Chapter 1
MARGARITA
"Happy birthday, I love you," napangiti ako sa mensaheng natanggap ko.
That's message is enough to make me happy. Simpleng bati lang mula sa kanya ay buo na ang buong isang tao ko. Mensahe lang niya sapat na sa akin dahil alam ko na siya lang naman ang hindi nakakalimot sa birthday ko palagi.
"Thank you, I love you too," reply ko bago ko ibinaba ang cellphone na hawak ko at humarap sa salamin.
Nilagyan ko ng pulang-pulang lipstick ang labi ko. Pinaglapat ko ang labi ko upang kumalat ang lipstick.
Napangiti ako ng makita ko ang hitsura ko. I am looking too daring and too flirty, but I don't care. I am wearing a spaghetti strap red bodycon mini dress paired with a silver ankle strap and silver heels.
Today is my birthday, that's why I am wearing red.
Lumabas ako sa kwarto ko namin ko at naabutan ko sina itay at inay na nasa sala kasama ang mga kapatid ko na nanunood ng tv.
Nakatutok ang mga mata ng mga ito sa tv at kahit nakita na ako ni inay ay hindi man lang niya ako pinansin. Sanay naman na ako na parang hangin lang ako palagi sa paningin nito. Kaya hindi na ako apektado sa walang pakialam na pakikitungo niya sa akin.
"Wow, ate ang ganda mo." Puno ng paghanga ang mukha ni Bella habang nakatingin sa akin. Dahilan para mapalingun din sa akin si Mikoy.
"Ate, hindi ka kaya masilipan diyan sa suot mo," nag-aalalang tanong niya sa akin. Nakakunot pa ang noo nito habang nakatingin sa suot ko.
Bahagya kong itinaas ang dalawang kamay ko upang ipakita sa kanya na ayos lang naman ang suot. Masyado lang siyang protective sa akin kaya ganoon siya maka-react. College na ito at ako ang nagpapa-aral dito. Well, ako naman talaga ang nagpapaaral sa mga kapatid ko. Kaya kulang na lang ay magkandakuba ako sa pagtatrabaho. Dalawang high school at isang college lang naman, talagang nakaka-drain ng bulsa.
Nginitian ko siya. Bago mapait na napangiti nang makita ko si tatay na hindi man lang ako nilingon. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya? Pareho sila ni inay na daig pa ang south pole sa lamig pagdating sa akin. Kakausapin lang naman ako nito kapag may kailangan o hihingi ng pera.
"'Mikoy, don't ya worry, hindi naman ako tutuwad doon," sagot ko sa kaniya.
"Hayaan mo siya Mikoy. Hindi ka pa nasanay sa babaeng iyan na palaging kinulang sa tela kung magdamit. Daig pa ang p****k," naka-ismid na saad ni inay.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Ayokong makipagtalo sa kan'ya ngayon.
"Sige na, mauna na ako baka hinihintay na ako ni Rebecca," paalam ko kay Mikoy na kunwari ay hindi narinig ang sinabi ng ina namin.
"Ingat ka!" pahabol pa ni niya bago ko tuluyang buksan ang pintuan.
Maarteng kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyang lumabas ng bahay.
Mabilis akong pumara ng tricycle. Oo, sa ganda ng suot ko sa tricycle lang ako sasakay. Kapag talaga yumaman ako, bibili agad ako ng kotse kahit hindi pa ako marunong mag-drive.
Nasasayang ang porma ko dahil sa sinasakyan ko. Kulang na lang magkabukol ako bago pa ako makarating sa bahay ng boss bestfriend ko. Pupunta ako ngayon kay Rebecca upang daanan siya. Siya ang boss ko at itinuturing na bestfriend, ako rin ang ninang ng mga anak niya kaya close na close kaming dalawa.
Nang marating ako ay agad-agad na pumasok ako sa bahay kahit hindi pa ako kumakatok. Sanay na ako dito kaya feel at home na ako masyado. Eksaktong dating ko kalalabas lang ni Rebecca sa kwarto ng kambal.
"Let's go?" excited na yaya ko sa kanya.
Nagpaalam lang ito sa katulong nito na at mabilis na rin kaming sumakay sa kotse nito para magtungo sa bar kung saan kami magpapakasaya ngayong gabi. Hindi ko pa maiwasang ikutan ito ng mata ng sabing hanggang 10 lang daw dapat kami. Aba anong oras na? Ibig sabihin gusto agad niyang umuwi kami. Hindi ko naman siya masisi dahil may mga anak siya pero birthday ko today kaya magpapakasaya muna ako.
Yes, today is my birthday pero sa edad ko hindi na uso ang maghanda pa tuwing birthday. I am twenty-nine years old na, sayang na sa pera ang maghanda. Magastos tapos puro hugasin pa pagkatapos kaya mas mabuting magparty na lang ako kesa gumastos ng malaki para sa birthday ko. Nakapagpa-cake naman na ako sa bahay kaya okay na iyon. Hindi nga nila maalala na kaarawan ko kung hindi ako bumili ng cake para sa sarili ko. Kaya ngayong gabi magwawalwal talaga ako.
Malaki ang ngiti ko nang marinig ko ang malakas na tugtog na siyang sumalubong sa amin nang pumasok kami sa loob ng bar. This a newly opened bar owned by another capitalist. Bagong bukas kaya madaming tao pero dahil kilala ko ang isa sa mga bartender at guard dito ay madali lang kaming nakapasok.
Agad na hinila ko si Rebecca papunta sa bar counter. Para pa itong batang naligaw ngayon sa loob ng bar. Halata naman sa kilos niya na hindi siya sanay sa ganitong lugar pero dahil birthdayko hindi siya tumanggi nang niyaya ko. Okay lang naman sa akin na tumanggi siya, kaya ko naman magtungo dito ng mag-isa. Sanay naman na akong nag-iisa palagi, hindi na bago sa akin iyon.
"Two Margarita!" agad na bungad ko kay Renzo nang makita ko siya.
Matamis na ngumiti ito sa akin at mabilis na nag-mix ng alak. Agad na ibinigay ko ang isa kay Reb at hindi ko mapigilang mapailing nang mapansin ko na nagdadalawang isip pa ito kung iinumin ba iyon o hindi.
Pero nang sabihin kong tikman niya ay wala na itong nagawa.
Sunod-sunod ang naging paglagok ko ng alak. Gusto kong kahit papaano ay mawala ang pagkauhaw na nararamdaman ko. Hindi uhaw sa alak kundi uhaw sa pagmamahal ng isang magulang. Pakiramdam ko kahit anong gawin ko hindi pa rin iyon sapat para tingnan ako sa mata ni itay ng walang pagkamuhi. Hanggang ngayon hindi ko maunawaan kung bakit galit siya sa akin. Hindi ba dapat masaya na siya dahil sa pamilyang meron siya ngayon? Bakit sa akin niya pilit isinisi ang isang bagay na hindi ko naman ginusto. Hindi ko naman kasalanan. Kaya kahit mahirap pilit kong ipinapakita sa kanya na hindi ako pagkakamali. Na ang pagdating ko sa buhay niya ay hindi isang pagsubok na siyang dahilan ng kanyang pagkalugmok.
Pinilit kong akuin ang responsibilidad niya sa mga kapatid ko. Salamat na lang sa scholarship na natanggap ko at nakapagtapos ako kaya nagagawa kong sustentuhan ang mga kapatid ko. Pero hindi pa rin iyon naging sapat para mahalin ako ng sarili kong ama.
"Hinay-hinay lang, hindi ka mauubusan," saway sa akin ni Rebecca nang akmang iinom akong muli ng tequilla na nasa harapan ko.
"Ano ka ba? Minsan lang 'to. We are here to have fun kaya bawasan mo muna pagiging kj mo. Bar po ito, hindi kumbento"palag ko sa kanya at muling tumunga ng alak. Kahit ngayong gabi lang gusto kong makalimot ng mga pasanin ko sa buhay. It's my day, I can drink anything I want. "Birthday ko ngayon kaya sasamantalahin ko na ang pag-inom ko dahil bukas huwarang anak na naman ako."
Hindi ko maiwasang maluha sa kanya dahil sa buhay na meron ako. I am my family provider. Wala naman akong problema kung ako ang bread winner, panganay ako at alam kong ako ang sasalo ng lahat ng resposibilidad. Ang hiling ko lang sana kahit papaano ma-appreciate nila ang paghihirap ko.
Matapos kong maglabas ng sama ng loob ay mabilis kong pinahid ang luha ko at ngumiti sa kanya na parang walang nangyari.
Ayokong umiyak nang umiyak lang ngayong araw. Araw ko ito kaya dapat nagsasaya ako. Niyaya ko siya siya sa dance floor.
Habang todo bigay ako sa pagsasayaw ay para naman siyang tuod sa tabi ko. Kaya nang iwan niya ako para bumalik siya sa pwesto namin ay hinayaan ko na lamang siya. Patuloy akong gumiling sa gitna kahit pinagpapawisan na ako.
Maharot kong isinasayaw ang balakang ko nang biglang may humawak sa pwetan ko dahilan para mabilis akong mapalingon.
Biglang kulang na lang ay umusok ang ilong ko nang malingunan ko ang isang lalaking malaki ang ngisi.
Mabilis na lumapit ako dito at ngumiti nang mapang-akit kahit gustong-gusto ko na siyang sipain sa pagitan ng mga hita niya. Nakita ko naman na lalong lumaki ang pagngisi nito.
Nang tuluyan na akong makalapit dito ay dinakma ko ang hinaharap nito at piniga ng todo hanggang sa mamilipit ito sa sakit.
"Sa susunod kilalanin mo kung sino ang babastusin mo kung ayaw mong pisain ko ang kinabukasan mo," pagbabanta ko dito habang nanggigigil ako. Hindi porke't nasa bar kami may karapatan na silang bastusin kung sino ang gusto nilang bastusin. Niyapakan ko ang paa nito gamit ang takong ng sapatos ko dahilan para tuluyan na itong mapasigaw sa sakit. Balewalang iniwan ko ito.
"That's cool, but I hate it when you are grabbing another man's d**k, "a man's baritone voice made me stop.