KABANATA 8: BETTY

1479 Words
THE DESPERATE LOVE EPISODE 8 BETTY ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. I STAYED being professional in front of Davien whenever we talked about work. Pero may mga panahon talaga na hindi ko maiwasan na mag flirt sa kanya kasi duh? Sya ang crush ko! Patapos na ang project ko with him kasi hindi siya aabot ng years, months lang kasi design lang naman ang gagawin ko eh at mas magkakasama talaga sila ng pinsan ko. Kaya ngayon ay gagawa ako ng ibang makakapagpaclose sa aming dalawa. Pupuntahan ko sa school ang anak ni Davien na si Betty Maranzano. I just want to meet her, kung makita ko man ito sa school. Pero hindi lang naman si Betty ang pupuntahan ko dahil nandito naman ang inaanak ko nag-aaral, anak ni Ate Alessandra Coleman Brioschi. Ako na muna ang magsusundo sa inaanak ko na si Trigger dahil busy si Ate Alessandra at ang kanyang asawa na si Alonzo sa work. “Nako! Sinasabi ko sayo Artemis, iuwi mo kaagad ang anak ko sa bahay. Kung anu-ano na naman ang ibibigay mo dyan sa bata eh!” wika ni Ate Alessandra pagkatapos kong sabihin sa kanya na ako na ang magsusundo sa makulit kong inaanak. “Don’t worry, Alex! Ako na ang bahala kay Trigger.” Ngayon ay nandito ako sa labas ng school nila at hinihintay na mag-uwian. Ininform ko na rin ang teacher ni Trigger na ako ang susundo sa bata. Nang mag-open na ang gate sa school ay agad ko rin na nakita ang inaanak kong makulit na si Trigger. Patakbo naman itong lumapit sa akin at niyakap ako. “Ninang ganda!” masayang sabi ni Trigger nang mayakap ako. Mahina akong napatawa at hinalikan siya sa pisngi at niyakap ko siya pabalik. “Hello inaanak kong makulit! Ako muna ang magiging sundo mo ngayon, ah?” nakangiti kong sabi sa kanya. Sunod-sunod naman siyang tumango. “Yehey! Ninang ganda, buy me ice cream please before mo ako iuwi sa house!” wika niya. “Nako! May ubo ka pa, diba? Bawal ‘yun sayo, Trigger!” He pouted. “Sige na po, Ninang Ganda! Ngayon lang naman eh… at isa pa, pagaling na po ang cough ko. Iinom din po ako ng medicine pag-uwi at hindi ko po ipapaalam kay Mommy at Daddy na kumain ako ng ice cream kaya sige na po please,” pagpapa-cute na sabi ng inaanak ko. Bumuntong-hininga ako at wala akong magawa kundi ang payagan si Trigger sa kanyang gusto. Lumaki naman ang ngiti nito sa mukha at napatalon din sa excitement. “Yehey! The best ka talaga Ninang Ganda! Pasok na po ako sa car,” wika ni Trigger at patakbo na pumasok sa loob ng aking kotse at doon umupo sa may front seat. Napatingin na muna ako sa may gate at laking gulat ko nang makita ko ang anak ni Davien na si Betty Maranzano na mag-isa lang habang umiiyak. Nagmamadali naman akong lumapit sa kanya. Bahagya akong lumuhod sa kanyang harapan at hinawakan ko siya sa kanyang kamay kaya napatingin siya sa akin, pero tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. “Hi girl, why are you crying? Nawawala ka ba?” tanong ko kay Betty. Tinignan niya lang ako, pero tuloy-tuloy siya sa kanyang pag-iyak. Huminga ako ng malalim bago muling magsalita. “I’m Artemis Blithe Montenegro Miller. You can trust me, I’m not a bad guy,” malumanay kong sabi at nginitian ko si Betty. Tumigil siya sa kanyang pag-iyak at pinunasan niya ang kanyang luha. “M-My name is Betty Liana Maranzano, five years old… and my father’s name is Davien Conrad Maranzano,” mahina niyang sabi habang bahagyang nakapout. Kamukhang-kamukha talaga niya ang kanyang Dad na si Davien. Ngumiti ulit ako kay Betty. “Hello, Betty! I’m Tita Blithe. Where’s your yaya pala or bodyguards?” Umiling-iling siya. “I-I don’t know Tita Blithe. When I went out in our classroom I didn’t see my Yaya, that’s why I went to the gate but they weren’t here din pala eh,” mahinang sabi ni Betty habang naiiyak. Hindi pwedeng pabayaan ko na lang si Betty rito na mag-isa. Hindi naman pwede na manatili rin ako rito dahil ihahatid ko pa si Trigger sa bahay nila. “Okay… ganito na lang, ihahatid na lang kita sa house niyo. Okay lang ba sayo ‘yun, Betty? Kasama ko kasi ‘yung inaanak ko ngayon eh, ihahatid ko rin siya sa house nila.” Napatingin si Betty sa likuran ko kung nasaan ang aking sasakyan at napatingin din ako rito at nakita ko si Trigger na nakasimangot sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa amin. “Ninang ganda, matagal pa ba ‘yan? I want my ice cream!” sigaw ni Trigger. Bahagya akong napapikit sa aking mga mata at bumuntong-hininga bago muli humarap kay Betty. “Do you want Ice cream, Betty?” Sunod-sunod naman siyang tumango. “Okay, I’ll treat you ice cream muna before going home. Is it okay with you?” Tumango-tango siya ulit. “Yes po, Tita Blithe.” “Let’s go?” tumayo na ako at inabot ko ang aking kamay kay Betty. Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay. Pinapasok ko na siya sa loob ng aking sasakyan bago ako pumasok na rin. Bago ko paandarin ang aking kotse ay narinig ko na nagsalita si Trigger habang nakatingin siya kay Betty na nasa likuran. “Why is she here, Ninang Ganda? I thought it was our date! Bakit may asungot?!” “Trigger!” saway ko sa aking inaanak. Ang seloso rin ng batang ito eh. Nakita lang na may kasama akong ibang bata ay magseselos na. Napanguso siya at inalis na ang tingin kay Betty at napatingin na lang sa harapan. Umiling-iling na lang ako at pinaandar ko na ang aking sasakyan. Pumunta na muna kami sa pinakamalapit na ice cream shop upang bilhan ng ice cream ang dalawang bata. Sobrang saya naman nila habang kumakain ng ice cream at mukhang okay na rin si Trigger kay Betty kasi kinakausap na niya ito. Habang kumakain ang dalawang bata ng ice cream ay sinubukan ko muna na tawagan si Davien upang ipaalam sa kanya na kasama ko ngayon ang anak niya upang hindi siya mag-alala. Pero nakailang tawag na ako kay Davien, pero hindi niya ako sinasagot. Ini-ignore niya ba ang mga tawag ko? Dahil hindi niya talaga sinasagot ang mga tawag ko ay tinext ko na lang siya upang ipaalam na nasa akin ang anak niya. Artemis Blithe: Hey, Davien! Hindi mo sinasagot ang tawag ko. I went to St. Lorenzo Academy para sunduin ang inaanak ko, and I saw your daughter outside the school alone, crying. She’s with me right now. Dinala ko muna siya sa ice cream shop with my inaanak. Where’s your house pala para mahatid ko diyan si Betty? Sinend ko na kay Davien ang message ko sa kanya at makalipas ang isang minuto ay narinig ko ang phone ko na tumutunog at nakita ko na tumatawag sa akin si Davien. Hindi ko mapigilan na mapataas sa aking kilay. So, sinasadya niya pala talaga na hindi sagutin ang tawag ko? Tsk. Sinagot ko ang tawag ni Davien. “Hello?” “Hey, Artemis. You said you had my daughter. Can I talk to her?” Hmm, mukhang hindi pa siya naniniwala na kasama ko ang anak niya ngayon ah? “Okay, fine,” malamig ko na sabi at tinawag ko muna si Betty at sinabing kausap ko ang Dad niya sa phone. Kinuha naman ni Betty ang phone ko at kinausap ang kanyang Dad. “Daddy! I miss you! Nawala po ako kanina. Tita Blithe was there to help me… yes po. She libre me an ice cream with my new friend Trigger! Okay Daddy, I love you!” nakangiti na sabi ni Betty habang kausap ang daddy niya sa phone. “Thank you, Tita Blithe!” sabi ni Betty. Muli niyang binalik sa akin ang phone at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Idinikit ko ulit ang phone ko sa may tainga at kinausap muli si Davien. “Oh? Ngayon naniniwala ka nang kasama ko ang anak mo?” sabi ko sa kanya. Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya bago magsalita. “I’m so sorry, Artemis. And Thank you… thank you for helping my daughter. I will send you the address of my house. Pauwi na rin ako doon kaya magkita na lang tayo sa bahay,” wika ni Davien bago siya magpaalam at pinatay ang tawag. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti pagkatapos ng tawagan namin ni Davien. Ang dami kong na-achieve sa araw na ito. Hindi lang ang pagkakita ko sa anak ni Davien na si Betty, nagkakilala na rin kami… makakapunta na rin ako sa bahay nila! Magiging ka-close ko na rin si Davien. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD