Chapter 11: More Lies

1031 Words

WALANG ginawa si Juvy kun'di sundan si Cold kung saan man ito magpunta. Ibinili siya nito ng mga damit pero hindi siya kumportable sa suot niyang dress na hanggang tuhod niya ang haba. Napansin ni Cold ang pagiging irritable niya at binigay nito sa kaniya ang dalawang paperbag. "Jeans at t-shirt ang laman niyan. Hindi ka komportable sa suot mo. Alam ko naman ang size mo kaya ipinabilhan kita kay Manang Thelma." Mukha pa itong galit habang nakatingin sa kaniya. "Isang taon lang ang lumipas, Rita. At sa isang taon na iyon ay hindi na kita kilala." "A-Ano ang ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ni Juvy. Hindi pa siya handang sabihin dito ang totoo. Kailangan munang maka-recover ng kaniyang Lola Conching bago niya aminin ang kasalanan niya. Pinipilit ni Juvy na gampanan ang pagiging s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD