Chapter Four

2885 Words
MABILIS lumakad ang mga linggo at natapos na ang mid term examinations ni Tanya. Now, she's in front of her laptop searching for korean drama that she haven't watch. Gano'n niya gugulin ang undas break niya dahil mag-isa lang siya ngayon sa bahay. Ang Tita Letty niya umuwi sa Laguna kasama si Kit para dalawin ang puntod ng Tito niya habang si Alfred nasa Singapore ngayon para dalawin si Arissa. Ayaw naman niya umuwi at kainin ang sermon ng mga magulang niya kaya minabuti na lang niyang magkulong sa kwarto niya. She clicked a drama where Gong Yoo was the lead actor. Napanood na niya iyon pero uulitin niya ulit para lang hindi siya ma-bore. Sabi niya hahanap siya ng hindi pa napapanood pero ayun siya nag-uulit na naman. Her attention diverted to her phone when it vibrates. Tamad na tamad niyang kinuha iyon at tiningnan kung sino nagtext. From: Kuya  Baba ka may dala akong pagkain. To: Kuya  Bakit ka nandito? Porket wala akong bantay sumasalakay ka na. From: Kuya Assuming ka naman. I asked permission and accept all his rants, curse and wisdom. Bigla siyang natawa nang mabasa ang text na iyon ni Sixto. She imagined his face while taking Alfred's rants, curses and wisdom. Bigla naman siya nakaramdam ng hiya sa pagiging masyadong assuming ng reply niya kanina. Parang ayaw na niya tuloy bumaba ngayon at i-entertain ito. From: Kuya Baba ka o aakyat ako dyan? To: Kuya Baba na po... kuya Agad siya bumangon at nag-ayos ng sarili. Bitbit ang laptop niya, dali dali siyang bumaba upang i-entertain si Sixto. Hindi niya ito naabutan sa living room kaya dumirecho na siya sa dining room. Feel at home talaga palagi ang mga kaibigan ng pinsan niya. Para silang mga border ng Tita Letty niya doon. Naabutan niyang naglalagay ng chocolate ice cream si Sixto sa dalawang baso na kinaliwanag ng mga mata niya. She pursed her lips and continue watching him. He's wearing white shirt, black short paired with Balenciaga shoes. Holiday din kaya walang pasok ito sa opisina kaya malaya itong gumala gala. Base sa description ni Mike, palagi itong MIA sa kanila pero ang sabi naman ni Alfred parehas lang naman ang dalawa sa pagiging MIA. Natatawa nga siya ng minsan siyang kinausap ni Alfred tungkol sa akala nitong pagporma sa kanya ni Sixto. Daig pa nito ang tatay niya sa pagpapa-alala sa kanya ng mga hindi pa niya dapat gawin. Alfred doesn't want her to take his path but he said that he never regretted having Kit. Gumaan ang aura sa bahay nila dahil sa ingay ni Kit pero hindi ang aura ng pinsan niya. Stiff pa din ito na parang galit palagi sa mundo. Sinisisi pa din ang sarili sa pagkawala ng girlfriend nito na mama ni Kit. She prayed every night that someday Alfred may find someone that can brighten up his life. Bahay-trabaho na lang kasi ito palagi at minsan lang nagsaya kaso nalasing naman ng sobra sobra. "Are you done staring?" tanong na siyang pumukaw sa kanya. "I'm not staring..." She stuck out her tongue at him and turned her back. Tumungo siya living room at sinundan naman siya nito. She sat down on the couch and resume what she's watching on her laptop. Tumabi sa kanya si Sixto at inabot ang basong may laman na ice cream. She grab the marshmallow on the center table, open it and put a lot on her ice cream cup. Iyon ang trip kahit meron namang flavor na rocky road na may kasamang nuts at marshmallow. Ayaw niya ng nut iyon lang iyon kaya gano'n ang naisip niyang gawin. "I made mango graham and I put it on the fridge," Napatingin siya dito. Paano kaya nito nalaman ang comfort food niya? She wanted to ask why but choose to remained silent and focused on what she's watching. Naramdaman niyang umusod ng kaunti si Sixto kaya naman umayos siya ng pagkakaupo. "Wala ka bang ibang lakad ngayon?" "Wala. Nakakatamad gumala ngayon," tugon nito. "Kahit walang traffic? Ang saya kaya magpunta sa mga beach ngayon," "You wanna go?" Napatingin siya dito bigla. Kanina nung wala pa ito, nagse-search siya ng beach na malapit kaso naalala niyang hindi pala siya nakapag-paalam kay Alfred at sa Tita Letty niya kaya nauwi na lang sa paghahanap ng mapapanood na korean drama. "I'll call Alfred to ask permission if you want," "Talaga?" Natuptop niya agad ang bibig niya. Napangiti lang si Sixto at kinuha nito ang cellphone saka tinawagan na si Alfred. Lumayo ito sa kanya nang makausap na nito ang pinsan niya at tumagal iyon ng halos trenta minutos. Gaano ba kadami ang bilin ni Alfred kay Sixto? Wala ba itong tiwala sa kaibigan niya? Bakit Tanya, may tiwala ka ba kay Sixto? Napailing siya bigla nang pumasok ang tanong na iyon sa isipan niya. "Let's go na. Dalin na lang natin yung mga pagkaing dala ko." Lumiwanag bigla ang mukha niya saka dali dali nag-ayos. Hindi niya tinanong kung saan sila pupunta ni Sixto dahil sa sobrang excitement pero sigurado naman siyang sa beach iyon. She put her laptop and charger on it'ss bag. Naglagay din siya ng tatlong pares ng damit at isang pares ng panligo dahil gusto niya talagang naglublob sa dagat. Pagkababa niya naabutan na naman niyang may kausap si Sixto sa telepono. "Dude, dadaanan na lang namin ikaw dyan sa ospital," Kung hindi siya nagkakamali si Mike ang kausap nito ngayon. Iyon lang naman kasi ang kaibigan nito nagta-trabaho sa ospital. Baka sinabi ni Alfred na isama nila si Mike ngayon. Muli siyang napailing nang mapagtanto na ang dami niyang bantay at mukhang mauudlot ang balak niyang maglublob sa dagat. Inaya na siya ni Sixto na umalis at sinabi nitong doon ang punta nila sa family house nito sa Batangas. Sinabi din nitong may malapit na Santorini inspired resort doon kaya kahit nag-aalangan siya dahil family house ang tungo nila ay nag-go pa din siya. Dinaanan nga nila si Mike sa ospital at may kasama itong babae kaya nagulat siya. Mas lalo naman niyang kinagulat ang sinabi nito sa kanila. "I don't want to be your third wheel guys," ani Mike sa kanila. "This is not a date," she hissed. "Whatever you say, Tanya. Sana maka-graduate na yung isa dyan sa kuyazoned." Sixto flickered his middle finger towards Mike. Napuno ng malutong na tawa ni Mike ang buong sasakyan. "Nandon ba pamilya mo, dude?" "Not sure, ngayon lang ako uuwi eh." Tugon ni Sixto kay Mike. "So, meet the family huh? Alfred will book an emergency flight for sure," "Tigilan mo nga, Mike." Naiirita niyang sabat sa usapan nila. Kinuha niya ang earphones sa bag at pinasak iyon magkabilang tainga. She listened to Taylor Swift's album downloaded on her cellphone. She closed her eyes and sleep instead of listening to Mike and Sixto's nonsense talk. Daig pa ng dalawa ang babaeng dakdak ng dakdak sa kanto. Naririndi siya at iyon ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Pagdating nila sa family house nila Sixto, literal na napanganga siya sa sobrang ganda noon at yung view sa tabing dagat. Parang doon palang solve na siya kaya baka hindi na siya lumayo doon. Napaisip tuloy siya kung bakit hindi madalas doon si Sixto. Kung siya papipiliin mas gugustuhin niya tumira doon. She got out of the car together with Mike. Habang yung babaeng kasama naman nito, panay ang dikit kay Sixto. "Why did you bring that girl again?" "Ayokong maging third wheel kaso may hidden agenda din pala," tugon ni Mike sa kanya. "Don't worry, I'll dump her so you can be with Sixto," "Ano bang sinasabi mo?" "H'wag mo na ikaila, Tanya. He's getting into your skin at nagseselos ka," "Duh, sinasabi mo dyan," tanggi niya dito. Tumawa lang ito saka kinindatan siya. Naglakad na siya patungo sa entrance ng bahay at kinuha sa kanya ni Sixto ang bag niya. She tried to get it back but Sixto didn't let her. "Mike's girl is into you, kuya," "Yeah pero focused ang atensyon ko sa 'yo," Inirapan niya lang ito at hindi na muling nagsalita. Sinabi ng mga kasambahay na wala doon ang mama ni Sixto at tanging mga kapatid lang nito ang naroroon. Nalaman niyang pitong magkakapatid pala ang mga ito ang sumunod sa bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya. Then, why he's a womanizer? She couldn't find an answer to her own question. Binalewala na lang niya iyon at tumungo na siya sa beach side at doon inabangan ang paglubog ng araw. Matama siyang nahiga sa buhanginan at tinuon ang buong atensyon sa araw. Peace, iyon ang nararamdaman niya ngayon. Nawala ang pagod at stress niya nang makita ang magandang view na iyon. Agad namang nawala nang dumilat siya at sumalubong ang mukha ni Sixto. Dali dali siyang napabangon at iritang tumingin dito. "Bakit?" tanong niya. "Wala lang. Can I sit here with you?" Balik tanong naman nito. "Pwede bang tumanggi?" Ngumiti lang ito saka naupo sa tabi niya. "May tanong pala ako?" "I'm willing to be your boyfriend kaya h'wag ka na magtanong," "Sira, hindi 'yon at wala akong time para dyan." "Ouch na-real talk na naman ako," "Para ka kasing sira. Eto na yung tanong ko." She gulped when Sixto moved a little more closer to her. Tinulak niya pa muna ito bago nagsalita. "Bakit ang landi mo?" Napaubo ito bigla na para bang hindi inasahan ang klase ng tanong na ibabato niya dito. He smiled and shakes his head. Hindi na siya aasa pa na sasagot ito sa kanya. "It runs from the blood. My dad... I inherit that to him and third family kami by the way." Hindi niya alam paano magrereact sa revelations nito at inaabangan niya yung salitang joke sa dulo pero hindi iyon nabanggit. Natahimik sila pareho nang ilang sandali pa bago nagsalita ulit si Sixto. "I want to changed and I guess nagagawa ko naman because of a girl that I like. Korny, cheesy and romantic but its indeed a love at first sight." "Its lust, Sixto. H'wag nga ako dahil never mo ako madadaan sa ganyan," "Bakit ba ang hilig mo manira ng momentum?" "Ayy, sorry." Naiiling itong nahiga sa buhanginan. "I'm not into love nor serious relationship. Ayokong ma-distract ako sa pag-aaral ko at lalong ayoko i-disappoint si Alfred. Back off now because I can't accommodate you," "No, I'll stay on your side even if you push me away," "Ewan sa 'yo ang kalat mo," aniya dito. "What?" Tumingin ito sa kanya saka tinuon sa buhanginan ang magkabilang siko. "Share yourself to someone and don't be like Alfred. He's breathing but barely living. Ang saklap kaya 'non," "Hindi mo siya maiintindihan kasi hindi ka naman namatayan ng minamahal. Alfred loved Arissa so much," "Well, sigurado naman ako na hindi iyon ang gusto mangyari ni Arissa," "Seriously? Pagtatalunan ba talaga natin yung lovelife ng pinsan ko?" "Then, let's talk about us if you want," "Walang tayo, Sixto." "Ouch, real talk na, basted pa." Pareho silang natawa bigla dahil sa sinabi nito. She likes his sense of humor sometimes pero hanggang doon lang iyon. Hindi na pwedeng lumawig pa dahil alam niyang malaki ang magiging epekto noon sa buhay niya. They both watched the sunset while talking about random topics that crossed their minds. IRITANG nilapag ni Tanya ang cellphone niya saka binukas ang libro at nagbasa na lang. Puro mukha ni Sixto ang nasa newsfeed niya kasama ang iba't ibang babae nito. Hindi niya alam kung bakit siya naiirita ngayon gayong binasted naman niya ito. She can't share her self to anyone as of now because of her studies. Alam niyang hindi niya dapat nararamdaman ang gano'ng klase ng pakiramdam dahil unang una wala time doon. Isang tikhim ang pumukaw sa kanyang atensyon. Hindi pala siya nag-iisa sa school canteen ngayon. Kasama niyang nakatambay doon si Dessa - ang tanging kaklase niya na kinakausap niya. Silang dalawa lang ang magka-vibes nito at sinasakyan din nito ang pagiging introvert niya minsan. Sa katunayan, na-recruit na niya ito sa korean drama land. "Hindi na nagtuturo si Prof. Altamirano dito. Balita ko abala na siya sa negosyo niya kaya nagresign na," Yeah, busy sa MSC at sa mga babae niya. Gusto niya sahihin iyon pero kakaunti lang kasi ang nakakaalam na related siya sa may-ari ng MSC. Akala ng lahat kaapelyido niya lang ang mga ito at tanging faculty lang ang nakakaalam ng totoong ugnayan niya sa mga Morales. "Na-try mo na makipag-relasyon sa mas matanda sa 'yo?" "Huh? Ano ka ba? Wala akong time sa ganyan," aniya dito. "Oo nga pala pero tingin ko kailangan mo subukan minsan para naman hindi ka puro aral. We need sometimes a breather, you know. Ako, kuntento na ako sa partner ko, no commitment at expectations. Mas madali iyon kaysa sa boyfriend, Tanya," suhestyon sa kanya ni Dessa. "Ano ba 'yan, Dessa? Seryoso ka ba dyan? Paano kung magkasakit ka? Mabuntis gano'n?" "May protection naman saka exclusive kami meaning we don't share each other to everyone," "Ewan ko sa 'yo." Naiiling siyang nagbasa ulit ng mga notes niya. Liberated, iyon ang isang salita na maari niyang ipanglarawan kay Dessa. Laking America kasi ito kaya na-adapt nito ang ugali ng mga kano. Nag-click pa din sila kahit gano'n sobrang magkaiba ang ugali nila. Hindi na siya kinulit ni Dessa pero bago sila bumalik sa classroom nila panay pa din ang kwento nito sa kanya tungkol sa mga ginagawa nito at ng partner nito. Polluted na ang utak niya dahil hindi lang naman niya kay Dessa nadidinig ang mga iyon kung 'di lahat ng kaklase nila. After class nila, sa isang bar siya inaya ni Dessa. Friday naman at wala sila pasok ng weekend kaya ayos lang na magliwaliw sabi ng kaibigan niya. She just sat on the bar counter and watched the bartender performs in front of her. Panay ang kindat nito sa kanya at tingin pero inignora niya lang ito. 'Di kaya may problema siya paningin? Inabutan siya ng bartender ng inuming tinimpla nito saka kinindatan siya ulit. Akma niyang iinumin sana iyon ngunit may umagaw na siyang dahilan sa paglingon niya. Halos malaglag ang panga niya nang masino ang umagaw na iyon sa inumin niya. It was Sixto whose wearing short sleeves button down shirt, slack pants and white sneaker. Inisang lagok nito ang inumin saka hinila siya paalis doon. Dessa called her name from the crowd but she couldn't response because Sixto was pulling her outside that bar. Nang makarating sila sa parking lot, marahas niyang binawi ang kamay niya dito habang ito naman napasandal sa kotse nito. Muli nitong hinawakan ang kamay niya nang akma siyang tatalikod. "Don't go back there. Drinks has drugs and if you drink they will take advantage on you," "Y-yung ininom mo may drugs? Bakit mo ininom?" Sunod sunod niyang tanong. "Its fine isang baso lang naman," anito dahilan upang hampasin niya ito. Hindi niya maiwasang mag-alala at magpasalamat din dahil nailabas siya nito agad doon bago pa mangyari. Sasabunutan niya talaga ang kaibigan niya kapag nagkita sila sa Lunes. "Alis na tayo dito," pag-aya nito sa kanya. Hindi naman siya tumanggi pa at sumakay na sa sasakyan nito. Nilabas niya mula sa bag niya ang water jug niya saka inabot dito. "Uminom ka ng tubig para bumaba yung alak sa sistema mo," aniya dito. "Thanks!" He said and accepts her water jug. Uminom ito doon at halos maubos ni Sixto ang laman noon. Binalik nito sa kanya ang water jug saka nag-umpisa na mag-drive paalis doon. Parehas silang tahimik habang nasa biyahe hanggang sa lumiko ang sasakyan sa isang coffee shop. "I have to pee. May gusto ka ba ipabili?" "Wala bilisan mo na lang," Hindi naman na ito nagtanong pa at tuluyan nang bumaba. Matamang niyang pinanood ito papasok sa coffee shop at agad na dumirecho sa cr. Kakaunti lang ang tao sa loob kaya madali niya lang itong nakita. Her attention diverted to Sixto's phone that he left there. Dinampot niya iyon saka tiningnan ang mensaheng pumasok. It was a text message from Alfred and because it has no password, she easily opened it. Curiousity made her nosy sometimes. From: Alfred Morales Baliw ka na talaga, Sixto. Bakit hindi mo magawang pigilan sarili mo? Anyway, wala na ako magagawa kung 'di hayaan ka basta hindi ka magiging distraction si Tanya. I'll beat you to death if ever you hurt her. Understood? From: Alfred Morales Takte pati pagiging celibate mo sa akin mo sinisi. Hindi katulad ng mga babae mo si Tanya. She's very dear to me so I'll assumed that you'll take care of her and not play with her heart. Agad niya nabalik sa lagayan nito ang cellphone ng makita niyang pabalik sa sasakyan si Sixto. Umakto siyang parang walang nabasa pero hindi niya magawang makalimutan ang mga eksaktong salitang binitiwan ni Alfred kay Sixto via text. What does it mean? Hindi naman niya nabasa ng buo ang convo ng dalawa kaya wala siyang ideya talaga. Half of her is sure that its all about courting her. Napaisip siya kung nagpaalam ba ito sa pinsan niya tungkol doon? Pero binasted na niya ito hindi pa 'man ito nakaka-first move. Hindi ba uso dito salitang sumuko? He's really a pain the in the ass. Her trouble if ever she would let him in. She deeply sigh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD