Agad na ibinalik ko sa kahon ang natanggap kong regalo. Kung sino man ang nagpadala noon sa akin ay wala akong kahit kaunting ideya. Isa lang ang masisigurado ko. Kilala ako ng sender dahil alam nito ang birthday ko pero kukunti lang naman ang nakakaalam ng kaarawan ko. Tanging malalapit sa akin lang ang nakakalam at sa mahal ng brand na nakatatak sa lalagyan ng regalo sigurado akong napakamahal noon kahit napaliit at nipis na tila lamang ang ginamit. Saka bakit naman nila ako reregaluhan ng ganoon?
Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang nagpadala ay malalagot sa akin.
Nakalimutan ko na rin ang tungkol sa regalo dahil may dumating na mga customer. Kapag sabado at Linggo ay ako ang namamahala ng botique dahil araw iyon ni Rebecca para sa mga anak niya. Yes, wala akong day off, hindi uso iyon lalo na sa gaya kong kailangang kumita ng pera. Pabor naman sa akin dahil mas malaki ang nagiging sweldo ko at mas natutugunan ko ang mga pangangailangan ng kapatid ko sa eskwela nila. Tapos syempre ambag ko pa sa gastusin sa bahay.
Habang nag-aasikaso ako sa isa sa mga client ay biglang tumunog ang selpon ko kaya nagpaalam muna ako rito. Iniwan ko muna ito sa isa sa mga staff.
"Hello?"
"Marg, ginamit mo ba ang kotse ko pauwi kagabi?"nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya.
Bakit ko naman gagamitin ang kotse niya, hindi nga ako maalam mag-drive nakalimutan na ba niya?
"Reb, okay ka lang? Bisekleta lang alam kong gamitin. Saka bakit sa akin mo tintanong ang kotse mo. Hindi mo ba ginamit kagabi pauwi? Did something happened last night?" nag-aalalang tanong ko.
Ako ang nagyaya rito kagabi kaya kung may nangyari ritong masama ay kasalanan ko.
"I am okay. Something happened, but don't worry. Maybe it's in the bar parking lot," saad nito. "
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. "Okay ako na ang bahala sa kotse mo," pahayag ko bago ibinaba ang tawag.
Pagkatapos kong makausap si Rebecca ay lumabas ako ng opisina ko.
"Labas lang ako saglit," paalam ko kay Anji na nasa reception area.
Ngumiti naman ito sa akin at tumango kaya lumabas na aga ako.
Pumara ako ng tricycle at agad na nagpahatid sa bahay ni Rebecca para kunin ang susi kay Manang Nerma bago nagtungo sa bar na pinuntahan namin kagabi, The Tipsy, para i-check kong nandoon ba ang kotse niya.
Nasa akin naman ang susi kaya sigurado akong nandoon pa iyon sa parking lot. Matapos kong magbayad kay kuya tricycle driver ng bente ay hinintay ko ang sukli kong limang piso sa kanya pero ang tagal nitong naghuhukad sa body bag na dala ay wala itong makita. Maging bulsa nito ay kinapkap na nito upang maghanap ng barya.
"Ma'am, wala po akong panukli," alanganing wika nito pagkaraan.
"Akina, kuya, pababaryahan ko," pagbabawi ko sa kanya ng bente pesos na binayad ko. Sayang naman ang limang pisong sukli ko kung hindi ko makukuha. Sixty five na nga lang magiging pera ko tapos babawasan pa niya ng lima. Dahil iyong sampo ay pinamasahe ko na kanina papunta sa bahay ni Rebecca.
Bago pa maabot sa akin ni manong ang bente ay biglang may nagbayad dito ng isang libo. "Go!" pagtataboy nito sa driver na hindi nagdalawang isip na tinanggap ang isang libo at saka sumibat.
Hahabulin ko pa sana ito pero hinawakan na ako sa kamay ng lalaking nagbayad ng isang libo rito.
Mainit ang ulo na hinarap ko ito. Ano ba kasing ginagawa niya rito ng ganito kaaga?
"Bakit mo pinaalis? Yung sukli ko," yamot na saad ko sa kanya.
May ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero mukhang aliw na aliw siya. Sabi ko hindi na ako paparito sa bar na ito pero umaga naman kaya iniisip ko na wala na siya dito pero bakit nag-krus pa rin ang landas namin.
"Oh, I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin pero halata namang hindi ito seryoso.
"Bwesit!" nasabi ko na lang at iniwan ito para magtungo sa parking.
Sayang yung sukli ko. Tapos binigyan pa niya ng isang libo. Kung sa akin niya iyon binigay 'di mas okay pa. Naitakbo na nga nito ang limang piso ko pati na rin ang isang libo niya.
Attorney siya pero bobo siya sa math.
Agad na nagtungo ako kung saan nakapark ang kotse ni Rebecca at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko iyon na nakaparada.
Pumunta ako sa harapan nito ngayon at napatingin sa susing hawak ko. Ngayon paano ko naman ito ida-drive? Bakit ba nakalimutan kong hindi ako maalam magmaneho? Narinig ko lan na bibilhan niya ako ng regalo ay mabilis pa ako sa kidlat na umoo sa utos niya kahit hindi ko naman alam kung anong gagawin ko sa kotse.
Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin. "Ma'am sa inyo po ba iyan?" May inabot itong papel sa akin at napanganga ako na parking fee iyon. Pero hindi lang iyon bente pesos o fifty gaya ng mga normal fee kundi three hundred pesos. Saan ako kukuha ngayon ng pambayad? Sixty pesos na nga lang ang pera ko.
Daig ko pa ang pulubi.
"Here." Napatingin ako akong muli kay Atty. Cohen Delgado nang abutan nito ang parking attendant ng isang libo.
Siya na ang puro lilibuhin ang pera. Siya na mayaman. Pero bakit lahat na lang ba gusto niyang bayaran? Akala ba niya masisilaw ako sa pera niya? Alam kong mas mahirap pa ako sa dukha pero ayokong magkautang na loob sa kanya.
"Wait lang, umaaksep ba kayo ng online p*****t?"pigil ko sa parking attendant bago pa nito matanggap ang perang inaabot ni Atty. sa kanya.
May limang daan pa naman ako sa online bank ko, iyon na lang ibabayad ko. Ire-r****d ko na lang mamaya kay Rebecca ang bayad.
Gagalawin ko na lang iyon kaysa ang lalaking ito ang magbayad.
Kumamot sa ulo ang lalaki. "Wala po, mam. Bago pa lang po kasi kami," sagot nito bago tumingin sa isang libong hawak ng bida-bidang abogadong nasa tabi ko. Halatang nate-temp na itong kunin iyon.
Hindi ko alam kung bakit nandito ito. Huwag niyang sabihing hindi niya ako sinundan dahil hindi na talaga ako maniniwala sa kanya. Kung nasaan ako bigla na lang siyang sumusulpot.
"Tanggapin mo na ito," wika nito sa lalaki. "Sayo na sukli." Sa narinig ay mabilis nitong tinanggap ang isang libo. Nanlisik naman ang mata ko kay Cohen nang bigla niya akong akbayan. "Pasensya kana sa misis ko. Nagtatampo lang ito dahil hindi ko nabili ang pinaglilihan niyang pagkain."
Ngumiti ang lalaki rito bago kami iniwan. Habang ako naman ay nanlalaki ang mata sa kanya. Anong kalokohan ang pinagsasabi niya? Anong misis? Anong buntis?
Marahas ko siyang itinulak palayo. "Lumayo ka sa akin. No, umalis ka sa paningin ko kung ayaw mong makatikim ka," nanggigil na saad ko.
Bwesit siya, siguro iniisip ng parking attendant na mag-asawa kami ngayon dahil sa kabaliwan niya.
"Can I really taste you again, Tigress?"