Chapter 2

1309 Words
Napalingon ako sa nagsalita at kununot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Another p*****t? Kinunutan ko siya ng noo. But s**t, this man is freaking hot. He is wearing black pants and a white shirt, but I can say that he has muscles. I am sure of that. He has a buzz-cut fade haircut, but what attracts me more is his tattoo on his whole neck. I am not a fan of guys with tattoos, but this one can be an exception. His tattoo made him look like a bad boy. A freaking hot bad boy. At first glance, I can say that he is a red flag bearer. He even looked more dangerous because of the smirk on his lips. "Do I know you?" pagtataray ko sa kanya habang pilit kong itinatago ang admirasyong nararamdaman ko. Humakbang ito papalapit sa akin. Kahit na nakaheels ako ay mas mataas parin ito sa akin. "Atty. Cohen Delgado, does my name rings a bell?" tanong nito at inilahad ang isang kamay. Bagkos na tanggapin ang pakikipag-kamay sa kanya ay ipinagkrus ko ang mga braso ko habang bored na tumingin sa kanya. "Nope, it does not, and I have no pending case, so I never look for an attorney," pagsusuplada ko sa kanya. He is an attorney. An attorney with sexy tattoo? His title made him more sexier. I tried to compose myself to hide my admiration. "Yeah, you have no pending case, but you have unfinned business with me." Tuluyan ng tumikwas ang kilay ko dahil sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang iparating sa akin pero wala akong matandaan na may unfinnis business ako sa kanya. "I don't know why you can't remember me, but I can still remember you. Every inch of you," bulong nito sa tenga ko dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Marahan akong lumayo sa kanya. Masyado siyang malapit, nahihirapan akong makahinga ng maayos. Nate-tempt ako sa kanya. Baka mamaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sunggaban siya. Masyado pa naman siyang yummy sa paningin ko. He knows every inch of me, how? "I am sorry, but is that your way to pick up a girl? If yes, that will not work for me," I said and left him. I tried not to look back kahit ramdam ko ang mga mata niyang nakasunod sa akin. Wala ako sa mood lumandi ngayon. I don't want to repeat the same mistake again. Never. Bumalik ako sa may bar counter pero hindi ko makita si Rebecca. Saan naman kaya nagsuot ang babaeng iyon? Kanina ay nakita pa siya pero ngayon ay bigla na lang itong nawala kaya hindi ko maisipang mag-alala. Hindi pa naman iyon sanay sa ganitong lugar. Dapat yata hindi ko na ito niyaya para hindi ako naghahanap ngayon sa kanya. Sinubukan ko siyang hanapin maging sa comfort room pero hindi ko siya makita. Kinuha ko ang phone ko para tawagan siya. Tumatapik-tapik pa ang paa ko sa semento habang dina-dial ko ang numero niya. Nakasandal ako sa pader medyo malayo sa ingay na nagmumula sa bar upang marinig ko siya kapag sinagot niya ang tawag ko pero nagri-ring lang ang cellphone nito. Mas lalo akong nag-alala. Madami pa namang loko sa ganitong lugar. Mga mapagsamatala. Aalis na sana ako para hanapin ulit si Rebecca nang biglang lumapit sa aking muli ang lalaking nakausap ko kanina na nakakita ng ginawa ko sa bastos na humawak sa akin. "If you are looking for your friend she left already." Paano niya nasabi? Impossibleng umalis si Rebecca nang hindi nagpapaalam sa akin. Hindi nito ugali ang mang-iwan nalang ng basta-basta at kung umalis ito dahil may emergency ay magte-text muna ito sa akin. Tiningnan ko siya. "How did you know who I am looking? Are you following me?" pag-aakusa ko sa kanya. Nasa may tagong bahagi kami ngayon. Kaya walang masyadong tao sa lugar na kinatatayuan namin. "Is it a crime?" he said and gave me a boyish smile. Hindi niya sinagot ang unang tanong ko. Tumikwas ang kilay ko sa kanya. "Nope, but it's creepy." Binigyan ko siya ng asar na ngiti. Akmang iiwan ko siyang muli nang bigla niya akong hilahin at namalayan ko na lang ay nakasandal na ako sa pader habang ang isang kamay nito ay nakaharang upang hindi ako makalayo. "What do you think you're doing?"pagtataray ko sa kanya. Alam kong gwapo siya pero ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong mga papansin. Akala ba niya madadala niya ako sa kagwapuhan niya? Kahit nakakalunod siyang tumingin, pasensya na lang siya magaling akong lumangoy kaya matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. Nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang hininga niyang tumatama sa pisngi ko. "Don't you really know me?" Hinawakan nito ang baba ko at inangat iyon para lalong magtama ang mga mata namin. "Should I really have to know you?" He smirked with my question. "You must be. I know eight years is too long, but the memory is still fresh in my mind." Tumalim ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Eight years? I am starting to have an idea about what he is talking about. No, I actually know what he means. Pero kahit ipahila ako sa kalabaw ngayon o ipagasaan ng pison hindi ko aamining alam ko ang tinutukoy niya. Matagal na iyon. Kinalimutan ko na nga, bakit ipinapaalala pa niya ngayon? Isa pa paanong natatandaan pa rin niya ako? Imposibleng sa dami ng babaeng dumaan sa kanya ay tumatak ako sa isipan niya. I know him, how can I forget the man who took my virginity?His tattoo is enough for me to recognize him. This dazzling man, once in my life, even if it was for a night, worshipped me. But I did not expect that he still know me. How could he still recognized me after many years? Nag-mature na ako ang dating kulot na buhok ko ay straight na straight na rin ngayon. Isa pa hindi ko inaasahang magtatagpong muli ang landas naming dalawa. Kung ano man ang namagitan sa amin noon, matagal ko na iyong binaon sa limot. Kahit na alam kong imposibleng makalimutan ko ang nangyari. Hindi ko inaasahan ang muli naming pagkikita pero pinipilit kong huwag ipahalata sa kanya na natatandaan ko siya. Iniwasan ko na nga siya kanina kahit pakiramdam ko maiihi ako sa panty ko nang bigla siyang magpakilala. "I don't know what are you talking about, Mr." Pinilit ko siyang bigyan ng ngiti upang ipakita sa kanyang inosente ako. Na wala akong alam sa sinasabi niya. Pwede na akong maging artista sa ginagawa ko. Wala naman akong amnesia para hindi ko maalala ang sinasabi niya. He raised one of his eyebrows and chuckles. "Really? You don't know what happened between us that time?" "What happened?" nagmamaang-maangang tanong ko sa kanya. Lumayo ito sa akin at tumayo ng tuwid. Ikiniling nito bahagya ang ulo habang may mapaglarong ngiti sa mga labi. That's hot. "You really don't remember? I am willing to re-enact it with you again if you want to remember." Lalo akong napadikit sa pader nang bigla nitong ilapit ang mukha sa akin. "Should we?" Itinulak ko siya palayo. "Stop it. You might think of me as someone else. You are scaring me, so please leave me alone," pakiusap ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko siya tatakasan. Bakit ba kasi ngayon pa siya biglang sumulpot? Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. "You can't fool me, Margarita. Uh! How can I forget your name when it's the same as my favorite drink? " Lihim akong napalunok dahil sa sinabi niya. Damn him. Why did I even give him my real name before? Why was the man I slept with eight years ago is in front of me, and he can still remember what happened?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD