Chapter 7

1399 Words
Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Matapos ko magbihis ay nagtungo ako sa kusina pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita kong madaming hugasin. "Bella!" malakas na sigaw ko pero walang lumapit sa akin kaya asar na nagtungo ako sa kwarto niya. Alam kong nandito na siya sa bahay ng mga ganitong oras dahil madalas ay nauuna siyang umuwi palagi sa akin. "Ate bakit sumisigaw kana naman?" tanong sa akin ni Mikoy na kadarating lang. "Si Bella kasi hindi man lang marunong maghugas," sagot ko at dumeritso sa kwarto ni Bella. Binuksan ko ang pinto niya ng walang abog at nakita ko siyang busy sa selpon niya. Tila may kausap ito at nang makita ako ay mabilis na pinatay. "Ate, bakit hindi ka kumakatok?" may himig pagka-inis na tanong pa nito. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sino ang kausap mo? Sa lakas ng sigaw ko maging kapitbahay natin siguradong dinig ako pero hindi mo narinig?" "Ano ba kasi iyon?" "Kumain ka pero itinambak mo lang sa lababo. Inuna mo pa magselpon," pagtatalak ko sa kanya. Mabait naman akong ate. Lahat nga ng hinihiling nila binibigay ko pero hindi ko sinabing hindi ako maingay. Alangan naman na ako na nga nagtatrabaho para sa kanila tapos pagdating sa bahay ako pa mag-lilinis ng mga kalat nila? Minsan kasi hindi ko maintindihan dito kung bakit pagkatapos kumain ay basta na lang iniiwan sa lababo ang pinagkainan gayong pwede naman na niyang hugasan agad. Mabuti sana kung nag-aaral siya kaya hindi siya nakapaghugas. Nagseselpon lang naman siya habang kilig na kilig sa kausap niya. Grade nine pa lang siya baka nakakalimutan niya. "Sino ba iyang kausap mo?" muli ay tanong ko sa kanya.Pero itinago lang nito ang selpon sa akin na tila ayaw ipakita kong sino man ang kausap nito kanina. "Wala," padabog na sagot nito at tumayo na para magtungo sa kusina. "Pwede naman mamaya na hugasan," narinig kong bulong nito dahilan para mas uminit ang ulo ko. "Bakit mamaya pa kung pwede namang ngayon na?"malakas ang boses na tanong ko sa kanya. Pinakaayaw ko talaga ay ang pinagdadabugan ako. Kung ako kaya magdabog sa kanila kapag may gusto silang hingin? Baka sabihin nila ang sama-sama na ng ugali ko lalo. Iyon ang eksenang naabutan ng mga magulang namin ng dumating ito. "Ano ba iyan, Margarita? Umaapaw na naman ang boses mo sa loob ng bahay? Ikaw ang panganay dapat ikaw ang nagpapasensya sa kapatid mo," sermon agad sa akin ni inay nang makapasok ito. Hindi man lang ako tinanong kung anong nangyayari. Ako na agad ang may kasalanan sa paningin niya. "Sinasanay kasi ninyo iyang anak ninyo na hindi gumagawa sa mga gawaing bahay. Ang tanda-tanda na hindi pa makapaghugas ng pinagkainan niya," sagot ko. Siguro isa sa mga ikinaiinis sa akin ni inay ay ang pagiging palasagot ko. Ako iyong tipong hindi nagpapatalo sa isang argumento kaya madalas ay kaming dalawa ang nagbabanggaang dalawa. Madalas na kinakampihan niya ang mga kapatid ko. Kung hindi malamig ang pakikitungo niya sa akin, mainit naman ang ulo niya. "Hindi naman niya pinapahugasan sa iyo bakit nagrereklamo ka? Hindi porke't nakakatulong ka sa pagpapaaral sa kanila ay pwede mo na silang sigaw-sigawan." Pagak akong natawa dahil sa sinabi nito. Simple lang naman ang gusto ko. Matutong magkusa ang mga kapatid pero sa huli ako pa ang napasama. "Pasensya na po kayo. Nakalimutan kong prinsesa nga pala si Bella. Huwag kayong mag-alala sa susunod, hindi ko na siya paghuhugasin ng pinagkainan niya. Nakakahiya naman sa kanya," sarkastikong saad ko at iniwan sila. Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Nagtungo ako sa maliit na parlor na pagmamay-ari ni Pola. Ilang hakbang lang ang layo nito sa amin. Madalas na rito ako tumatambay kapag bad shot ako sa bahay. May isang nililinisan ng paa ang staff ni Pola na si Maxine ng dumating ako. Agad na naupo ako sa isang bakanteng upuan para sa mga customer kahit wala naman akong ipapagawa. "Akalako may customer na dumating. Ikaw lang pala." Bungad sa akin ni Pola nang lumabas ito mula sa pinto. "Anong problema mo? Mukhang bad mood kana naman?" tanong sa akin ni Pola na naupo sa tabi kong stool chair. Sumamangot ako sa kanya. "Ano pa ba ang bago?" "Naku, hindi ka pa nasanay sa nanay mong inggit sa beauty mo. Mainit lang talaga dugo noon sayo kasi look at you." Iminuwestra pa nito ang dalawang kamay pababa sa harapan ko para ipinepresenta ako. "Oh, di ba? Dyosa, habang siya masyadong pangkaraniwan lang ang hitsura. Halatang hindi ka sa kaniya nagmana." Umirap ako dahil sa sinabi niya. Nanay ko pa rin iyon. "Hindi ko lang maintindihan na kung bakit kung hindi malamig ang pakikitungo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa ay mainit naman ang dugo niya sa akin," malungkot na saad ko. Itinirik nito ang mga mata nito sa sinabi ko at maarteng tiningna ang nail polish nito. "Hindi mo maintindihan o ayaw mo lang tanggapin ang totoo?" Natahimik ako dahil sa sinabi niya. "Alam mo kung ako sayo hahanap na lang ako ng forenjer na papakasalan ako tapos sa ibang bansa kami maninirahan kaso hindi ako ikaw. Malditang anak pero handang magpaalipin ka. Medyo naguguluhan din ako sayo." Naiiling pa ito dahil sa sinabi niya. "Kahit ako mader, kung ganyan ako kaganda, hindi ako matitiyaga na manatili kasama ang evil mother ko," sabat naman ni Maxine na nakikinig sa amin habang naglilinis. Kumindat sa akin si Pola. "Gusto mo retohan kita? Engineer na umiigting ang panga," nakangising saad nito. Nginiwian ko siya dahil sa sinabi niya. "Ayoko ng sakit ng ulo. Masaya na akong single. No boyfriend no problem." Aanhin ko ang boyfriend kong magiging stress lang sa akin. Alam kong masarap magmahal pero hindi lang naman puro sarap ang nararamdaman minsan. Minsan mas masakit ang dulot noon. At kahit na palaban ako gaya nang nakikita ng marami. Takot akong masaktan. Takot akong ma-trauma ng pag-ibig kaya hangga't kaya ko iniiwasan ko talagang ma-fall sa kahit na sino. Isa pa wala pa nga akong boyfriend stress na ako sa buhay ko, paano pa kaya kapag nagkaroon na? "Kj naman nito. Kapag ganyan ang motto mo hindi dadami ang lahi mo. Sayang naman ang kagandahan mo kung hindi na magbubunga pa. Lumandi ka! Sure ako makakakuha ka ng maraming fafa." Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Pola. Hindi ako natatakot sa sinabi nito. Hindi ko kailangang magpadami ng lahi. Isa lang siguro sapat na. "Hindi pagpapadami ng lahi o fafa ang kailangan ko kundi pagpapadami ng pera. May alam ka bang raket?" Tanong ko sa kanya. Kapag ang sweldo ko lang sa Psyche ang aasahan ay hindi kakasya sa akin ang lahat kahit na medyo malaki iyon dahil sa tuition pa lang ng mga kapatid ko namumulubi na agad ako. Akin kasi lahat ng tuitions nila at tanging baon lang ang sa mga magulang ko at mga projects sa school. Iyon nga lang minsan sa akin pa rin sila nanghihingi. Hindi ko naman sila matanggihan dahil alam ko ang pakiramdam ng walang maipasang project dahil wala akong pambili. Iyong kailangan kong makiusap palagi sa teacher ko pero madalas mababa na ang grade ko dahil late na akong nagpapasa ng mga projects at activities ko. Mabuti na lang at naging scholar si Mikoy kaya kahit papaano nabawasan ang bayarin ko. Tiningnan ako ni Pola mula ulo hanggang paa. Tila ba sinusuri nito ang hitsura ko. "No, ayoko," agad ay tanggi ko kahit wala pa itong sinasabi. "Kahit isang beses ayaw mong i-try? Maganda pa naman ang height at saka maliban sa maganda ang mukha mo makapal din kaya pwedeng-pwede ka roon," pangungumbinsi nito pero matigas ang pag-illing ko. Ilang beses na akong hinihikayat nito na sumali sa beauty pagent pero ayoko talaga. Makapal lang ang mukha ko sa mga kakilala ko pero may stage fright ako. Baka himatayin ako kapag nasa gitna na ako ng entablado. Saka nang huling beses na umakyat ako sa entablado ay nang tanggapin ko ang diploma ko. Iyon pa nga lang ang ginawa ko pero kasunod noon ay malaking pagkakamali pa dahil kinagabihan ay may nangyari sa amin ng guest speaker sa graduation ceremony namin. Walang iba kundi si Atty. Conan Hendrix Delgado o mas kilala sa tawag na Atty. Cohen Delgado. Tapos ngayon bigla siyang susulpot na para bang may utang pa ako sa kanya kaya ayaw niya akong tantanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD