“YOU WHAT?!” gulat na bulalas ni Aya saka tulalang lumingon sa kanya at tinigil ang ginagawa. “Sorry bro,” sagot niya. Mabilis umilag si Migs nang batuhin siya ng kakambal ng unan. Naroon siya sa loob ng kuwarto nito. Dahil hindi siya mapakali doon sa kanyang penthouse. Minabuti ng binata na umuwi na lang sa bahay nila at nadatnan nga niya na gising pa ang kakambal dahil naglalaro pa ito ng online games. “’Tol, bakit mo naman ginamit pangalan ko?!” “Nagipit ako ng sitwasyon! Nataranta ako kaya sinabi ko na lang na Aya ang pangalan ko!” Bumuntong-hininga ang kapatid at binitiwan ang hawak na joystick pagkatapos ay tumayo ito saka umakbay sa kanya. “Tara doon sa bar, iinom natin ‘yan, mukhang kailangan mo ng matin