PINAPANUOD ni Cold si Rita na nakaupo sa labas ng garden habang ikinukuyakoy nito ang mga paa. Ginagawa iyon ng dalaga kapag sobrang stress ito at may matinding problema. Hindi lamang inakala ni Cold na pagkalipas ng isang taon at babalik si Rita sa buhay niya. Naawa siya rito dahil inako nito ang buhay ng kapatid. Wala itong nababanggit noon tungkol sa kapatid nito maliban na lang sa pangalang Juvy na madalas nitong ikuwento sa kaniya noon. Hawak ni Cold ang singsing ni Rita na iniwan nito matapos siyang iwan. Nilapitan ni Cold ang dalaga na nasa garden at nakatingin sa paligid. "Iniisip mo pa rin ba ang Lola Conching mo?" tanong niya rito habang nakahalukipkip at malayo ang distansiya rito. "Nakausap ko na si Aling Lourdes, salamat sa ginawa mo sa lola ko. Pagkatapos ng mg nagawa ko