THE DESPERATE LOVE
EPISODE 7
CONFUSED
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
ONE WEEK na simula nang magsimula ang trabaho ko para sa project namin together ni Davien. At sa isang linggo na pagtatrabaho ko kasama siya ay sinubukan ko ulit na makipag flirt, pero nganga! Wala pa rin talagang epekto ang ginawa kong pagpapapansin sa kanya! Naaapektuhan na rin ang trabaho ko kaya nagsimula na rin akong mainis sa aking sarili. Hindi pwedeng madamay ang trabaho ko. I love my work and I want everything to be perfect.
Kaya ngayon… focus na muna ako sa aking pagtatrabaho. Bahala na si Davien kung hindi niya ako pansinin. Ayokong mabaliw sa kanya na pati ang trabaho ko ay madadamay.
Habang tinatapos ko ang aking trabaho ngayon para sa presentation ko maya maya, may kumatok sa may pinto ng aking opisina kaya napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin dito kung sino ang kumatok. Nakita ko naman na ang secretary ko na si Andrea ang kumakatok at bahagya na rin siyang pumasok dito sa loob ng aking opisina.
Tinaasan ko naman siya ng aking kilay upang maging signal sa kanya para pwede na siyang makapagsalita.
“Ma’am Artemis, nasa may conference room na po si Sir Davien at naghihintay na po siya sa inyo,” sabi nito sa akin.
Napatingin naman ako kaagad sa aking relo at hindi ko mapigilan na mapataas muli sa aking kilay nang makita ko na late na ako ng five minutes sa meeting namin ngayon ni Davien.
Oo nga pala… pupunta nga pala rito si Davien sa building namin—nakalimutan ko! Si Davien nga pala ang ka-meeting ko ngayon.
“Ohh… I forgot,” mahina kong sabi at bahagyang napakagat sa aking labi at napatingin kay Andrea.
Nakita ko naman ang kanyang pag ngiwi pero agad niya rin itong inalis at nagsalita.
“M-Masyado po kayong busy sa ginagawa niyo, Ma’am Artemis,” aniya.
Napatayo na ako at agad na akong nag-ayos. Nagpatulong na rin ako kay Andrea upang dalhin ang mga kagamitan ko. Nag-ayos din ako sa aking sarili kasi syempre, kailangan ko pa rin na magmukhang maganda sa harapan ni Davien kahit na focus muna ako sa trabaho ko ngayon.
Habang nagreretouch ako sa aking sarili ay napapansin ko ang pagtingin sa akin ng aking secretary na si Andrea kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko naman na bahagya siyang nagulat nang mapatingin ako sa kanya.
“M-Ma’am Artemis, hindi ko lang talaga mapigilan namamangha sa ganda niyo. Kahit na hindi kayo mag retouch… sobrang ganda niyo na po talaga. Sigurado po akong mabibighani si Sir Davien sa ganda niyo,” nahihiyang sabi ni Andrea sa akin at bahagya siyang yumuko. Nakita ko ang pagpula rin ng kanyang pisngi.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti sa sinabi ng aking secretary.
“Thank you, Andrea. I appreciate your words. Sana nga katulad mo si Davien na magandahan sa akin… para kasing hindi,” sabi ko at mapaklang tumawa bago ako lumabas na ng tuluyan sa aking opisina upang makapunta na sa conference room kung saan naghihintay sa akin si Davien.
Nakasunod din sa akin si Andrea at isa pa naming staff na tutulong sa akin ngayon sa presentation.
Nang makapasok na kami sa loob ng conference room ay agad na bumungad sa akin ang seryosong pagmumukha ni Davien habang nakaupo siya sa gitna. Agad siyang nag angat ng tingin ng marinig niya ang pagbubukas ng pinto. Nagkasalubong ang aming mga tingin at hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba.
Breathe in, breathe out… Artemis!
Kumalma ka.
Huwag mo munang unahan ng landi ngayon. Kailangan mo munang mag focus sa work at sa project na ito. You want everything to be perfect, right? Make it perfect then!
“Good afternoon, Mr. Maranzano,” pormal at seryoso ko na bati kay Davien sabay upo sa isang swivel chair na malapit lang sa harapan ng monitor.
Agad na rin na inayos at hinanda nila Andrea ang laptop ang mga kagamitan para sa presentation ko habang ako naman ay nagri ready dito sa aking inuupuan habang nakaharap sa aking hawak na iPad.
“Why are you late?”
Natigil ako sa aking ginagawa nang marinig ko na magsalita si Davien. Nag agat ako ng tingin sa kanya at bahagya akong nagtaka ng makita ko ang nakakunot niyang mga noo habang nakatingin sa akin.
Galit ba siya?
Nginitian ko siya para hindi mahalata na natataranta na ako rito.
“I’m so sorry, Mr. Maranzano… I forgot the time because of the busyness of my work. But I’m here now! Bilisan ko na lang ang presentation ko—”
“It’s Davien, Artemis.”
Natigilan ako ng pinutol niya ang aking pagsasalita para lang itama niya ang dapat kong pagtawag sa kanya. Para pa siyang naiirita na tinatawag ko siya na Mr. Maranzano ngayon. Nagdedelulu ba ako ngayon?! Damn.
Muli akong ngumiti sa kanya bago ako magsalita muli.
“We’re at work, Mr. Maranzano. Just what I have said to you, I’m professional at work,” pormal kong sabi at tumayo na ako at lumapit kina Andrea upang tulungan sila sa paghahanda, at para na rin maiwasan ko si Davien sa topic na iyon.
Jusko naman, Artemis! ‘Wag ka munang maging marupok.
Mag focus ka muna sa trabaho mo!
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang paghahanda at nagsimula na rin akong mag present sa harapan habang nakatingin kay Davien. Sobrang lagkit ng tingin ngayon ni Davien sa akin at para na akong matutunaw dito sa aking kinatatayuan. Parang pinapasok ni Davien ang buo kong pagkatao habang nakatingin siya sa akin.
Kumalma ka lang, Artemis. Kailangan mo itong magawa ng tama.
Habang nagsasalita ako ngayon ay bigla na lang nagtaas ng kamay si Davien kaya natigil ako sa aking pagsasalita at hinintay ang kanyang sasabihin.
“How about the 8th floor, Miss Miller? Bakit hindi ito nasunod sa gusto ko?” malamig na tanong ni Davien habang nakatitig pa rin siya sa aking mga mata.
Napalunok ako sa aking laway at napa kurap kurap sa aking mga mata bago ko sagutin ang kanyang tanong sa akin.
“Uhm, it’s still there Mr. Maranzano. I just make it more appealing—”
“No. You did not follow what we discussed in the last meeting,” seryoso niyang sabi.
Napakagat ako sa aking labi at lihim na napayukom sa aking mga kamao habang nakatitig din ako kay Davien. Pinapakalma ko ang sarili ko dahil ayoko siyang sagutin ngayon. Dapat kalmado lang ako. Dapat hindi ako mag paapekto sa pagpapahiya niya ngayon sa akin.
Kitang-kita naman na mas maganda ang ginawa ko at mas makakatulong ito sa business niya.
“If that’s what you want Mr. Maranzano, we will follow it,” pormal kong sabi at nginitian siya at nagpatuloy ako sa aking presentation.
Nakita ko sa kanyang mukha ang confusion na parang hindi siya makapaniwala na hindi ako lumaban sa kanyang sinabi. Hinayaan ko lang siya.
Just like what I have said, Davien… professional ako sa work ko. Hindi ko hinahaluan ng paglalandi ang trabaho ko kaya wala kang mapapala sa akin ngayon.
TO BE CONTINUED...