Chapter 3

1527 Words
"Leave me alone," matigas na saad ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay nito habang naghahamon na tumingin sa akin dahilan para mainis ako sa kanya. "I don't know you, so stop insisting that something happened between us eight years ago. You are harassing me, Attorney. You are a lawyer. You must know what it means," sagot ko sa kanya bago nagmamadaling umalis. Nang tuluyan na akong makalabas ng bar ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Dapat nagsasaya ako ngayon dahil birthday ko pero heto ako ngayon at maagang uuwi dahil may tinatakasan ako sa loob. Pasakay na sana ako ng tricycle dahil wala namang taxi dito sa lugar namin nang biglang tumigil sa tapat ko ang motor ni Renzo. Bakit ang aga naman yata nitong umuwi? "Marya, sakay na," saad nito sa akin. Motorbike iyon, nag-aalangan pa akong sumakay dahil sa iksi ng suot ko. Hindi ako pwedeng sumalakang sa likod niya. Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay sa motor niya nang bigla kong makita si Cohen na palabas ng bar. Mabilis akong humawak sa balikat ni Renzo habang nakatagilid ng upo pero napayakap ako nang bigla niyang paandarin ang motorbike niya. Nakita ko pa ang pagsalubong ng kilay ni Atty. Cohen nang makita niya ako. Wala na akong pakialam. Basta makalayo lang ako sa kanya. Mula ngayon hindi na ako babalik sa bar na iyon. "Salamat," nakangiting saad ko kay Renzo nang bumaba ako sa motorbike niya. "Basta ikaw, nanginginig pa," anito habang nakangiti rin sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya. Matagal na siyang nagpapalipad hangin sa akin pero hindi ko naman siya gusto. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. May hitsura naman siya kaso masyado siyang baka kumpara sa akin. Twenty nine na ako samantalang twenty-two lang ito. May hitsura naman siya pero pitong taon ang tanda ko dito kaya ayoko. Agad na pumasok ako sa loob ng bahay. Madilim na ang buong paligid, maaring tulog na ang lahat ng kasama ko sa bahay. Tamad na hinubad ko ang may takong na sapin ko sa paa bago pabagsak na nahiga sa kama. Kukunti lang ang nainom ko pero parang sumakit bigla ang ulo ko dahil sa nangyari kanina. Atty. Cohen Delgado, his name screams power. I will lie if I will say na wala akong alam sa kanya pero hindi ko naman sinasadyang makibalita ng tungkol sa kanya lalo na kung laman siya ng dyaryo o balita sa tv kung minsan sa dalawang kadahilanan. Una dahil isa siya sa pinakamagaling na abogado sa bansa, marami na siyang malalaking kasong naipanalo. Ikalawa dahil sa mga sikat na babaeng nali-link sa kanya. Kundi artista, ay modelo minsan naman ay beauty queen. Yeah, he did date a lot of woman so I don't understand why he can still remember me. I thought I was just one of those girls he bedded and then he will forget the next day. Maybe he just has a great memory so that he can still remember all the girls he slept with. Siguro nga iyon lang ang rason dahil wala na akong ibang maisip na dahilan pa. Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa nangyari kagabi. Maaga pa rin akong gumising kahit sabado na. I still havea work. Pagkabangon ko ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo. Wala akong sariling cr kaya lumabas pa ako ng kwarto ko para magtungo sa shared bathroom naming magkakapatid. Mabilis lang akong naligo. Dala ko na rin ang damit na pamalit sa banyo kaya nakabihis na agad ako nang lumabas ako habang nakatapis naman sa ulo ko ang tuwalya. "Ate, may pera ka ba?" tanong sa akin ni Mikael bago pa man ako makapasok sa kwarto ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya at hinayaang bukas ang pinto ng kwarto ko para makapasok siya. "May bibilhin sana akong project namin sa electronics, kailangan ko ng arduino board at mga LED lights," paliwanag nito. Tumango naman ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang wallet ko at binuksan iyon. "Magkano ba ang kailangan mo?" "Two thousands sana," alanganing sagot nito. Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Muli kong tsenek ang laman ng wallet ko. Two thousand and one hundred pesos na lang ang laman noon. "Kailangang-kailangan mo na ba?" Dahil kung hindi pa naman ay baka pwedeng unti-untiin namin ang pagbili. "Oo, e. Kailangan kaasi naming gumawa ng four way traffic lights bilang project. Sa monday na ang pasahan," paliwanag nito. Wala na akong nagawa kundi ang dumukot ng pera mula sa wallet ko. Ibinigay ko sa kanya ang dalawang libo at tanging isang daan na lang ang natira doon. "Salamat, ate. Pasensya kana, wala raw kasing pera sina itay kaya sa iyo ako nanghingi ng pambili." Nginitian ko ito nang makita ko ang nahihiyang mukha nito. "Ayos lang iyon, raraket na lang ako para magkapera ulit. Basta pagbutihin mo pag-aaral mo." Gusto kong makapag-aral silang mabuti. Hindi gaya ko noon na kailangan kong buhayin ang sarili ko at magtrabaho para may allowance ako. Mabuti na lang at may nagmagandang loob na gawin akong scholar kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral kahit papaano. Bigla itong tumayo ng tuwid at sumaludo sa akin. "Yes, Ma'am!" Natawa ako dahil sa ginawa niya. "Sisiguraduhin ko sayong makakapagtapos ako ng pag-aaral. Papatayuan pa kita ng mansyon, e. Salamat ulit dito." Itinaas nito ang perang hawak. Lumabas na ito ng kwarto ko nang tumango ako sa kanya. Napabuga na lang ako ng hangin nang makalabas na ito. Itinuloy ko ang pag-aayos sa sarili ko at nang makuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Naabutan ko si inay na nasa sala at tila may kinukwenta. "Bayaran na sa katapusan ng mga gastusin dito sa bahay. Ako na bahala sa tubig basta ikaw magbabayad ng kuryente," saad nito na hindi man lang tumitingin sa akin. "Opo," labas sa ilong na sagot ko at tuluyang lumabas ng bahay ng walang paalam dito. Kahit naman magpaalam ako dito ay hindi ako nito papansinin kaya nasawa na ako. Isang daan na lang ang pera ko. May sampong araw pa bago ang sweldo ko. Raraket na lang ako mamaya para magkapera. Magbabayad pa ako ng bill sa kuryente. Almost two thousand din iyon, hindi gaya ng tubig na babayaran ni ikay na na wala pang limang daan. Magulang din ang ina ko pero hindi naman ako pwedeng magreklamo kundi tatalakan lang ako nito. Naglakad na lang ako papasok sa boutique napinapasukan ko. Medyo malayo pero keri lang naman buti na lang at naka-rubber shoes akong nabili ko lang sa online shop ng mahigit dalawang daan pero napapang-porma ko na. Ipinares ko iyon sa short suits ko kaya mukha pa rin akong formal tingnan. Habang naglalakad ako ay naalala kong tawagan si Rebecca dahil bigla na lang itong naglahong parang bula kagabi pero nagulat ako nang malaman kong hindi pa pala ito umuuwi. Hindi ko alam kung saan ito nangtungo pero ayon dito ay okaylang daw ito. Gusto ko sana itong puntahan pero kailangan ko munang pumunta sa botique kaya dumiretso muna ako sa trabaho. Naabutan ko si Anji na naglilinis sa pwesto niya. Malaki ang ngiting lumapit ako sa kanya. "Good morning." "Good morning, Marg, may mga bulaklak at regalong dumating para sayo raw ito," anito at kinuha ang isang bugkos ng bulaklak at dalawang maliit na kahon bago ibinigay sa akin. Nakakunot ang noo na kinuha ko iyon. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago pumasok sa opisina ko. Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko bago naupo sa chair ko. May maliit na opisina ako dito kung saan minsan ay nakikipag-meeting ako sa mga nagiging kliyente namin. Malaki rin kasi ang botique na ito dahil nagawa itong paunlarin agad ni Rebecca. Sa galing niyang magdesign ng mga damit lalo na ng mga gown, napakadali para sa amin ang magkaroon ng maraming customers. Hinanap ko kung may card ang bulaklak. Agad na kinuha ko iyon. "You can run, but you can't hide. Anyway, happy birthday, I know my gift will suit you.' Nagsalubong ang mga kilay ko sa nabasa ko. Hindi ko alam kung kanino iyon galing dahil wala namang nakalagay na pangalan ng sender. Pag-iisipin pa ako. Napatingin ako sa dalawang maliit na kahon na nasa ibabaw ng table ko. Ang isa ay nasa blue na box at ang isa naman ay nasa red box. Ang blue box ay isang maliit na parisukat nakahon lamang habang ang red naman ay ay medyo malapad. Una kong binuksan ang kulay blue at napangiti ako nang makita ko ang isang hikaw na naroroon. Sa design pa lang nito ay alam ko na kung kanino ito nanggaling. Kinuha ko ang selpon ko at tinext siya. "Thanks for the gift, I love it. I love you always." Nakangiting ibinaba ko ang selpon ko at tiningnan ang isa pang box. Kinuha ko iyon at binuksan, at napakunot ang noo ko ng makita ko ang lace na laman noon. Napanganga ako nang tuluyan ko nang mabuklat iyon. It's a G-string babydoll sleepwear set, but it's see through na kahit isuot ko pa ay hindi maitatago ang dapat itago. Who the heck will give me a gift like this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD