THE DESPERATE LOVE
EPISODE 17
THE DESPERATE MOVE
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
HINDI KO hahayaan na hindi kami magkaayos ni Betty. Kailangan kong ipaintindi sa kanya na hindi ko siya ginagamit… na totoo ang pinapakita ko sa kanya. Napamahal na rin ako kay Betty kaya ngayon ay nasasaktan ako na malaman na galit siya sa akin. Kaya nandito ako ngayon sa harapan ng school nila at inaabangan ko talaga ang paglabas ni Betty. Nang makita ko siya na palabas ay agad akong lumapit sa kanya. Pagkakita ni Betty sa akin ay agad siyang umiwas sa akin at tinignan niya ako ng masama.
Nakaramdam ako ng kirot sa kanyang pag-iwas sa akin.
“B-Betty, mag-usap muna tayo, please? Iyong narinig mo kahapon… hindi ‘yun totoo. Let me explain to you the truth, please,” sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng masama at umiling-iling siya.
“Ayoko na sayo! Katulad ka lang ng ibang girls na lumalapit lang sa akin para mapalapit kay Daddy! You’re a liar! You’re a user! Hindi na kita love!” galit na sigaw ni Betty at patakbo siyang pumunta doon sa kanilang car at sumakay na sa loob.
Hindi ko na napigilan ang sarili na mapaluha dahil labis akong nasasaktan ngayon. Hindi ko hahayaan na magalit sa akin ng matagal si Betty. Magkakasama rin kami dahil gagawa ako ng paraan upang makasal sa akin ang Daddy niya.
“Oh? Bakit ang tamlay naman ng architect namin dyan?”
Papasok na ako ngayon sa mansion ng marinig ko ang boses ni Apollo. Nakita ko siya na nakaupo sa couch ngayon sa may living room. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya at patakbo akong lumapit sa kanya.
“Apollo!”
Nang makalapit ako sa aking kapatid ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Miss na miss ko na kasi si Apollo. Lagi kasi siyang nasa New York at busy siya sa business niya doon.
“I missed you, bro!” sabi ko habang yakap siya at hinalikan ko ang magkabila niyang pisngi.
Ngumiti si Apollo at hinalikan niya rin ang aking pisngi at muli niya akong niyakap. Kami talagang tatlo ni Athena ang super close sa isa’t isa dahil triplets kami.
“Kailan ka lang nakauwi? I missed you! Dito ka ba muna mag sastay?” tanong ko sa kanya ng matapos kaming nag yakapan.
Napaupo na muna ako rito sa may living room upang samahan si Apollo at makipag-usap na muna sa kanya. Baka kasi umalis na naman ito ng hindi nagpapaalam eh. Umattend nga lang siya ng kasal ni Athena at pagkatapos ay muli na siyang bumalik sa New York.
Gusto ko na nandito siya kapag ikasal na ako kay Davien.
“Kanina lang ako nakauwi. Agad nga kitang pinuntahan sa kwarto mo. Umalis ka pala sabi ni Mom. Babalik din ako next week sa New York. Umuwi lang ako rito dahil pinatawag ako ni Dad,” sabi ni Apollo.
Sa aming magkakapatid, isa si Apollo sa sumunod sa yapak ng Dad namin. Isa siya sa mga nagpapatakbo ng Miller Empire kasama na doon si Dad at si Kuya Ambrose. Iyon kasing isa naming kapatid na lalaki na si Ares ay ibang career ang sinunod, ang pagsusundalo. Ako naman ay architect, si Athena ay pagmomodelo, si Anais naman wala pang plano sa buhay niya, at iyong bunso namin na si Avery ay nag-aaral pa sa kolehiyo at mukhang hindi rin siya magtatrabaho sa kompanya dahil Fine Arts ang course ng bunso naming kapatid.
“Huwag ka munang bumalik ng New York, Apollo,” sabi ko sa kanya.
Kumunot ang noo ni Apollo sa aking sinabi.
“Hmm, at bakit naman? Wala ka nang makachikahan dito dahil nasa honeymoon pa si Athena? Pang second option mo lang talaga ako lagi!” pagdadrama niya.
Sinimangutan ko si Apollo. “Ang oa mo huh? Hindi kasi ‘yun! Uhm, ‘wag ka munang umuwi dahil gusto ko nandito ka sa kasal ko…” sabi ko sa kanya at bahagya akong napakagat sa aking labi.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Apollo sa gulat nang sabihin ko iyon sa kanya.
“H-Huh? Anong kasal ang pinagsasabi mo riyan, Artemis Blithe Montenegro Miller? Itigil mo nga ‘yang kahibangan mo!” nakasimangot na sabi ni Apollo. Kilalang kilala na talaga ako ng lalaking ‘to.
Huminga ako ng malalim at seryoso ko siyang tinignan at muli akong nagsalita.
“Totoo ang sinasabi ko, Apollo.”
Tinaasan niya ako ng kilay at nagsalita siya ulit.
“Talaga? Bakit, may boyfriend ka na ba huh?” tanong niya sa akin.
Napaisip ako bigla. Hindi ko naman boyfriend si Davien, pero magiging asawa ko siya.
Muli akong tumingin kay Apollo at umiling iling ako.
“W-Wala pa akong boyfriend,” mahina kong pag-amin sa naging tanong niya sa akin.
Humalakhak naman siya at napailing.
“Hay nako! ‘Wag kang mainggit kay Athena na kinasal na, Artemis. Hindi kompetisyon ang pagpapakasal, okay? It’s a life time commitment kaya ‘wag na ‘wag kang magpapakasal nang kung sinu-sino lang. Dapat mahal mo ang tao, kilala mo ng lubusan, at mahal ka ng taong ‘yun at aalagaan ka talaga katulad ng kay Mommy at Daddy,” seryoso na sabi ni Apollo sa akin.
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Apollo sa akin. Lahat ng sinabi niya ay isa lang ang tumama at iyon ay ang mahal ko si Davien. Pero iyong iba? Hindi pa… pero matutunan niya rin naman akong mahalin kapag naging mag-asawa na kaming dalawa at makikilala ko rin siya ng lubusan kapag nagsama na kami.
“Artemis… don’t do stupid things, please.”
Napatingin ulit ako kay Apollo nang sabihin niya iyon sa akin. Nginitian ko na lang siya at niyakap ko ang aking kapatid.
I’m so sorry, Apollo.
Sigurado akong magagalit siya sa gagawin ko, pero wala na akong maisip pa na ibang paraan… kailangan ko nang gumawa ng paraan. Hindi ako papayag na makasal si Davien sa ibang babae.
“MA’AM! Bawal po kayong pumunta sa office ni Sir Davien habang wala pa po kayong appointment!”
Papunta ako ngayon sa opisina ni Davien at sinadya ko talaga na pumunta sa kumpanya niya ng walang appointment at upang malaman niya rin na ako ang pupunta. Pinipigilan ako ngayon ng kanyang secretary, pero wala akong pakialam. Nagtuloy tuloy pa rin ako sa aking paglalakad.
Pagkarating ko sa opisina ni Davien ay pumasok na ako sa loob. Napatingin siya sa akin at hindi siya nagulat ng makita ako. Parang hindi na siya nagulat ng makita niya ako.
Nakapasok na rin sa loob ang secretary ni Davien na hinihingal ngayon.
“S-Sir, pasensya na po. Hindi ko po napigilan si Ma’am sa pagpasok niya rito—”
“It’s okay, Suzy. Ako na ang bahala sa kanya, pwede ka nang umalis,” malamig na sabi ni Davien habang nakatingin pa rin siya sa akin.
Tumango naman ang secretary ni Davien at lumabas na ng kanyang opisina. Nang makalabas na ng opisina ang secretary niya ay napatayo na si Davien at humakbang siya palapit sa akin.
“Ano na naman gusto mo, Miss Miller?” malamig niyang tanong sa akin.
Matapang ko siyang hinarap ngayon at tinignan ko siya ng seryoso.
“Ikaw… ikaw ang gusto ko, Davien,” seryoso kong sabi sa kanya.
Napahawak siya sa kanyang noo at narinig ko ang mahina niyang pagmumura bago siya muling napatingin sa akin.
“Will you please stop? Hindi maganda sa babae ang maghabol sa isang lalaki. Maganda ka, Miss Miller, marami ka pang makikilalang kaedad mo,” sabi ni Davien.
Nainis ako sa kanyang sinabi at ako na ang humakbang palapit sa kanya hanggang sa makalapit ako kay Davien at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.
“Bakit ba ang hirap mong mahalin ako, Davien? Bakit ba inis na inis ka sa akin? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka ah?!”
“Because of your desperation, Artemis! I hate it from you! Bakit ba habol ka nang habol sa akin? Ganyan ka rin ba sa ibang lalaki huh?!”
“H-Huh? No! Sayo lang ako ganito, Davien. Ito ang unang beses na magmahal ako… at sayo ako nahulog! I never did this to anyone, sayo lang!” seryoso kong sabi sa kanya.
Umiling-iling siya at tinignan niya ako ng malamig.
“Itigil mo na itong lahat, Miss Miller. Ikakasal na ako next week.”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang sabihin niya iyon sa akin.
No…
Hindi siya pwedeng makasal sa iba.
“H-Hindi ka pwedeng maikasal sa iba dahil buntis ako at ikaw ang ama, Davien!” bigla kong sigaw.
Napakunot ang kanyang noo at puno ng pagtataka ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa akin.
“What the f*ck are you saying, Miss Miller?! Are you out of your mind?!”
Expected ko na ‘to na magagalit sa akin si Davien sa aking sinabi ngayon, pero wala na talaga akong choice.
I’m desperate.
Paninindigan ko na ang pagiging desperada ko.
“B-Buntis ako… ikaw ang ama, Davien,” mahina kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya.
Pinanlakihan niya ako sa kanyang mga mata. Humakbang palapit sa akin si Davien at mahigpit niyang hinawakan ang aking braso. Napangiwi naman ako ng maramdaman ko ang sakit sa kanyang pagkakahawak sa aking braso ngayon na para bang mababalian na ako ng buto.
“D-Davien, ang sakit,” daing kong sabi.
Matalim niya akong tinignan at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha bago siya magsalita.
“You can’t fool me, Artemis. Walang nangyari sa ating dalawa. Paano kita mabubuntis, huh? Hinding hindi ako papatol sayo,” madiin na sabi ni Davien at ngumisi siya na para bang nang-iinsulto.
Marahas niyang binitawan ang pagkakahawak sa aking braso. Namumula ang braso kong hinawakan ni Davien kaya napahawak ako rito at hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaluha habang nakatingin sa kanya.
“Wala namang mawawala sayo kung mamahalin mo ako, Davien! I will be loyal to you. Mamahalin kita ng sobra!”
Umiling-iling siya habang nakatingin pa rin siya ng masama sa akin.
“You disgust me, Artemis. Hinding-hindi ko mamahalin ang isang katulad mo.”
Tuluyan na akong naiyak sa harapan ni Davien dahil hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nagmumukha akong desperada lalo sa kanyang harapan ngayon… kaawa-awang babae.
Kapag nalaman ‘to ng mga magulang ko at ng mga kapatid ko ang aking pinaggagawa ngayon ay sigurado silang magagalit sila dahil walang Miller ang nagmamakaawa sa isang tao. We will never beg because we don’t have that in our vocabulary.
Pero hindi ko na nasunod ang gawain ng pamilya ko dahil hulog na hulog na ako kay Davien.
Pinigilan ko na maiyak ulit at malamig ko siyang tinignan ngayon at nagsalita ako.
“Hindi ka ikakasal sa ibang babae dahil sa akin ka ikakasal, Davien,” malamig kong sabi.
Umiling-iling siya.
“You’re crazy.”
Ngumisi ako at tumango.
“Siguro nga? Maghanda ka na dahil ikakasal na tayo bukas,” malamig kong sabi at umalis na ako sa kanyang opisina at iniwan ko siyang tulala sa kanyang kinatatayuan.
Habang naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng kompanya ni Davien ay agad kong tinawagan si Daddy Adler at mabilis niya naman itong sinagot.
“Yes, Mi amore?”
“Dad, nasa mansion ka ba ngayon?”
“Yes, Artemis. Why?”
“Pupuntahan po kita ngayon diyan. May importante po akong sasabihin sayo,” seryoso ko na sabi ni Dad.
Matagal siyang hindi nakasagot sa kabilang linya.
“Okay, Mi amore. Just come here to my office.”
“Okay, Dad. Thank you and see you!”
Nang makalabas na ako sa building ng kompanya ni Davien ay pumasok na ako sa aking sasakyan at umuwi na ako sa mansion namin upang mapuntahan ko si Dad doon.
Sinagad na ni Davien ang pasensya ko. At ngayon, gagamitin ko na ang kapangyarihan ko bilang isang Miller Heiress.
Nang makarating ako sa opisina ni Dad ay agad ko siyang nakita na busy sa kanyang desk ngayon habang may mga papeles na pinipirmahan. Napatingin siya sa akin nang makita niya akong pumasok.
“Mi amore, what’s wrong? Is anything bothering you?” seryosong tanong sa akin ni Daddy.
Lumapit sa akin si Daddy at hinawakan niya ang aking pisngi at tinignan kung okay lang ba ako o hindi.
Huminga ako ng malalim dahil labis ang kaba na aking nararamdaman.
Nararamdaman ko na rin ang malakas na pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. Alam ko na kayang pumatay ni Dad… maproteksyunan lang kaming pamilya niya. He’s willing to do everything just for us. Kaya natatakot ako na baka iba ang maging reaksyon niya ngayon at baka anong gawin niya kay Davien.
Ang gusto ko lang naman ay ang makasal ako kay Davien, iyon lang ‘yun. Alam ko rin na kahit anong galit ni Dad sa akin ay mahal niya pa rin ako at pagbibigyan niya ako sa kagustuhan ko ngayon.
“D-Dad, may sasabihin sana ako sayo, but please… please, don’t react violently,” mahina kong sabi.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo at ng sabihin ko ‘yun sa kanya.
“Act violently? Artemis Blithe, sabihin mo na sa akin ang katotohanan,” seryosong sabi ni Daddy.
He’s speaking in Filipino na kaya alam kong naiinip na si Dad ngayon at gusto na niyang malaman ang katotohanan.
Huminga ako ng malalim at sinabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya.
“D-Dad, I’m pregnant. Buntis po ako at si Davien Conrad Maranzano po ang nakabuntis sa akin,” diretsahan ko na pagsabi kay Dad at bahagyang napayuko.
Nang tingnan ko ang reaksyon ni Dad ay nakita ko ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin ngayon. Mas lalo akong kinakabahan dahil baka kung ano na ang iniisip niya kaya uunahan ko na siya.
“I-I want to marry Davien, Daddy. Alam ko na kaya niyong gawin ‘yun. D-Don’t kill him. I love him, Daddy. Please, please let me marry him,” nagmamakaawang sabi ko sa aking ama.
Napahawak siya sa kanyang noo at bahagyang napapikit sa kanyang mga mata.
“What have you done, Artemis?” mahinang sabi ni Daddy.
Tuluyan na akong napaiyak dahil sa pinanggagawa ko ngayon. I feel sorry for myself. Grabe na… pati ako ay naawa na sa aking sarili ngayon. Pero kakayanin ko ‘to. May maganda rin na bunga ang katangahan na gagawin ko ngayon at naniniwala ako dun.
“D-Dad, I’m so sorry….”
Hinintay ko kung ano ang sasabihin ni Dad sa akin ngayon. Huminga siya ng malalim at muli siyang napatingin ng seryoso sa akin ngayon at naging alerto na ako kung ano ang sasabihin o gagawin niya.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at nagsalita siya.
“You will be marrying Davien Conrad Maranzano. Hindi ako makakapayag na hindi ka niya panagutan. I will kill that bastard kung tanggihan ka niyang pakasalan,” seryosong sabi ni Daddy.
Napangiti ako sa kanyang sinabi at niyakap ko siya.
“T-Thank you, Dad!”
Napapikit ako sa aking mga mata at sobrang kasiyahan ang aking nararamdaman ngayon.
Magiging akin na rin si Davien Conrad Maranzano at wala na siyang magagawa pa.
TO BE CONTINUED...