Matthew's POV
Akala ng Evan na iyon papatalo ako sa kaniya? No f*cking way! Ang lakas talaga ng loob niyang sunduin si Kris sa bahay. Kahit sa teritoryo ko pumoporma siya . Anong akala niya hindi ko napapansin?
Pagbaba ni Kris ng kusina ay kinausap ko siya. Dadalhin ko kasi siya sa mall. Gusto kong iparamdam sa kaniya na ako ang mas bagay sa kaniya at hindi ang Evan na iyon.
Bakas sa mukha niya ang saya ng pumunta kaming Play zone. Noong una nahihiya pa siya pero hindi naglaon ay hindi na siya maawat sa ball shooting.
Dinala ko pa siya iba't-ibang laro na ikina-enjoy niya. Nang mapagod kami ay hinatak ko siya sa sinehan. Isang romance movie ang pinanuod namin at ang paborito niyang artist ang gumanap. Iyon ang pinili ko dahil alam kong matutuwa siya. May sandaling nasusulyapan ko siyang umiiyak dahil sa pinapanuod namin. Ang babaw kasi ng luha ng babaing ito.
Nang malapit na matapos ang movie na iyon ay naisipan kong gayahin ang ginawa ng lalaking bida sa kissing scene nila. Ngunit, hindi ko inaasahan na iiwasan niya iyon at ginawang panangga sa bibig ko ang lagayan ng popcorn na hawak nito. Bumalik na lang ako sa pagkaka-upo. I tried stretching my arms para sana akbayan siya pero tumayo siya bigla. Tumigin ako sa harap saka ko napagtanto na tapos na pala ang pinapanuod namin.
"Ay tapos na?" tanong ko sa kaniya,
"Oo, ang ganda naman talaga ng story moks! Grabe, ang dami kong iniyak. Lalo na ng kailangan muna siyang iwan ng babae para umuwi ng Pilipinas. Tapos nang magkita ulit sila...ahhhhhhhh! sobrang nakakakilig moks," kwento niya habang hinampas hampas pa ako sa balikat.
"Makakwento ka para akong hindi nanuod a," reklamo ko sa kaniya. Lumabas na kami ng sinehan.
"Malay ko ba sa'yo kung anu-ano kasing inaatupag mo," litanya niya. "Akala mo ba hindi ko napapansin? Para saan iyong palapit-lapit ng mukha sa akin ha?"
"Wala, naisip ko lang," nagkamot ako ng batok.
"Naisip mo lang?" tanong nito at hinampas ulit ako. "Hoy! Matthew Darci hindi iyon biro. Sa susunod na gawin mo ulit 'yon masasaktan ka sa'kin," banta niya.
Tumahimik naman siya nang dumampi ang labi ko sa pisngi niya. Alam kong hahabulin niya ako kaya tumakbo ako palayo sa kaniya. Ilang segundo pa bago siya bumalik sa sarili niya.
"Hoy! Matthew!" sigaw niya sa akin. Hinabol niya ako. "Para saan iyon ha? Bumalik ka rito!"
Sinadya kong hindi magpahuli pero hindi ko naman siya iniwan dahil baka mawala siya. Nang maabutan niya ako ay piningot nito ang tenga ko.
"Aray!Aray! Tama na!" reklamo ko sa kaniya dahil mukhang wala itong balak lubayan ang tenga ko. Napapayuko pa ako dahil sa ginagawa niya. "Bitawan mo na kasi ako," utos ko sa kaniya.
"Ayoko nga!" tanggi niya. "Hindi ba sabi ko masasaktan ka sa'kin kapag ginawa mo 'yon?"
"Sige! Kapag hindi mo ako binitawan, hindi lang kita sa pisngi hahalikan sige ka!" banta ko sa kaniya.
Kaagad naman nitong binitawan ang tenga ko dahil sa narinig niya. Ayaw nga niya talaga mahalikan. Napangiti ako sa inakto niya. Naglakad pa kami roon at naghanap ng fast food. Mabuti na lang ay may nakita naman kami. Um-order ako ng spaghetti, chicken at float. Humingi na rin ako ng service water. Siya naman ang pinahanap ko ng upuan namin. Pagkatapos kong umorder ay hinanap ko siya, Marami na kasing tao ang naroon at ang iba ay nakatayo rin. Ilang segundo pa ay nakita ko siya sa gilid at kinakausap ng tatlong lalaking naroon sa isang mesa na nililinis na ng crew.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa mga lalaking 'yon nang malapit na ako sa kanila. Hindi naman sila kumibo at nagsitayuan lang para lumabas. Tinapunan ko sila ng masamang tingin.
"Tinakot mo naman sila," wika ni Kris sa akin. Malinis na ang mesang iyon at iniwan na kami ng crew kaya naupo na kami roon. Inilagay ko sa gitna ang numerong hawak ko at ang resibo ng binili ko.
"Wala naman akong ginawa e. Sadyang mga duwag lang talaga ang mga 'yon. Wag kang makikipag-usap sa mga katulad nila dahil baka pagkamalan ka nilang..." Natigilan ako at hindi ko na pinatapos ang sasabihin ko.
"Ano?" tanong niya.
"Wala. Basta huwag ka lang basta-basta magtitiwala agad sa mga lalaki," paalala ko sa kaniya. "Katulad na lang ng Evan na 'yon. Ibang-iba ang mga lalaki rito kumpara sa probinsya."
Tumingn siya sa akin. "Bakit na naman siya nasali sa usapang 'to?" wika nito.
"Wala naman. Wala kasi akong tiwala sa mukha ng lalaking 'yon Kris. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya sa tuwing lumalapit siya sa'yo" paliwanag ko.
Ipinatong nito ang siko sa mesa at ipinangko ang mukha niya sa palad nito,
"Siguro kasi hindi mo siya kilala. Pero kapag naging kaibigan mo siya alam kong magkakasundo kayo," wika nito. "Mabait siya Moks, napatunayan ko na 'yon dahil lagi ko siyang kasama sa school. Isa pa, pinsan siya ni Sheen kaya malamang iisang ugali lang rin sila. Mabait rin si Sheen kaya ko nga siya naging close friend e," paliwanang niya.
Ipagtanggol ba naman niya ang lalaking 'yon. I clenched my fist na naroon sa may hita ko. Sana hindi ko na lang binanggit ang asungot na iyon. Hindi kaya kung anu-ano na lang ang sinabi ng Evan na 'yon sa kaniya?
"Bahala ka. Ang akin lang paalalang kaibigan Kris. Wala naman akong ibang gusto kung hindi ay ang ikakabuti mo,"
Dumating naman ang order namin na isa-isang inilapag ng babaing crew. Habang ginagawa ito ay panay tingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Muntikan tuloy nitong matapon ang tubig na dala nito. Mabuti na lang nahawakan ko kaagad ang baso. Pagkaalis niya ay tumawa si Kris.
"Ayan! Nginitian mo pa kasi ayan tuloy kinabahan sa'yo," tukso niya sa akin.
"Hindi ko naman kasalanan e. Wala akong magagawa pinanganak akong gwapo," pagmamamayabang ko sa kaniya.
Sinuklay ko ng kamay ang itim kong buhok at umaktong nilawayan ang hinlalaki ko at pinahid iyon sa mga kilay ko. Nagpapogi ako sa harap niya. Wala naman siyang ibang reaksiyon kung hindi ay tumawa lang.
"Sira! kumain na nga lang tayo. Mukhang gutom ka na e," biro nito.
I reached for the drum stick part of the fried chicken at iyon ang una kong kinain. "Hmmm! Sarap!" wika ko.
Kumain na rin siya. Nagkwentuhan kami habang kumakain at hindi ko alintana ang oras dahil kasama ko siya. Kung pwede lang sanang habambuhay kaming ganoon. Kung pwede lang sana na kaming dalawa na lang. Pero hindi naman agad-agaran kasi kailangan naming umuwi. Matapos naming kumain ay dumaan ulit kami sa Play Zone. Kung ano pa ang ginawa namin para masulit ang araw na iyon. Pumunta rin kaming bilihan ng damit. Binilhan ko siya ng isang blouse na faded pink. Ayaw sana niya itong kunin kasi nahihiya raw siya pero pinilit ko siya.
"Miminsan nga lang ako magbigay sa'yo ayaw mo pang tanggapin. Magtatampo ako niyan," kumbinsi ko sa kaniya. Kinuha naman niya ang paper bag na iniabot ko sa kaniya at nagpasalamat ito.
"Ano uwi na tayo?" Aya niya sa akin. Uuwi na sana kami ng maramdaman ko na naiihi na pala ako. Pumunta muna kaming restroom ng lalaki. Sa labas naman siya naghintay dahil bawal siya roon sa loob. Kung gaano ako kasaya nang pumasok ako roon ay kabaliktaran ng nandoon na ako. Paano ay nakita ko na naman ang karibal ko.
"Bakit ka nandito?" kaagad kong tanong sa kaniya nang magsalubong kami. Mukhang palabas na siya.
"Ikaw pala," aniya. "Hindi mo naman siguro pag-aari ang lugar na ito para magtanong ka sa akin ng ganiyan?" Napangisi ako. Kahit saan at kahit kailan wala talagang pagbabago magsalita ang mayabang na ito.
"Bakit ? Hindi rin naman sa inyo to a para umasta kang ganiyan," wika ko. He looks at me and snitched.
"Bakit hindi mo subukang alamin?" kaagad namang tanong nito.
"I know you kaya hindi ako magsasayang ng oras para alamin. This is Hudgens Mall, ibig sabihin hindi sa inyo to, Evan King. Ang hari na walang ipinagmamalaking korona. Ang rinig ko pa nga isa ka lang ulila e. Mahirap bang mamuhay mag-isa?" kutya ko sa kaniya. I want him to get triggered.
"Hindi naman. Actually, I still get what I wanted beside being poor... and from that being said I literally mean EVERYTHING I WANT," mariing wika nito.
Para itong may tinutumbok at alam kong si Kris ang gustong ipahiwatig nito. Nakuyom ko ang kamao ko. He is always getting into my nerve.
Nakakainis!
"Don't push yourself too much baka sa sobrang tulak mo sa sarili mo ikaw pa ang matumba sa ginagawa mo," paalala pa nito at saka umalis. Naiwan akong kumukulo ang dugo sa kaniya. Sino ba siya sa tingin niya?
Paglabas ko ng restroom ay naghihintay pa rin si Kris doon.
"Uy moks, dumaan rito si Evan," balita niya sa akin. Mukhang ang saya niya.
"Oh? Anong sabi sa'yo?" wala sa mood na tanong ko. Malamang nag-usap na naman silang dalawa at kung ano na namang sinabi ng lalaking 'yon. Sobrang galing niya talaga magmanipula ng tao.
"Wala, nagtatrabaho rin pala siya rito. Ang galing no! Noong sabado nasa Hudgens' Cafe siya nagtatrabaho ngayon naman na linggo dito sa Mall. Pero hindi pa iyon ha. May ibang trabaho siya mamayang gabi pagkatapos rito. Sobrang busy pala niya tuwing weekends," masayang paliwanag niya.
Nakakainggit naman ang ngiting binibigay niya at dahil lang iyon sa Evan na 'yon. Ano ba kasi ang meron sa lalaking 'yon na wala sa akin? Di- hamak naman na mas gwapo ako sa kaniya.
"Hoy moks!" kalabit sa akin ni Kris. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.
"A-anong sabi mo?" tanong ko sa kaniya.
"Sabi ko uwi na tayo. Tawagan mo na si Mang Edwin."
"Ah. Sige sige."
"Okay ka lang? Ang saya saya mo kanina ngayon naman para kang nawalan ng buhay. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Napagod lang siguro ako Kris," pagsisinungaling ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa chest bag na dala ko at tinawagan si Mang Edwin. Habang nasa daan kami ay sa bintana lang ako nakatingin. Iniisip ang gagong iyon. Ang bilis niyang pinainit ang ulo ko kaya't hanggang ngayon naiinis pa rin ako.
Nang makarating kami ng bahay ay agad akong tinanong ni Kris.
"Moks, okay ka lang ba talaga?"
Tumango ako.
"Oo naman. Bakit mo naitanong?"
"Kasi biglang nagbago ang mood mo e. May nagawa ba ako?" tanong ulit nito.
"Wala rin. Gaya nang sabi ko kanina napagod lang siguro ako. Kaya 'wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Okay?"
"Okay. Salamat nga pala ha. Nag-enjoy ako ngayong araw, Moks. At thank you rin sa regalo mo sa akin. Kahit hindi ko naman birthday."
Hindi ko naman inaasahang iniangat nito ang mga paa niya at dumampi ng halik sa pisngi ko.
"Sige, aakyat na ako," paalam niya sa akin at nagsimulang umakyat papuntang kwarto.
Ilang segundo akong natulala dahil hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon. Ilang segundo pa bago ko maproseso ang lahat sa utak ko. Para naman akong tanga na napangiti.
"Ano ka ngayon, Evan?" bulong ko. I know she like me too. At hinding-hindi mangyayari na ikaw ang magugustuhan niya. Mabait lang talaga siya kaya ka niya pinatutunguhan ng maganda Evan.
Umakyat na rin ako at pumasok ng kwarto ko. Ang saya ng araw na ito. Grabe! Sa sobrang saya ay naisip kong magpatugtog sa maliit na speaker sa loob ng kwarto ko. Ikinonekta ko ito sa cellphone ko at nagpatugtog ng rock music.
Sinabayan ko ito. Woah! Hypher na hypher ako ng biglang may kumatok. Malakas na katok. Pagbukas ay tumambad sa akin si Mommy.
"Anak, anong meron sa kwarto mo?" usisa nito.
"Anong ibig mong sabihin My?" tanong ko.
"Minsan ka lang kasi magpatugtog, baka kako may babae ka diyan o barkada at nag-iinom kayo. Alam mong bawal 'yan dito," paalala ni Mommy.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Anong akala mo sa'kin My? Hindi na ba ako pwedeng magsaya?"
"Ah. Sobrang saya mo naman yata at pati ang speaker mo naalala mo na," panunukso nito. "Ano bang meron?"
"Wala ka nang pakialam dun My!" wika ko.
"Oo nga pala. Asan si Kris?" pag-iibang tanong nito. "Kamusta ang lakad niyo?"
"Nasa kwarto na po siya at okay na okay naman po ang lakad namin," sagot ko. "Sige na My, I need to go bye!" paalam ko at isinarado na ang pinto. Bumalik ako sa kwarto at sinabayan ulit ang kanta.
Eye of the Tiger by Survivor.