Chapter 5

2004 Words
NAGTUNGO si Juvy sa job fair at hawak niya ang mga kopya ng resume niya at mga ID's. Nahihirapan siyang makahanap ng trabaho dahil vocational course lamang ang natapos niya. Binuksan ni Juvy ang isang kendi na nasa bulsa niya at inilagay iyon sa kaniyang bibig habang nakapila sa linya ng daan-daang tao na lumalahok sa job fair. Katulad niya ay umaasa na makakuha ng trabaho dahil sa hirap ng buhay. Hindi sumasagot si Jeni sa knaiyang text messages. Mukhang may inaasikaso ito at natitiyak niya na may problema na namang pinagdadaanan ang kaibigan niya. Ibinalik ni Juvy ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa. Nangangalay na rin siya sa usad-pagong na interview. "Sir Hatt!" malakas na sabi ng isang babae na sumalubong sa guwapong lalaki na nakita niya kahapon sa store nila. Nakatapat sa kaniya ang lalaki. "Yes, Vanessa." Nagpamulsa ang mga kamay nito sa long coat na suot nito. Hindi naman winter sa Pilipinas pero naka-winter coat ito na kulang na lang magsuot ng scarf. Nangiti si Juvy sa kapilyahan niya. "Narito po ang files ng mga applicants," anang babae at iniabot ang folder dito. Nakapagpasa siya ng resume sa desk ng Hatt Wiring System. Kahit na puro lalaki ang hinahanap para sa trabahong iyon. "Sige, i-review ko na lang ito sa office. Tatawagan ko na lang ang mga applicants," ani Hatt at tinalikuran na ang babaeng tinawag nitong Vanessa. "Juvy Pascual!" malakas na tawag sa kaniya ng announcer sa desk na pinipilahan niya para naman sa call center agent. Napangiwi si Juvy dahil kung saan-saan na lang napapadpad ang pangalan niya. Ano bang alam niya sa pagiging call center agent. Mabilis niyang sinundan si Hatt na lumabas ng mall. Dahil sa kamamadali niya ay nabangga niya si Hatt. Ano ba kasing pumasok sa utak niya at nagpasa siya ng napakaraming resume sa lahat ng job hiring. "Si-Sir!" Pilit siyang ngumiti rito at unti-unting inilayo ang sarili rito. Grabe sobrang bango ng lalaki at parang masarap ding yakapin. "Nag... Nagpasa ako ng resume sa inyo, sir. Gusto ko sanang makiusap kung p'wede na... sa inyo ako magtrabaho?" kinagat ni Juvy ang kaniyang bibig. "Miss... lalaki ang hinahanap ko para sa trabaho na bakante at hindi isang babae na katulad mo," anito na tinignan pa siya mula ulo hanggang paa. "Sir, hindi ho porket babae ako ay hindi ko na kayang gawin ang ginagawa ng mga lalaki. Sir, may experience ako sa wirings at dati akong mekaniko." Mekaniko nga lang siya sa vulcanizing ng barkada niya at dahil sa kakapanuod niya sa paggawa ng motor sa kanto nila dati. Tumawa ang lalaki sa kaniyang harapan. "Ano ang pangalan mo?" Binuklat nito ang folder at saka muling tuming sa kaniya. "Juvy, sir. Juvy Pascual." Kinuha nito ang resume niya at saka pinasadahan ito ng tingin. "Here. Kunin mo ito at ipasa mo sa ibang trabaho na fit sa iyo. Miss, hindi ako nakikipagbiruan. Urgent ang employee na kailangan para sa business ko at hindi ako gumastos ng malaki para sa job fair na ito para lang makipaglokohan sa iyo," seryosong ani Hatt sa kaniya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, sir." Pinigil ni Juvy si Hatt sa pagpasok nito sa kotse ngunit itinulak siya nito. Ang sama talaga ng ugali nito at kabaliktaran sa itsura. Binuksan ng driver nito ang pinto ng kotse. At pumasok doon ang lalaki. Walang nagawa si Juvy kun'di umupo na lang sa sementadong upuan sa labas ng mall. Huminga siya nang malalim at tinignan ang relo niya. Tanghali na pero wala pa rin siyang nahahanap na trabaho. Tumingala siya sa langit at saka pumikit. "Juvy!" tawag sa kaniya ng pamilyar na boses. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at nilingon ang tumawag sa pangalan niya. Nakita ni Juvy si Jeni na humahangos palapit sa kaniya. "Bakit ka nandito? Nakapagpasa ka na ng resume mo? Ano? May tumanggap ba sa iyo?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. "Walang trabaho na para sa akin sa loob, Jeni. Hindi ako marunong mag-english para maging isang call center agent. May nakita naman akong trabaho pero ibinalik sa akin ang resume ko. Naalala mo iyong lalaki kahaponsa mall. Ang sama no'ng ugali niya, Jeni," pagsusumbong niya sa kaibigan. "Tsk. Sa haba ng nguso mo ngayon Juvy naniniwala na talaga ako na masama ang ugali niya." Hinawakan ni Jeni ang kaniyang kamay. "May trabaho akong nahanap para sa ating dalawa. Nag-apply ako bilang waitress sa isang bar at isinama na kita roon. Mamayang gabi ang simula ng trabaho nating dalawa. Limang daan piso kada gabi, binasa kong mabuti ang regulations sa bar at hindi tayo mapapahamak." "Jeni, hindi ba iyan iyong bar na inilalabas ang mga waitress?" "Juvy, may ganoong kalakaran talaga sa bar pero hindi tayo pipilitin ng manager kung hindi natin gusto." Bumuga nang malalim si Juvy. "Sige, saan ba iyang bar na iyan?" "Sa Music Club and Resto. Kumukuha rin sila ng lead vocalist at tingin ko p'wede ka roon, Juvy. Mahilig kang kumanta ang maganda ang boses mo, p'wede kang sumadline habang waitress ka sa club. Mas malaki ang perang kikitain mo." "Alam mo naman na matagal nang walang ensayo ang boses ko. Baka mamaya ay magsintunado ako sa harapan ng maraming tao, nakakahiya iyon, Jeni." "E, di simula nating i-practice ang boses mo, Juvy." Namilog ang mga mata nito at itinuro ang karinderya sa malapit may videoke roon. "Simulan na natin ngayon, halika na!" "Halika na kung ganoon, Jeni." Itinapon ni Juvy sa basurahan ang resume niya na ibinalik ni Hatt. Masaya silang naglakad ni Jeni palayo sa mall. Nabunutan siya ng tinik dahil may bago na silang trabaho ni Jeni. "SIR COLD, narito na ang mga listahan ng mga employee na magtratrabaho sa ibubukas ninyong cafe sa Twin Falls. Nakausap ko na rin si Attorney Xian para asikasuhin ang permit ng business," ani Kyline ang kaniyang secretary. "Thanks, Kyline." Isinandal ni Cold ang kaniyang likod sa swivel chair na inuupuan niya at saka pumikit. "Sige na umalis ka na." "Sir..." mahinang sabi ni Kyline. Hinaplos nito ang kaniyang mukha at saka nito hinagkan ang kaniyang leeg. "Kyline, wala ako sa mood para makipaglaro. Marami akong dapat na gawin at hindi mo pa tapos ang lahat ng mga ipinapagawa ko," seryosong aniya rito. "Sir..." "Alam mo ang real score sa ating dalawa Kyline. Huwag kang umasa na mas lalalim pa ang relasyon na mayroon tayong dalawa. s*x lang ang ugnayan nating dalawa at wala nang iba pa maliban doon. Secretary pa rin ang turing ko sa iyo at hanggang doon lang iyon. Bumalik ka na sa trabaho mo at gawin mo ang mga utos ko." Marahas siyang tumayo at kinuha niya ang kaniyang jacket na nakasampay sa upuan niya. "Saan ka pupunta sir?" tanong nito na sinundan pa siya sa may pinto. Niyakap siya ni Kyline sa kaniyang likuran. "Mahal na mahal kita, sir. Kaya kong gawin ang lahat para makalimutan mo ang asawa mong nang-iwan sa iyo. Papaligayahin kita at gagawin ko ang lahat ng mga ipapagawa mo," pakiusap ni Kyline habang yakap-yakap siya nito. "Mahalin mo lang ako tulad ng pagmamahal mo sa Rita na iyon. Hindi kita iiwan katulad ng ginawa niya sa iyo. Isang taon na akong umaasa na ibaling mo sa akin ang pagmamahal mo kay Rita." Tinanggal ni Cold ang kamay nito na nakayakap sa kaniyang bewang. Binuksan niya ang pinto at lumabas sa kaniyang office. Sinundan siya nito palabas ng mansion nilang magkakaibigan. "Sir Cold, huwag mo naman akong ipagtabuyan. Ginagawa ko naman ang lahat para sa iyo." "Kyline, hindi kita ipinagtatabuyan. Ayoko lang na mas lalo kang masaktan dahil sa akin. Alam mo naman na hindi ako seryoso sa iyo at sa pekeng relasyon nating ito." "Umaasa ka pa ba na babalik ang asawa mo?" Nagtangis ang bagang ni Cold sa sinabi ni Kyline. Hinatak niya ito at isinandal sa kaniyang kotse. "Huwag na huwag mong babanggitin si Rita, Kyline." Masama niya iyong tinignan sa mga mata. "Sir, nasasaktan na ako," reklamo nito sa mahigpit niyang paghawak sa braso nito. Marahas niya itong binitawan. "Gawin mo ang trabaho mo, Kyline. Huwag na huwag mong papakialaman ang personal kong buhay." Patakbong nagtungo sa loob ng mansion si Kyline. Sinuntok ni Cold ang manibela ng kaniyang kotse bago ito paandarin palabas ng hacienda. NATUNGO si Cold sa bar na binuksan ng kaniyang kaibigan na si Luke. Maraming mga tao sa loob ng bar lahat ng mga waitress ay nakasuot ng maskara. Iyon marahil ang pakulo ni Luke sa mga waitress nito para maiba ang ambiance ng Music Club and Resto Bar. "Bro, I'm glad that you are here. Pagkatapos nang nangyari sa iyo last night. Tinanggap mo pa rin ang paanyaya ko na magtungo sa bar ko. I'm sorry, bro naging makasarili kami." Inakbayan siya ni Luke at saka binigyan ng soda drink. "Hindi ito gaanong nakakalasing," biro nito sa kaniya. "I'm sorry din bro," mahinang sabi niya sa kaibigan. "And we're sorry too." Sumulpot sina Hatt at Storm sa kanilang likuran ni Luke. Lumapad ang ngiti ni Cold nang makita ang mga kaibigan niya. Hindi siya iniwan ng mga ito kagabi at ipinagtanggol pa siya. Nagkaroon lang sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa nadamay ang kanilang samahan bilang magkakaibigan sa mga problemang pinagdadaanan niya. "Dito lang kayo at sisimulan na natin ang gabi," nakangiting ani Luke na nagtungo sa harapan. May kadiliman ang loob ng club at red lights at tanging led lights lamang ang gamit sa loob. "Your order, sir?" tanong ng babae na nakamaskara. Maikli ang suot na short ng babae at sneaker shoes. Naka-crop top ito at may tattoo sa puson. "Beer..." matamlay na aniya sa babae. Hinawakan ni Hatt ang kamay ng babae ngunit mabilis na binawi ng babae ang kamay nito. "May I call on Miss J?" anunsyo ni Luke habang tumitipa ng gitara. Siniko ng isang babae ang babaeng lumapit sa kanila. At mabilis itong lumapit kay Luke. "Si Miss J ang back up vocalist ko ngayon," ani Luke at nagsimula nang tumipa sa kaniyang 214 ng Rivermaya. "Parang nakikilala ko ang babaeng iyon," mahinang sabi ni Hatt habang pinapakinggan ang pagkanta ng babae sa kanilang harapan. "Bro, napakaraming babae na dumaraan sa buhay mo," biro naman ni Storm. "Siguro nga." Ibinaling ni Hatt ang tingin sa kaniya. "What does it mean?" "Ahm... wala. It's been a long time na magkakasama tayong nandito sa club. Magkakasama rin ba tayong lalabas na may tig-iisang babae na kayakap?" "Why not?" nakangising aniya rito. "Nakalimutan mo na si Rita?" mahinang tanong ni Hatt sa kaniya. "Hindi ko na suot ang wedding ring namin, Hatt. Kinalimutan ko na siya nang tuluyan. I realized na masiyado kong sinasaktan ang sarili ko para lamang sa babaeng walang ginawa kun'di saktan ako. Inaasikaso ko ngayon ang business natin sa may bundok. Io-open natin iyon sa public next month kapag naging maayos na ang papers." "Good. Kami na ang bahala ni Storm. Bro, kailangan mo siguro ng vacation. Para tuluyan mong makalimutan si Rita." Tumango si Cold sa naisip ni Hatt. "Iyan ang dahilan kaya ako nandito. Kayo muna ang bahala sa negosyo natin. Uuwi muna ako sa probinsiya namin sa Nueva Ecija." "Bubuksan mo na ba ulit ang Love Bakeshop?" tanong sa kaniya ni Storm. "Hindi. Kailangan kong asikasuhin ang corn farm ng lolo ko, Storm." "Matagal ka ba bago bumalik?" muling tanong ni Hatt sa kaniya. "A couple of years. Kailangan ko lang ayusin ang mga problema sa farm. Sinabi ninyo na kayo na ang bahala sa hacienda, hindi ba?" nakangising tanong niya sa mga ito. Alam ni Cold na hindi sanay sa bukid ang mga kaibigan dahil laking syudad ang mga ito. Ibinalik ni Cold ang tingin kay Luke ngunit wala na ang vocalist nito. Parang kaboses ng babaeng iyon si Rita. "Kaya naming patakbuhin ang hacienda, bro." Tinapik ni Hatt ang balikat niya. "Ewan ko lang kay Storm." Ngumisi si Storm. "Mag-uuwi siguro ako ng maraming babae sa bahay ko. Ayoko namang maghapon na kausapin ang mga kabayo at mga puno na nakapalibot sa hacienda." Nagtawanan sila sa birong binitawan ni Storm sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD