Chapter Five

1897 Words
"LEA, nasaan na si Tanya?" Nadinig niyang tanong ni Alfred sa nanny ni Kit. Sumagot itong mamaya na daw baba si Tanya pagkatapos nitong mag-aral. He saw a 'do not disturb' sign on Tanya's door awhile ago when he entered the house. Mukhang ayaw talaga nito magpa-istorbo sa kahit sino at wala na siyang magagawa doon. "She's been isolating herself again because of her parents," Napatingin siya sa kaibigan niya bigla. Ayaw niyang magtanong dahil hindi naman iyon istorya ni Alfred para ito ang magkwento pero aware na siya sa relasyon mayroon ang dalaga sa mga magulang nito. Tanya's parents doesn't approved her current college course and they want her to take law. Umalis ng bahay nila si Tanya dahil doon at piniling tumira kasama sina Alfred at tita Letty nito. Alfred sponsored her studies after shifting course twice. He crossed his legs and tried to focus his attention to the papers he is reading. Kasalukuyan silang nagta-trabaho ngayon ni Alfred sa bahay nito dahil may presentation sila sa mga miyembro ng board sa darating na lunes. Kabado siya ng kaunti dahil iyon ang unang beses na magpi-present siya bilang assistant corporate communication officer. Ang magiging come out noon ang magpo-promote sa kanya sa mas mataas na pwesto at malaking tsansa na maging advisor siya ni Alfred. "I thought you'll gonna court Tanya. Wala ka namang ginagawang move dude," Si Mike na kasama din nila doon at abalang nakikipaglaro kay Kit. "H'wag mong sabihin natotorpe ka kung kailan pinayagan ka na nung pinsan," "Shut up, Mike, busy ako," aniya dito. Tumawa lang ito na halos dinig na hanggang sa kabilang kanto. Naiiling siyang tumingala at napadako ang tingin niya sa bintana kung saan naabutan niyang nakasilip si Tanya. Kakawayan niya dapat ito pero mabilis nitong naisara ang kurtina at hindi na ito nakita ulit. "Pero grabe din sina tito Arnold at tita Wendy, sobra nila gipitin si Tanya baka mamaya kumawala na naman 'yan at hindi magpakita ng isang buwan," komento ni Mike. Kilalang kilala talaga nito si Tanya. Nasaan ba kasi siya nung mga panahon na iyon? "She won't and she made a promise to me," tugon ni Alfred. "Hoy, ano plano mo? Palibhasa hindi uso sayong formal courting kaya wala ka alam," pang-aasar sa kanya ni Mike. "Siraulo." Maikli niyang sabi dito. Dinampot niya ang cellphone saka nag-log in sa i********:. Notifications starts to pop out on his cellphone screen. Karamihan doon ay tag post nung mga recent party na dinaluhan nung bumalik siya sa Manila para magliwaliw at hindi maalala ang pambabasted sa kanya ni Tanya. But alcohol made him more realize how Tanya changed his life in just a quick snap of her fingers. He rarely drink now, no hook ups since he met Tanya, and he doesn't smoke now. Kapag walang trabaho, umuuwi na siya ngayon sa family house nila at nakikipag-bonding sa mga kapatid na babae kahit binu-bully lang naman siya nito. Nagtataka na nga mga kapatid niya dahil tila may sumapi sa kanyang masamang espiritu. Taong bahay na siya ngayon kaya madali na hanapin. Hooked na siya sa panonood ng mga korean drama na yung iba, binigay pa sa kanya ni Quincy. Tiningnan niya bawat liker ng recent post niya at hindi niya sukat akalain na makikita doon ang pangalan ni Tanya. A lopsided grin flashed on his face as he clicked Tanya's i********: profile. In the photo, she's wearing bohemian design strapless crop top and loose short. Iyon yung suot nito nung second day nila sa family house niya. He hit follow button and watched her uploaded IG stories. Dalawa lang iyon, isang beach view kinunan mula sa front porch ng family house niya at isang boomerang video nito na unti unting sino-zoom in ang mukha ng isang koreanong actor. sixtoachilles: I thought you were studying, hmm? tanyabanana: #stalker sixtoachilles: researching kasi. tanyabanana: HA. HA. HA. Pakihanap ng paki ko. sixtoachilles: return my heart instead of asking me to look for your care. Hindi na nagreply pa si Tanya sa kanya dahilan para sunod sunod siyang mapailing. He caught Alfred and Mike's attention but he just shrugged at them. Tumayo siya at pumasok sa loob para kumuha ng maiinom na tubig. Doon naabutan niya si Tanya na kumukuha ng pagkain. Inignora lang siya nito na parang kaluluwa lang siya na hindi mapakali. Kumuha siya ng isang pitsel sa refrigerator at baso na naka-pwesto sa gilid ni Tanya. She moved a little away from him so he could get a glass. That's awkward and he really can't handle it anymore. Tanya was wearing simple house clothes, hair tied on a messy bun and wearing an eyeglass. Hindi 'non nabawasan ang aking ganda nito na siya laging laman ng panaginip niya. Muntik na siya maniwala noon na lust nga lang ang nararamdaman niya dito pero hindi dahil alam niya ang pagkakaiba ng lust sa love. Minsan din siyang na-inlove kaya lang hindi nag-work out dahil mas mahal nito ang career kaysa sa kanya. "Tita!" Pareho silang napalingong dalawa dahil sa sigaw na iyon ni Kit. Patakbo itong lumapit kay Tanya saka yumakap. "Are you done studying? Can we watch Thomas and Friends in your laptop?" Hinihingal pa ang inaanak niya habang nagsasalita. Dahil sa pang-i-spoil niya dito, tumataba na ito ngayon kaya si Alfred hindi na iniiwan sa kanya si Kit. He scoffed that made her glared at him. "Yes I'm done now. Tapusin ko lang 'to tapos manonood na tayo," "Yehey!" Napatingin sa kanya si Kit bago muling bumaling kay Tanya. "Can ninong watch with us?" "Hmm, asked him if he wants to watched kiddie shows," anito sa pamangkin. Muling tumingin sa kanya si Kit at kinurap kurap nito ang mga mata na para bang nagmamaka-awa. "Okay I'll watch," tugon niya. A message notification caught his attention. tanyabanana: Manonood ka talaga? Boring 'yon h'wag na. sixtoachilles: Hindi boring kapag kasama ka. tanyabanana: Hay ewan... "What's funny ninong?" Curious na tanong ni Kit. "Nothing I'm just teasing a slowpoke girl." Nakita niya ang pagkunot ng noo nang bata na tila ba pilit nitong iniintindi ang sinabi niya. "Come on, let's tell your dad our plan so he won't be mad at me." Nilapag niya ang basong ininuman sa lababo saka marahang hinila palabas si Kit. He winked at Tanya but he just received a deadly glared. Asking Alfred's permission is always like asking a daughter's hand to an overprotective dad. Maganda pa ang pagkaka-describe niya pero ang totoo, parang lang one step closer to hell kapag nagpapaalam siya kay Alfred. Kung tutuusin siya ang dapat na mag-under dito dahil may hawak siyang malaking alas na maaring niyang gamiting pang-black mail pero hindi niya ginawa. He have a higher respect for his friend. Role model niya nga ito pagdating sa trabaho hindi sa ugali. Mas gusto niya i-keep ang Mr. Friendship title niya na minsan nagiging Mr. Worldwide. Nang pumayag si Alfred, dali dali siyang inaya ni Kit paakyat sa kwarto ni Tanya kung saan naabutan nila itong nagtutupi ng mga damit nito. Tanya's room is clean, organize and has homey feels. Isa sa mga rason iyon kaya hindi nalabas ng kwarto nito. Doon palang tiyak niyang makakapag-aral na ito ng tahimik. Kit went straight to her bed and played the show he requested to her aunt. Inaya siyang maupo din doon ni Kit kaya kahit parang labag sa loob niya. Ano ba nangyayari sa kanya? Para siyang teenager kung umasta ngayon at hindi na siya natutuwa. Pagkatapos ni Tanya sa ginagawa nito, naupo ito sa kabilang side ni Kit. "Pati kiddie show pinapatos mo na ngayon?" Mahinang tanong nito sa kanya. "I can't court the father kaya dun sa anak na lang," tugon niya. Pinatahimik sila pareho ni Kit saka seryosong nanood ulit. "You really don't know how to back off," sambit nito muli. "I can't love you back, Altamirano," "I can make you love me, don't worry." Inabot niya ang kamay nito saka hinawakan iyon. Maang itong napatingin sa kanya at pilit binabawi 'yon pero hindi niya hinayaan. He's backstabbing Alfred right now and he's ready for the consequences of doing it. Mahigpit siyang binilinan na no touch nito pero kailan ba siya sumunod dito? Never and he choose to argue with him everyday. He's impulsive while Alfred is prim and proper. Si Mike naman pinaghalong ugali nilang dalawa ni Alfred kaya nga nag-click silang tatlo. He held Tanya's hands until he fell asleep on her bed beside Kit. MARAHANG inalis ni Tanya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Sixto saka inayos ito ng higa katabi si Kit na tulog na din. Dahan dahan siyang tumayo at in-adjust ng lamig aircon sa kwarto niya para maging komporatble yung dalawa. Pagkatapos ay binitbit na niya ang gamit niya palabas ng kwarto. Kailangan niyang mag-aral ulit at sa living room na lang niya gagawin iyon. Nadi-distract siya sa presensya ni Sixto doon at hindi niya magawang maintindihan ang t***k ng puso niya nung hawakan nito ang kamay niya. Her hands fits on his really well and its like a scene in a korean drama. Nasalubong niya si Alfred pagbaba niya at paakyat na ito ngayon sa kwarto nito. "Nasaan yung dalawa?" tanong nito sa kanya. "Tulog at hayaan mo na sila doon. Dito na lang muna ako sa living room," tugon niya. "Fine." Sambit nito. "Uhm, how do you feel about Sixto?" Iyong tanong na naman na iyon. Mike asked her the same question before and her answer still the same. "Nothing because he's annoying, loud and a real pain in the ass, Alfred." Hindi na magbabago iyon... yata... hindi niya talaga sigurado. "Not fond of him?" tanong nito ulit sa kanya. "I can't love someone else when I don't know how to love myself." Sagot niya saka tuluyan na tinalikuran ang pinsan. Kapag kasi hindi pa niya ginawa iyon hahaba lang ang usapan nilang dalawa. She have to focused on her main plans - study, graduate and have a position in MSC. Hindi niya isasama doon ang pag-ibig dahil ayaw niyang mapunta sa wala ang mga efforts niya. Marahan siyang naupo sa couch at nagsimulang magbasa. Hindi siya maka-alis alis sa unang paragraph ng binabasa niya dahil hindi naman ang mga nakasulat doon ang iniisip niya. Yung mga tanong nina Alfred at Mike ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan niya. Dumagdag pa yung naramdaman niya nung hawakan ni Sixto ang kamay niya. Sinara niya ang libro saka mariing pumikit nang maisip na baka attracted siya dito. Napaka-imposible noon dahil kasasabi lang niyang annoying nitong klase ng tao. She stood up and went straight to the kitchen. Binukas niya ang ref at nilabas ang isang pitsel ng tubig doon. Kumuha siya ng baso at nagsalin saka ininom iyon. Naisip niyang baka kulang siya sa tubig kaya mabilis lagi ang t***k ng puso niya. Wala iyon koneksyon sa pag-ibig at kahit nanonood siya ng mga korean drama, imposible pa rin sa kanya na maramdaman iyong nararamdaman ng mga bidang babae sa totoong buhay. Siguro kung si Gong Yoo hahawak sa kamay baka iba ang maramdaman niya. But I have to admit that Sixto is more hotter than Gong Yoo. Sunod sunod siyang napailing. Ano bang iniisip niya ngayon? Muli siyang nagsalin ng tubig sa baso at ininom iyon. Bakit kasi nanghahawak ng kamay? Tanong niya saa isipan. Nasapo niya bigla kanyang noo saka matamang tinuon ang tingin sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD