"UGH!" Tanya groaned when her books fell on the concrete floors.
Sobrang bigat kasi noon pero kailangan niya dalhin lahat pauwi para makapag-aral siya at hindi bumagsak sa mid terms examination niya. Pauwi na siya at malapit na sa sakayan ng mga taxi, tricycle at jeep nang aksidente niyang mabitiwan ang mga iyon. May isang libro na pa na nahulog sakto sa paa niya kaya hindi niya maiwasang maiyak.
Walang driver na available sa bahay nila dahil gamit lahat ni Alfred para sa out-of-town meeting nito kasama ang Tita Letty niya. Pag-uwi niya aasikasuhin pa niya si Kit bago makapag-aral. Ang dami niya gagawin at nagagahol siya sa oras. Marahan siyang yumukod at isa isang dinampot ang mga libro sa sahig.
Someone whistled from behind when her skirt went up. Agad siyang dumiretso ng tayo at inayos iyon. Hirap na hirap siya kumilos dahil naka pencil cut skirt siya. Paano niya mapupulot ang mga iyon? She released another sighed out of frustrations. Ang mga lalaki namang dumaan imbis na tulungan siya kinantyawan pa siya.
Natigil siya nang may black coat na biglang sumampay sa balikat niya. Malaki iyon sa kanya kaya halos matakpan na ang buong palda niya. She looked back and she saw no one there. Nang tumingin siya sa harap, nakita niyang pinupulot na ni Sixto ang mga libro niya sa sahig.
"Asked help if you needed," anito saka cool na tumayo bitbit ang mga libro niya. "Your cousin ask me to fetch you," He's wearing white button down long sleeves shirt, black slacks and paired of black leather oxford shoes. Maayos na nakasuklay pataas ang buhok nito na bagay na bagay dito.
"Weh?" aniya dito na kinatawa nito.
Ayaw niya maniwala dito dahil alam niyang mas ibibilin siya ni Alfred kay Mike kaysa dito. May hidden agenda kasi ito at alam niyang napapansin iyon ng pinsan niya. Since he met Sixto at the bar, halos araw araw na ito sa bahay nila at tanong ng tanong sa kanya kaya minsan pinipili na lang niyang mag-stay sa coffee shop para makapag-aral ng tahimik. Nagtetext pa muna siya kay manang Elisa bago umuwi upang masigurong hindi niya ito makikita doon.
"Is that your way of saying thank you, Tanya Margarette?" Inirapan niya lang ito saka akmang kukunin ang mga libro niya dito pero hindi ito pumayag.
"Did Alfred really ask you to fetch me?"
"No. I came here to teach,"
"Liar, tss!" Tumawa ito dahilan para irapan niya itong muli. "Give me my books now," aniya dito.
"Tara na ihahatid na kita sa inyo,"
"No thanks. Magtataxi na lang ako,"
"Riding a taxi is dangerous, Tanya Margarette."
But riding with is more dangerous for me, gusto niya isatinig iyon pero hindi na niya inabala pa ang sarili niya.
"Come on, walang kasama si Kit sa bahay,"
"Why did you know?"
"Tumawag siya para magpabili ng pagkain pero hindi na fast food binili ko kasi magagalit ka." Hindi na siya sumagot pa at nawalan din naman siya ng pagkakataon pa dahil may lumapit ditong mga estudyante na nakilala niya agad dahil nakikita niya ang mga ito kapag pumupunta siya sa floor ng mga higher year student ng Business Management.
Binati ng mga ito si Sixto at tinanong tungkol sa mga bagay na may kinalalaman sa kursong kinuha niya pero hindi niya pa maintindihan ang ibang pinag-uusapan ng mga ito dahil nasa ikalawang taon palang naman siya. Nung umalis ang mga iyon, pinasakay na siya sa kotse nito at umalis na sila doon.
"So, business management ang kurso mo,"
"Eh ano na naman ngayon sa 'yo?" tanong niya habang patuloy na nagbabasa ng mga notes na sinulat niya kanina sa klase. Hindi na niya inabala pa ang sarili niyang linungin ito dahil alam niyang madidistract lang siya.
"I might be your Prof when you successfully reached your third year." Maang siyang napatingin dito. Totoo ba ang nadinig niya? Ang alam niya si Alfred din nagtuturo doon pero nang maging abala sa MSC, hindi na ito nagturo pero swerte pa din siya dahil kasama niya ito sa bahay at natatanong niya kapag nahihirapan na siya. "So, see you on your third year, Tanya Margarette," he said winked at her.
"Stop mentioning may whole name," she hissed.
"I like it so let me, please?" She just rolled her eyes and focus her mind to what she's reading. "Talent 'yang galing mo sa pagsusulat ng notes. I can hire you as my secretary someday,"
"No thank you kuya. I'll be working under Alfred once I graduated," Binigyang diin niya ang salitang kuya para inisin ito. He hates it whenever she calls him in that way.
"Damn, kuya," inis nitong sambit.
Mahina siyang tumawa dahil sa pagtatagumpay na maasar ang binata. Mabilis lang sila naka-uwi ni Sixto at pagka-park nila agad na sumalubong sa kanila si Kit at yumakap kay Sixto sunod sa kanya. Inaya na sila nito sa loob para kumain dahil nagugutom na pala ito. Binaba niya lang yung gamit niya saka coat ni Sixto at diretso na tumungo sa dining room para ipaghanda si Kit ng pagkain nito.
Sixto didn't buy fast food this time. Parang home cooked meals iyon na may gulay, meat, rice at fruits. Three set yon at iba iba ang ulam sa loob ng container.
"Tita after this can we play?" tanong sa kanya ni Kit.
Malungkot siyang tumingin dito. "I can't Kit gagawa pa ako reviewer ko kasi exam na ni Tita next week. Hindi ako pwedeng bumagsak doon kasi magagalit daddy mo,"
"I see..."
"I can play with you..." sabat ni Sixto sa usapan nilang magtiyahin. "and maybe I can help you too in your reviewer,"
"H'wag na conflict of interest iyon, kuya," aniya na kinasamid nito.
Agad siyang tumayo upang kumuha ng tubig at inabutan ito. Hindi niya ang dahilan ng pagkasamid nito pero tingin niya may kinalalaman iyon sa pagtawag na naman niya dito ng kuya. Well, it is right and just to call him in that way because he's same age with Alfred. Hindi lang nagpapatawag ng kuya si Alfred sa kanya dahil kaunti lang naman daw ang agwat ng edad nila mga limang taon.
"But thank you for your offer, kuya." He glared at her but she just ignored it and stuck her tongue out at him.
MATAMANG hinayon ni Sixto ang tingin niya sa pintuan ng kwarto ni Tanya. Magmula kasi ng umakyat ito kanina ay hindi na ulit bumaba dahil siguro abala sa pag-aaral. Maglilimang oras na ito doon at hindi 'man lang bumaba upang kumuha ng pagkain o inumin. Gusto niya itong katukin pero pinigil niya ang sarili niya dahil baka lalo lang itong mainis sa kanya.
Iritang irita pa naman sa kanya ang dalaga sa hindi niya malamang dahilan. Tanya was the first woman who got annoyed by him. Lahat ng babae na makasalamuha niya'y nahuhumaling sa charms niya pero iba si Tanya na challenge para sa kanya. Hindi niya magawang pormahan dahil mataas bumakod si Alfred at palagi siyang sinosopla nito. Magpinsan nga dalawa at parehong pareho ang ugali ng mga ito.
"Ninong, do you like my Tita Tanya?" tanong ni Kit sa kanya.
"What do you know about liking someone, Kit?" tanong niya pabalik na kinakibit balikat lang nito. "Even if I like her your dad won't let me make a move," aniya dito saka umayos ng upo paharap dito.
They were playing in the living room and Kit keep on talking about his toys. Wala na siya gagawin para sa araw na iyon at tapos na din naman niya ang trabaho niya sa office kaya hindi na siya babalik pa. Tinatawagan na lang siya ng secretary niya kapag may kailangan papirmahan sa kanya para alamin ang location niya.
Gaya kanina, dumating doon ang messenger ng MSC dala ang documents na kailangan ng pirma niya. Since Alfred was out-the-town business trip he played two roles in MSC for awhile. Siya lang authorize signatory ng lahat ng mga papeles sa kumpanya nila.
"I keep on seeing you staring at Tita Tanya always,"
Nanlaki ang mga mata niya bigla. "You noticed that?" Tumango lang ito bilang sagot. "Smart boy, Kit. Anak ka talaga ni Alfred,"
"What ninong?"
"Wala sabi ko pogi ka mana sa akin." Tumawa ito saka nakipag-apir sa kanya. Napagtuloy sila sa paglalaro hanggang sa ayain siya ni Kit na manood naman ng TV. Sa gano'ng eksena sila naabutan ni Tanya ng bumaba ito.
Finally, she came out...
Agad na dumapo ang mga mata niya sa binti nito kasunod ay sa batok. She's wearing oversized shirt and a satin shorts undermeath that. He swallowed a lump on his throat and suddenly he felt heat that made his forehead sweat. Tumayo siya at sinundan ito sa kusina. He watched her drink water while a picher on her other hand.
"Nagugutom ka na ba? I can cooked or order food for us three,"
"Hindi ka ba aalis? Hindi ka ba busy sa MSC?" Sunod sunod nitong tanong sa kanya.
"Hey, anong ginagawa mo dito?" tanong na nagpalingon sa kanila pareho. It was Mike whose carrying grocery box.
"Same question brother." Sambit niya kay Mike.
"Alfred asked me to check up on Tanya and Kit pero mukhang may nauna nang tumingin na may hidden agenda," anito na kinakunot ng noo niya. He saw Tanya shooking her head after a deep sigh. "I'll cook for all of us. Pwede ka na mag-aral ulit Tanya. Tawagin ka na lang ni Kit kapag ready na ang dinner. Mukhang kumota na naman na yung isa dyan sa pagtingin sa 'yo." He flicker his middle finger and Mike just laugh at him. Tumango lang si Tanya at tuluyan nang umalis doon.
"Gago ka talaga," singhal niya sa kaibigan.
"Ulol, ano ka teenager? Kung crush mo pormahan mo at h'wag mo daain sa pagtingin tingin lang." Sabi ni Mike na para bang eksperto ito sa panliligaw. "But I'm warning you, Alfred might freak out so wait until she graduate college. Mahal na mahal ni Alfred si Tanya kaya kung hindi ka seryoso, back off brad. Tanya is not a toy that you can play with," Naiiling niyang tinalikuran ito. "What? Ang pikon mo naman brad! Grow up!" sigaw pa sa kanya ni Mike.
Tuloy tuloy siyang umalis pagkapaalam niya kay Kit. Itutulog na lang niya iyon baka sakaling mawala pagkagising niya kinabukasan.
"TANYA, sa living room na lang ako magpapa-umaga, ha," ani Mike sa kanya na nagpahinto sa kanya ng pinagkainan nila. Nilingon niya ito saka tinanguan nilang pagsang-ayon sa gusto nito mangyari. May shift ito kinabukasan at talagang pumunta lang doon para ipagluto at bantayan sila ni Kit. Akma itong tatalikod na ngunit muling humarap sa kanya. "How do you feel about Sixto?" tanong nito na kinakunot ng noo niya bigla. Bakit naman gano'n ang tanungan nito bigla sa kanya? Ang seryoso pa ng mukha nito kaya napilitan siya sagutin iyon.
"Hmm, nothing. He's annoying, loud and pain in the ass," sagot niya.
Mike thunderous laugh filled the entire room. Was she gave the accurate description for Sixto? Iyon naman kasi talaga ang tingin niya dito. Nonstop ito kung magtanong at random pa na klase ng tao. Minsan nahuhuli niyang nakatingin lang ito sa mukha niya habang kausap ni Alfred gaya kanina alam niyang kinakausap ito ni Mike pero sa kanya nakatingin. Pagbaba niya din kanina para kumuha ng tubig todo din ang tingin nito. Hindi naman niya magawang mabasa ang nasa isipan o sinasabi ng mga mata nito dahil naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig nito.
"That's my girl. He really can't tamed you easily," ani Mike sa kanya.
"Ano ba sinasabi mo?" Curious niyang tanong dito.
"Hmm, he likes you and its obvious, Tanya."
She waved her hand at him. "Love and serious relationship is not part of my life plan. Madami na ako nasayang na taon kakalipat lipat ng kurso. Distraction lang iyan saka na ako papasok diyan kapag graduate at dumating na yung the one ko,"
"How would you know if he's the one?" tanong ulit ni Mike.
"Hmm, basta mahirap ipaliwanag, Mike," aniya saka bumalik na sa paghuhugas ng pinggan. "Triggered pati iyon kasi siya lang tinatawag ko na kuya,"
Muling tumawa ng malakas si Mike pagkarinig sa sinabi niya. "Kuyazoned lintek!"
Naiiling siyang binilisan na ang ginagawa para mapagpatuloy na niya ang pag-aaral niya. Nang matapos, kinuha niya si Kit at nilinisan para patulugin muna bago siya magkulong sa kwarto niya. While caressing Kit's hair she felt her phone vibrated inside her pocket. A text message from unknown number registered on its screen.
From: Unknown Number
Tanya Margarette...
Kunot noo niyang inisip kung sino ang nagtext na iyon dahil wala siyang maalala na pinagbigyan ng number niya.
To: Unknown Number
Who is this?
She waited a reply while stroking and caressing Kit's hair. Hindi kasi basta basta nakakatulog ang bata kung hindi gagawin iyon. Kahit nangangalay na kamay niya ay tuloy pa din niyang ginawa iyon. She type again another reply to the unknown number.
To: Unknown Number
Alam mo kuya kung power trip lang ito hindi ako interesado. Kung mag-o-offer ka lang din naman, hindi din ako interesado.
From: Unknown Number
Kuya na naman
Napaawang ang labi niya bigla. It was Sixto but how and where did he get her number?
To: Unknown Number
Saan mo nakuha number ko?
From: Unknown Number
I have my ways
To: Unknown Number
Whatever! Stop texting me I'm busy... kuya
Binababa na niya ang cellphone saka inayos na ang higa ni Kit at kinumutan ito. Tuloy tuloy siyang lumabas sa kwarto ni Kit saka tumungo sa kwarto. Natanaw niya sa baba si Mike na abala sa binabasa nito na marahil ay reviewer para sa masteral nito sa Spain. Hindi na lang niya inistorbo dahil masyadong engage ang binata sa ginagawa niya. Upon entering her room, she took a shower and change her clothes. She's in the middle of drying her hair when her vibrated. Another text from Sixto and that message widened her eyes.
From: Unknown Number
Ate, see you tomorrow sa class. Don't be late ako magsa-sub kay Prof. Marquez.
From: Unknown Number
I'll give quizzes so be prepared
Napausal na lang siya ng taimtim na dasal upang magkaroon siya ng gabay at mahabang pasensya pa para bukas. She signed of the cross and shut her eyes tight.