KABANATA 5: REJECTION

2135 Words
THE DESPERATE LOVE EPISODE 5 REJECTION ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. NASABI KO na rin sa wakas ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Nakita ko na parang nagulat si Davien sa pag amin ko sa aking feelings for him at naintindihan ko naman ito. Maybe ngayon niya lang naranasan na may umamin sa kanya na ganito kabilis kahit na hindi pa naman kami masyadong magkakilala. “I said I like you, Davien,” ulit ko na sabi sa kanya. Napakurap kurap siya sa kanyang mga mata at nagtaka na lang ako ng bigla siyang tumawa… para bang may nakakatawa sa sinabi ko at may sinabi akong joke. Kumunot naman ang aking noo at nagtaka ako sa kanyang ginawa. “What’s funny? Walang nakakatawa sa sinabi ko,” seryoso kong sabi sa kanya na may konti na rin na inis na aking nararamdaman. Umiling-iling siya at ngumiti sa akin. “I’m so sorry, Artemis. Hindi ka pala nagpapatawa? Akala ko ay nagjojoke ka kaya natawa ako bigla,” sabi niya na ikinainis ko. “Why would I joke like that? I’m not a joker,” inis kong sabi. Tumango siya at naging seryoso na rin ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. “I’m sorry about that. I thought you were joking. But Artemis, you shouldn’t said that to me,” seryoso na sabi ni Davien sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. “And why?” naguguluhan ko na tanong sa kanya. Huminga siya ng malalim bago magsalita muli. “Because I am much older than you, Miss Miller.” “It’s Artemis!” “Fine, Artemis then! Hindi maganda ‘yang ginagawa mo, okay? Matanda na ako,” madiin na sabi ni Davien sa akin. Napakagat naman ako sa aking labi upang mapigilan ko ang aking sarili na hindi maiyak. Ang sakit ng aking nararamdaman ngayon. First time ko mag confess ng nararamdaman sa isang lalaki, at first time ko rin na makaramdam ng rejection. “You’re not that old! Hindi mo kaedad ang Dad ko—” “Pero malapit lang ang edad namin, Artemis,” madiin na sabi ni Davien. Humakbang siya palapit sa akin at bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa may tainga ko at bumulong siya sa akin. “Wala kang mapapala sa akin, Miss Miller. Habang maaga pa, stop liking someone like me. Hinding-hindi ko masusuklian ‘yang nararamdaman mo para sa akin at masasaktan ka lang,” seryoso at malamig na sabi ni Davien bago siya umalis sa aking harapan at naiwan akong mag isa rito sa aking kinatatayuan na parang kinakapos na ng hininga. Nang hindi ko na kaya, patakbo akong umalis sa may venue at pumunta sa labas ng hotel. Doon ako pumunta sa may madilim na lugar at walang katao-tao. May nakita akong isang bench kaya umupo ako doon at doon ko na rin binuhos ang aking nararamdaman. Napatakip ako sa aking mukha at umiyak ako nang umiyak. Hinding-hindi ko masusuklian ‘yang nararamdaman mo para sa akin at masasaktan ka lang. Nagpabalik-balik ang sinabi ni Davien sa akin kanina. Hindi ko na paghandaan ang rejection niya sa akin. Ang pinaghandaan ko lang kanina ay ang pag amin ko sa aking nararamdaman para sa kanya. Hindi ko inaasahan na ma-basted pala ako ni Davien sa pagkikita namin ngayon. Huminga ako nang malalim at napatingala ako sa may langit. Nakita ko ang mga bituin at ang bilog na buwan. Ang ganda ng langit ngayon, pero hindi kasing ganda sa gabi ko ngayon. Pinunasan ko ang aking mga luha na kumalat sa aking mukha at muli akong bumuntong-hininga. Hindi ibig sabihin na ni-reject ka ay susuko ka na, Artemis… marami ka pang pagkakataon. Pwede ka bang sumubok sa pangalawang pagkakataon. “Hindi ako susuko, Davien….” mahina kong sabi at napatayo na ako. Ni-reject mo man ako ngayon, sa susunod ay hindi na. PAGKATAPOS NG party ay naging tahimik na ako. Nagtaka sila Kuya Ambrose lalo na si Dianne sa pagiging tahimik ko hanggang sa inihatid na nila ako pauwi sa mansion. Hindi na sila nagtanong at hinayaan na nila akong makapagpahinga. Ilang araw akong nagpahinga sa kwarto ko at nagmumukmok. Nag filed din muna ako ng sick leave sa trabaho dahil wala ako sa mood. Hindi rin naman ako inistorbo nila Mommy kaya mabuti na rin. Habang nanonood ako ng palabas sa malaki kong TV dito sa kwarto, narinig ko na tumunog ang aking phone kaya kinuha ko ito. Napakunot naman ang aking noo ng makita ko na ang aking secretary na si Andrea ang tumatawag sa akin ngayon. Agad ko naman na sinagot ang kanyang tawag. “Hello, Andrea? What’s the problem? Hindi ba pwedeng sa pagbalik ko na lang ‘yan?” sabi ko sa kanya na may konting inis. Kitang naka day off ako ngayon, tatawagan na lang ako bigla. “M-Ma’am Artemis, sorry po talaga sa abala. Kasi po may nagpatawag po sa team eh… isang malaking company po ang gustong kumuha sa atin,” sabi ng secretary ko sa kabilang linya. “Huh? Ano bang kompanya ‘yan?” “Maranzano Company po, Ma’am Artemis.” Bigla akong nabilaukan sa sarili kong laway nang mabanggit niya ang apileyedo ni Davien. Maranzano Company? Wait… pagmamay-ari ba ‘to ni Davien?! “Pinagloloko mo ba ako ngayon, Andrea?” seryoso kong tanong sa kanya. “P-Po? Hindi po! Seryoso po ang sinabi ko, Ma’am Artemis. Ang Coleman Construction po ang nag recommend ng team natin sa kanila.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Andrea. “Coleman Construction? Si Kuya Matt ba ang may kagagawan nito, or si Alaric?” “Oh, really?” “Yes po, Ma’am. Tatanggapin po ba natin ito? Marami pa po kasing naka line-up na—” “Tatanggapin natin ‘yan, Andrea! Sinong may sabi na pwede natin ‘yang e-reject? No! Hindi ko gawain na mangreject dahil ako lang naman itong nirereject eh… kahit na ginawa ko naman ang lahat—” sandali, parang mali na itong sinasabi ko ah? Parang may hugot na! “A-Ah… sige po, Ma’am Artemis. Pasensya na po talaga sa istorbo ngayon. Kailangan ko lang po kasi ng comformation para maasikaso ko na po ang schedule ng meeting niyo with the engineers at ng Maranzano Company.” “Sure, sure! Bukas na bukas ay babalik na ako ng trabaho, Andrea!” masigla kong sabi. “R-Really po? Pero one week po ‘yung leave niyo—” “Okay na ako! Magtatrabaho na ako bukas, okay? Ikaw na ang bahala sa lahat, basta eh accept mo ‘yang offer na ‘yan,” seryoso ko na utos sa secretary ko. Feel ko ay nakangiwi na ngayon si Andrea at nakakunot ang noo habang katawag ako dahil sa paiba-iba ang desisyon ko sa buhay. “Sige po, Ma’am Artemis. See you po bukas at pagaling po kayo,” sabi ni Andrea at pinatay na niya ang tawag. Nang matapos na kaming mag-usap ni Andrea ay agad kong tinawagan ang pinsan ko na si Kuya Matthias. Mabilis niya naman itong sinagot. “Hello, Artemis!” “Kuya Matt!” “Yes?” Napabangon na muna ako sa kama at nagpalakad-lakad na ako ngayon dito sa loob ng aking kwarto habang katawag ko si Kuya. “Are you the one recommend my team to the Maranzano Company?” tanong ko sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. “So you already know, huh?” “Yes! Nasabi ng secretary ko na ang Coleman Construction daw ang nag recommend sa team ko. Nasa inyo lang naman ni Alaric ang may pakana nito eh, pero ikaw ang una kong suspect.” Muli kong narinig ang pagtawa ni Kuya Matthias sa kabilang linya. “Suspect agad? Hindi ba pwedeng tinutulungan lang kita na mapalapit sa crush mo?” Napasinghap ako at nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang sabihin iyon ni Kuya Matthias. “W-What—wait… anong sabi mo, Kuya Matthias?!” hindi ko makapaniwala na tanong kay Kuya. Narinig ko muli ang paghalakhak niya ng malakas sa kabilang linya at ang pagsaway ng asawa niyang si Sarah sa kaingayan ng pinsan ko. “Do you really think I wouldn’t know that you have feelings for Davien, Artemis? Halatang-halata sayo noong lumapit ka sa amin sa party,” sabi ni Kuya Matt sa kabilang linya. Natigil ako sa aking paglalakad at napakagat ako sa aking labi at bahagyang napapikit sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng hiya ngayon sa katangahan ko. Sobrang halata ko pala talaga? First time ko kasi ‘to eh! First time kong mainlove ng ganito. “K-Kuya, nakakahiya!” “Don’t worry, wala akong pinagsabihan na iba—of course maliban sa asawa ko! Pero don’t worry, hindi namin ito ipagkakalat,” sabi ni Kuya Matthias sa kabilang linya. Narinig ko naman na nagsalita si Sarah sa kabila. “Go ka lang diyan, Artemis! Nakuha ko nga ang pinsan mo, ikaw pa kaya sa crush mo? Kaya mo ‘yan!” narinig ko na sabi ni Sarah sa kabilang linya. Naramdaman ko naman ang pamumula sa aking pisngi ngayon. Nakakahiya talaga! Nalaman tuloy ni Kuya Matthias at Sarah itong kabaliwan ko. Pero malaki pa rin ang tulong ni Kuya Matt sa akin. “Thank you, Kuya Matt and Sarah. Please, atin lang ‘to? Nakakahiya!” Pagkatapos kong kausapin ang pinsan ko, nahiga na ako sa aking kama at tahimik na napasigaw sa magkahalong emosyon ngayon. Binigyan talaga ako ng isa pang pagkakataon na mapalapit ako kay Davien at hindi ko na ito sasayangin pa. MAAGA AKONG nagising sa sumunod na araw. Mas naging extra masigla ako na ikinapagtaka ng mga magulang ko. “Ang hyper mo naman ata ngayon, anak? May gusto ka bang sabihin sa amin?” tanong ni Mommy habang kumakain kami ngayon dito sa dining area. Napatingin naman ako kay Mommy Lara at Daddy Adler na parehong nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at nagsalita. “Masaya lang po ako! I’m excited to work again after my sick leave. At may new client kasi ang team namin, big team! Kaya masaya po ako,” pagkukwento ko sa kanila. “That’s good to hear, Artemis. Great job! Continue to do what makes you happy, okay?” nakangiti na sabi ni Daddy. Ngumiti naman ako at tumango. Sobrang supportive talaga ng mga magulang ko sa akin. Akala ko nga noon ay magagalit sa akin si Daddy kapag nalaman niya na hindi ako interesado sa pamamalakad sa negosyo namin. Pero hindi, hindi nya pinaramdam sa akin na disappointed siya sa akin. Sinuportahan ako ni Daddy sa gusto ko ng buong puso hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ito. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko at pumasok na ako sa trabaho. Binati ko kaagad ang mga kateam ko ng makapasok ako sa opisina. Agad din na lumapit sa akin si Andrea at sabihin sa akin ang schedule ko ngayon. “Ma’am Artemis, may meeting po kayo mamaya together with Mr. Davien Maranzano.” Lihim akong napangiti nang marinig ko ang pangalan ni Davien. “What time?” tanong ko kay Andrea na may seryosong awra sa mukha kahit na gustong-gusto ko nang sumigaw ngayon sa excitement. “Mamaya pong 2 PM sa Maranzano building, Ma’am Artemis.” Tumango naman ako at inabala ang sarili ko sa ibang bagay para hindi mapansin ni Andrea ang pagiging excited ko. Tadhana na talaga ang naglalapit sa amin ni Davien. At syempre sa tulong din ng pinsan ko an si Kuya Matthias! Habang nasa trabaho ako, hindi maalis sa aking mata ang orasan at paulit-ulit na tinitignan kung malapit na ba mag 2 PM. Nang makita kong 1:30 PM na, agad na rin akong naghanda. Nakita ko naman na naghahanda na rin si Andrea dahil sasama siya sa akin. Sasakyan ko ang ginamit namin papunta sa building na pagmamay-ari ni Davien. Pinapasok din kaagad kami sa loob dahil may appointment kami sa CEO nila. Pagkapasok namin sa loob ng opisina ni Davien ay agad na bumungad ang kanyang napakagwapong mukha. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng makita niya ako. Ngumiti naman ako at lumapit ako sa kanya. “Hi, Davien!” bati ko sa kanya at nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap at hinalikan sa kanyang pisngi. Nakita ko na natigilan siya at nagulat sa ginawa kong pagyakap at paghalik sa kanyang pisngi. “A-Artemis, what are you doing here?” taka niyang tanong sa akin. “I am the head architect of the team who will work with your new building, Davien. And that means… lagi na tayong magkikita,” sabi ko sa kanya at kinindatan siya. Hindi ka na makakatakas sa akin, Mr. Davien Conrad Maranzano. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD