Chapter 8

1417 Words

Kinabukasan ay maaga akong muling bumangon. Kahit linggo at dapat ay araw ng pahinga ay kailangan ko pa ring magtrabaho. Minsan nga pinapagalitan na ako ni Rebecca dahil ayaw kong mag-day off. Mas mabuti pa namang pumasok ako sa trabaho kaysa manatili sa bahay tapos si inay ang makakasama ko. Buong araw lang naman niya akong hindi papansinin kaya mas mabuti pang kumayod na lang ako para magkapera. Pagkabangon ko ay mabilis akong nagtungo sa kusina para mag-almusal. Naabutan ko si inay na naghuhugas ng plato sa lababo. Dadampot na sana ako ng pandesal nang bigla itong magsalita. "Tirahan mo ang mga kapatid mo. Paborito iyan ni Mikael," agad ay paalala nito kaya hindi na lang ako kumuha. "Magkanin ka na lang. May tirang ulam pa kagabi iyon na lang ulamin mo." Nawalan na rin ako ng ganang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD