THE DESPERATE LOVE
EPISODE 4
I LIKE YOU.
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
“NAKAKAPANIBAGO KA naman, Artemis!”
Tinaasan ko ng aking kilay si Apollo. Nakaayos na ako ngayon at hinihintay ko na lang sila Kuya Ambrose at Dianne na sunduin ako rito sa mansion para makapunta na kami sa party.
“What now, Apollo?!” inis kong sabi sa kanya.
Aasarin na naman ako ng isang ‘to. As usual!
He smirked. “Wala lang… naninibago lang talaga ako sayo. Noong nakaraan ay pumunta ka sa bar, ngayon naman ay sasama ka sa party with Kuya Ambrose? Just wow! Are you becoming Athena?”
Lumapit ako kay Apollo at sinapak ko siya. Agad naman siyang umiwas sa akin at humalakhak sa pagtawa.
“Shut up and stop it, Apollo!” inis kong sabi sa kanya.
Muli siyang tumawa at lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang aking pisngi. Mabilis ko naman siyang inilayo sa akin at maingat na pinunasan ang pisngi ko na hinalikan niya.
“Ew! Pwede ba? Masisira ang makeup ko!”
“Enjoy the party, Sis! Ganyan nga, ‘wag mo masyadong ikulong ang sarili mo sa work. Mag enjoy at lumandi ka naman minsan!” nakangisi na sabi ni Apollo.
Pinanlakihan ko na lang siya ng aking mga mata dahil may narinig na akong busina ng sasakyan sa labas ng mansion at alam kong sila Kuya Ambrose na iyon. Lumabas na ako at pumunta na sa may sasakyan. Nakita ko naman sa loob si Dianne at si Kuya Ambrose. Kumaway-kaway sa akin si Dianne. Nang makalapit ako ay agad akong pumasok sa likod.
Nakipag beso na muna ako kay Dianne at Kuya bago kami umalis.
“You look so beautiful, Artemis!” nakangiti na sabi ni Dianne.
Bahagya naman akong kinilig sa sinabi ng asawa ng kapatid ko.
“Thanks, Dianne! Ikaw din naman, sobrang ganda mo!”
Pinaandar na ni Kuya Ambrose ang kotse at kami naman ni Dianne ay tuloy-tuloy sa aming pag-uusap. Magkasing-edad lang kasi kami ni Dianne. Mag bestfriend ang mga magulang namin lalo na si Mommy at ang Dad ni Dianne na si Papa Steven. Kaya sobrang saya ko rin na sa isang Miller nakasal si Dianne at kay Kuya Ambrose pa.
Mabilis lang kami na nakarating sa may venue. Kinabahan naman ako bigla ng makita ko ang mga photographer sa labas na naghihintay sa paglabas namin. Bago kami lumabas ay hinawakan ni Dianne ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.
“All you need to do is to smile, Artemis. You don’t need to speak for them, okay?” malambing niyang sabi.
Gosh! Sobrang ganda talaga ni Dianne. Ang swerte ni Kuya Ambrose sa asawa niya. Kung naging lalaki pa siguro ako, baka nakipag agawan na ako kay Kuya Ambrose dahil gusto ko rin na makasal kay Dianne.
“Thanks, D!”
Lumabas na kami sa sasakyan. Nauna si Kuya Ambrose sa paglalakad at hinawakan naman ni Dianne ang aking braso upang i-guide ako. Sobrang laki ng tulong ni Dianne sa akin ngayon at thankful din ako kay Kuya Ambrose dahil ang taas ng patience niya sa akin.
Nag pose na muna kami sa may red carpet at pagkatapos ng ilang posing ay pumasok na kami sa loob ng venue. Sobrang daming mga dumalo sa party. May mga nakita rin akong mga politicians, artista, influencers, at mga models.
Pero isa lang ang gusto kong makita sa gabing ito… walang iba kundi si Davien. Pero hindi ko pa siya nakikita kaya tahimik pa rin ako ngayon na patingin tingin sa paligid. Agad na nilapitan si Kuya Ambrose ng mga kakilala niya sa business kaya naiwan ako ngayon na kasama si Dianne.
Hindi ko naman mapigilan na pagmasdan ang nakakatanda kong kapatid habang seryoso siyang nakikipag-usap sa iba pang mga businessmen. Para siyang younger self ni Dad. Sobrang kopya niya talaga ang ama namin. Bagay na bagay sa kanya ang pagiging businessman at ang future president ng Miller Empire.
“Ang cool ng Kuya mo ‘no?” narinig ko na sabi ni Dianne.
Napatingin ako kay Dianne nang sabihin niya iyon. Nakangiti pa rin siya ngayon habang nakatingin siya sa kanyang asawa bago siya tumingin sa akin.
“Hindi ka ba na bo-bore sa pagsama mo kay Kuya Ambrose sa mga parties na ganito, D?” tanong ko sa kanya.
Umiling siya. “Hindi naman, A. Supportive naman ako kay Ambrose. Mas gusto ko pa nga na laging ganito eh… para naman lagi ko siyang kasama. Alam mo naman ang Kuya mo, sobrang workaholic. Minsan na nga lang ‘yan nakakauwi sa bahay namin eh,” mahinang sabi ni Dianne at bumuntong-hininga siya.
Isa rin sa namana ni Kuya Ambrose sa mga magulang namin ay ang pagiging workaholic. Nabanggit noon ni Mom na noong nagtatrabaho pa siya sa kompanya ng Montenegro ay workaholic din siya, at ganun din si Dad hanggang ngayon kahit na sa mansion na niya dinadala ang kanyang mga trabaho para makasama niya lagi si Mommy.
Napatango naman ako at napainom sa champagne na kinuha ko kanina sa nag ikot-ikot na waiter. Habang napapatingin ako sa paligid, natigil ang tingin ko sa isang lalaki na kausap ngayon ni Matthias Coleman.
Davien is here! At kausap siya ngayon ng pinsan ko. Ayos! Mabilis ko lang mapapakilala ang sarili ko sa kanya.
Humarap na muna ako kay Dianne upang magpaalam.
“Uhm, Dianne?” sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at napa kurap-kurap siya sa kanyang mga mata.
“Yes, Artemis?”
“Alis na muna ako, ah? Nakita ko kasi si Matthias. Mangangamusta lang sana ako.”
Tumango naman siya. “Sure! Balik ka lang dito. Hindi naman ako aalis. Sasabihin ko na lang sa Kuya mo na may pinuntahan ka kung magtanong kung saan ka pumunta.”
Tumayo na ako at umalis na sa table namin at naglakad papalapit kay Matthias at Davien na nag-uusap pa rin ngayon. Sobrang lakas na ng pagtibok ng aking puso ngayon dahil sa kaba na aking nararamdaman. Normal pa ba ‘to?
Kaya mo ‘yan, Artemis.
“Kuya Matt!” tawag pansin ko sa aking pinsan ng unti-unti na akong napapalapit sa kanila. Natigil naman sila sa pag-uusap at pareho silang napatingin sa akin.
Nakita kong napatingin na rin sa akin si Davien, pero hindi ko pinapahalatang mas nauna akong napatingin sa kanya.
“Artemis!” nakangiting bati sa akin ni Kuya Matt at niyakap niya ako. First cousin ko si Kuya Matthias dahil magkapatid ang mga Mom namin.
“Wow! It’s the first time I see you at this kind of party. Sino ang kasama mo na pumunta rito?” sabi ni Kuya Matt sa akin, hindi ko pa rin pinapansin si Davien. Pero ramdam ko ang tingin niya sa akin. Shems naman!
“I’m with Kuya Ambrose and Dianne, Kuya Matt. Inaya kasi ako ni Kuya Ambrose at wala rin naman akong gagawin ngayong gabi kaya sumama na ako—oh! Davien Maranzano?” napatingin na ako kay Davien at umaakting na gulat ako ngayon na makita siya sa aking harapan.
Shems! Dapat naging artista na lang ako eh.
Ngumiti siya sa akin—argh! That smile.
“Hello, Miss Miller,” bati niya sa akin.
“Wait, magkakilala na kayo?” tanong sa amin ni Kuya Matthias.
Ako na ang sumagot sa kanyang tanong. “Yes, Kuya Matt. He helped me in the bar. Nabastos kasi ako doon, but he was there for me,” sabi ko at muling napatingin kay Davien at nginitian siya.
“That’s great! Davien, thanks for helping my cousin.”
“You’re welcome, Matt. You know me, I don’t like to see women get harassed.”
Woah… shems! Green flag.
Tumunog ang phone ni Kuya Matt. “Uhm, maiwan ko na muna kayo. I need to answer this call. Tumatawag si Sarah,” sabi ni Kuya Matthias at iniwan niya kami ni Davien.
Kami na lang dalawa rito!
Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa kanya.
“Champagne?” sabi ko sabay pakita sa champange na dala ko ngayon.
Ngumiti siya at umiling. “No thanks, Miss Miller. I’m good.”
Tumango ako. “You can call me Artemis. Masyado kasing pormal ang Miss Miller eh.”
He chuckled. Ang pogi niya!
“Okay, Artemis. How are you?”
Ayon! Nangamusta na siya sa akin. Ito na ang simula ng conversation naming dalawa.
“Okay lang naman ako. Naninibago palang sa ganitong klaseng party. But I’m good! And also I’m glad that I see you here. Mag-isa ka lang ba? Hindi mo kasama ang girlfriend mo?” sinadya ko talaga na itanong sa kanya ang tungkol sa girlfriend para malaman ko kung may pag-asa ba ako, o wala.
Umiling siya. “Mag isa lang ako na pumunta rito. And I don’t have a girlfriend.”
“Why? Ang impossible naman na wala kang girlfriend! Ang pogi mo kaya!”
Nabigla ako ng bigla siyang tumawa. Ang cute niya kapag tumawa.
“That’s fluttering, Artemis. I don’t do girlfriends. Focus kasi ako sa pagpapalaki ng anak ko,” seryoso niyang sagot sa naging tanong ko.
“Oh! May anak ka na?”
“Yes, a five-year-old girl. Why?”
“Hindi kasi halata! Para ka pa rin kasing walang anak eh.”
Muli siyang tumawa. “Magaling ka rin palang mambola, Artemis?”
Mabilis akong umiling. “Hindi ako nambobola sayo ‘no! Nagsasabi ako ng totoo, Davien!”
Nakita ko ang bahagyang pagkawala ng ngiti sa kanyang labi at naging seryoso siya bigla.
“You should call me Kuya Davien, Artemis.”
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
“Huh? Bakit naman?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“You’re way younger than me. Mas matanda pa ako sa kapatid mo na si Ambrose at sa pinsan mong si Matthias.”
Bahagya akong ngumuso. “Bakit naman kita tatawagin na Kuya? You’re not my brother, or my cousin. At isa pa… bakit ko naman tatawaging Kuya ang lalaking gusto ko?” seryoso kong sabi sa kanya.
Napasinghap siya sa aking sinabi at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.
“W-What?”
Bahagya akong lumapit sa kanya at ngumiti.
“I like you, Davien Conrad Maranzano.”
TO BE CONTINUED...