THE DESPERATE LOVE
EPISODE 18
MILLER VS. MARANZANO
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
“BAKIT mo nagawa sa amin ‘to, Artemis? I thought you were different from your siblings, pero mas grabe ka pa pala kaysa kanila!” sabi ni Mommy habang umiiyak na siya ngayon.
Nalaman na nila ang tungkol sa aking pagbubuntis kahit na hindi naman talaga totoo. Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ni Mommy Lara habang nakatingin sa akin ngayon. Kumikirot ang dibdib ko habang nakikita ko siyang umiiyak ngayon ng dahil sa akin. I want to hug her right now at sabihin na hindi totoo na nabuntis ako ni Davien. Pero kailangan ko ‘tong panindigan ngayon ang naging desisyon ko.
“Davien Maranzano will be here in a minute to discuss the wedding,” malamig na sabi ni Daddy Adler habang yakap niya ngayon si Mommy na patuloy pa rin na umiiyak ngayon.
Nandito kami ngayon sa opisina ni Dad at nandito rin ang iba ko pang kapatid kagaya ni Kuya Ambrose na kasama ngayon ang asawa niyang si Dianne at si Apollo na kanina pa matalim ang tingin sa akin. Alam ko na may ideya na siya sa aking ginagawa ngayon. Alam ko rin na pagagalitan niya ako kapag nagkaroon siya ng tyempo na makausap ako na ako lang mag-isa.
“If I am given the chance to decide, I will kill that man,” malamig na sabi ni Kuya Ambrose na ikinagulat ko.
Mabilis naman siya na sinuway ng kanyang asawa na si Dianne. Napairap na lang si Kuya Ambrose at matalim niya akong tinignan kaya napayuko ako. Kung nandito rin siguro si Ares ay sila nang tatlo ni Ambrose at Apollo ang nakatingin ng matalim sa akin ngayon.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Davien at kasama niya ngayon ang kanyang pinsan na si Rocco Alvize Maranzano at si Beniamino Amadeo Maranzano. Kagaya ni Davien, makapangyarihan din ang mga pinsan niya lalo na sa bansa nila sa Italia.
“Good evening, Miller Family,” malamig na pagbati ni Davien sa amin at bahagya siyang yumuko.
“Damn you! You screwed up my sister!” galit na sigaw ni Kuya Ambrose at sinugod niya si Davien at sinuntok ito sa mukha. Napasigaw ako sa gulat at mabilis akong pumunta sa pagitan nila upang pigilan si Kuya Ambrose na ulit na mapa suntok.
Tumulong na rin ngayon si Apollo sa pagpapakalma kay Kuya Ambrose at ganun din si Dianne. Akmang susuntok na rin pabalik si Davien nang pigilan siya ng kanyang mga pinsan ngayon at inilayo siya kay Kuya Ambrose.
“Calmanti, Davien!” wika ng pinsan ni Davien na si Rocco.
“I didn’t get your sister pregnant, Ambrose! I didn’t even have s*x with her! Nagsisinungaling lang ‘yang babaeng ‘yan!” galit na sigaw ni Davien at napatingin siya sa akin at tinignan niya ako ng masama.
Nararamdaman ko na ang pamumutla ko ngayon ng tumingin sa akin si Davien. Ngayon lang ako nakaramdam ng labis na takot kay Davien ngayon. Alam ko na hinding-hindi niya talaga ako mapapatawad sa ginawa ko ngayon sa kanya.
“So you think my daughter is a liar, Mr. Maranzano?! How dare you! Ikaw na nga ang nakabuntis sa anak ko, ikaw pa ‘yung magsisinungaling!” tuluyan nang nagsalita si Mommy at kitang-kita sa kanyang mukha ngayon ang galit kay Davien.
Hindi ako makapagsalita ngayon at para lang akong na estatwa sa aking kinatatayuan. Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ngayon ni Apollo sa aking balikat kaya nakahinga ako ng maluwag dahil para na akong ma o-out of balance. Pinunasan din ni Apollo ang mga luha ko ngayon na nakakalat sa aking mukha. Umiiyak na pala ako ngayon ng hindi ko namamalayan.
“With all due respect, Mrs. Lara Miller, I am telling the truth. I never impregnated your daughter Artemis. We weren’t even close with each other. I don’t have any romantic feelings or connection with your daughter. But I am fully aware that Artemis is desperately in love with me even I pushed her many times to stop what she was doing,” seryoso na sabi ni Davien at muli niya akong sinulyapan at tinignan ng masama.
Ayaw niya talagang makasal sa akin.
Kinamumuhian niya ako.
Huminga ako ng malalim at nagsalita na ako.
“D-Davien, sabihin mo na kasi ang totoo… bakit ba ayaw mong panagutan ang anak natin?” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata at parang any minute ay susugurin na niay ako at sasakalin dahil sa sobrang galit.
“What the f*ck is wrong with you, woman? You’re crazy! Bakit ba hindi mo maintindihan na ayaw ko sayo?! Stop this nonsense, Artemis! Hindi kita nabuntis!” galit na sigaw ni Davien na may halong gigil.
“F*ck you, man! Don’t shout at my sister!” tuluyan nang nagsalita si Apollo na kanina pa tahimik sa aking tabi ngayon.
“Pagsabihan mo ‘yang kapatid mong desperada at baliw!” sigaw din pabalik ni Davien.
“Man, stop it! Calm down!” awat ni Rocco sa kanyang pinsan na si Davien.
Natigil lang sila Apollo at Davien sa pagsasagutan nila nang tuluyan ng magsalita si Dad ngayon na kanina pa tahimik at nakatingin sa amin.
Direkta ang tingin niya ngayon kay Davien at seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon.
“You know how I treasure my children, Davien, especially my daughters and that includes my daughter Artemis,” malamig na sabi ni Dad.
Humakbang siya palapit kung nasaan kami at tumigil siya sa harapan ni Davien.
“You just have two choices, Mr. Maranzano… you will marry my daughter, or I will kill you?”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad at napapunta na ako sa pagitan nilang dalawa at hinarap ko si Daddy.
“D-Daddy, nag-usap na tayo kanina, diba? Don’t kill him, please,” natataranta kong sabi.
“Umalis ka sa harapan ko, Artemis. Kinakausap ko ang lalaking nakabuntis sayo ngayon,” utos ni Dad sa akin na agad ko namang sinunod. Bumalik ako sa tabi ni Apollo at sobrang lakas na ng t***k ng aking puso ngayon dahil sa kaba.
Seryoso rin ang ekspresyon sa mukha ni Davien ngayon habang nakatingin siya kay Daddy. Wala akong takot na makikita sa kanyang mukha ngayon, galit lang.
“You know that if you do that, you will declare war to the Maranzanos, Mr. Miller,” malamig na sabi ni Davien kay Dad.
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Davien ngayon kay Dad.
Gusto kong sabihin kay Davien ngayon na pumayag na lang siyang pakasalan ako dahil totohanan talaga ang gagawin ni Dad sa kanya na papatayin siya.
“Ando you also know, Mr. Maranzano, that I don’t f*cking care about declaring war. My daughter is more important than anything,” sabi ni Daddy.
Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi ni Dad. Napayuko at ako napa hikbi. Gusto kong sabihin ngayon sa kanila na nagsisinungaling lang ako… na hindi totoo na buntis ako.
Ako pa ata ang makapag deklara away sa pagitan ng pamilya ko at sa pamilya nila Davien.
“I give you one last time, Mr. Maranzano. You will marry my daughter, or I will kill all of the Maranzanos, including your daughter,” malamig at madiin na sabi ni Daddy.
Natigilan ako sa sinabi ni Daddy at napatingin ako sa kanya.
“D-Daddy…”
Si Betty… hindi pwedeng madamay si Betty sa problemang ‘to.
Magsasalita na sana ako nang magsalita si Davien kaya napatingin ulit ako sa kanya.
“Fine, I will marry your daughter. But don’t expect me to treat her as a wife,” malamig na sabi ni Davien at matalim niya akong tinignan at walang pasabi na lumabas na siya sa opisina ni Daddy.
Sumunod naman ang kanyang pinsan na si Rocco at ang naiwan ngayon ay ang pinsan niya na si Beniamino na siyang lawyer din ni Davien. Siya na ang makikipag-usap ngayon kay Dad upang mas maplanuhan ang tungkol sa kasal namin ni Davien.
Pumayag na talaga siyang makasal sa akin… pero hindi ako masaya.
Nasasaktan ako.
Did I cross the line?
Yes, I did cross the line.
TO BE CONTINUED...