Simula
HALOS paliparin na ni Tanya ang sasakyan para makarating sa ospital kung nasaan naroroon ang anak niyang si Aicel. She immediately leaves Morales Steel Corporation upon knowing that her daughter got admitted in the hospital. Hindi sinabi sa kanya ng Tita Letty niya ang dahilan kung bakit ito sinugod basta ang alam niya nung umalis para pumasok may sinat lang si Aicel. Maaring siyang makasuhan ng overspeeding at wala siyang pakialam doon dahil ang importante lang sa kanya ngayon ay madaluhan ang kanyang anak.
Nang makarating siya, she smoothly parked her car in the middle of a black SUV and white Toyota Corola. Dali dali siyang bumaba at dire-diretsong lumakad papasok ng E.R. Doon naabutan niya ang Tita Letty niya, si Alfred at Kit. Tila may tumarak sa puso niya nang madinig ang iyak ni Aicel kaya mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ng anak. Agad niya ito binuhat saka pinatahan habang ang nurse naman ay kinakabitan ito ng swero na pilit pinapalis ni Aicel. Aicel got her fear from any needles to her father. Talagang mag-iiyakan muna bago ito matusukan ng injection. Madami pa itong nakuha sa ama nito gaya ng pagiging madaldal at matanong nito.
"Baby, don't cry and close your eyes..."
Her voice cracked and tears starts to build up in the corners of her eyes. Her daughter, Aicel is only four years old and she hates to see her daughter in that state. Yumakap sa kanya si Aicel habang naiyak pa rin kaya nilapitan na sila ni Alfred at kinuha ang bata sa kanya. Hinaplos niya ang likuran nito saka pinahiran ang mga luha ni Aicel.
May pinapaliwanag ang doctor sa harap nila pero wala doon ang atensyon niya kaya si Alfred na lang ang nakikinig at sumasagot sa tanong nito. Nang iwan sila ng mga ito, medyo kalmado na si Aicel ngunit bakas pa din ang sakit sa mukha. Nililibang lang ito ni Kit para mawala ang atensyon sa swerong nakakabit sa kamay nito.
"We need blood and none of us matched Aicel's type," sambit ni Alfred sa kanya. Napatingin sa kanya ang Tita Letty niya - mama ni Alfred tapos ay bumaling na sa anak nito. Mukhang may solusyon nang naisip ang dalawa at nahihiya lang banggitin sa kanya kung sino iyon kaya tumayo na siya.
"We will not ask him. Never, Alfred, baka meron sa mga kapatid ni mama na mag-matched kay Aicel," aniya sa pinsan dahilan para malalim itong mapabuntong hininga.
"Sixto is one call away, Tanya. Yung mga kamag-anak niyo nasa probinsya pa. Its Aicel's life we're talking about here not your past with Sixto. Stop hiding now and don't worry, I'll talk him instead so you don't need to face him." Umiling siya bilang pagtanggi sa suhestyon nito. "Tanya, he will never get Aicel to us, okay? Stop overthinking the impossible things and I will never let that happen."
Nilapitan siya ng Tita Letty niya saka kinumbinsi din. They trust Sixto even if he cheated on her four years ago. Nanatili kasi itong loyal sa pamilya nila at talagang bumawi para lang mapatawad nila ito pero hindi siya. Hindi niya nga matagalan na kasama ito sa kumpanya ngayon at sobra siyang naiinis sa kaingayan nito. She tried to resign many times but Alfred didn't approve any of her resignation.
Now she's working under Sixto and Alfred since the guys hold higher position in MSC. Nakailang pilit pa sa kanya ang mag-ina bago siya napapayag ng mga ito. Paulit ulit na lang niyang sinabi sa sarili na buhay ng anak niya ang nakasalalay sa desisyon niyang iyon. A life that most precious to her and only string of hope she has.
Just trust, Alfred, okay? He will never disappoint you, Tanya... paalala niyang muli sa isipan.
MATAMANG inihimpil ni Sixto ang Subaru Forester niya sa tabi ng Montero Sports ni Alfred. Pagkapatay niya ng makina, agad siyang bumaba doon at naglakad papasok ng ospital. Nasipat niya ang pamilyar na sa sasakyan hindi kalayuan sa pinaghimpilan niya, hindi siya maaring magkamali, kay Tanya ang sasakyang iyon. Bakit niya alam? Simply because he keep on stalking her since came back from Singapore last month.
Four years siyang pina-destino doon ni Alfred para mamatay ang isyung kumabit sa pangalan niya na siyang naging dahilan ng pagkakasira nila ni Tanya. Sa loob ng apat na taon, walang nagbago at ito pa din ang nanatili niyang kahinaan. Kahit wala itong gawin at kahit minu-minito siya nitong sungitan sa opisina, ayos lang dahil ang mahalaga nakikita niya ito kahit may kaunting limitasyon. Alfred asked him not to bother Tanya for his friend's peace of mind but he didn't follow it.
Only Tanya can command him and his willing to be her slave if only she allows it. Nagpatuloy siya sa paglalakad at kinontak niya si Alfred para sabihin na naroon na siya. Bigla kasi siya nitong pinapunta doon dahil may kailangan daw ito sa kanya. Hindi naman nito sinabi sa kanya kung ano 'yon at para wala ng sumbatan ay nagpunta na lang siya doon.
Mahilig kasi manumbat si Alfred at talagang uungkatin nito ang mga kasalanan niya mula umpisa para lang sumunod siya. But he thanked that his best friend didn't gave up on him even if he made Tanya cried. Nanatili ang loyalty niya dito at sa pamilya nito kahit na madaming dumidemonyo sa kanya. Now, he's a Corporate Communications Officer of Morales Steel Corporation and he's key advisor of Alfred James Morales whose the Chief Excutive Officer of MSC.
Parte ng trabaho niya ang makipag-usap sa mga investors, analysts, customers and member of the board. Kaya gamit na gamit ang pagiging charming niya sa lahat ng aspestong may kinalalaman sa ikalalawak ng kumpanya. Some board members tried to poison his mind and asked him to be their ally but he remained loyal to the Morales.
Malaking tinik sa board member ang existence niya at wala ni-isa ang maka-porma sa mga ito laban kay Alfred. Sabi nga nila, matalino siya kahit sobrang daldal niya at bolero kaya naman halos lahat ng investors sa kanila ang punta lalo na yung mga nagkakagusto sa kanya pero dahil nasa paligid niya si Tanya, iniiwasan niyang lumandi sa iba. Dito lang niya itutuon ang atensyon niya at hindi sa ibang babae.
"Dude, nandito na ako sa lobby ng ospital. Nasaan ka?" aniya sa kabilang linya nang sa wakas sagutin na ni Alfred ang cellphone nito.
"Wait there." Malamig at maiksing sagot nito sa kanya. Muntik na siyang manigas sa lamig ng tugon nito na dinaig pa si Queen Elsa. Naiiling niyang tinapos ang tawag sa kaibigan niyang one liner speaker at kasal sa trabaho. Palagi niya itong pinapayuhan na magloosen up kahit minsan pero pulos middle finger at mura lang natatanggap niya mula dito. Gano'n yata talaga magmahal si Alfred ng kaibigan, minumura at sinusumpa.
Nilinga linga niya ang tingin sa paligid at may mangilan ngilang pasyente, nurse at dalaw doon ang panay ang tingin sa kanya. He couldn't blamed them because he's oozing with s*x appeal and charms. Nginitian niya ang mga ito para naman hindi siya masabihang suplado. Hanggang ngiti lang kaya niya ibigay dahil ang puso niya'y pag-aari na nang iba. Someone named her as his Achilles' Heel.
Tinaas niya kanang kamay pagkakita kay Alfred na lumabas mula sa emergency room. Nilapitan siya nito agad at mabilis na hinila sa ibang panig ng ospital. Kumausap ito ng nurse at nadinig niyang sinabi nitong donor siya ng dugo. Parang gusto niyang himatayin pagkarinig noon pero hindi niya ginawa dahil nakakabawas iyon ng p*********i.
Hindi yata alam ni Alfred na takot siya sa injection o kahit anong karayom kaya nga kahit masama na pakiramdam niya hindi siya nagpupunta sa ospital dahil alam niyang susuweruhan siya doon. Pinaupo siya ni Alfred sa isang bakanteng upuan at nais niya sanang mag-walk out pero hindi siya hinayaan ng kaibigan niya.
"Damn, Sixto sit there," utos nito sa kanya.
"Dude, para saan ba 'to? Alam kong galit ka pa sa akin pero huwag naman sa ganitong paraan." Nakita niyang nasapo ni Alfred ang mukha nito at narinig niya ang mahinang pagtawa ng nurse na kasama nila sa loob. Kahit siya gusto niyang itago mukha niya dahil para silang magkarelasyon ni Alfred ng mga oras na iyon. Baka isipin ng nurse na bakla sila pareho ng kaibigan niya.
"Fucker, Tanya was right. Ugh! Just close your eyes!" singhal sa kanya ni Alfred.
"Tanya? What happened to her? Why does she need blood? Para saan ba kasi 'to? Hindi naman lugi ang MSC ah kaya bakit pinagdodonate mo ako ng dugo?"
Bigla bumukas ang pintuan ng kinaroonan nilang kwarto at bumungad sa kanila ang nakangising mukha ni Mike. Isa pang mang-aasar sa kanya dahil sa pagiging takot niya sa dugo at injection. Nakita niyang inutusan nito ang nurse na gawin na ang trabaho nito. Sinabihan pa siya ng nurse parang kagat lang iyon ng langgam para kumalma siya hindi siya maloloko nito. Maganda yung nurse pero wala doon ang atensyon niya kung 'di sa hawak nitong syringe.
Walang injection na parang kagat ng langgam. Gusto niyang sabihin iyon pero nagpigil siya dahil mukhang para kay Tanya nga yata ang dugong kukuhain sa kanya. He'll do everything just for his love.
"Someone needs your blood Sixto Achilles Altamirano so stop acting like a girl," ani Mike sa kanya.
"Sino? Saka bakit ako? Anong ginagawa niyong dalawa?" Sunod sunod niyang tanong.
"We just want to make sure that you'll match with her because..." Huminto ito dahilan upang mapatingin siya kay Mike na nakatingin naman kay Alfred.
"Because she's your daughter, Sixto," Tuloy ni Alfred. Tuluyang nawala ang atensyon niya sa syringe at lumipat ang tingin niya sa dalawa niyang kaibigan. Anong sabi ni Alfred ulit? Daughter daw niya? Kanino siya nagka-anak? Mga tanong na umikot ikot sa isipan niya. "Aicel, my niece and Tanya's daughter is yours, Sixto. She badly needs your blood to survive,"
"How?"
Damn, wrong question, Sixto kasi wala sila doon nung ginawa niyo ni Tanya 'yon...
He received no response from Mike and Alfred at nanatili silang tahimik sandali bago umayos ng upo at pumirma na sa donor assesment papers. Matapos iyon ay nagproceed na ang nurse sa pagkuha ng sample sa kanya at dinala iyon agad sa testing room para malaman kung magma-match. Another nurse enter their room and made him lay down and hold a stress ball while drawing blood from him after knowing that it matched. After drawing blood, the nurse asked him to hold and put pressure to avoid unecessarily bruise on his skin.
Iniwan na sila ng nurse at ni Mike para dalhin iyon kina Tanya na nasa emergency room pa din. Napatingin siya kay Alfred at sinalubong naman nito ang tingin niya. Kailangan niya ng eksplanasyon kung bakit ngayon lang nito pinaalam sa kanya ang tungkol sa anak nito. Ilang taon na yung bata? Anong mga milestones nito ang na-miss niya? Gusto niyang magmura dahil pakiramdam niya pinagkaitan siya ng karapatan dahil lang sa kasalanan na hindi naman niya ginawa talaga.
Tanya discovered that he had a s*x video with ex-fling. Nagalit ito at hindi na pinakinggan ang paliwanag niya. Kailangan pa malagay sa alanganin ang bata bago niya malaman ang existence nito. Gusto niya magalit pero naisip niyang ginawa lang naman iyon ni Tanya sa galit sa kanya pero unfair pa din.
"Tanya doesn't want you to know it," Si Alfred matapos ang ilang minutong pananahimik nito.
"At kinunsinti mo naman siya!" Sigaw niya. "sabagay kaibigan mo lang ako at siya pinsan mo, 'di ba?" sarkastiko niyang sabi.
"Damn, hindi ko gustong itago sa 'yo iyon dahil may anak din ako at akala mo ba hindi ako naawa sa pamangkin ko kapag palaging sinasabi ni Tanya hindi ka pa makakauwi? She knows you, don't worry so stop guilty tripping me,"
"That's not the point, Alfred! You could've told me, tangina palagi ko tinatanong sa 'yo si Tanya ano ba naman yung sabihin mo sa akin na may naghihintay sa akin dito," galit niyang sabi dito. Tinaas nito ang dalawang kamay nito sa ere bilang tanda ng pag-suko nito sa argumento.
"I'll call when she's stable, rest there for awhile." Anito saka iniwan na siya doon.
Nasapo niya ang mukha gamit ang isang kamay saka inis na tumayo. Gusto niyang sipain ang ang bagay na nakikita niya sa loob ng kwarto kinaroonan ngunit hindi niya ginawa. Nanatili siya sa kwartong iyon ng ilang oras hanggang sa makatanggap ng tawag kay Alfred ba stable na ang lagay ng anak niya.
Anak niya...
Hindi pa din nagsi-sink in sa kanya ang katotohanan na may anak siyang itinago ni Tanya sa kanya. A question keeps on circulating in his head and he couldn't find answers to it. Alfred asked him to see his daughter and Tanya permitted it. Marahan siyang tumayo at lumabas ng kwarto saka tumungo sa kwartong sinabi ni Alfred sa kanya. He heard child's laughing the moment he stopped in front of the room.
Laughter like music to his ear. Damn, he loves kids and his dream to have a lot of it. Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang door knob saka marahang pinihit iyon pabukas. Pagpasok niya, bumungad sa kanya ang mala-anghel na mukha ni Aicel at awtomatiko itong ngumiti saka tinuro siya pagkatapos banggitin ang mga salitang, daddy. It was a dream come true for him to be called in that way. Tears suddenly roll down to his cheeks.
Damn, why am I borne emotional?