Chapter 5

1323 Words
Namula ako dahil sa narinig ko. Hindi dahil sa hiya kundi sa galit. Hindi na ako nagdalawang isip pa na sapakin sana siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko para pigilin ako. Matalim na tiningnan ko siya. "Bitawan mo ako. Wala akong oras para sa mga kabaliwan mo," saad ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. Ang aga-aga pinapainit niya ang ulo ko. Ang ibig kong sabihin ay masasaktan siya sa akin pero ang nasa isip niya agad ay malalaswang bagay. Abogado ba talaga siya o macho dancer sa club? Daig pa niya ang tambay sa p*rnhub dahil sa utak niyang malabnaw. Pinakawalan din naman ako agad nito nang mapansin nitong seryoso. Nagpakawala ito nang hangin sa sa bibig bago tumingin sa akin. "Okay, okay. I am sorry. I did not mean to angry you. I was kidding, so relax tigress," anito na na nakangiti sa akin at tila pinapakalma ako. Relax, relax. He is pissing me off. Akala ba niya madadaan niya ako sa ngiti niya? "Please, Attorney. Leave me. Hindi ko alam kung bakit sinasayang mo ang oras mo sa akin. Hindi ka ba busy?" I am trying my best not to burst out my irritation. Ano ba kasing ginagawa niya rito? Bakit ako ang pinagtitripan niya? Nasaan na ang mga babaeng nali-link sa kanya. "Yeah, I will be busy in the upcoming days." Tumango-tango pa ito. Mabuti naman kung ganoon ng mawala na siya sa paningin ko. Hindi ko siya gustong makita. "Then go now," pagtataboy ko sa kanya. Kumunot ang noo nito sa akin. "Let me drive you first... I mean the car, you know... not you," nahihirapang saad nito na para bang natatakot siya na magalit na naman ako sa sasabihin niya. "No thanks, I can manage," pagtataray ko sa kanya at pinindot ang remote car key para bumukas ang lock ng kotse. Pero bago pa ako makasakay ay nagulat na ako nang bigla niyang agawin ang susing hawak ko at binuksan ang driver seat. Nakatangang napatingin ako sa kanya. Anong ginagawa niya? "I know you don't want to see me, but let me drive you. You obviously don't know how to drive. Just endure my presence for the meantime, it is better than to get an accident. So, get in," utos pa nito at nauna nang sumakay. Napailing na lang ako at walang nagawa na sumakay sa passenger seat. Yeah, Hindi ko naman talaga alam kung paano mag-drive. May katangahan din siguro akong taglay dahil basta na lang ako umoo kay Rebecca kahit alam kong hindi naman ako marunong magmaneho. Isa pa itong si Reb, alam naman niya na hindi ako maalam mag-drive ako pa inutusan. Wala naman si Gary na pwede kong utusan dahil day-off nito ngayon kaya ako lang talaga ang pupunta. Nang maayos ko na ang seatbelt ko ay sinimulan na nitong buhayin ang makina. Nagpasalamat na lang ako na tahimik lang ito habang nagmamaneho. Sinabi ko lang ang lugar kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam kung bakit parang alam na agad niya ang address na tinutukoy ko dahil hindi na ito nagtanong pang muli sa akin. Nang tumigil kami sa tapat ng bahay ni Rebecca ay nakahinga ako ng maluwag. Kanina kasi habang nagmamaneho ito ay kulang na lang ay mabali ang leeg ko para lang huwag lumingon dito kahit na nararamdaman ko na paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa akin. Nang makababa ako ay agad na kinuha ko rito ang susi. "Salamat." Pinigilan ako nito nang akmang tatalikod na ako para pumasok sa bahay nina Reb. "Aren't you going to invite me for a water... or coffee?" Humarap ako sa kanya. "First this is not my house. I can't anyone I want, though I don't want to invite you. Second, thanks for helping me but I hope this will be the last time we will see each other. And if you saw me again, just ignore me. Act as if you don't know me," pahayag ko sa kanya. May nakita akong paparating na tricycle kaya mabilis ko iyong pinara. "Pwede ka nang sumakay diyan pabalik. Sigurado naman ako madami kang pamasahe," wika ko bago siya iniwan na nakatanga lang sa akin. Hindi ko na ito nilingon pa at pumasok na sa loob ng bahay. Pagdating ko ay si Manang Nerma lang ang naaubutan ko dahil iginala raw ni Rebecca ang kambal sa mall. Kaya tenext ko ito naiuwi ko na ang kotse niya. Paparating na raw ito kaya umupo na lang muna ako sa sofa para hintayin siya. Hindi ko alam kung nakaalis na ba si Cohen pero wala na akong pakialam. Siguro naman ay sumakay na siya sa tricyle na pinara ko kahit na alam kong hindi siya sumasakay sa ganoon. He is a rich man, I wonder kung nakasakay na ba siya ng tricycle baka ngayon pa lang. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang sumulpot sa buhay ko matapos ng mahabang panahon. Tila kung maka-react siya ay parang kahapon lang ang lahat ng nangyari sa amin. Napangiti ako nang makita kong dumating na sina Rebecca. Mabilis na sinalubong ko ang mga cute kong inaanak. "Hello, guys," bati ko at agad na hinalikan sa pisngi ang kambal. "Hello, ninang," seryosong bati sa akin ni Eros at habang malaki naman ang ngiti ni Cupid. They have the same face pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali. Seryoso ang mukha palagi ni Eros na akala mo ay matanda na edad lalo na kung magsalita habang pilyo naman si Cupid. Matapos kong makipagbatiaan at makipag-asaran sa kambal ay lumapit ako kay Rebecca. Hindi ko alam pero mukhang problemado siya. Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse niya. Ibinigay naman nito sa akin ang isang bag na alam kong mamahalin. Sanay na ako sa mga pang bangketa lamang pero alam ko na libo ang halaga ng bag na binili niya. "Thank you." "Anong nangyari? Hindi ako papayag na hindi na magkukwento sa akin," pamimilit ko sa kanya nang tinanong ko siya kung bakit hindi ito nakauwi na sakay ng kotse pero umiwas lang ito. Kaya wala na itong nagawa kundi ang sabihin ang totoong nangyari. Nalaman ko rin sa mga anak nito na sinabi nito na sa bahay namin siya natulog. Ibig sabihin nagsisinungaling ito sa mga anak niya. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nitong may nangyari rito. I mean may naka-one night stand ito. Ang pinakamalala pa ang ama ng kambal mismo ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang nangyari o hindi. Sabi niya hindi raw niya sinasadya. Siguro sa side niya hindi, pero sa side ng ama ng kambal I doubt na nagkataon lang din na ang kaibigan ko ang ikinama nito kagabi. Para sa akin walang nagkataon. Kahit sinabi ko sa kanyang destiny siguro ang nangyari kahit ako hindi naniniwala roon. Gaya ng pagkikita namin ni Cohen, pakiramdam ko sinadya iyon. Imposibleng nagkataon lang na nagkita kami kagabi at nagkataon na nasa bar pa rin siya ngayong umaga. Nang i-kwento sa akin ni Rebecca ang nakaraan niya ay hindi ko mapigilang mapahanga sa kanya. Napakatatag niya. Nagawa niyang buhayin mag-isa ang mga inaanak ko. Pakiramdam ko pareho kami ng pinagdaanang dalawa. Ang pagkakaiba lang namin ay lumaki siyang mayaman hindi ko gaya na bata pa lang ako kumakayod na ako para sa sarili ko kahit meron naman akong mga magulang na dapat ay sumusuporta sa akin. Inakala niya na huhusgahan ko siya sa nagawa niyang pagkakamali pero nagkakamali siya. Dahil ang totoo pareho lang kaming may nagawa sa nakaraan namin. Mas nauna pa nga ako sa kanya. May nangyari sa kanila ng boyfriend ng bestfriend niya na nagbunga ng kambal habang ako mananatiling sekreto ang ano mang nangyari sa akin noon. Hindi pa ako handang inbunyag kahit kanino ang sekreto ko. Siguro dahil madamot ako o dahil natatakot akong may mawala sa akin kapag nalaman ng lahat ng lihim ko. Kaya hangga't kaya ko, magpapanggap ako para sa ikatatahimik ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD