THE DESPERATE LOVE
EPISODE 9
MOMMY FIGURE
ARTEMIS BLTHE’S POINT OF VIEW.
SINEND NA sa akin ni Davien ang kanyang address kaya papunta na kami ngayon doon sa kanila. Pero bago ko ihatid si Betty sa kanila ay hinatid ko muna si Trigger sa kanilang bahay dahil baka mag tantrums ito kapag hindi nakauwi kaagad sa kanila. Nang makarating ako sa kanila ay nandoon na si Ate Alessandra, kakauwi lang din sa kanyang work. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya na may kasama pa akong isang bata.
Bahagya akong hinila ni Ate Alessandra at bumulong siya sa akin.
“Is that Davien’s daughter?!” tanong sa akin ni Ate Alessandra.
Napasulyap naman ako kay Betty na kausap ngayon si Trigger bago muling tumingin kay Ate Alex at tumango.
“Yes, Ate Alessandra.”
Napasinghap siya. “Why is she with you?! Alam mo ba na kumuha pa ng bodyguards ang tatay niyan sa amin para sa anak niya?”
Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Ate Alessandra. May security agency kasi ang mga Coleman at lahat ng kumukuha ng bodyguards sa agency nila ay mga bigatin o hindi naman ay delikado ang mga buhay.
“Really?” hindi ko makapaniwala na tanong.
Tumango siya. “Yes, kaya nga nagulat ako nang makita kita na kasama ang batang ‘yan. Hindi ‘yan pinapasama ni Davien kahit kanino.”
Napatango-tango ako at muling napatingin kay Betty. Naintindihan ko naman si Davien kung bakit ganun siya ka protective kay Betty dahil nag-iisang anak niya lang ito.
“Sige Ate Alex, alis na po kami. Baka hinahanap na ni Davien ang anak niya, ako pa ang mapagalitan.”
Ngumiti si Ate Alex at niyakap niya ako. “Salamat sa pagsundo kay Trigger, Artemis. Ingat kayo!”
“Thank you rin sa pagpapahiram sa inaanak ko, Ate Alex.”
Pagkatapos kong makapagpaalam ay umalis na kami ni Betty upang mahatid ko na siya sa bahay nila.
Habang nagdadrive ako ngayon, nagsalita si Betty kaya napatingin ako sa kanya.
“Tita Blithe, can I see you again with Trigger after this?” tanong niya sa akin.
Napakurap-kurap ako sa aking mga mata at hindi ko mapigilan na mapangiti at tumango.
“Of course, Betty! Kung papayagan tayo ng Daddy mo.”
“Papayag si Daddy!”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya at tumango. Huwag sanang isipin ni Davien na ginagamit ko lang itong anak niya para makapalapit sa kanya. Oo, noong una ay iyon ang nasa isip ko, pero ang sarap pala kasama nitong si Betty kaya nakakalimutan ko na ‘yung pinaplano ko noon.
“Daddy Davien!”
Patakbong pumunta si Betty sa kanyang ama ng makababa siya ng aking kotse ng makarating kami sa kanila. Nakita ko naman na binuhat ni Davien si Betty at hinalikan ito sa pisngi. Bumaba na rin ako sa aking sasakyan at naglakad palapit sa kanila.
“Are you okay? Wala bang nangyaring masama sa prinsesa ko?” tanong ni Davien sa anak niya. Anong pinapahiwatig niya, na may masama akong ginawa kay Betty? Ang lalaking ‘to!
“Wala po, Daddy! Buti na lang nakita ako ni Tita Blithe outside the school eh. She helped me and she also libre me ice cream, and I gained a new friend and his name is Trigger!” nakangiti na kwento ni Betty sa kanyang ama.
Napasulyap naman sa akin si Davien bago siya muli mapatingin kay Betty at binaba na niya ito.
“Sumama ka na kay Yaya, Betty.”
Bago sumama si Betty sa kanyang Yaya ay lumapit na muna ito sa akin at niyakap niya ako.
“Thank you again, Tita Blithe! Sa susunod ulit po!” nakangiti na sabi ni Betty at sumama na siya sa kanyang Yaya.
Nang makaalis na si Betty ay humarap na sa akin si Davien.
“Pumasok na muna tayo sa loob,” sabi niya at nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay nila at sumunod naman ako.
Malaki ang bahay ni Davien at infairness, maganda ang design ng house nila. Naupo ako sa sofa na nakaharap kung saan nakaupo rin si Davien.
“Thank you for helping my daughter again, Artemis. I already fired the bodyguards and nanny who was in charge of my daughter earlier in the school,” seryosong sabi ni Davien.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pinaalis na niya ang mga nagbabantay kay Betty?
“B-Bakit? I mean, bakit nga pala sila nawala kanina at nakita ko na lang mag-isa ang anak mo doon na umiiyak?”
Nakita ko ang pag ismid ni Davien, pero sinagot niya pa rin ang tanong ko.
“Ang alibi nila ay mag emergency raw kaya na-late silang puntahan si Betty at nang makapunta sila doon ay hindi na nila makita ang anak ko.”
Tumango-tango naman ako.
“Kaya malaki ang pasasalamat ko sayo, Artemis. My daughter is my life. I can’t let anything bad happen to her.”
Ngumiti ako at tumango. “Naintindihan ko, Davien. Sa maikling oras na nakasama ko si Betty ay ang gaan na ng loob ko sa kanya. Sigurado ako na tinuruan mo talaga ng magandang asal ang anak mo kahit na ikaw lang mag-isa ang nagpapalaki sa kanya,” sabi ko sa kanya.
Natigilan din ako dahil mukhang hindi ko na dapat sinabi iyon sa kanya.
Huminga ng malalim si Davien at seryoso niya akong tinignan.
“I can still do it ‘til now, Artemis. Hindi ko kailangan ng taong kasama ko sa pagpapalaki sa aking anak. Nakayanan ko na nga noon, ngayon pa kaya?” seryoso niyang sabi at bahagyang tumaas ang kanyang kilay.
Napalunok ako sa aking laway bago muling magsalita. “P-Pero may time ba na naghahanap si Betty ng Mommy? You know, para magkaroon naman ng mommy figure si Betty. Busy ka, kaya kailangan ni Betty ng someone na mag-aalaga talaga sa kanya,” sabi ko.
Kumunot ang noo ni Davien. “Bakit umabot sa ganito ang usapan natin, Artemis? Are you planning to volunteer to be my daughter’s mommy figure?”
Lumakas bigla ang pagtibok ng aking puso at para akong natameme sa naging tanong ni Davien sa akin.
“I-I’m just concerned for her, Davien….”
He chuckled. “I know you, Artemis. You like me. Ginagamit mo lang ang anak ko para sa sarili mong—”
“No! H-Hindi ako ganyan!” sabi ko at napatayo mula sa aking kinauupuan.
Ngumisi siya na para bang hindi naniniwala sa aking sinabi. “Really? Why, hindi mo na ako gusto?”
Muli akong napalunok sa aking laway at napa kurap-kurap sa aking mga mata.
“Uhm….” hindi ako makapagsalita.
Tumayo si Davien at naglakad siya palapit sa akin hanggang sa tumigil siya sa aking harapan. Bahagya siyang yumuko upang maabot niya ang aking mukha at ngumiti siya bago magsalita.
“Stop it, Artemis… hindi mo mapapabago ang desisyon ko sa buhay. Hindi ako mag-aasawa ulit kung ‘yan man ang iniisip mo,” sabi ni Davien at bahagya niyang tinapik ang aking balikat.
Para akong nanghihina sa kanyang sinabi kaya hindi ako makapagsalita, nakatingin lang ako sa kanya.
Hindi ako papayag… magbabago pa rin ang isip mo, Davien.
TO BE CONTINUED...