MATTHEW’S POV
Natulog na kaya siya? Malamang gigil na gigil na naman siya sa text ko. Hindi ko talaga maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang mukha niyang naasar sa’kin. HAHAHAHA. Mas nagiging cute kasi ang bansot na iyon kapag nagagalit.
“Ewan ko sayo mokong!” reply niya sa text ko.
Hayaan na natin siya matulog para naman gumanda siya kahit kaunti. Oo na! Ako na ang harsh. Anong magagawa ko kung ikinaliligaya ko ang pagkabadtrip niya? Anyways, kailangan ko na rin magpahinga. Ang bigat kaya ng mga bagahe naming dalawa, lalo na ang maleta niya. Ako ba naman ang magbuhat simula probinsya hanggang dito.
“Matt?” bulong ng kung sino.
Napabalikwas ako at nabigla nang makita ko si Kris. Ang ganda niya sa floral pink dress. Bagsak na bagsak pa ang mga brownish at hanggang likod niyang buhok. Nakakapang-akit ang mga mata niyang may pakurbang pilik-mata. Idagdag pa ang matangos at maliit niyang ilong. Ang manipis niyang labi ay nakakapang-engganyo. Ang sarap sigurong halikan iyon. Sa hindi ko malamang dahilan hinila niya ako at iniabot ang mukha niya sa’kin. Bagay na ipinagtaka ko.
“W-what do you think you’re doing?” tanong ko sa kaniya. “At paano ka nakapasok ng kwarto ko?”
“Kiss me.” mahinahong utos niya sa’kin.
“Seryoso ka ba?”
Tumango siya. Nararamdaman ko na parang may mali sa sitwasyong ito. Ano kayang brand ng katol ang nasinghot niya? Nakataas ang kaliwang kilay ko habang sinusuri ang kabuuan ng mukha niya. Naghanap ako ng pwedeng maging senyales ng prank pero wala akong makita. Bahala na nga. Siya naman ang may gusto at chance ko na ito. Bakit hindi ko pagbigyan di’ba? Sa tagal kasi naming magkasama ngayon lang siya naglakas loob na magrequest ng ganito.
“Wag ka lamang sanang magsisi Kris.” bulong ko sa aking sarili.
Ipinikit ko na ang mga mata ko upang isagawa ang nais niya. Sandali lang kailangan ko munang dumilat para siguraduhin kung hindi niya talaga ako ako pinagtitripan. Subalit, bigla ko siyang naitulak ng...
“N-nge. S-sino ka?”
Takot na takot akong dumistansya sa kaniya. Maliban kasi sa parang tumanda ang itsura niya, mas tumangos pa ng ilang inches ang ilong niya. Mukha tuloy siyang bruha. Gulong-gulo na rin ang buhok niyang kanina’y maayos. Para itong tinamaan ng isang-daang boltahe ng kuryente.
“Anong nangyari sa mukha mo? Ikaw ba talaga ‘yan?”
“Oo Matt. Ako ito si Kris.”
Napaturo pa siya sa sarili niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Ang layo kasi talaga ng mukha niya sa Kris na kilala ko.
“P-pero b-bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ko. Naguguluhan pa rin kasi
ako. “Isinumpa ako at tanging halik mo lang ang lunas para mawala itong sumpa,”
paliwanag niya habang unti-unting lumalapit sa akin.
Ano ito fairytale?
Mukhang masamang biro naman yata ito kapag nagkataon.
“Wag kang lalapit sa akin. Diyan ka lang!” banta ko sa kaniya. “Wag kang
lalapit. Okay?”
Paatras na sana ako para tumakbo pero tang *na huli na. Nahuli na niya ako at mahigpit na hinawakan ang mukha ko.
“Bitawan mo ako!” sigaw ko.
Nakakatakot ang matutulis at mahahaba niyang kuko na parang ilang taon din na hindi napuputol at nalilinis. Kailan pa siya naging burara? Parang may malakas na kapangyarihan naman na bumalot sa’kin at hindi ako makagalaw sa pagkakahawak niya. Nagpupumiglas pa ako pero di ko magawang kumawala. Nakapikit na siya at inilapit ang panget niyang mukha habang pinipilit ko na ilayo ang mukha ko sa kaniya. Hindi pwede to, hindi pwedeng ganito ka miserable ang first kiss ko. Mas hinigpitan pa nito ang hawak sa mukha ko at itinama ang mahabang ilong nito sa akin.
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!
“Moks andyan ka ba?” napabalikwas ako ng makarinig ako nang katok sa pinto. Malakas ito at parang nagmamadali. Ilang minuto lang yata ang lumipas ng makatulog ako. Sumagi agad sa isip ko na baka may nangyaring masama sa kanya, baka nauntog sa banyo habang naliligo o baka naipit ng kung ano.
Binuksan ko ng kaunti ang pinto, iyong ako lang makikita niya.
“Napa’no ka. Okay ka lang. May nangyari ba?” sunod-sunod ko na tanong sa kaniya. Ramdam ko ang pagsakit nang ulo ko. Siguro ay sa biglaang pagbangon ko. Napahilot ako sa sintido ko.
“Wala naman. Kasi moks...gutom na ‘ko eh.” Nahihiyang tugon niya habang hinihimas ang kaniyang tiyan.
“Gutom ka?’’ pag-uulit ko. Nasapo ko ang noo ko. “Heto ako halos atakihin sa puso sa pag-aalala sayo na baka napaano ka na, tapos gutom ka lang pala. Pwede ka naman tumawag sa’kin pinakaba mo pa ako.”
“Ha? O.a mo rin eh. Wala akong kilala dito kaya malamang sayo ako lalapit. Isa pa, ilang hakbang lang ang pagitan natin para tawagan pa kita. Pangalawa, lowbatt ako no. At pangatlo, hindi ba sabi mo tawagin kita kapag may kailangan ako?” paliwanag niya. “Bakit kasi di tayo nag almusal bago umalis? Ayan tuloy ginutom na ako,” reklamo niya sa akin.
“Bakit parang ako pa may kasalan na nagutom ka? Ako ba may hawak ng tiyan mo ha? Malay ko ba kung hindi ka kumain bago umalis?”
“Hindi nga ikaw. Pero bahay niyo ito diba? Bisita ako dito pero hindi mo pa ako pinapakain. Tsaka hindi ba sabi mo kay mama ikaw bahala sa’kin? Puwes panindigan mo iyan ngayon, kung hindi isusumbong kita kay mama,” pagbabanta niya sa akin. Ikaw na talaga ang reyna ng mga dahilan.
“Wow ha! Ang galing! Ang talino. Teka totoo na ba ito?”
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinagpipisil. Ang lambot. Namilog naman ang mga mata niya sa pagtataka sa ginawa ko. “Anong ginagawa mo?” tanong nito. Panaginip lang pala talaga iyong kanina. Mabuti nalang.
“Sige na, sige na. Nakakabingi na iyang mga reklamo mo, mauna ka na sa ibaba. Susunod na ako para makakain ka na po,” napangiti naman siya sa tinuran ko.
Gustong-gusto talaga nitong nakukuha ang mga gusto niya. Napansin ko naman ang maliit na dimple sa kanang pisnge niya. Ngayon ko lang yata nakita iyon.
“Okay, sumunod ka ha at magsuot ka ng shorts. Nakahulma eh, tsaka magpunas ka muna, pawis na pawis ka o. Baka kung ano nang pinag-gagawa mo. Kadiri ka!”
Tumalikod na siya at bumaba.
Anong pinagsasabe niya? Napatingin ako sa ibaba. Sh*t! Nakalimutan ko tuloy sa sobrang pagmamadali, nakaboxer shorts lang pala ako. Tang*na! Bastos!
Nagmadali akong isinarado ang pinto. Nagbihis na ako at bumaba. Mamaya ko nalang ipapanhik ang mga gamit namin, may mga damit naman ako dito eh. Pero papaanong nakapambahay na ang bansot na iyon?
“Sinong nagdala ng mga gamit mo sa itaas?” tanong ko sa kaniya ng nasa sala na kami.
“Malamang ako. Iniwan mo lang naman dito sa ibaba eh. Isa pa wala namang ibang tao dito. Sino pa ba sa tingin mo ang maghahakot non’ hindi ba ako? Maliban nalang kung may invisible maid kayo dito,” talak niya. “Oo nga pala hindi ako marunong magluto. Paano tayo kakain?”
“Problema ba iyon? Walang impossible sa katulad ko. Leave it to me.”
“Weh. Marunong ka magluto? E sa pagkakaalam ko kasi, ni hindi ka nga nagawi sa kusina niyo maliban nalang kung oras na ng pagkain.” Well, totoo naman iyon. Hindi naman talaga ako mahilig magluto, mahilig lang ako kumain. Di rin ako mataba dahil nagwowork out naman ako kaya kahit panay kain ako batak na batak pa rin ang 6 pack abs ko. Pero dahil gutom ang bansot na'to hindi ko siya pwedeng pabayaan. Isa pa nandiyan naman si Youtube eh.
“Wala nang maraming satsat. Sumama ka nalang kasi sa akin sa kusina.”
“Ikaw nalang mag-isa. Total wala naman akong maitutulong eh.” sabat niya.
“Tignan mo itong babaing 'to. Di talaga ako tutulungan. Paano mo naman malalaman kung may magagawa ka kung uupo ka lang diyan? Sige na. Dagdag kaalaman din ito no. Para kahit papaano magkalaman din iyang utak mo.” kumbinsi ko sa kaniya.
“Hays. Ikaw na ang matalino. Sige na nga! Mapilit ka eh.”
10 minutes later…
Nagmamadali akong pumunta ng pinto, nagbayad sa delivery boy at pumirma.
“Thank you po sir!” ani nang lalaking naka full gear. “Ano po ba ang pangalan ng kasama niyo?” tanong nito. Aba! Lokong ito. Pati hindi niya trabaho tinatrabaho.
“Hmm. Ang pangalan niya ay Ms. wala ka nang pakialam, kaya kung pwede umalis ka na.” sarkastikong sagot ko. Ang lakas nang loob magtanong sa akin ah.
Mukhang nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin.
“Sige po. Alis na po ako.”
Sinuklian ko lang siya ng tipid na ngiti at isinarado ang pinto. Nang mailapag ko sa mesa ang pagkain na nasa brown paper bag, pinandilatan ako ni Kris.
“Anong problema mo? Oh, eto na pagkain mo.”
Isa-isa kong inilapag sa mesa ang laman ng paper bag. Chicken, fries, spaghetti and coke. Ngumisi siya. Alam mo na kung saan inorder?
“Eh anong gagawin mo sa niluto natin? Sayang din ‘yon. Kasi iba diyan sobrang yabang pero di naman pala marunong magluto. Ang taas ng confidence tapos wala din palang ibubuga,” parinig niya sakin.
Kinuha ko ang isang fries at isinalaksak sa bunganga niya.
“Ang dami mo pang satsat eh. Kumain ka na lang. Akala ko ba gutom ka na? Ang importante makakain ka na para wala ka nang irereklamo sa akin.”
Kinuha ko ang isang box ng spaghetti saka nagsimula na ring kumain. Pati kasi ako ginutom na rin.
FLASHBACK.
"Igisa daw ang bawang at sibuyas. Kapag brownish na ang bawang pwede na raw ilagay ang manok at haluin. Tapos lagyan ng tubig."
"Ha? Pwede ba isa-isa lang? Ang bilis eh. Nalilito na ako," reklamo niya sa'kin.
"Igigisa ko muna itong bawang at sibuyas. Ayan, nagsisimula ng maging brown.
Paabot nga ng manok."
Iniabot ko naman ang manok na hiniwa na. Mabuti nalang at may stock pa sa ref si mommy. Iyon na lang ang kinuha namin at napagdesisyunang adobohin.
"Paano ko ba malalaman kung pwede na lagyan ng tubig?" tanong niya sa akin.
"Aba malay ko ba? Wait, irereplay ko nalang sa video. Wtf! Saka pa talaga na-drain iyong battery ko. Paano yan?"
Ang malas naman!
"Drain din iyong battery ko. Nakalimutan ko pa i-charge. Isipin mo na lang muna iyong napanuod mo kanina. Kasi naman eh, akala ko ba marunong ka magluto?
Ano na?" reklamo niya.
Hayss.
"Akin na nga yan."
Kinuha ko na ang sandok at inihalo ang manok sa bawang at sibuyas. Tinakpan ko muna ito at ng lumipas ang ilang segundo inihalo ko ito ulit. Saka ako naglagay nang tubig. Toyo na yata ang isusunod sa pagka-alala ko. Isang cup ang inilagay ko noong una pero naisip ko na baka hindi pa sapat iyon kaya dumagdag pa ako nang kalahating cup. Pinakulo ko muna tapos nilagyan ng pampalasa at ang huling inilagay ko ay ang suka. Ang dali lang naman pala eh.
"Ayan! Okay na. Mukha naman siyang adobo diba?" tanong ko sa kaniya na noo'y bagot na bagot na sa kakahintay. "Sabe ko naman sayo, leave it to me. I can do all things even without prior knowledge. Oh, ikaw na unang tumikim. Sabi nga nila ladies first diba?" Walang imik na kumuha siya nang kutsara saka kumuha ng kaunting sabaw at unti-unti itong hinigop.
"What the---" aniya. Dumiretso lang ang lahat sa lababo. Hindi ko mawari ang reaksiyon niya kaya kinuha ko ang kutsarang ginamit nito at kumuha rin ako ng kaunting sabaw at hinigop ito. Wtf! Ang alat! Para akong uminom ng melted na asin.
Cooking Failed!
END OF FLASHBACK.
“Napaka trying hard mo kasi. Ayan tuloy nasayang lang iyong manok,” paninisi niya ulit sa akin.
“Oo na, trying hard na ako. Hindi naman talaga kasi ako nagluluto, ikaw lang naman iniisip ko. Ayaw kitang magutom kaya sinubukan ko,” paliwanag ko sa kaniya. I care for her kung alam niya lang.
“Sus! Ginawa mo pa akong alibi. Ang sabihin mo show off ka lang talaga. Hindi rin kasi masamang magsabi na hindi mo kaya minsan para hindi ka nagmumukhang ewan,” talak niya habang kumakain. Nasa glass round table na kame. Tinititigan ko siya habang punong-puno ang bibig niya. Ang kyut niya parang chipmunk. Ang bilis din kumain ng bansot na 'to parang hindi nginunguya ang pagkain. May naiwan tuloy na kaunting pagkain sa pisngi niya. Natigilan siya nang maramdaman na titig na titig ako
kaniya.
“B-bakit?” maang na tanong niya sa akin..
Kinuha ko ang isang tissue na provided ng store na pinagbilhan ko saka inilapat sa mukha niya. Nagulat naman siya at namilog ang mga mata. Para tuloy siyang tarsier na half chipmunk. Ang kyut! Sa pagkagulat niya ay hindi sinasadyang nahawakan niya ang kamay ko. Nagtama ang mga mata namin. Ang ganda naman pala talaga nang babaing ito kung hindi lang bungangera. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan, parang ayoko na matapos ang sandaling ito.
“Anong ginagawa niyo?” tanong ng kung sino. Kung sino man siya ay panira siya ng moment. Ngayon ko lang naaappreciate ang ganda nitong kasama ko tapos saka naman siya papasok. Ngunit, ng lumingon ako ay isang babae ang tumambad sa akin. SERYOSO AT MUKHANG GALIT.