Chapter Three

2134 Words
SAKALIN, iyon una niyang gagawin kay Sixto kapag nakita niya ito sa bahay nila mamaya. Buong klase siya nito pinag-trip-an at tinawag ng tinawag para sa recitation. Pagpasok palang nito sa classroom nila, nagpa-exam na ito na expected na naman niya bilang sinabihan siya nito kagabi. Pero ang hindi niya inasahan ay yung coverage ng exam na pang next week class pa kaya iilan lang ang nasagutan bilang hindi pa naman siya nag-a-advance reading kasi nga abala siya sa pagrereview para sa mid term. Inis niyang hinubad ang suot niyang stockings saka tinapon iyon sa loob ng locker niya. Nagpalit na din siya ng tsinelas para komportable siyang magmaneho pauwi. Pinahiram sa kanya ni Alfred ang isang sasakyan nito para gawin service niya basta mag-iingat lang daw siya mag-drive. Hindi pa din ito nakakabalik kaya silang dalawa parin ni Kit ang nasa bahay. Katulad kagabi, si Mike pa din ang sasama sa kanila hanggang kinabukasan ng madaling araw. Pagkatapos, may nanny namang na-hire para magbantay kay Kit hangga't hindi pa siya nakakauwi. Dali dali niyang dinampot ang mga gamit saka pinasok na din iyon sa locker. Naabutan siya ng mga ka-blockmate niya doon at tiningnan siya ng kakaiba. "Oy, Tanya mukhang type ka ni Prof Altamirano ah," sambit sa kanya ni Winston. "Oo nga ikaw lang nakikita palagi. Grabe akala ko design lang kami sa classroom," dagdag pa ni Abby. Nagtawanan ang mga ito pero siya hindi natutuwa sa nangyari. She hates attentions that's why she keep on distancing herself to everyone. Para kasing hinahabol siya ng issue kapag may naku-curious sa kanya. "Ganun din si Prof De Leon 'di ba? Iba talaga ang ganda mo, Tanya." Hindi niya gusto ang ibig sabihin ng huling sinabi ni Abby ngunit hindi na lang niya pinatulan. Sinara niya ang locker niya saka umalis na doon. Dire-direcho siyang tumungo sa parking at sumakay sa sasakyan niya. Pagkadating niya sa bahay nila, si Kit agad ang hinanap niya para tanungin ito kung kumain ba ito pero wala ito sa living room kaya tumungo siya sa garden. "Tita Tanya!" Agad na yumakap sa kanya si Kit. Sinuklay niya buhok nito gamit ang kamay niya. "Lola and Lolo bought this for me," masayang sabi nito sa kanya. Ngumiti lang siya saka inutusan itong umakyat na sa kwarto para maglinis na agad namang sinunod ng bata. Napatingin siya sa mga magulang niya at nginitian ang mga ito. Nilapitan niya ang mga ito upang humalik sa pisngi at batiin ang mga ito. "How's school, Tanya?" tanong sa kanya ng mama niya. "School is fine mom. Mid term na namin next week kaya nag-re-review na po ako," tugon niya. A scoffed coming from his father caught her attention. "Kung nag-law ka, gaga-graduate ka na sana ngayon at naghahanda na sa bar exam." Anito sa kanya na dahilan ng pagyuko niya. Ito ang pinaka-na-disappoint nung mag-shift siya mula law papuntang tourism na hindi din naman niya tinuloy. Sinabi nitong sinayang lang daw niya ang pera nila kaya si Alfred na ang umako sa pag-aaral niya ngayon dahil wala nang balak ang mga ito na suportahan siya. Kulang na nga lang itakwil siya ng mga ito. Sasagot dapat siya kaso natigil ng pumasok sa bahay sina Mike at Sixto na may dalang grocery. Her father's face became stern while her mom's eyes widened. "Good evening po." Bati ni Mike sa mga magulang niya. "Mga kaibigan po sila ni Alfred, 'Ma, 'Pa," aniya sa mga magulang. Biglang tumayo ang papa niya at umalis na. Sinundan naman ito agad ng mama niya at walang paalam na umalis ang mga ito. Malalim siya napahugot ng hininga saka tipid na nginitian si Mike. "Tita! My eyes!" sigaw ni Kit kaya dali dali siyang umakyat upang daluhan ito. Pagpasok niya sa kwarto nito, nagtatalon ito dahil nalagyan ng sabon ang mga mata nito. Ang sabi niya maglinis pero ginawa ni Kit ay naligo. Agad niya inalis ang sabong pumunta sa mga mata nito at pinatahan na ito. Dahil kakatalon nito, hindi naiwasang pati siya ay mabasa at sa gano'n tagpo sila naabutan ni Sixto. "What happen?" tanong nito sa kanya. "Nalagyan ng sabon ang mga mata niya pero okay na siya," tugon niya. Kinuha niya yung tuwalya at pinamunas kay Kit. Agad niya itong binihisan saka pinababa para tumulong kay Mike sa kusina. Matama niyang niligpit ang mga pinaghubaran ni Kit at nilagay iyon sa laundry basket. Akma siyang lalabas ngunit napigil siya ni Sixto. "Are you okay?" Kinalas niya pagkakahawak nito sa kanya. "I'm fine. Don't mind me," aniya saka tinalikuran ito. Tumungo na siya sa kwarto niya at marahang sinara ang pintuan noon. Pasandal siyang tumayo doon saka tuluyang umalpas ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Kailan ba siya makakakuha ng suporta sa mga magulang niya? Kailan ba ito magiging masaya sa mga achievements niya? Sinusubukan naman niyang maging mabuting anak sa mga ito at hangga't maari ay hindi siya nakikihalubilo sa mga taong walang magandang maitutulong sa kanya. Hanggang kailan niya kailangan patunayan ang sarili niya sa mga ito? "SI TANYA?" Bungad na tanong sa kanya ni Mike pagkababa niya. Hindi siya sumagot at dumiretso lang sa living room saka naupo sa couch. Nakita niyang nagkatinginan sina Kit at Mike pero pinilit niyang ignorahin lang ang mga ito. He heard her cried after closing her room's door. His phone vibrated a text message from Linda registered on its screen. Inignora niya lang iyon at nilagay sa block list ang number nito. Linda was an ex-fling that he met during Alfred's birthday the same night when Tanya caught his attention. They made out that night but after that he didn't contacted her. Ayaw niya ng clingy na fling kaya todo iwas siya sa mga katulad ni Linda lately. Direcho uwi na siya ngayon na dati namang hindi niya ginagawa. "Chocolate ice cream, marshmallow at mango graham lang katapat 'non," Napatingin siya sa kaibigan niyang nakatayo sa harapan niya. "And korean drama, ninong!" Kit added and smile at him. "Para kanino?" Tanong niya. "Kay Tanya," simpleng sagot nito. "Are you suggesting to me that I should court her?" Binatukan lang siya nito dahil alam nila pareho na bawal magsalita ng anumang masasamang salita sa harapan ni Kit. "Then, what are you implying, Mike?" "Comfort food niya iyon." Akma siya nitong babatukan ulit pero naawat na niya agad. "Why do you know those things?" tanong niya. "Because I'm always with them. Ikaw kasi man w***e at kung saan saan ka nagpupunta imbis na sumama sa amin," anito sa kanya. Tama naman ito kaya muli siyang napatingin kay Mike nang mapagtanto na madami din pala siyang na-miss na kaganapan sa kanilang magkakaibigan. Kung sumama siya sa mga ito palagi malamang matagal na niya kilala si Tanya. "What's man w***e, ninong?" Inosente at nabubulol pang tanong ni Kit kay Mike. "It's something that you shouldn't do when you grow up. Don't be like Ninong Sixto, okay?" He glared at Mike "Where can I buy that mango graham?" tanong niya. "Pwede mo gawin or mag-order ka online. Make effort, dude para hindi ka sungitan at manatili sa kuyazoned," Binato niya ito ng unan pero tinawanan lang siya nito. Nakitawa din si Kit kahit hindi naiintindihan ang pinag-uusapan nila ni Mike. Bigla tuloy siyang na-curious sa mga bagay na makakapagbigay ng comfort kay Tanya. He opened his phone once again and texted his secretary to check where he can buy those food that Mike mentioned. Pagkatapos noon ay nagsearch naman siya nung binanggit ni Kit na korean drama. Nalula siya sa dami ng resultang lumabas nang maghanap siya ng suggestion. He entered a website with a review under the top ten must watched korean drama. Nasapo niya ang kanyang mukha bigla. Ano ba itong ginagawa ko? Tanong niya sa sarili. TANYA spent her whole night studying until midnight. Hinatidan lang siya ni Mike ng pagkain sa kwarto niya at ito na din ang nagpatulog kay Kit dahil ayaw siya nitong abalahin pa. Pagkatapos niya kumain ng dinner, bumalik siya sa pag-aaral at muling huminto ng makatanggap ng text mula kay Sixto. From: Kuya Have you watched The Legend of the Blue Sea? Nangunot ang noo niya bigla. Why the hell he's asking that kind of question now? Agad niya dinampot ang cellphone saka nagtype ng pang-reply dito. To: Kuya Nanonood ka nyan? Didn't expect it. Binaba niya ang cellphone saka muling nagbasa mula sa notes niya. Imbis na reply ang natanggap ay tumawag lang ito sa kanya. Hindi niya malaman ngayon kung sasagutin ba niya iyon o hindi. Tinitigan niya lang ito hanggang sa tuluyang matapos ang pagring noon. From: Kuya Answer it please  To: Kuya Ano ba kailangan mo? I'm busy studying. From: Kuya Just want to ask something. Curious ako sa mga korean drama. She burst into laughter when she read Sixto's reply. Hindi niya magawang ma-imagine ang itsura nito habang nanonood ng korean drama. Hindi niya sukat akalain na maku-curious ito sa mga gano'n at natural lang naman iyon pero hindi pagdating kay Sixto. He's respected in MSC like Alfred that's she didn't see it coming. To: Kuya Watch that first before bugging me. Baka ma-spoil kita sa ending niyan. Hindi na siya natanggap ulit ng reply dito kaya nagpatuloy siya sa pag-aaral hanggang sa matapos siya ng mag-a-alas onse na ng gabi. Inayos niya ang mga gamit niya saka nahiga na kama niya. She checked her social media account newsfeed to get updated a little bit. There, she saw a post tag to Mike and Alfred. It was Sixto with a girl named Quincy Altamirano watching Legend of the Blue Sea with a caption What happen to him? End of the world? Nagbrowse siya sa comment box noon at nabasa ang comment ni Mike. |Doc Mike Salazar: Nagagawa pag inlove. #Kuyazoned |Seven Altamirano: Inlove ang kuya ko? That's new mom must know this. |Alfred Morales: May God save this man. Wait until she graduate from college. |Doc Mike Salazar: Whoo, dad is here hahaha! Naiiling niyang tinigil ang pagbabasa noon at pinatay na ang data connection niya. She fixed her eyes on the ceiling and count sheep in her mind until she fell asleep. Kinabukasan, naabutan niya sa dining room sina Tita Letty niya, si Alfred at Kit. na nag-almusal. She greeted them good morning and kissed Kit on his cheeks. Naupo siya sa pwesto niya at sinulahan ang mga ito sa pagkain. "Mid term mo na next week?" tanong ni Tita Letty niya. "Yes po and I'm reviewing na po." Tugon niya dito. "Is Altamirano bugging you?" Napatingin siya kay Alfred bigla at sumunod sa tita Letty niya. "Sixto? Why? Is he courting Tanya?" Bigla siya napaubo nang marinig ang tanong na iyon ng kanyang tiyahin. "I don't know. Maybe? You answer it, Tanya," ani Alfred dahilan upang mapatingin sa kanya ulit ang tiyahin niya. "Hindi po. Wala po akong time sa ganyan, Tita," A smile flashed on her Tita Letty's face. "No one told you not to entertain suitors, hija. Don't mind this grumpy older brother of yours." Kit giggles as if he understand what his lola said to her. Batang supporter ni Sixto dahil mula nung isang araw pa nito binibuild up sa kanya si Sixto. She smiled back to her tita and choose not to answer it. Alam niya wala naman pumipigil sa kanya na mag-entertain ng manliligaw pero choice niyang huwag tumanggap muna habang nag-aaral pa siya. Ayaw niyang maantala iyon dahil sa isang pangyayari na pinapasok niya sa buhay niya. After breakfast, sabay silang pumasok ni Alfred at binaba lang siya nito sa CEU. She immediately walked towards her locker and notice a rose taped on her locker's door. She saw a small note there and she decided to read it. To brighten up your day, Ate Napaikot niya ang mga mata niya bigla nang marealize kung kanino galing iyon. She immediately hide it when her classmates starts to go near her. Siningit niya na lang iyon sa libro para gawing bookmark. Kinuha niya ang note noon at sinuksok sa bulsa niya. Dumirecho na siya sa classroom nila at doon na nagbasa habang naghihintay sa kanilang professor. She continue to review and highlight those important word on her book that she needs to remember. Kailangan niya manatili sa Dean's List para naman umayos ang trato sa kanya ng kanyang Papa. Disappointed ito dahil mas pinili niyang sumunod sa yapak ng kapatid nito na tatay ni Alfred kaysa dito na isang abogadong politiko. She doesn't want to get filthy someday. Gusto niyang paghirapan ang lahat bago niya makuha ang mga iyon upang masabi niyang worth it ang mga bagay at achievements niya. She's lucky to have her cousin and aunt who always there to support her in achieving her dreams. Without them she maybe miserable and she thanked God for giving them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD