SIMULA
THE DESPERATE LOVE
SIMULA
“DAVIEN, buntis ako at ikaw ang ama!”
Artemis Blithe Montenegro Miller, nababaliw ka na talaga! Argh. But I’m so desperate right now. Hindi pwedeng makasal si Davien sa ibang babae. Hindi niya ako pwedeng iwan na lang nang ganito.
Napatigil siya sa kanyang paglalakad at humarap siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin ngayon.
“What the f*ck are you saying, Miss Miller?!” sigaw ni Davien.
Expected ko na ‘to na magagalit sa akin si Davien sa aking sinabi ngayon, pero wala na talaga akong choice.
I’m desperate.
“B-Buntis ako… ikaw ang ama, Davien,” mahina kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya.
Pinanlakihan niya ako sa kanyang mga mata. Humakbang palapit sa akin si Davien at mahigpit niyang hinawakan ang aking braso. Napangiwi naman ako ng maramdaman ko ang sakit sa kanyang pagkakahawak sa aking braso ngayon na para bang mababalian na ako ng buto.
“D-Davien, ang sakit,” daing kong sabi.
Matalim niya akong tinignan at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha bago siya magsalita.
“You can’t fool me, Artemis. Walang nangyari sa ating dalawa. Paano kita mabubuntis, huh? Hinding hindi ako papatol sayo,” madiin na sabi ni Davien at ngumisi siya na para bang nang-iinsulto.
Marahas niyang binitawan ang pagkakahawak sa aking braso. Namumula ang braso kong hinawakan ni Davien kaya napahawak ako rito at hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaluha habang nakatingin sa kanya.
“D-Davien, mahirap ba akong mahalin?” mahina kong sabi sa kanya.
Umigting ang kanyang panga habang nakatingin sa akin. Hindi niya sinagot ang aking katanungan sa kanya. Umatras siya palayo sa akin at tinignan niya ako gamit ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha.
“I’m twelve years older than you, Artemis. May anak na ako! Bakit sa akin ka pa nagkagusto?” malamig niyang sabi.
Napahikbi naman ako. “I-I don’t know! And I hate it, Davien. Hindi ko kayang pigilan ‘tong nararamdaman ko para sayo. So please, love me back. I’m desperately begging you to love me back!” umiiyak kong sabi at lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.
Mabilis niya naman itong inalis at lumayo siya sa akin at tinignan niya ako ng masama.
“You’re desperate! Itigil mo na ‘yang kabaliwan mo, Artemis! Kahit na isa kang Miller ay hinding hindi kita papatulan! Kaya itigil mo na ‘yan at lubayan mo na ako at ang anak ko!” galit na sigaw ni Davien at tuluyan na niya akong iniwan.
Dahil sa sobrang panghihina ay napaupo ako sa sahig at napatakip ako sa aking mukha habang tuloy-tuloy sa aking pag-iyak.
Ngayon lang ako nagmahal ng ganito.
I don’t fall in love—I hate the idea of falling in love. But after Davien saved me from a pervert guy in a bar, everything changed. Parang biglang tumigil ang mundo ko nang makita ko si Davien sa unang beses. Yes, it sounds cringe, but it’s true. I easily fall in love with him.
He’s so young at his age. Davien is already 37 years old. In comparison, I’m 25 years old. Twelve years ang agwat naming dalawa ni Davien. He has a five-year-old kid named Betty Maranzano. Namatay na ang kanyang dating asawa fours years ago because of an airplane crash. Simula nang mamatay ang kanyang dating asawa ay hindi na siya nagkaroon ng ibang babae. Maraming nagkakagusto sa kanya at naghahabol dahil sa edad niyang 37 ay sobrang hot niya pa rin at kaya niyang pabaliwin ang isang babae… at isa na ako sa mga babaeng ‘yun.
Parang kailan lang ay kinukutya ko pa ang kapatid ko na si Athena sa pagiging baliw niya kay Lorenzo pero ngayon… mas grabe pa pala ako sa aking kapatid.
I tried to make a move and introduced myself to Davien. It turns out that Davien is my dad and Kuya Ambrose’s business partner. Minsan ay pumupunta si Davien sa building ng Miller Empire para kausapin si Dad or si Kuya Ambrose.
I don’t want to use my power as a Miller heiress, but I really want Davien to be mine. Wala na siyang magagawa… magiging akin siya sa ayaw at sa gusto niya.
“Artemis, mi amore. I’m glad to see you here,” wika ni Dad habang nakangiti ng makita niya akong pumasok sa kanyang opisina.
Dad’s working here at our mansion in his office. Dahil gusto niyang palagi nyang nakikita si Mom ay mas ginusto niyang magtrabaho rito sa mansion kaysa pumunta doon sa Miller Empire to work.
Lumapit ako kay Dad at niyakap ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi.
“Hi, Dad! Are you busy? May sasabihin sana ako sayo,” sabi ko at mahigpit akong napahawak sa aking damit dahil kinakabahan ako sa aking gagawin ngayon. Sigurado akong magagalit si Daddy.
Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
“Mi amore, what’s wrong? Is anything bothering you?” seryosong tanong sa akin ni Daddy.
Nararamdaman ko na rin ang malakas na pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. Alam ko na kayang pumatay ni Dad… maproteksyunan lang kaming pamilya niya. He’s willing to do everything just for us. Kaya natatakot ako na baka iba ang maging reaksyon niya ngayon at baka anong gawin niya kay Davien.
“D-Dad, may sasabihin sana ako sayo, but please… please, don’t react violently,” mahina kong sabi.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo at ng sabihin ko ‘yun sa kanya.
“Act violently? Artemis Blithe, sabihin mo na sa akin ang katotohanan,” seryosong sabi ni Daddy.
He’s speaking in Filipino na kaya alam kong naiinip na si Dad ngayon at gusto na niyang malaman ang katotohanan.
Huminga ako ng malalim at sinabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya.
“D-Dad, I’m pregnant. Buntis po ako at si Davien Conrad Maranzano po ang nakabuntis sa akin,” sabi ko at bahagyang napayuko.
Nang tingnan ko ang reaksyon ni Dad ay nakita ko ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin ngayon. Mas lalo akong kinakabahan dahil baka kung ano na ang iniisip niya kaya uunahan ko na siya.
“I-I want to marry Davien, Daddy. Alam ko na kaya niyong gawin ‘yun. D-Don’t kill him. I love him, Daddy. Please, please let me marry him,” nagmamakaawang sabi ko sa aking ama.
Napahawak siya sa kanyang noo at bahagyang napapikit sa kanyang mga mata.
“What have you done, Artemis?” mahinang sabi ni Daddy.
Tuluyan na akong napaiyak dahil sa pinanggagawa ko ngayon.
“D-Dad, I’m so sorry….”
Bumuntong-hininga siya at tumayo. Naging alerto naman ako bigla. Humarap si Dad sa akin at humakbang siya palapit. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinantay niya ang kanyang mukha sa aking mukha bago muling magsalita.
“You will be marrying Davien Conrad Maranzano. Hindi ako makakapayag na hindi ka niya panagutan,” seryosong sabi ni Daddy.
Napangiti ako sa kanyang sinabi at niyakap ko siya.
“T-Thank you, Dad!”
Napapikit ako sa aking mga mata at sobrang kasiyahan ang aking nararamdaman ngayon.
Magiging akin na rin si Davien Conrad Maranzano at wala na siyang magagawa pa.