"TANYA, aalis ka na? Ang aga pa kaya. Come on and have fun!"
Inignora niya lang yung sinabi ng kaibigan ni Alfred na si Mike. Sinundan niya nang tingin ang pwestong tinungo nito at tama siya doon nga ito nagpunta sa pwesto ng pinsan niyang si Alfred na halatang lasing na lasing na. Naiiling siyang pinagmasdan ito at akmang ibabaling na sa iba ang tingin ngunit hindi sinasadyang napadpad ang mga mata niya sa lalaking naka-akbay kay Alfred. Ngayon niya lang ito nakita at iyon yung pinaka-maingay sa lahat.
She only knows Mike who’s currently residing in Spain but he came home to attend her cousin's birthday. The guy met her gazed and she saw a devious grin on his face. Nag-iwas siya agad ng tingin saka lumabas na ng venue. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone at nakita niyang rumehistro doon ang mga na tawag ni Kit na hindi niya nasagot. She immediately called her nephew to ask why he called her.
"Hello..." A cute voice of Kit answers her call. Mukhang inaantok na ito pero pinigil at inaantay nito umuwi ang pinsan niya.
"Kit, sleep now, Daddy and I will go home tomorrow," anang niya sa pamangkin.
"Okay, Tita Tanya. Please tell daddy that I love him." Ani Kit sa kanya.
"I will baby, love you," aniya naman sa kabilang linya.
Pagkatapos nitong sabihin sa kanya ang mga katagang I love you, too, tinapos na nito ang tawag nilang mag-tita. Agad niya sinuksok sa bulsa ang cellphone niya at matamang tumingin sa buwan na sobrang liwanag. She raised her thumb up and closes her one eye. Tinapat niya ang hinalalaki sa buwan at napangiti ng matakpan noon ang buwan. Totoo ngang, the moon is always as big as your thumb na nabasa niya sa isang novel. Binaba niya ang kamay saka nagpamaywang at huminga ng malalim.
Malabo na sila makauwi ni Alfred sa kasalukuyang lagay nito at hindi din naman sila mahahatid ni Mike kaya baka doon na lang sila magpalipas ng gabi. Wala na siyang balak bumalik sa loob at pagmamasdan na lang niya buong magdamag ang buwan.
"Beautiful..." Agad niya napalingon sa pinagmulan ng tinig na iyon. It was the guy with devious smile and made Alfred drunk. Kaibigan kaya ito ng pinsan niya? Binalik niya agad ang tingin sa buwan at pilit inignora ang presensya ng lalaki. "Ouch, I got ignored," anito na kinalingon niyang muli. She saw him tapping his chest while the other hand touching his nose bridge. Naiiling siyang tumalikod at akma sanang aalis doon ngunit naramdaman niya ang masuyo nitong maghawak sa braso niya. "Stay here... with me,"
"Excuse me?" Nagkunwari itong tumabi para dumaan siya saka tumawa. Ugh, annoying! "Do I know you?" she sarcastically asked.
"No. That's why I'am here. Sixto Achilles Altamirano, that's my name," Inirapan niya lang ito saka tinalikuran. "Ang daya naman, binigay ko ng buo pangalan ko tapos yung iyo deadma lang?"
"Wala na akong pangalan pag binigay ko sa 'yo saka hindi ko tinanong pangalan mo, kuya,"
"Kuya? What the f**k? Do I look old?"
She tilted her head left-right motion to examine his face. Sa tantya niya kaedad lang ito nina Alfred at Mike at base sa attire nito, rolex na relo, silver necklace with crucifix mukha itong may kaya. He wearing a shot sleeves white button down shirt paired in black slack pants and white sneakers. Nakabukas ang tatlong butones sa itaas ng suot nitong polo kaya nagawa niyang makita ang kwintas nito. He has dark almond shaped eyes, thick brows, high bridged nose, and reddish thin lips. Nakita niya ang pagngisi nito sa na dahilan ng pag-iwas niya agad nang tingin.
"I have to go," aniya saka tumalikod ulit.
Shit, bakit ka bigla bigla natibok ng mabilis, heart? Aniya sa sarili.
Naiiling siyang bumalik sa loob at doon na lang nagtambay. She ordered juice when she reached the bar counter. Dumami na ang tao sa loob ng kinaroroonan niya at lahat pawang may tama na ng alak. Birthday ng pinsan niyang si Alfred pero parang mas masaya pa ang mga kasama nito at alam niyang napilitan lang pumunta doon ito. Her cousin stop celebrating his birthday ever since Arissa died. Kasal na sa trabaho ang pinsan niyang iyon at palaging nakasimangot pa.
Hinayon niya ang tingin ng may tumawag sa pangalan nung lalaking kausap niya kanina. He saw him flirting with a girl in short sleeveless dress. Muling nagtama ang mga mata nila pero gaya kanina siya pa din ang unang umiwas.
He's a trouble, Tanya. H'wag ka papalinlang sa mga titig niya at looks. Paalala niya sa sarili niya.
Love and serious relationshop wasn't part of her plan. Kailangan niya mag-aral, makapagtapos at magkaron ng posisyon sa kumpanyang hinahawakan ngayon ng pinsan niyang si Alfred. To her, love is just a hindrance at hindi siya mapapakain noon kaya iniignora niya lang ang mga manliligaw niya sa school. May kailangan pa siya patunayan sa mga magulang niya. She choose business management kahit ang gusto ng mga ito ay mag-abogado siya. Pangarap niya kasi talaga makapasok sa Morales Steel Corporation dahil parte iyon ng kabataan niya.
Her uncle - Alfred's dad used to brought her there and let her watched him worked with Alfred. Mas close siya sa mga ito kaysa sa mga magulang dahil hindi siya kino-kontrol. Siya din ang anak na babaeng minsang hiniling sa Diyos ng Tita Letty niya - Alfred's mom.
"Hi!" anang isang lalaki na naupo sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin at akmang aalis pero hinaklit siya nito pabalik dahilan para tumama ang likod niya sa silyang inalisan niya at napangiwi siya dahil sa sakit. Isang kamao naman ang biglang umigkas dito dahilan para matumba ang lalaki sa sahig. Napasinghap siya dahil sa nangyari at nakita niyang naawat na ito ng ibang nasa paligid niya bago pa makabawi yung lalaking nasuntok.
"Tanya, you okay?" tanong ni Mike sa kanya.
"Yes I am," tugon niya. Sinipat niya yung lalaking nanuntok bigla doon sa humila sa kanya. It was Sixto and he doesn't look like drunk that very moment. Mas lalong dumilim ang mga mata nito at nakatuon iyon sa lalaking sinuntok nito.
"Sixto, that's enough. Iuuwi ko na si Alfred at Tanya," baling ni Mike doon sa Sixto.
"Fucker you can't drive." Sigaw ni Sixto kay Mike.
"Assholes, let's go ako na magda-drive," sabat niya saka tinungo ang pwesto ni Alfred at ginising ito. Bakit ba kasi sumama siya kay Alfred at Mike? Dapat nag-aaral lang siya sa kwarto niya ngayon. Sunod sunod siya ulit napailing habang isa isang dinampot ang mga gamit ni Alfred.
Kaya ka nandito, Tanya para mag-babysit ng mga nakakatanda sa 'yo...
ISANG katok ang pumukaw sa kanyang pagbabasa habang nakahiga. Agad siyang napatayo nang bumukas iyon at si Alfred ang pumasok. Tiniklop niya ang binabasa saka tumingin dito. Bagong paligo ito at mukhang may lakad kaya napagtanto niya na baka ibibilin saglit sa kanya si Kit dahil alam niyang wala ang Tita Letty sa bahay ngayon.
"You okay? I heard to Mike what happened last night," anito sa kanya.
"Yeah I'm fine," sagot niya. "Aalis ka ba? Where is Kit?" Sunod sunod na tanong niya dito.
"Yes. Kit is with Sixto right now. Kuhain mo na lang mamaya kapag aalis na siya dahil baka gabihin ako." Napabagsak ang dalawang balikat niya nang madinig ang pangalan ni Sixto. Gaano ba ito ka-close sa pinsan niya? "Why?"
Umiling siya saka ngumiti dito. "Nothing. Ingat ka and I'll take care of Kit,"
"Okay then," anito saka hinalikan siya sa tuktok ng ulo niya.
Alfred is sweet and soft but only to selected people. Sa iba lang ito cold at walang pakialam pero pagdating sa kanilang pamilya nito lumalabas naman kahit papaano ang pagka-sweet nito. Tinuloy niya ulit ang pagbabasa nang makalabas si Alfred sa kwarto niya. Sa sobrang ganda ng binabasa niya, halos hindi na niya namalayang mag-a-alas tres na pala ng hapon. Bumangon siya at inayos ang kanyang sarili saka lumabas sa kwarto niya. Ginala niya ang tingin sa paligid ng bahay para hanapin si Kit.
Ang lakas ng loob niyang sabihin kay Alfred na siya mag aalaga sa anak nito pero ngayon nakaligtaan ipagluto ng lunch ang bata. Gusto niya tuloy sabunutan ang sarili niya habang naglalakad papunta sa garden upang tingnan ito doon. Nang makita niyang wala, tumungo na siya sa kusina at doon niya naabutang kumakain ng paborito nitong fast food meal si Kit.
"Hi Tita Tanya!" bati sa kanya ni Kit.
"Hello Kit," balik bati niya dito. "You're not allowed to eat fast food meal, right?" Sita niya sa pamangkin.
"Hmm, ninong Sixto said that its okay to eat this." Napatingin siya gawi ni Sixto na nakatingin din pala sa kanya. Nakangiti parang masayang masaya na makita siya doon. Well siya hindi dahil naiirita siya sa pressence nito. Ninong? Ninong siya si Kit so ibig sabihin hindi lang basta magkaibigan ito at si Alfred?
"Just drink a lot of water after and don't tell it to your daddy," paalala niya dito saka tumungo na gawi ng refrigerator upang tumingin ng pagkain na pwede niga lutuin doon.
"So, you're Alfred's cousin, hmm?" Hindi niya sinagot ang tanong na iyon ni Sixto at nagbingibingihan na lang siya. "Your name is Tanya, right? Its nice to see you again," maang siyang napatingin na dito.
"Hindi ka ba pwedeng tumahimik?" inis niyang tanong dito.
"She hates madaldal, ninong. Pareho sila ni daddy," trivial na bulong ni Kit kay Sixto na akala mo hindi nadinig.
"Does she have boyfriend?" Nakita niyang tumingin sa kanya si Kit saka muling bumaling dito at tumango. "Do I know him?" Umiling si Kit bilang paunang sagot.
"Iba iba ang boyfriend ni Tita Tanya. Minsan yung guy sa wallpaper ng laptop, minsan naman yung wallpaper niya sa phone."
Hindi niya maiwasang matawa sa sagot ni Kit. Iba iba nga ang boyfriend niya at lahat ng iyon ay imaginary. Kabilang doon si Channing Tatum, Ryan Gosling, Justin Baldoni at Korean Actor Gong Yoo. Napatingin siya sa gawi nina Kit nang tumigil ang mga ito sa pag-uusap saglit. Nakatingin na naman sa kanya si Sixto at para bang kinakabisado nito ang buong katawan niya.
"Sino mas gwapo ako o yung mga boyfriend niya?"
"Syempre ikaw po ninong." Nakipag-apir si Kit kay Sixto na akala mo magkaedad lang.
"Very good. Bibili kita ice cream mamaya." Nakita niyang kumindat si Sixto kay Kit bago tumingin sa kanya. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ito at pinagpatuloy na lang ang ginagawa niya. She'll prepare their dinner also since kapag sila ni Kit maaga naman sila nakain nito. "Ang dami naman niyang lulutuin mo. Did you include me? How sweet,"
"Asa..." Maikli niyang sabi dito. "Para to sa dinner namin ni Kit," aniya dito.
"Ouch disregarded again." Narinig niyang tumawa si Kit dahil sa sinabi nito. She saw him again tapping his chest that made her rolled her eyes. "Working na ba tita mo, Kit?"
"She's studying, ninong." Mariin siyang napapikit ng pati iyon ay sinabi ni Kit dito.
"What course? Alma mater namin nina Alfred at Mike 'yon,"
"I know..." Maikli niyang tugon.
"Ngayon lang kita nakita kaya nagulat akong may pinsan palang anghel si Alfred. Akala ko nag-iisang demon lang 'yon,"
Gusto niya matawa sa banat nito tungkol sa pinsan pero hindi niya ginawa. Pakiramdam niya betrayal iyon kung tatawanan niya yung banat ng nag-talk back dito. Nagpaalam na kanila si Kit na manonood na ng cartoons sa living room kaya naiwan na silang dalawa doon. Nararamdaman niyang nakatingin ito sa kanya kahit hindi niya 'to lingunin. Bigla tuloy siyang na-consious dahil ginagawa nito. She heard a moving chair that's why she look to his way. Nakita niyang nililigpit nito ang pinagkainan ni Kit kahit hindi naman niya inutos dito.
"Ako na dyan. You can join Kit in the living room,"
"Now we're talking. Natakot ako baka nalunok mo na dila mo." Inirapan niya lang ito saka tinulungan sa pagliligpit matapos niya maisalang yung karne ng baboy na palalambutin niya. "Ano course mo sa CEU?"
"Bakit mo ba tinatanong? Papaaralin mo ba ako?" she mocked at him.
"Taray naman," anito saka kumapit ulit sa dibdib nito. "Tatanungin ko lang kung masaya ka ba sa course mo kaya curious ako,"
Huwag ka papalinlang, Tanya. Stragedy niya lang 'yan. Paalala niya sa sarili.
"And if I'm not happy?"
"Then, I can make you happy,"
"Stop bothering my cousin, Altamirano. She's not interested to love or going into a relationship." Sabay silang napatingin sa nagsalita. It was Alfred who just came back from outside. "Pinakain mo na naman ng fast food meal ang anak ko?" Akala niya gagabihin ito dahil iyon din naman ang paalam nito sa kanya.
"You didn't left money to feed Kit at wala akong maisip na ibang pagkain,"
"Ngayon palang naawa na ako sa magiging anak mo." Alfred said that made her chuckles.
"Great pinagtutulungan niyo akong dalawa," Sixto groaned. "I thought you're an angel, Tanya." She rolled her eyes and turn her back to them.
Umalis muna siya doon para umakyat sa kwarto niya at kuhain ang binabasa niyang libro. Dinig na dinig niya ang panenermon ni Alfred kay Sixto dahil caught in the act ito sa paglandi sa kanya. Malakas din overprotective sa kanya si Alfred kahit twenty two na siya. Wala ngang makalapit na lalaki sa kapag kasama niya ito o 'di kaya susunduin siya nito sa school.
When she got down again, the two guys were not around. Napahinga siya ng maluwang at matamang umupo saka nagbasa. Nung napalambot na niya ang karne, agad niya inumpisahan ang pagluluto ng kare kare. Paborito nilang tatlo iyon kaya dinamihan niya ang sinaing dahil tingin niya mapapalakas ng kain ang pinsan niya at pamangkin.
Pagkaluto niya, agad siyang naghain saka hinanap sina Alfred at Kit para ayain nang kumain. She only saw Sixto whose sitting in a bench outside. May kausap ito sa telepono kaya hindi niya tinanong ngunit napansin niyang tinapos nito agad ang pakikipag-usap nito at mabilis na lumapit sa kanya.
"Where is Alfred?" tanong niya.
"Gym upstairs and Kit is taking a bath," sagot naman nito.
"Okay," akma siyang tatalikod ng masuyo siya nitong hawakan sa braso. "What?"
"Hindi mo tinawag na kuya si Alfred,"
"So?"
"Why did you call me kuya last night?"
"Because I don't know you," aniya saka tuluyan na itong tinalikuran. Nagmamadali siya pumasok at alam niyang sumunod ito sa kanya. Bakit kasi nandon pa ito hanggang sa mga oras na iyon? Wala ba itong bahay o pamilyang uuwian? "You're unfair, Tanya Margarette," Natigilan siya bigla. Paano nito nalaman ang buo niyang pangalan? Bakit ang sarap tainga ng pagkakabanggit nito sa pangalan niya?
"How did you-"
"I have my ways, Tanya Margarette." He said and winked ate her before passing through her.
Kinurap kurap niya ang mga mata niya saka sunod sunod na napailing. Tuloy tuloy na siyang pumasok dining room at doon niya naabutan sina Alfred, Kit at Sixto. Inignora niya ang pagkakangisi nito at naupo na sa tabi nito. Habang kumakain sila, patuloy nag-usap tungkol sa MSC samantalang siya tinutulungan si Kit na kumain.
Bigla naging propesyunal si Sixto sa paningin niya at hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito. He talked like a man who’s already in business for thirty years. Gano'n din ang pinsan niya na parang bang kapag itong dalawa ang nagsama kaya na nila patakbuhin ang MSC. Lalo tuloy siyang na-inspire na ipagpatuloy ang pag-take ng business management.
Iyon na ang pangatlong shift niya kaya palagi siya tinatanong ni Alfred kung sure ba siya talaga sa course niya. Nakapag-take siya ng unang taon sa Political Science at Tourism pero hindi siya tumuloy kasi hindi siya masaya. Hirap na hirap siyang malaman noon kung masaya ba siya sa ginagawa niya sa buhay. She admired Alfred even if he's grumpy sometimes because he already figured things out when he graduated college.
Alam na nitong si Arissa ang gusto nito makasama sa buhay kaya ng malaman nitong buntis ang yumaong kasintahan nito, lalong nagsipag ang pinsan niya sa pagta-trabaho. Kaya nagulat siya nang tanungin siya si Sixto kung masaya ba siya sa course niya. Para bang pinagdaanan din nito ang pinagdadaanan niya ngayon. While washing dishes, iyon lang ang iniisip niya kaya halos hindi namalayan na nasa tabi pala niya si Sixto.
"What the f**k?" sigaw niya dito.
"Bakit galit ka?" tanong nito. He touched again his chest like he didn't expect her to shout.
"Bakit ka nanggugulat?" Balik tanong niya dito.
"Hindi kita ginulat. Affected ka ba presense ko? Wow, I'm fluttered, Tanya Margarette." Nakakalokong itong ngumisi na sobrang niyang kinainis. Binato niya ito ng bimpong pinamunas niya sa kamay niya. Tumawa lang ito na lalo pa niyang kinairita. She felt her face heated. Umiwas siya nang tingin upang hindi nito mapansin ang pamumula ng mukha niya. Hindi nito maaring mapansin na affected nga siya sa presence nito. "Hay, ang sarap mo asarin,"
Sinuntok niya ito sa braso nito saka iniwan na doon. Mabigat ang mga paa niyang umakyat pabalik sa kanyang kwarto. Ayaw na niyang makita si Sixto kahit kailan. Matutuyuan talaga siya ng dugo dahil dito. He will be her trouble if she continues seeing his face. She'll be in trouble because of his presence.