THE DESPERATE LOVE
EPISODE 16
LIAR
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
NAGHANAP AKO ng paraan upang makausap ko si Davien at ngayon ay napagbigyan ako ng panahon. Nagpatulong ako sa aking pinsan na si Matthias at luckily ay tinulungan naman ako ng mabait ko na pinsan. Nagpa schedule siya ng appointment kay Davien at ang pangalan niya ang kanyang dinala, pero ako ang pupunta sa appointment na iyon. Kasi kapag ako ang nagpa schedule at pangalan ko ang ginamit ay sigurado ako na hindi ako pagbibigyan ni Davien kaya ito na lang ang way na aking ginawa.
Papunta na ako ngayon sa opisina ni Davien at may dala rin akong pagkain para sa kanya. Sobrang saya ko ngayon na muli ko siyang makikita. Nang makarating ako sa harapan ng opisina ni Davien ay kumatok na ako ng dalawang beses bago ako pumasok sa loob. Nakita ko si Davien ngayon na naupo sa kanyang swivel chair habang nakatutok ang kanyang mga mata sa mga documents na nasa ibabaw ng kanyang desk.
Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.
“Hi, Davien!” bati ko sa kanya.
Natigilan siya sa kanyang ginagawa at nag angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha nang makita niya ako rito sa loob ng kanyang opisina.
“What the hell are you doing here?!”
Napanguso ako ng dahil sa reaksyon niya. Ang harsh masyado ni Davien sa akin. Hindi naman siya ganito sa akin noon, pero ngayon nag-iba na ang kanyang pag-uugali simula nang umamin ako sa kanya na mahal ko siya.
“Nandito ako para kausapin at makita ka! Hindi ba obvious?” sabi ko sa kanya.
Napatayo si Davien at humakbang siya palapit sa akin hanggang sa makalapit siya sa akin. Bahagya akong nagulat nang hawakan niya ang aking braso at bahagya niya akong inilapit sa kanya. Napalunok ako ng aking laway at nakaramdam ako ng konting kaba ng dahil sa uri ng pagtitig sa akin ni Davien.
“D-Davien…”
“I told you already Artemis… lubayan mo na ako! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” inis niyang sabi.
Inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso at tinaasan ko siya ng aking kilay.
“Ano ‘yung nalaman ko na magpapakasal ka na? You’re now engaged, Davien? Why?” sunod-sunod ko na tanong sa kanya. Para akong pinagtaksilan na girlfriend sa tono ng boses ko ngayon habang tinatanong ko iyon kay Davien.
“At sino ka para itanong ‘yan sa akin? Ano naman sayo kung ikakasal na ako?” masungit niyang sabi sa akin.
Bahagya akong natigilan dahil nasaktan ako sa uri ng pagsagot niya sa aking tanong. Umatras ako palayo sa kanya habang malungkot na nakatingin sa kanya. Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Davien pero naging seryoso rin ulit ito nang magsalita ulit ako.
“A-Ang sabi mo sa akin ay hindi ka na magpapakasal dahil kontento ka na sa buhay mo na kasama ang anak mo. Pero bakit ngayon… bakit nag-iba ang desisyon mo ngayon?” mahina kong tanong sa kanya.
Humakbang siya palapit sa akin at ipinantay niya ang kanyang mukha sa aking mukha at nagsalita siya.
“Dahil gusto ko na mag-asawa? At kung itatanog mo kung bakit hindi ikaw… alam mo na ang sagot sa tanong na iyon, Artemis Blithe. Tigilan mo na ako at umalis ka na sa opisina ko,” malamig na sabi ni Davien sa akin.
Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha at dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman ay napatakbo na ako palabas sa kanyang opisina. Tumatakbo pa rin ako ngayon habang umiiyak hanggang sa makalabas na ako sa building ng kompanya na pag-aari ni Davien. Napapatingin na ang ibang mga tao sa akin, pero wala akong pakialam sa kanilang lahat.
Pagpasok ko sa loob ng aking sasakyan ay umiyak na ako nang umiyak ng dahil sa sakit.
Bakit ang sakit magsalita ni Davien? Bakit hate niya ako ng sobra? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah? Pinapakita at pinaparamdam ko lang naman sa kanya ang pagmamahal ko sa kanya. Bakit niya ito minamasama?
Ayoko na… mag momove on na ako!
Wala akong mapapala sa pagmamahal ko sa lalaking ‘yun.
Habang umiiyak ako ngayon dito sa loob ng aking kotse ay tumunog ang aking phone kaya kinuha ko ito at nakita ko na si Ate Alex ang tumatawag sa akin ngayon. Pinunasan ko muna ang aking mga luha at huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag ni Ate Alex.
“Hello, Ate Alex? Napatawag ka pala?”
“Artemis! Pwede pa favor ulit sayo?”
“Sure, why not. Ano ba ‘yun, Ate Alex?” tanong ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya bago siya muling magsalita.
“Busy kasi kami ngayon ng asawa ko. Hindi namin masusundo si Trigger sa school niya. Naghahanap pa kasi ulit kami ng Yaya eh, yung yaya niya kasi ay nag resign niya,” sabi ni Ate Alex sa kabilang linya. Halatang halata na stress na si Ate Alex sa tono ng boses niya.
Lagi kasing nagreresign ang mga nagiging yaya ni Trigger dahil sa sobrang kulit nito at pasaway. Hindi nila kinakaya ang energy ng anak ni Ate Alex at Kuya Alonzo.
“Hulaan ko… may ginawa na namang kalokohan ang inaanak ko, right?” tanong ko kay Ate Alex.
“Hay nako! Naloloka na talaga ako sa batang ‘yun, Artemis. Konting-konti na lang talaga ang titigil na ako sa work ko eh at ako na mismo ang magbabantay sa mga bata, pero kailangan ko kasi talaga tutukan muna ang agency,” sabi ni Ate Alex sa kabilang linya.
Wala naman akong gagawin ngayon na araw at mas mabuti na lang din ‘to kaysa magmukmok ako sa aking kwarto.
“Sige Ate Alessandra, ako na ang bahala kay Trigger. Wala naman akong ginagawa ngayon kaya ako na ang susundo sa inaanak ko,” sabi ko kay Ate.
“Thank you so much, Artemis! Hulog ka talaga ng langit! Huhu. Babawi kami ni Alonzo sayo next time, okay? Thank you talaga!” sabi ni Ate Alessandra.
Nang matapos na kami mag-usap ni Ate Alex ay umalis na ako. Pumunta na muna ako sa workplace ko at kinamusta ang aking team para sa aming tina trabaho ngayon. Wala kasi masyadong gawain ngayon sa workplace namin kaya nagagawa kong gumala gala ngayon. Kapag may problema naman sa work ay tatawagan naman kaagad ako ng secretary ko.
Pagkatapos kong dumalaw sa building ng workplace namin ay umalis na ako upang sunduin ko ang aking inaanak na si Trigger. Malapit na rin kasi ang kanilang uwian kaya susunduin ko na siya. Naisip ko rin na posible kong makita si Betty doon dahil same lang sila ng school ni Trigger.
Kapag naiisip ko na naman si Davien ay nasasaktan na naman ako.
Bakit kasi ang heartless ng lalaking ‘yun? Edi kung gusto niyang magpakasal… edi go ahead sa kanya! Bahala na siya sa buhay niya.
Nang makarating ako sa school ni Trigger ay naghihintay ako sa may gate upang mabilis ko lang na makita si Trigger. Bawal kasi kaming pumasok sa loob at ang mga susundo sa mga bata ay nandito lang sa labas ngayon.
Habang hinahanap ko si Trigger ngayon ay narinig ko na lang ang boses niya.
“Ninang Ganda!”
Hinanap ko ang boses ni Trigger at nagulat na lang ako nang makita ko si Trigger na hindi lang mag-isa… kasama niya ngayon si Betty.
“Hi, Ninang Ganda!” sabi ni Trigger at niyakap niya ako.
Niyakap ko rin siya pabalik at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
“Hello po, Tita Blithe! I’m happy to see you again here!” nakangiti na sabi ni Betty.
Kamukhang-kamukha niya talaga ang Daddy niya. Dahil sa lungkot na aking nararamdaman ay nilapitan ko si Betty at niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
“I missed you, Betty! Masaya ako na makita ka ulit,” nakangiti ko na sabi sa kanya habang nakatingin ako sa kanyang mukha.
“Sa akin po, Ninang Ganda, hindi niyo ako namiss?”
Nakalimutan ko bigla na nandito pala ako para sunduin ang inaanak ko. Nang mapatingin ako kay Trigger ay nakasimangot na ito ngayon habang nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko rin siya at hinalikan ko ang magkabila niyang pisngi.
“Ang seloso talaga ng batang ‘to! Syempre miss na miss kita! Ako nga magsusundo sayo ngayon eh,” sabi ko kay Trigger.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang sabihin ko iyon sa kanya.
“Talaga po, Ninang ganda?”
Ngumiti ako at tumango.
“Oo! Humingi ng favor sa akin ang Mommy mo dahil busy sila.”
“I want to sama with you, Tita Blithe…”
Napatingin ako kay Betty nang sabihin niya iyon. Nakita ko na nasa likod niya ngayon ang yaya niya at ang driver nila. Napatingin ulit ako kay Betty at nakita ko na gustong-gusto niya talaga na sumama sa akin.
“Uhm, sandali lang… tanungin ko muna sa yaya mo—”
“I want to be with you, Tita Blithe!” sabi ni Betty ulit at humarap siya ngayon sa kanyang Yaya at Driver.
“Yaya, I want to be with my Tita Blithe! She’s a good person and she knows Daddy,” sabi ni Betty sa kanyang Yaya.
Parang nagdadalawang isip ngayon ang yaya ni Betty dahil napakamot ito sa kanyang ulo ngayon.
“M-Ma’am, baka kasi magalit si Sir…”
“Hindi magagalit si Daddy!” inis na sabi ni Betty. Nagpupumilit na sumama sa akin.
Sumama na ako sa usapan dahil baka mag tantrums pa bigla si Betty dito sa labas ng school.
“Uhm, Manang, ako nga pala si Artemis Miller. Kakilala po ako ni Davien. At ‘wag po kayong mag-alala, safe po si Betty sa akin. Pwede po kayo sumunod sa sasakyan ko later. Ihahatid ko lang sa bahay nila itong si Trigger tapos didiretso na rin ako sa bahay nila Betty,” sabi ko sa Yaya ni Betty.
Nagkatinginan naman sila ng driver ni Betty at parang nagkakaintindihan itong dalawa bago muling tumingin sa akin.
“Sige po, Ma’am…”
Napangiti ako at tumango. Sobrang saya ngayon ni Trigger at Betty. Sumakay na sila sa aking kotse ngayon at bago ko sila ihatid sa mga bahay nila ay binilhan ko muna sila ng ice cream. Una kong hinatid ay si Trigger dahil mas malapit ang bahay nila. Sumunod naman ay si Betty. Hindi na sana ako papasok pa nang pilitin ako ni Betty na pumasok sa kanilang bahay.
Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Davien ngayon na parang naghihintay sa amin.
Natigilan ako at kinabahan bigla sa uri ng tingin ni Davien sa akin ngayon.
“Daddy!” napatakbo si Betty kay Davien at nagyakapan silang dalawa. Pinapunta na ni Davien si Betty sa kwarto nito. Bago umalis si Betty ay nagpaalam ito sa akin at ako naman ay nagpaalam din sa kanya.
Nang makaalis na si Betty ay doon na nagsalita si Davien.
“Are you really desperate to use my daughter just to have my attention on you?!”
Nagulat ako sa sinabi ni Davien sa akin. Nakakarami na siya! Kanina pa siya huh?!
“W-What? No, Davien! Hindi ko ginagamit si Betty para lang mapalapit sayo!”
He smirked. “Really? Do you really think na hindi ko alam na plinano mo na pumunta doon sa school ng anak ko at makipag meet sa kanya? Ginamit mo ang anak ko!”
Naiiyak na ako ngayon dahil sa mga paratang ni Davien sa akin.
“O-Oo! Sige… aamin na ako. Noong una ay iyan talaga ang plano ko. Pero napamahal na talaga ako kay Betty, Davien. Oo, plinano ko na mameet ko ang anak mo dahil gusto kong mas mapalapit ako sayo dahil sobrang mahal kita!” sabi ko sa kanya.
“T-Tita Blithe…”
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Betty. Napatingala ako sa may hagdan at nakita ko siya ngayon na umiiyak habang nakatingin sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at namutla ako bigla.
No…
Narinig niya ang sinabi ko!
“B-Betty—”
“You’re a user! A liar! I hate you!” sigaw niya at napatakbo siya pabalik sa kanyang kwarto.
“Betty!” akmang susundan ko siya nang mahawakan ni Davien ang aking bewang at pinigilan niya ako sa pagsunod sa kanyang anak.
Napatingin ako sa kanya at tinignan ko siya ng masama. Malakas ko siyang tinulak palayo sa akin at nagsalita ako.
“Masaya ka na, huh?! You just ruined my relationship with your daughter!” galit kong sabi sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay at nagsalita siya.
“Really? Ako talaga ang may kasalanan, Artemis?”
Napaiyak na ako sa magkahalong emosyon na aking nararamdaman ngayon. Matalim ko siyang tinitigan at humakbang ako palapit sa kanya at nagsalita ulit ako.
“Hindi ko hahayaan na matuloy ang kasal mo sa ibang babae, Davien. Magiging akin ka rin at hinding-hindi ka na makakawala sa akin kapag nangyari ‘yun,” malamig at madiin kong sabi bago ako umalis sa bahay niya.
Hindi ko hahayaan na maging masaya si Davien sa ibang babae.
Sa akin siya ikakasal.
TO BE CONTINUED...