Chapter Two

3139 Words
          HINDI napigilan ni Himig na mapangiti at magdiwang matapos marinig ang binalita ng tauhan. Pakiramdam niya ay umaayon ang pagkakataon sa kanyang plano. Kinuha niya ang folder sa ibabaw ng mesa at binuksan iyon.           Unti-unting napalis ang kanyang ngiti nang matitigan mabuti ang larawan ni Anne Marasigan. Hindi magawang itanggi ni Migs ang maganda at maamo nitong mukha. Morena ang kulay ng balat nito at itim na itim at tuwid ang buhok. Her lips are natural reddish-pink. Ang ilong naman nito ay medyo matangos. At ang pares ng mga mata nitong medyo bilugan ay napakaganda, para iyong nililok mula sa mga mamahalin dyamante. Ayon pa doon sa impormasyon na nakuha ng mga tauhan niya ay nasa five-five daw ang taas nito. Sa kabuuan, taglay ni Anne ang isang kagandahan ng isang tunay na Filipina.           Nang matitigan ni Migs ang mga mata ng dalaga ay nakaramdam siya ng awa at panghinayang dahil nilukob ng dilim ang magandang mga mata nito. Kung bibigyan lang sana siya ng pagkakataon ni Miss Marasigan. Handa ang binata na tulungan ito.           Kaya nga kahit alam niyang wala rin kasiguraduhan ang plano ay susugal pa rin si Migs. Sa unang tingin ay parang puro negosyo lang ang nasa isip niya at walang pakialam sa damdamin ng ibang tao. Kailangan iyon ang ipakita niya sa ibang tao. He runs a business empire. Sa klase ng kanyang trabaho, hindi ubra ang malambot ang puso dahil siguradong may mang-aabuso kapag naging mabait siya. He has to be tough at all times. He has to put up a heartless and cold businessman image in front of media and other people. But the truth is, he has a soft heart. Isang katangian na namana niya sa ama. Sabi nga ng Ate Amihan niya, magka-ugali sila ni Musika.           Napalingon si Migs nang marinig ang katok mula sa labas ng pinto ng pribadong opisina.           “Come in,” sagot niya.           Sinalubong ng ngiti ni Migs ang mga tauhan niyang nakabantay kay Anne.           “Kumusta?”           “Sir, ito na po ang tamang pagkakataon para gawin ang plano n’yo. Baon sa utang si Miss Marasigan dahil sa utang sa bangko. Nag-imbestiga din ako at sabi ng napagtanungan ko, mahina na daw ang kita ng pottery business niya kaya naisipan buksan para sa bed & breakfast.”           Napangiti siya at nag-isip ng malalim. Mayamaya ay pinatawag niya ang kanyang sekretarya.           “Ayusin mo ang schedule ko. Kailangan ma-settle ko in one-week ang lahat ng importanteng meetings ko,” utos niya.           “Bakit po, Sir? May pupuntahan po ba kayo?”           Tumayo siya at naglakad papunta sa glass wall saka tumanaw sa labas.           “I’m going on a long vacation,” nakangiting sagot niya.                     “FRIEND, ang guwapo po, friend,” mariin bulong ni Bebs kay Anne habang panay ang siko nito sa kanya.           Napangiti siya nang marinig na impit pang tumili ang kaibigan.           “Gaano po kayo katagal mag-stay dito?” tanong pa ni Anne sa lalaking nagpakilala sa kanya bilang Miguel.           Noong nakaraan linggo pa ito tumawag sa kanya para i-reserve ang kuwarto na uupahan.              “Medyo magtatagal ako eh, mga two to three weeks, o baka mas matagal pa doon,” sagot nito.          Pakiramdam ni Anne ay tumalon ang puso niya nang marinig ang baritonong tinig ng lalaki.           “Okay, kung ganoon, hindi na muna kami mag-e-entertain ng mga inquiries,” sabi pa niya.           “Thanks. I really need a place like this to stay. Peaceful and laid back. Iyong sa umaga ang sasalubong sa akin ‘yong tunog ng alon sa dagat.”           “Puwede ko bang itanong kung bakit mo piniling dito tumuloy imbes na sa mga hotel?”           “Well, one, mas malapit kasi ito sa beach. Gusto ko tumuloy sa malapit sa tabing dagat. Second, malayo ang mga hotels dito. Isa pa hindi naman ako maselan, mas gusto ko nga iyong ganitong simpleng bahay. Mas at home ang feeling.”           “Sana magustuhan mo dito. Nasisiguro ko sa’yo na tahimik dito sa lugar ko. Hindi naman ako maingay kaya wala kang dapat ipag-alala. Iyon lang, hihingi ako ng pasensiya sa’yo dahil medyo mabagal akong kumilos dahil sa kalagayan ko.”           “Oh, that’s not a problem. I’ll be very willing to help.”           “Salamat.”           “Ah Sir, puwede mo na po ilagay iyong gamit n’yo sa loob ng kuwarto,” sabi pa ni Bebs.           “Okay, thank you.”           “May electric fan na rin diyan sa loob. Bale sagot ko na iyong breakfast, pagdating ng lunch at dinner, sagot mo ‘yong pagkain mo.”           “Okay, that’s noted. Thanks.”           Nakangiting tumango ang dalaga.           “What’s your name again?” tanong pa nito.           “Leigh Anne, pero Anne na lang maigisi.”           “Just call me Migs,” sagot nito.           Nilahad niya ang kamay, mayamaya ay naramdaman niyang kinuha nito iyon at kinulong sa mga palad.           “Nice to meet you, Anne.”           Kakaibang kaba ang naging hatid sa kanyang puso nang magdampi ang mga palad nila. Hindi man siya nakakakita, pero malakas ang pakiramdam ni Anne na nakatitig ito sa kanya.           “S-Sige na, magpahinga ka na muna.”           “Okay.”           Nakaramdam pa siya ng panghihinayang nang bitiwan nito ang kamay niya. Sumunod na lang na narinig ni Anne ay ang mga yabag nitong naglalakad, hanggang sa marinig niyang sumarado ang pinto.           “Halika dito, girl!” impit na tili ni Bebs pagkatapos ay hinila siya nito kung saan.           “Bakit ba?”           “Girl, naku, kung nakikita mo lang ang nakita ko!” kinikilig na sabi nito.           “Shhh! Baka marinig tayo.”           “Hindi, no?! Nandito tayo sa labas.”           “Ano ba ‘yong nakita mo?”           Pinulupot nito ang mga kamay sa braso niya saka pabulong na nagsalita.           “Ang guwapo. Napaka-guwapo. Bagay kayo! At kung tumitig sa’yo noong nag-uusap kayo. Omg, puso ko nalaglag para sa’yo.”           Umahon ang curiosity mula kay Anne.           “Ano ba ang itsura niya?” tanong niya.           “Mestiso siya, halatang may foreign blood eh. Tapos clean cut na medyo mahaba iyong buhok niya. Tapos iyong mga mata niya, parang light brown yata iyong kulay saka medyo makapal iyong kilay. Matangos ang ilong, ang ganda ngumiti. Kulay red iyong lips tapos ang puti ng ngipin. Matangkad din, siguro mga nasa five-nine ang height ni pogi.”           Nabuo ang imahe ni Miguel sa kanyang isipan. Napangiti si Anne sa naisip, kung ganoon, guwapo nga ito.           “Mukha naman bang mapagkakatiwalaan? Baka mamaya magnanakaw, rapist o mamamatay tao siya?”           “Hmm… mukhang hindi naman. Mukha naman mabait.”           “Baka naman sinasabi mo ‘yan dahil sabi mo nga guwapo?”           “Hindi naman! Iyon talaga ang—”           “I’m not a bad person,” biglang sabad ni Migs.           Natigilan si Anne. Nakagat niya ang labi at napahawak ng mahigpit kay Bebs. Umahon ang guilt sa kanyang puso. Kung bakit kasi hindi niya narinig na paparating pala ito. “I’m just an ordinary photographer who wants to explore and take some pictures. Puwede kong ipakita sa’yo ang police at NBI clearance ko, kung gusto mo.”           Tumikhim siya.           “Huwag mo sanang masamain ang narinig mo,” sagot niya.           Narinig ni Anne na marahan itong tumawa.           “Nah, that’s okay. Natural lang iyon, lalo sa kondisyon mo. I understand.”           “Salamat,” nakahinga ng maluwag na sagot niya.           “Don’t worry, you’re safe with me.”           Isang malakas na kabog sa kanyang damdamin ang naging hatid ng mga salitang iyon ni Miguel. Weird. Dahil iyon ang unang beses na maramdaman iyon ni Anne.           “Thank you, Migs.”           “Eto na nga pala iyong full p*****t ko para sa unang dalawang linggo. Kapag mag-e-extend ako, dadagdagan ko na lang,” sabi pa nito.           Bahagya pang napapitlag si Anne nang hawakan ni Miguel ang kamay niya at ilagay doon ang pera. Muli ay naramdaman niya ang init na hatid ng palad nito. Bukod doon ay sinalakay din ang ilong niya ng mabangong amoy. Alam ni Anne na nakatayo ito malapit sa kanya.           “T-Thank you,” sagot niya.           “Sige, pasok ulit muna ako.”           PILIT NA kinalma ni Migs ang puso nang makapasok siya sa loob ng kuwarto. Nakita na niya si Anne sa mga larawan, alam na niyang simula pa nang una na maganda ito. Pero hindi niya inaasahan na mas maganda ito ng di hamak sa personal. And he must admit, something strikes right through his heart when he finally saw her face to face.           Ayon sa mga tauhan ng binata, matapang at walang inuurungan ang Anne Marasigan ang palaging humaharap sa mga ito. Pero hindi niya makita ang mga katangian na iyon dito ngayon. Instead, what he saw is a beautiful and gentle woman. Bigla ay umahon ang kuryosidad sa kanya tungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga. Gusto niyang malaman at maintindihan ang dahilan ng dalaga kung bakit sa kabila ng malaking halagang pera at medical assistance sa mata ay tinanggihan nito iyon.           Naputol ang pag-iisip niya nang marinig na nag-vibrate ang cellphone niya. Napangiti siya nang makitang si Reggie ang nag-text.           “Pare, is it safe to call you right now?” tanong pa nito.           Dahil mahina ang signal doon sa kinalulugaran ng bahay ni Anne. Kinailangan pa niyang lumabas para makausap ng maayos ang kaibigan. Nang lumabas siya ng kuwarto ay nadatnan pa rin niya si Anne at Bebs na nag-uusap.           “Saan ba malakas ang signal dito?” tanong niya.           “Ay doon Sir, sa banda doon,” sagot ni Bebs.           “Thanks.”           Siniguro muna ni Migs na nasa malayo siya at wala nang ibang makakarinig bago tawagan si Reggie.           “Pare,” bungad ni Migs nang sagutin nito ang tawag niya.           “Kumusta?” tanong nito.           “So far so good.”           “Sa tingin mo ba may pag-asa tayong makuha ang lupa?”           Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko pa alam. Ngayon ko pa lang siya nakilala ng personal. Kailangan ko munang kuhanin ang loob at tiwala niya bago ko siya kumbinsihin.”           “Baka naman mamaya imbes na siya ang kumbinsihin mo ay kabaligtaran ang mangyari,” biro pa nito.           Natawa siya. “That’s not in the plan!”           “You’ll never know, pare. Mabuti nga na makahanap ka na ng iba, para tigilan ka na ni Ava.”            “Reggie, mukhang mabait si Anne. Kung sakaling makumbinse ko siyang ibenta sa atin itong property niya at malaman niya ang totoo tungkol sa akin. She will hate me for sure.”           “Sabagay, may point ka diyan. Kaya ingat ka, baka ikaw ang mahulog.”           “Loko!” natatawang sagot niya.           Matapos makipag-usap sa kaibigan ay hindi muna siya pumasok sa loob at doon nag-isip. Indefinite leave ang dineklara niya sa opisina. Walang ibang nakakaalam na naroon siya sa Batangas maliban sa staff na nag-imbestiga kay Anne, ang kanyang most-trusted Secretary na si Liezel at ang magkapatid na Robby & Reggie. Samantala sa kanyang pamilya, alam ng mga ito na nasa New York siya at nagbabakasyon. Maging si Ava ay ganoon din ang alam, tiwala naman si Migs na hindi siya masusundan ng ex-girlfriend dahil hindi nito puwedeng iwan ang may sakit na ama.           Muli siyang lumingon kay Anne. Bigla ay tinamaan ng konsensiya si Migs. Sa isang iglap ay nagtalo ang kanyang puso at isip kung itutuloy pa ba ang plano, malayo sa kung gaano kalakas ang kumpiyansa at buo ang loob noong una. May kung ano sa inosente at magandang mukha ni Anne ang hindi niya maipalawag, siguro ay awa dahil sa kalagayan nito. Damn, he suddenly felt he is the worst man alive. Pakiramdam ni Himig ay sinasamantala niya ang kalagayan nito. Kung aatras naman siya sa plano, paano na ang project nila? Hindi rin naman puwedeng hindi iyon ituloy dahil lang sa problema nila sa kapirasong lupa na iyon. Ano lang ang sasabihin niya sa mga investors?           Pero naroon na siya at huli na para umatras pa. “Nandito ka na, Migs. Pangatawanan mo na lang!” sabi niya sa sarili.             PASADO alas-siyete na ng gabi, maaga pa kung tutuusin pero parang mag-aalas dose na ng hatinggabi dahil sobrang tahimik na ng paligid. Ang tangi na lang naririnig ni Anne ay ang tunog ng mga kuliglig sa paligid at ang alon na nagmumula sa dagat.           Maaga nagpaalam si Bebs na uuwi dahil biglang sumama ang pakiramdam nito noong mga bandang alas-singko ng hapon. Samantala si Miguel naman ay hindi pa bumabalik simula nang magpaalam itong umalis kanina, isang oras simula ng dumating ito. Mula doon sa kinauupuan na sofa ay tumayo siya saka gumabay sa pader bago naglakad papunta sa bandang kanan niya. Nang makapa ang bintana ay saka niya iyon binuksan at agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng sariwang hangin. Napangiti siya pagkatapos ay pumikit sandali at hinayaan na hagkan ng hangin ang kanyang balat.           Pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang paglalakad habang nakagabay sa pader hanggang sa matunton ang kinaroroonan ng TV. Kinapa niya ang remote control at ang on button bago iyon pinindot. Napangiti si Anne nang marinig ang intro ng teleseryeng sinusubaybayan niya.           Wala man siyang makita, sapat na para kay Anne na marinig ang dialogue ng mga bida. Medyo liblib ang lugar nila kaya bukod sa TV at radyo, wala siyang ibang mapaglilibangan. Ang cellphone naman niya ay lumang model na. Hindi rin naman niya iyon nagagamit kung wala si Bebs.           Nang magsimula ang teleserye ay doon na na-focus ang atensiyon niya. Para na rin nakikita ni Anne ang mga nangyayari sa palabas. Nakakaramdam siya ng excitement base sa background music na kanyang naririnig. Kalagitnaan na ng teleserye nang marinig niyang bumukas ang gate.           Agad tumayo si Anne, hawak ang cane, naglakad siya papunta sa may pinto saka kinapa ang lock at binuksan iyon.           “Miguel, ikaw ba ‘yan?” tanong pa niya.           “Yes, it’s me,” magaan ang boses na sagot nito.           Ngumiti si Anne saka niluwagan ang bukas ng pinto.           “Dapat hinintay mo muna akong kumatok at tinawag kita. Paano kung ibang tao at hindi mo kilala ang dumating? Binuksan mo agad, baka napahamak ka pa,” sabi pa nito.           Alanganin siyang napangiti. “Ah, kasi… nasanay lang ako ng ganoon. Wala naman ibang pumupunta dito bukod kay Bebs at Miko.”           “Hindi mo masasabi ang panahon. Kayo na rin ang nagsabi, minsan may mga dayong pumupunta dito.”           Tumikhim si Anne. Hanggang sa hindi napigilan ang sarili na tumawa.           “Bakit ka tumatawa?”           “Sorry, kasi, first time may nag-sermon sa akin ng ganyan simula nang namatay ang tatay ko.”           Sumunod niyang narinig ay ang marahan tawa ng binata.           “Pasensiya na kung tunog nagsesermon ako. Concern lang,” depensa nito sa sarili.           “Alam ko naman, kaya salamat, hayaan mo mag-iingat na ako sa susunod.”           “Habang nandito ako, I’ll make sure I’ll be home before it gets dark, para may kasama ka dito sa gabi.”           Napangiti siya. “Salamat.”           “By the way, kumain ka na ba? May dala akong siomai, nagtanong ako kay Bebs kanina, sabi niya ito daw iyong paborito mo.”           Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pangalan ng paboritong pagkain.           “Naku nag-abala ka pa,” sabi niya.           “Wala iyon.”           “Sandali, kukuha lang ako ng pinggan.”           “By the way, napansin ko na deretso ka mag-tagalog, hindi gaya ng mga nakakausap ko na ibang Batangueño, halatang-halata ‘yong punto nila.”           “Ah, iyon ba? Matagal kasi akong tumira sa Maynila. Doon ako nag-aral ng highschool hanggang College, magkasama kami ni Bebs. Noong gabi na maaksidente kami ng tatay ko, umuwi lang ako noon dito para mag-bakasyon.”           Narinig niyang malalim itong bumuntong-hininga. “That’s so tragic. I’m sorry for what happened.”           “Nakalipas na ‘yon, Migs. Tanggap ko na naman nangyari,” nakangiting sagot niya.           Tumikhim ng malakas ang binata at tuluyan nang iniba ang usapan. “You need my help?” tanong pa nito.           “Ah, hindi na, kaya ko. Kaya kong kumilos dito sa bahay kahit bulag ako, nasanay na rin.”           Nilapag ni Anne ang cane sa ibabaw ng sofa at gumabay sa pader papunta sa kusina. Mula doon ay kinuha niya ang pinggan at maliit na mangkok para lalagyan ng sauce. Napapitlag siya nang biglang may humawak sa kamay niya.           “Ako na,” sabi ni Migs pagkatapos ay kinuha nito ang pinggan at mangkok mula sa kanya.           “T-Thank you.”           Bahagya na naman siyang napapitlag nang muling hawakan ni Migs ang kamay niya at ginabayan siya papunta sa mesa.           “Salamat,” usal ulit niya.           “Lagyan ko na ng sauce iyong siomai mo?” tanong pa nito.           Nahihiya siyang ngumiti saka tumango, mayamaya pa ay pinahawakan na sa kanya ni Migs ang tinidor.           “Nakakahiya, ikaw itong guest dito sa bahay. Dapat ako ang nag-aasikaso sa’yo, pero baligtad ang nangyayari.”           “Wala ‘yon,” sagot nito. “Mas mahihiya ako sa sarili ko na hayaan ka na kumilos na ganyan kalagayan mo. Saka medyo matagal tayong magkakasama dito, please, ituring mo akong hindi iba.”           Mula sa sinasabi ni Migs ay biglang naagaw ng TV ang atensiyon niya matapos marinig ang tunog ng sunod-sunod na pagbaril kasunod niyon ay pinatugtog na ang closing background music ng teleserye.           “A-Ano ‘yong nangyari? Doon sa palabas sa TV?” hindi nakatiis na tanong niya.           “Ha? Ah, binaril noong babae iyong isang lalaki,” sagot ni Migs.           “Hala! Walanghiya talagang babaeng ‘yan! Binaril n’ya iyong bida! Ay hindi, mabubuhay iyon, bida ‘yon eh,” galit na komento pa niya.           Natigilan si Anne nang marinig na tumawa si Migs.           “Bakit?” tanong pa niya.           “Wala lang, ang cute mo kasi, affected na affected ka doon sa teleserye.”           Napangiti siya. “Iyan lang ang libangan ko dito eh. Kahit hindi ko nakikita ang nangyayari, at least naririnig ko iyong sinasabi nila,” sagot niya sabay subo ng siomai.           “You amazed me, Anne. You’re brave. Kung iba ang nasa kalagayan mo, baka bumigay na at nawalan na ng pag-asa,” sabi pa ni Migs.           “Binigyan ako ng pag-asa ng doctor na muling makakakita at naniniwala ako doon. Marami pa akong gustong gawin. Gusto kong makatapos ng pag-aaral. Gusto kong makita ang mundo. Gusto ko ulit makita kung gaano kaganda ang dagat. Kung susuko ako ngayon pa lang, paano ko pa matutupad lahat iyon?”           Narinig niyang marahan itong natawa.           “I’m speechless. Iba ang pananaw mo sa buhay. Daig mo pa iyong mga normal na taong nakakakita.”           “Salamat,” nakangiting sagot niya.           “Kain lang ng kain. Marami pa akong binili,” pag-iiba na nito sa usapan.           Nahihiyang ngumiti at tumango si Anne. Hindi niya magawang itanggi sa sarili ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. Hindi na sanay ang dalaga na may pumupuri sa kanya na ibang tao. Hindi siya madalas naniniwala sa mga ganoon dahil para ang dating para kay Anne ay binobola at pinapasakay lang siya ng mga nakakausap. Pero iba si Migs. Parang may kasamang convincing powers sa baritonong tinig nito. At nasabi na ba niya na hindi niya mapigilan ang sarili na kiligin sa tuwing naririnig ang boses nito lalo na kapag binabanggit ang kanyang pangalan. Lihim na lang siyang napailing. Nababaliw na nga yata siya talaga.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD