lang ng kaunti sa akin, Sa una ay nag-aalinlangan pa ako hanggang sa masanay na ako.
"Ang galing!" wika ko ng maishoot ko ang isang bola sa unang pagkakataon. Hindi ko ito tinigilan hangga't hindi nkapagshoot ng pangalawa, pangatlo, pang-apat. Nawili ako roon. Tingin lang din ng tingin sa akin si Matthew sa kabila. Nainggit ako dahil lahat ng tira niya ay pasok na pasok.
"Basic!" pagmamayabang pa nito. Inirapan ko siya.
"Next, pumatay tayo ng Dinosaur?" aya niyang muli.
"Hindi ko alam iyon e," nahihiyang tugon ko.
"Basta tuturuan naman kita e," paninigurado niya bago ako hinila ulit.
Sumunod ulit ako sa kaniya. Tanging siya lang ang nakakapag-desisyon ngayon dahil wala akong alam dito. Swerte mo lang ngayon Matthew.
Noong una hindi ko alam kung paano laruin ang sinabi niya hanggang sa maintindihan ko ang konsepto nito. Kailangan kong hulihin ang mga Dinosaur.
Marami pa kaming sinubukang iba. Lahat ng nilaro namin ay inenjoy ko. Masaya naman kasi. Nakikita ko rin ang ngiti sa labi ni Matthew.
"Tara, nuod naman tayong sine." Hindi naman ako nito pinagsalita at tuluyang hinatak. Bumili siya ng dalawang ticket para sa aming dalawa at isang large size popcorn at drinks. Pumila na kami pagkatapos bumili ng ticket. Isang romance story ang panunuorin namin.
Hinanap niya kami ng upuan at naupo ako roon. "Ganito pala dito ang dilim," wika ko sa kaniya.
"Shut up at manood ka na lang," payo niya. Itinikom ko naman ang bibig ko. Malaking screen ang nasa harap at tahimik ang lahat ng tao. Kwento ng paborito kong artista ang pinanuod namin.
Sa una ay kinikilig ako sa istorya nila hanggang sa mapaiyak ako.
"Oh!" Ibinigay sa akin ni Matthew ang isang tissue na ipinahid ko sa luha ko.
"Salamat."
Nang malapit na ito matapos ay merong scene na maghahalikan sila. Napapikit ako. Pagmulat ko ay naroon na ang mukha ni Matthew malapit sa mukha ko. Mapungay ang mga mata nito.
"What are you doing?" tanong ko pero idineretso lang nito ang mukha sa akin. Hahalikan ba niya ako? Nang maramdaman ko na sobrang lapit na ay iniharang ko ang popcorn na hawak ko at itinago ang mukha ko dito.
Tinawanan niya ako.
"Naive!" banggit niya at bumalik sa pagkakaupo.