Bumaba si Anne matapos huminto ang tricycle na sinasakyan. Huminga siya ng malalim at pinuno ng lakas-loob ang dibdib. “Ready ka na?” tanong ni Bebs. Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses pagkatapos ay ngumiti nang makita ang kaibigan. “Ready na.” Magkasabay silang naglakad ni Bebs. At sa pagkakataon na iyon, hindi na siya inaalalayan nito. Wala na rin siyang hawak na cane para gumabay sa kanya sa paglalakad. Hindi na rin niya kailangan pang makiramdam ng mabuti para lang malaman kung anong nangyayari sa kanyang paligid. Matapos ang mahigit dalawang taon ng pagkabulag. Matapos ang aksidente, dalawang buwan na ang nakakalipas, sa wakas, naibalik na rin ang kanyang paningin. Mabigat ang dibdib na nilapag ni Anne ang isa