Chapter 6

1482 Words
Bumalik din agad ako Psyche matapos naming mag-usap ni Rebecca. Madami pa akong trabaho kaya hindi ako pwedeng magsayang ng oras. Pagbalik ko sa opisina ay ipinatong ko ang bag na regalo ni Reb sa table ko. Muli akong napatingin sa isang box na natanggap ko kaninang umaga. Kinuha ko iyon at binuksan ang trash bin pero nagdadalawang isip ako kung itatapon ko ba iyon o hindi. Sa huli ay muli ko iyong pinatong sa table. Sayang naman kung itatapon ko. Napatingin ako sa labas at dahil glass wall ang opisina ko ay kita ko ang buong paligid ay nakita ko si Anji. Napangiti akong tumayo at kinuha ang regalong nataggap ko. Lumapit ako sa kanya. Mabuti nalang at wala pang dumadating na customer. "Anj," tawag ko sa pansin niya. Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "'Di ba may boyfriend ka? Gusto mo bang mas lalo pa siyang mas ma-in love sa iyo?" Kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Nagtitinda ka ba ng gayuma?" Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa tanong nito. "Gaga, hindi. I mean ito o," ipinakita ko sa kanya ang kahon nang natanggap kong regalo. Wala naman na iyong balot na gift wrapper dahil tinanggal ko nakaya kita niya ang brand ng isang sikat na underwear na nakasulat doon. "Wow, saan 'to galing?" Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam, regalo iyan sa akin kanina pero hindi ko alam kung sino ang nagbigay dahil wala namang pangalan ng sender. Hindi naman ako nagsusuot ng ganiyan kaya, bilhin mo na. Alam ko bagay na bagay ito sayo. Sa ganda ng katawan mo, parang sinukat ito sayo," pang-uuto ko sa kanya at kulang na lang ay bulatlatin ko sa harap niya ang lingerie na nasa box. "Binobola mo lang ako." "Ano ka ba? Kailan ba ako nagsinunagling? Alam kong sexy ka kaya bagay sayo ang mga ganito. Kaya please bilhin mo na, " kulang na lang ay magmakaawa ako sa kanya dahil wala na talaga akong pera. "Mahal iyan, e." Nag-aalangan pa ito pero kita ko sa mata nito na interesado ito sa hawak ko. "Wala akong paki, one kyaw na lang para sa iyon. Presyong katrabaho," saad ko sa kanya. "Alam ko mura na iyan sa isang libo pero hindi ko pa rin afford," tanggi nito. "Napaka naman neto. Alam kong mapera ka, sobrang mahal nito alam mo iyan pero dahil kilala kita 1K ko na lang ibebenta sayo daig mo pang may ninety percent discount dito," pamimilit ko sa kanya. Dahil gipit ako pagkakakitaan ko na lang ang regalong ito kesa ma-stress ako kakaisip kung kanino galing. Mukhang rich kid ang nagpadala, wala naman akong close friends na rich kaya hindi ko mahulaan kung kanino ito galing. Saka bakit sa dami ng magreregalo sa akin, lingerie pa? m******s ba ang nagbigay nito? Bigla tuloy akong kinilabutan sa naisip ko. "Sige na nga," saad nito at dumukot ng isang libo sa wallet. Napangiti ako ng malaki nang tanggapin ko iyon. Pakipot pa siya alam ko naman na gusto rin niya ito. Gusto lang niyang mas babaan ko pa ang presyo ay ginto naman talaga ang presyo ng nightwear na ito kapag sa physical store binili. Hindi ko alam kung bakit ang mahal-mahal ay wala naman ng natatakpan sa katawan mo kapag sinuot. Inabot ko kay Anji ang box matapos kong tanggapin ang isang libong binigay niya. Sa wakas makaka-survive na ulit ako. May allowance na ulit. "Kapag iyan suot mo, sure na akong hindi ka makakaranas ng tagtuyot dahil araw-araw kang didiligan ng boyfriend mo," pang-uuto ko pa sa kanya. "Ano ka ba? Kahit anong isuot palagi pa rin siyang naglalaway sa akin," kinikilig na saad nito. Itinirik ko ang mata ko dahil sa sinabi niya. Siya na ang may maulan na love life. Mapapasana all na lang talaga ako. "Kaya isuot mo iyan para mas maulol siya sa iyon," sakay ko sa sinabi niya bago nakangiting iniwan siya. Tiningnan ko ang isang libong hawak ko. Akala ko mahihirapan pa akong humanap ng pera. Pero kung cash na lang sana ibinigay sa akin hindi lingerie mas matutuwa pa ako. Sobrang mahal noon, sayang na isang libo ko lang naibenta. Natapos ang araw ko na puro trabaho na lamang ang inaasikaso ko dahil medyo hindi na ako namomroblema sa pera dahil sa isang libong napagbentahan ko kanina. Nang dumating ang alas singko ay isinara na namin ang Psyche. Naglakad lang ako pauwi gaya ng nakasanayan ko. Mabuti na lang at naka-rubber shoes ako ngayon dahil kung araw-araw akong magtatakong ay baka malaki na ang binti ko. Napadaan ako sa mga nagtitinda ng fishball at dahil may barya pa naman ako sa bulsa ay hindi ko na tiniis ang sarili ko. Natatakam na akong kumain kaya nakisiksik at nakituhog na ako. Dalawa ay piso ng fishball habang isang gayat naman ng kikiam ay piso samantalang dati isang buo nito piso lang. Kumuha ako ng nagkakahalagang sampong piso na inilagay ko sa malaking plastik na baso. Kumuha rin ako ng isang tokneneng na ginto na ang halaga. Kinse ang isa kaya bale twenty five pesos lahat ang inabot ko sa tindero. Nilagyan ko ng sauce na nasa pitcher ang binili ko bago tulyang umalis. Mabagal lang akong naglalakad dahil kumakain ako. "Miss, taya na," saad sa akin ni Manong na nagpapataya sa weting. Tiningnan ko ito. Hindi naman ito mukhang scammer dahil sanay na akong makakita ng gaya nila na pagala-gala tapos may suot pa silang ID kuno. Nakikita ko na rin siya madalas sa pwesto niya nitong mga nakaraang araw. Yes, illegal ang jueteng sa bansa pero dahil nga sa dami nila ay hindi agad sila mahuli-huling lahat. Kaya ngayon pati ako pumapatol na sa mga legal na paraan para lang magkapera. Ako lang naman kasi itong puro trabaho pero palagi pa ring gipit. Lumapit ako sa kanya at dinukot ang lahat ng natirang barya sa bulsa ko. Thirty five pesos lahat iyon. Napatingin ako kay manong bago sa baryang hawak ko. Hindi ko alam kung itataya ko ba iyon o hindi. Alam kong mali ang gagawin ko dahil pagsusugal iyon pero sa gaya kong sa swerte na lang umaasa ay hindi ko na alam kong uunahin ko pa ba ang moral ko o ang laman ng bulsa ko. Alam kong maaring masayang ang hawak kong pera pero paano kung tumama pala ako? Kinukwenta ko na sa isipan ko ang tatamaan ko. Mga ilang libo rin iyon. Malaki na iyon para sa mahirap na gaya ko. Kapag sa lotto ko kasi itinaya ito, bente lang magagastos ko pero anim na letra naman ang huhulaan ko kaya mas imposibleng hindi ako tumama. Humugot ako ng malalim na hininga bago inabot sa matanda ang perang hawak ko. Bahala na si batman. Tangina lahat nalang pinapatos ko para magkapera. Nagbigay ako sa kanya nang dalawang numero na agad naman niyang sinulat sa papel na hawak niya. "Tang kapag tumama ako puntahan mo lang ako roon," turo ko sa kanya sa building kong saan ako nagtatrabaho. Ngumiti naman ito sa akin at tumango. "Oo ba, sana nga bwenas ka." Umalis na rin agad ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kung usapang bwenas ay mukhang hindi ako iyon. Dahil pinanganak yata akong malas. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kumakain ng tuhog-tuhog na binili ko nang biglang may kotseng sumabay sa akin habang naglalakad ako. Nang ibaba nito ang bintana para makita ko kung sino ay nakompirma kong hindi nga ako swerte. Dapat hindi na ako tumaya dahil malas talaga ako. Sa sobrang malas ko nakita ko na naman siya at alam kong hindi ito nagkataon lamang. "Hop in," saad nito at ibinaba pa ang bubungan ng kotse dahilan para marami ang mapatingin sa kanya. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nagkunwari akong bingi. Sinabi ko na sa kanyang ayaw ko na siyang makita pero hindi pa lumilipas ang isang araw nandito na naman siya. "Margarita," tawag nito sa pangalan ko at tila nagbabanta pa ang boses nito. Asar na tumigil ako at nameywang. "Hindi ba sinabi ko na sa iyo? Let's ignore each other. Hindi ko maintindihan kong bakit para kang kabute mula kagabi, Attorney. Tantanan mo ako, hindi ako natutuwang bigla ka na lang sumusulpot at aaktong parang close tayo. Leave me alone, iba na langang bwesitin mo. Huwag ako, wala akong oras sayo," asar na saad ko bago nagpatuloy na naglakad. Inis na lumingon ako nang bigla itong bumusina ng malakas. Inirapan ko ito ng todo pero natawa lang ito sa ginawa ko kaya nagmamartsa sa inis na naglakad ako. Ang lakas talaga ng trip niya at sa dami yata ng pagtitripan niya ako pa ang nakita niya. Nakasunod pa rin ito sa akin na mabagal ang pagmamaneho pero nang lumiko ako sa iskinita namin ay nilubayan na ako nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Bakit ba ang kulit ng hinayupak na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD