MATAPOS ang trabaho, gaya nang napag-usapan, lumabas silang tatlo para mag-dinner. Pilit sinantabi ni Anne ang gumugulo sa isip para bigyan ng pansin ang mga kaibigan. Hindi niya hahayaan na tuluyan masira ang magandang araw na iyon dahil sa nalaman. Halos patapos na silang kumain nang mamataan niya ang isang pamilyar na mukha nang lalaki na pumasok sa loob ng restaurant kasama ang tatlo pang kalalakihan. Pawang mga naka-business suit ang mga ito. At lahat ng mga ito ay hindi papahuli pagdating sa kaguwapuhan. Kaya halos lahat ng kababaihan ay nakatulalang sinundan ng tingin ang mga ito. “Uy, di ba si Migs ‘yon?” tanong pa ni Bebs. Nakangiting sinundan din ng tingin ni Anne ang nobyo habang palapit ito at mga kasama sa mesa na tila ni-reserba p