NATIGILAN si Anne nang maabutan si Himig na nakatayo sa may glass wall at nakatanaw sa labas. Gabi na nang mga sandaling iyon. Kanina pa nakaalis si Musika pero simula noon ay natahimik na ang lalaki at malalim na nag-iisip. Kahit kaninang dinner ay konti lang ang nakain nito. Ang totoo ay nagulat siya sa kanyang nalaman. Hindi niya akalain na ang pagpapanggap na ginawa nito noon sa kanya ay ginawa na nito dati. Kung tutuusin, may karapatan siyang magalit. Ang malaman ang ginawa nito sampung taon na ang nakaraan ay nagbalik sa kanya ng mga pangyayari. Ang sakit na dulot ng pagsisinungaling at pagpapa-ikot nito. Pero hindi magawang magalit ni Anne, dahil kung hindi sa ginawa nito. Hindi sila magkakakilala. Hindi ganito kaayos ang buhay niya at baka hanggang