Chapter 3

1255 Words
NAGTUNGO si Cold sa bahay na tinitirahan ni Rita kahit na lasing na lasing siya. Mabigat ang mga paa niya habang inihahakbang ang kaniyang mga paa papasok sa loob ng bahay nito. Bumabalik ang lahat ng mga nakaraan nila ng babaeng minahal niya. Hindi pa rin bumabalik si Rita at hinahanap pa rin niya ang prisensya nito. Ipinalinis niya kay Manang Laura ang bahay ni Rita. Dahil umaasa si Cold na darating ang araw na uuwi si Rita. Kabisado ni Cold ang bawat kuwarto ng bahay ni Rita. Ang bahay na sila mismong dalawa ang nagpagawa. Naging saksi ang bahay na ito sa bawat maliligaya nilang sandali. Ang balcony ang paboritong tambayan ni Rita. Doon sa may balcony madalas na umuupo si Rita para magpahangin. Habang nakatingin ito sa may garden. Miss na miss na niya si Rita at hindi niya alam kung saan niya ito hahanapin. Wala siyang knoneksyon sa pamilya nito. Maliban sa kaibigan nitong si Jeni. Sinasabi niya na galit na galit siya pero iba ang ibunubulong ng puso niya. Humiga siya sa kama nito at saka niyakap ang unan ni Rita. Naiwan doon ang amoy nito, palagi silang magkasama nito. At masayang-masaya silang dalawa ngunit biglang nagbago ang lahat. Ipinikit ni Cold ang kaniyang mga mata habang nakayakap sa unan ni Rita. Paano ba niya makakalimutan ang babaeng hanggang ngayon ay laman pa rin ng puso niya. KINAGABIHAN ay naisip ni Juvy na magtungo sa bahay ng kaniyang yumaong kapatid. Pupuntahan dapat niya ang matalik niyang kaibigan na si Jeni ngunit hindi siya natuloy dahil wala ang kaniyang kaibigan sa bahay nito. Hiniram niya ang single na motor ng kanilang kapit-bahay na si Rocco. Nakasuot siya ng hood at at maong na shorts. Naka-tsinelas lamang siya at hawak-hawak ang susi ng motor. Bumuga siya nang malalim bago magtungo sa bahay ni Rita. Nakasara ang bakeshop ng kaniyang kakambal. Palaging ikinukuwento ni Rita sa kaniya na si Cold ang nagbigay ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob para magsimula ng maliit na negosyo. Si Cold palagi ang bukambibig ng kaniyang kakambal. At wala siyang pakialam doon dahil hinahayaan niya na maging masaya ang buhay ng kaniyang kakambal. Hindi pa niya nakitang malungkot si Rita tuwing ikinukuwento nito si Cold araw-araw sa kaniya. Maingat niya g binuksan ang pinto ng bahay ni Rita. Tumulo ang kaniyang mga luha habang inaalala ito. Palagi itong nakangiti kapag sinasalubong siya nito. At marami itong kuwento sa kaniya kapag nagkikita silang dalawa. Naging sumbungan niya ang kaniyang kakambal sa mga oras na sobrang malungkot siya. Pinaghiwalay man sila ng tadhana pero hindi pa rin nagbago ang samahan nilang dalawa bilang magkapatid. Iyon nga lamang ay inilihim ni Rita ang kaniyang katauhan mula nang malaman nito na may sakit itong malubha. Ipapakilala na sana siya nito kay Cold bilang kapatid ngunit hindi iyon nangyari. "Patawad, Rita. Hindi ko kayang harapin ang lalaking mahal mo. Hindi ko kaya," mahinang aniya habang nakatingin sa larawan ng yumao niyang kapatid. Nagtungo siya sa balcony ng bahay ni Rita. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at inalala ang kaniyang kakambal. Gumunita sa kaniya ang isang alaala na hindi niya makalimutan. Ang araw na nangako siya na pro-protektahan niya ang kaniyang kapatid. "Palagi mong ikinukuwento sa akin si Cold Santillan? Sino ba iyon?" matamlay na tanong ni Juvy habang kumakain ng ice cream. Dinalaw niya ang kaniyang kapatid para ipaalam dito ang tungkol sa pagkamatay ng kanilang Tita Zoila. "Siya ang lalaking pinakamamahal ko, Juvy. Ipapakilala ko siya sa iyo kapag hindi ka na busy. Isang beses kada isang buwan mo na lang kasi akong dalawin. Alam mo ba na gustong-gusto kong magtungo ng Tarlac para ako naman ang dumalaw sa inyo kaso---" "Susumpungin ka ng hika mo?" pagdudugtong niya sa sinasabi nito. "Palagi kang hindi nakakahinga, Rita. Nagpa-check up ka na ba? Baka mamaya hindi na hika iyan." "Juvy, paano kung isang araw bigla akong mawala? Ano ang gagawin mo?" seryosong tanong nito sa kaniya. "Kaya mo ba na magpanggap na ako?" Ibinaba niya ang tasa na may lamang ice cream at saka hinawakan ang pisngi ng kapatid. "Huwag ka ngang nagsasalita ng ganiyan, Rita. Hindi magandang biro iyan." "Paano kung sabihin ko na hindi ako nagbibiro, Juvy?" Tumingin ito sa kaniyang mga mata at namasa ang mga mata nito. "Rita, okay ka lang ba? Hindi magandang biro ito." Tumingin siya sa mga mata ng kaniyang kapatid. At mukhang hindi nga ito nagbibiro dahil umiiyak na ito sa kaniyang harapan. "Juvy, may sakit ako... at natatakot ako." Niyakap siya nito nang mahigpit. "Hindi ko maintindihan," naguguluhang sabi niya rito. "May sakit ako, Juvy. Pero kailangan kong harapin si Cold nang hindi niya nalalaman na may sakit ako. Juvy, kailangan ko ng tulong mo... kailangan mong magpanggap na ako para kay Cold. Hindi niya kakayanin kapag nalaman niya na may sakit ako. Ayokong mag-alala sa akin si Cold, Juvy. Please..." umiiyak na pakiusap nito sa kaniya. "Gagawin ko ang lahat para sa iyo, Rita. Ako na ang bahala, huwag ka nang umiyak," humihikbing aniya habang yakap-yakap ang kaniyang kapatid. "Sino iyan!" malakas na tinig na nagpamulat sa kaniyang mga mata. Pinahid ni Juvy ang kaniyang mga luha at mabilis na dumapa sa sahig. Hindi inasahan ni Juvy na may tao sa loob ng bahay ng kaniyang kapatid. At boses ng lalaking pinagtataguan niya ang may-ari ng boses na iyon. Lumakas ang kabog sa puso ni Juvy habang naririnig ang mga yapak nito na palapit nang palapit sa kaniya. "May tao ba rito?" muling tanong nito. May tumalon na itim na pusa mula sa lamesa. "Damn!" mahinang mura nito. Sa tingin ni Juvy ay lasing si Cold dahil pasuray-suray ang lakad nito. Nakakapit ito sa mga gamit sa bahay ni Rita. Mahal na mahal talaga ni Cold ang kaniyang kakambal. Gusto niyang ipagtapat dito ang totoo ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan ang lahat. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang bumangon. Mabilis siyang lumabas ng bahay ni Rita at kinuha ang kaniyang motor. Hindi pa siya handang ipagtapat kay Cold ang totoo dahil alam niya na mawawasak ang buhay nito kapag nalaman nito na patay na ang kapatid niya. NANG makauwi si Juvy sa kanilang bahay ay bigla niyang naalala ang gabi na hawakan siya ni Cold pagkatapos ng kanilang kasal. Napahawak siy sa kaniyang mga labi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Juvy ang halik ni Cold sa kaniya. "Love, kanina ka pa walang imik," mahinang sabi ni Cold sa kaniya habang nakayakap ito sa kaniya. "Love..." Bigla niya itong itinulak at itinaas ang kaniyang mga kamay. "Tama na please... hindi kita mahal. I mean ayoko na... please! Layuan mo ako at huwag na huwag mo akong lalapitan." Pakiusap ni Juvy habang umiiyak at kinukuha ang kaniyang bag. Hindi na niya kayang magpanggap pa. Hindi niya kayang isuko ang kaniyang sarili para lamang sa kaniyang kakambal. Tapos na ang kaniyang pagpapanggap. "Love, ano bang sinasabi mo?" "Hindi kita mahal!" Hinatak siya nito at hinagkan ang kaniyang mga labi. Hindi kaagad siya nakakilos dahil sa bilis ng pangyayari. Tinugon niya ang halik nito hanggang sa maramdaman niya na sumasayad na ang kaniyang likod sa kama. Biglang natauhan si Juvy at itinulak ang binata. Umiiyak na lumabas siya ng kuwarto at nakayapak na umalis sa bahay nito. Isinandal ni Juvy ang kaniyang likod sa pinto at paulit-ulit na umiling. Hindi niya dapat na mahalin ang lalaking mahal ng kaniyang kapatid. Ngunit paano niya sasawayin ang kaniyang puso... mabilis ang t***k nito sa tuwing inaalala ang matamis na halik ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD