Sheen's POV
"You are going to that school no matter what! Pag-aari iyon ng Tito mo kaya wala kang dapat ipag-alala. Ano pa bang pinoproblema mo?" galit na turan ni Daddy. Naglinyahan ang wrinkles sa noo nito.
"Dad, walang kurso roon para sa robotic inventions. Anong gagawin ko sa University na iyon?" tutol ko.
Nasa opisina niya ako para ipaalam ang hinaing ko sa mga desisyon niyang hindi muna kinokunsulta sa akin. Hindi na ako pinapasok sa school dahil inaccelerate na raw nila ako sa college.
"I told you to stop that robotic thing. Hindi iyan makakatulong sa kumpanya natin Sheen Aberra!" nanginginig na wika ni Daddy.
Napapikit ako. I really hate this feeling. Naiinis ako kapag hindi nakikinig ang kausap ko sa'kin. "Dad, iyon po ang passion ko. Please Dad, I don't want to study in Hudgens University. Ayoko po roon," pakiusap ko sa kaniya.
Sa totoo lang may pangarap akong paaralan para sa kolehiyo. Pero pakiramdam ko hanggang pangarap na lang iyon dahil kahit anong sabihin ko sa kaniya ay mistula siyang bingi.
Tinapunan nito ako ng tingin.
"You will study there wether you like it or not!" mariing wika nito sa akin at muling naupo sa swivel chair.
Sa sobrang inis ko ay nagdabog ako palabas at ibinagsak ang pinto. I felt like I'm always controlled. Wala akong karapatang mamili ng gusto ko. Nang marating ko ang kwarto ko ay sumigaw ako at itinapon ang mga unan sa sahig. "I hate you, I hate you." sigaw ko at umiyak. This is unfair. Some students can go to their preferred school. Bakit ako hindi pwede? Umiyak ako nang umiyak.
Ilang segundo pa ay pinakalma ko na lang ang sarili ko. Naisip ko kasing Man should not be inferior to his emotion. I took a deep breathe. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at hinanap ang number ng pinsan ko.
"Hello Ban," wika ko ng sagutin niya ito. Sa lahat ng pinsan ko si Evan ang pinakagusto ko dahil ibang-iba siya sa amin. Kung ako sunod-sunuran lang kay Daddy siya naman ginagawa lahat ng gustuhin niya. He's free and uncontrolled.
"Oh? Napatawag ka Sheen?" kalmado na sagot niya. Pinahid ko ang luha ko.
"Nag-aaral ka ba ngayon at saan?" tanong ko.
Nagreklamo naman ito nang marinig ang sinabi ko. "Wala talagang kamustahan muna? Direktang tanong agad?"
Nawala naman ng konti ang inis ko at napalitan nang ngiti. Lagi ko kasi siyang kinukumusta kapag tumatawag ako.
"Eh alam ko naman na ang lahat tungkol sayo e. Alam ko na nakatira ka sa isang apartment. Alam ko rin na marami kang pinapasukang trabaho para tustusan ang sarili mo." Saglit pa akong nag-isip. "Ano pa ba? Alam ko rin na ayaw---" rason ko sa kaniya na kaagad pinigil nito
"Oo na, oo na. Ikaw na ang maraming alam. Bakit mo naitanong?"
"Basta sagutin mo na lang," naiinip kong tanong sa kaniya.
"Oo.Sa Hudgens University," sambit nito. Nagulat naman ako. Iyon din ang University na gusto ni Dad na pasukan ko.
"OMG! So, nagbago ba isip mo kaya pinili mo na lang mag-aral sa H.U?" usisa ko.
"Hindi!" kaagad na salungat nito. "My plan goes as it is. At hindi ako mapipigilan ng kahit na sino alam mo 'yan."
Tama nga naman siya. Alam ko ang lahat sa kaniya. Kaya nga bilib na bilib ako sa kaniya e.
"Oo nga pala, ayokong makarating ang lahat ng ito lalong-lalo na sa kaniya. Ayokong puntahan na naman niya ako. Maasahan ba kita Sheen--el--as?"
"Oo naman. Hayss. How many times do I have to tell you na 'wag na 'wag mo na akong tatawaging Sheenelas. Santisima Trinidad! Nakakainis pakinggan e, Sheenell na lang para fancy ang dating ..favorite couz."
Nagsimula ang pagtawag niya sa akin ng Shenelas nang malaman nito na lagi kong hinahanap ang tsinelas ko sa bahay dahil kung saan-saan ko naiiwan.
"So, bakit mo naitanong kung saan ako nag-aaral?" kyuryos na tanong nito.
Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat.
"Kasi nga itong si Daddy gusto akong mag-aral sa H.U. Ayoko sana e kaso pinipilit ako. But, since alam ko ng you're there tatanggapin ko na lang."
"Ganun ba? Ikaw bahala. Nasa sayo naman 'yan e. Kung sa tingin mo okay naman sa'yo bakit hindi. Ang payo ko lang kung saan ka sa tingin mo sasaya, edi doon ka."
"Kung kasing tapang mo lang sana ako." bulong ko sa aking sarili.
"Mabuti nga pala kung nandito ka para may makausap naman ang isang classmate ko na kasing daldal mo," dagdag pa niya.
Napukaw naman ang interes ko sa sinabi niya.
"Talaga may classmate ka na kasing attitude ko?" tanong ko. Naalala ko tuloy ang close friend ko.
"Sayang nga e wala si Krissa. Hindi kasi kami nagkita ng gumraduate siya kaya hindi na kami nagkausap kung saang school siya ngayon," kwento ko sa kaniya.
"Krissa?" ulit nito.
"Oo, Krissa! Gaga rin iyon gaya ko. Close friend ko dito dati. Iyong lagi kong ikunukwento sa'yo. Iyong madaldal sa expo." Saglit siyang natahimik sa kabilang linya.
"Teka, de la Vega ba ang apelyido niya?" Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Sa pagkakaalam ko kasi pangalan lang niya ang lagi kong nababanggit sa tuwing nagkukwento ako.
"Oo, paano mo nalaman?" sagot ko.
"Then you'll be glad kapag dito ka mag-aaral kasi classmate ko siya."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Naisip kong baka kaparehong pangalan lang. Pero malakas ang kutob ko na siya 'yun.
"Omg! Sureness? Oh my! Ang saya ko!" nakangiting turan ko.
Hindi ko man maabot ang pangarap kong paaralan atleast may makakasama naman akong kaibigan at pinsan kapag nagkataon. Naboboring na rin kasi ako sa pag-aaral. Kaya kapag kasama ko sila parang nasa dream college ko na rin ako.
Kaya nagdesisyon na ako. Mabilis akong nag-ayos at nagtungong kabinet. I searched for my travel bag at maleta. Inilagay ko ang mga bagay na maaari kong gamitin doon. Damit, pantalon, undies, b*a, con*** at kung anu-ano pa. Wait, clear ko lang ha. Pampaswerte raw kasi iyon.
Pagkatapos ng lahat ay bumalik ako sa opisina ng Daddy ko. Mabuti na lang at naroon pa siya.
"Dad, about the University?" I said instantly. Ni hindi ako tinapunan tingin nito. Malamang galit pa ito sa akin.
"I told you Sheen, hindi mo na mababago ang isip ko," he said calmly but with authority.
"I know. Kaya nga po nag-empake na po ako e."
Hinila ko ang maleta at travel bag na iniwan ko sa labas ng opisina niya at ipinakita ko ito sa kaniya. Nang masulyapan naman nito ang gamit ko ay tumayo siya at naiiyak na niyakap ako.
"Salamat anak. Salamat at naintindihan mo si Daddy. You know you're my only heir kaya ginagawa ko ito para sa'yo. For your future," paliwanag pa nito.
Hindi ako nakinig. Palibhasa ang tanging rason lang naman kaya naexcite akong pumasok sa H.U ay dahil sa pinsan at kaibigan ko.
At ayun nga! I have my flight after how many hours through the help of my Dad.
Gabi na nang dumating ako kaya natulog na lang rin ang ginawa ko buong gabi.
Kinaumagahan...
Maaga akong naghanda for my first day of school. My Dad really plan it all bago sabihin sa akin dahil ultimo uniporme ko naroon na sa condo na lalagian ko. I also have my own driver and a maid na hanggang hapon lang doon. Tuwing gabi ay mag-isa lang ako. But. it's fine with the power of technology and knowledge I can survive it.
"Hey!" bati ko sa pinsan ko nang magkita kami. Nakataxi lang siya at ako naman ay nagpahatid sa driver ko. I admit mas pinabibilib niya talaga ako dahil sa mga sinakripisyo niya sa buhay.
"Hey! Sheenelas," asar niya sa akin. I rolled my eyes. "I told you it's Shenell. Paano? Ikaw mag-escort sa akin dito kasi palagay ko kabisado mo na naman ang paaralang ito?"
Hindi na siya nagsalita at nagsimulang maglakad. Sumunod lang din ako sa kaniya.
Malapit na kami sa center hallway kung saan mayroong iba't ibang daan para sa iba't ibang building nang maaninag ko ang pamilyar na pigura.
"Wait, hindi ba si Kris iyon?" tanong ko nang mamukhaan ko siya. May kasama itong lalaki. I guess that's Matthew. Height pa lang at tindig nito alam ko na siya iyon. "Tara sumabay na tayo sa kanila," aya ko sa kaniya. I pulled one of his arms pero sinadya nitong hindi magpatangay.
"Ikaw na lang Sheen," mahinang tugon niya. I can feel something by the look on his face kaya hindi ko na lang siya pinilit. Nakasunod lang kami ng ilang metro kay Krissa.
"Kringggggg!" eksayted ko na tawag sa kaniya nang marating ko ang pinto ng magiging classroom namin.
Hindi naman maipinta ang mukha niya sa pagkagulat. Tumakbo ako sa kinauupuan niya at niyakap siya. Naghawak pa kami ng kamay at tumalon-talon na parang timang.
"A-anong ginagawa mo rito?"tanong niya sa akin at namimilog pa ang mga mata.
"I'm also a student here. Look!" Umikot ako para ipakita ang uniporme ko. "Ang ganda ng uniform natin dito no?"
"Oo nga e," sang-ayon niya. "Bumagay sa'yo Kring." Hinawakan nito ang mga balikat ko. "Hindi talaga ako makapaniwalang nandito ka Kring!" masiglang wika nito. "Teka, hindi ba dapat grade 12 ka lang? Pineke mo ba documents mo?" naiintriga niyang l tanong sa akin.
"Sira! Siyempre hindi," depensa ko. "Na-accelerate ako. Gusto ko sanang kunin ay tungkol sa teknolohiya kaso ayaw ng Daddy. Ito ang ba naman ang pinakuhang kurso sa'kin pero okay lang naman kasi nandito ang favorite kong pinsan at siyempre ikaw."
Nagulat ulit ito sa narinig niya. "Talaga? May pinsan ka rito?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Uh huh! You heard it right! Sabay nga kaming pumasok e. Teka, saan na ba 'yon?" I searched for Evan at naroon lang siya sa may pinto nakatayo. Ipinakilala ko naman ito sa kaniya. Kinikilig akong makita silang dalawa. Sakto naman na dumating ang unang teacher namin kaya naupo ako sa gilid niya.
"Okay class, take your seat and I have an announcement to make," wika ng kararating lang na teacher. Mukha naman itong mabait.
"So, you have your new classmate here. Kahapon lang siya dumating kaya ngayon lang siya pumasok. Ms. Sheen Aberra, come here in front and introduce yourself to your classmates," seryosong utos nito sa akin.
"It's my time to shine!" sambit ko. "Hi! According to the article I have read way back on my high school days man is a social animal by nature. That means being sociable is his natural instinct . Thus, he can't live in a society alone, because all his human qualities like thinking, learning to play, learning a language etc. are developed in human society."
May oras na nasusulyapan ko ang dalawa at para itong nagkakahiyaan. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpapakilala ko sa mga nakatulalang classmates ko.
"Thereupon, I am here in front of all of you to introduce myself and also to make friends with you guys since man couldn't stand being isolated and I am no exemption. I am Sheen Aberra, 17 years of age. Luckily, I got to be accelerated 1 year that is why I'm here.I guess that would be all." Binigyan ko sila ng malapad na ngiti.
Masigabong palakpakan naman ang isinalubong ng mga classmates ko sa akin. Malamang, they are amazed from what they have heard.
"Thank you Ms. Aberra. For your information I am Ms. Sonia Villaflor. Nagpakilala na ako sa classmates mo kahapon so they all know me except you," ani ni Ma'am. Bakas sa mukha nito ang paghanga sa akin. "Okay, you may now take your seat."
Masaya naman akong bumalik sa upuan.
"Today, as I promised I will give you my instruction regarding the group activity. Before that I wanted to ask if may grupo na ba ang lahat?" tanong ni Ma'am.
Alangan namang nagtaas ng kamay ang isang babaing may malaking glasses na suot. Saka sinabing wala siyang kagrupo.
Hindi ko alam na may mga grupo pa pala kaya bumaling ako kay Kris. "Ikaw, may grupo ka na ba Kring? 'Wag mong sabihing mayroon na dahil magtatampo ako," wika ko sa kaniya.
Mabuti na lang at wala pa itong kagrupo. At dahil tatlo raw ang kailangan I decided na isama ang pinsan ko. Hindi naman ito umangal pa nang sabihin ko na sa amin na lang siya.
Ang babaing nagtaas naman ng kamay na iyon ay ipinasok na ni Ma'am sa grupo namin. "Jecca, go to Ms. de la Vega's group. Papayagan ko kayo na apat sa isang grupo. But, don't worry since pareho pa rin ang grading system ko with the other groups. Maliwanag?" Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya.
Saka siya nagbigay ng instruction.
"Now, listen class. Ngayong may grupo na kayo. You'll have to do a group experiment. You are going to find out the influences of your groups to you. Is it good or bad? And if it does affect you as an indivudual. Sasagutin niyo rin ang tanong if their experiences and thoughts affect yourself. Kayo na ang bahalang mag-isip kong paano niyo maeexecute ang group project na ito. Pwedeng interview, o maghang-out kayo basta kayo na ang bahala. Am i clear?"
"Yes po ma'am," sagot naming lahat.
"Sa tingin mo anong gagawin natin?May idea ka na ba?" tanong ko sa kaniya ng nasa canteen na kami. Walang mapaglagyan ang mga ngiti ko dahil pangarap ko lang makasama si Kris at Ban sa iisang paaralan ngayon nandito na silang dalawa. Mabuti na lang talaga ito ang pinili ni Daddy.
"Hindi ko alam e." sagot niya .
Naisip ko ang sinabi ni Ma'am.
"How about maghang-out na lang tayo kasama si Ban at Jecca," suhestiyon ko. I know it will be fun.
"That sounds great!" sang-ayon naman ni Evan habang ngumunguya ng pagkain. Napangiti ako. Parang gusto ko siyang tuksuhin dahil kung hindi ako nagkakamali may something siya sa kaibigan ko.
Tinignan ko siya.
"What?" maang tanong nito.
"Wala naman," natatawang sagot ko.
"Ayoko ng ganiyang tingin ha," aniya at nagsubo pa ng pagkain.
"Pakipot pa," bulong ko bago kumuha ng kutsara at kumain na rin.
Nasa kasagsagan kami nang pagkain ng biglang may dumating. Nang sulyapan ko ito ay tumambad sa akin si Matthew. Pinaupo siya ni Kris at inayang kumain.
"Sige, kumain na ako," tanggi nito sa kaniya.
"Kumain ka na pala. Pumunta ka pa rito," mahinang sabi ng pinsan ko habang dumidiin ang tinidor nito sa plato. Parang gusto kong matawa sa kaniya.
"Anong sabi mo?" seryosong tanong ni Matthew. Nakikita ko ang inis sa mukha niya ng titigan niya si Evan.
"Ah ang sabi niya kumain ka raw para hindi naman nakakahiya sa'yo," sabat ko. Ramdam na ramdam ko ang init sa pagitan nila. Samantalang, naiilang naman si Kris.
"You look familiar. Yes! Aren't you Sheen? The only student who participated in the expo?" tanong nito.
"Wala ng iba pa," pagmamayabang ko naman.
"I see. Pumunta lang ako rito to check Kris. Kailangan ko kasing malaman kung sino ang mga kumakaibigan sa kaniya. Ayoko kasing napapalapit siya sa mga basura," malaman na wika nito. Naroon pa ang tingin niya kay Evan. Malamang siya ang pinatatamaan nito. Napangisi naman ang pinsan ko.
"You'd better check yourself I guess, baka kasi hindi mo naaamoy ang sarili mo at ikaw pala ang basura," banat naman ni Evan.
Napa-woah ako sa isip ko. Kung wala ako sa H.U malamang iisipin kong fliptop battle ang napuntahan ko.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?!" naiinis na utos ni Matthew. Kulang na lang ay suntukin nito ang pinsan ko.
"Moks, tama na yan," pigil ni Kris sa kaniya. "I'm okay. Wala naman nangyari sa'kin ngayon e. Isa pa, andito na si Sheen. So I guess I'll be alright."
"Tama!" sagot ko.
"Okay, basta gaya ng sabi ko tawagan mo lang ako pag may kailangan ka. Kailangan ko na ring umalis." Nagpasalamat si Kris sa kaniya at bago ito umalis ay tinitigan pa nito ng masama si Evan.
"Ang daming ganap Kring," sambit ko ng wala na si Matthew. "Sa tingin ko marami kang dapat ikwento sa'kin. Ang haba ng buhok mo te. Pasama naman ako dyan," biro ko sa kaniya. Nahihiya naman siyang ngumiti.
Noong gabi ngang iyon ay ikinuwento niya sa akin ang mala-teleseryeng unang araw niya sa H.U.