THE DESPERATE LOVE
EPISODE 3
DAVIEN CONRAD
ARTEMIS’ POINT OF VIEW.
HINDI PA RIN mawala sa aking isipan si Davien kahit anong gawin kong distraction. Siya pa rin talaga ang laman ng puso at isipan ko. Sobrang corny ko na! Naiiyak ako. Nagiging katulad na ako ni Athena.
Nasabi ko na kay Athena na may gusto ako kay Davien, pero hindi ko sinabi sa kanya na nababaliw na ako sa lalaking iyon dahil pag tatawanan lang niya ako. Parang kailan lang ay tinatawanan ko pa si Athena dahil sa kanyang kabaliwan sa kanyang asawa ngayon na si Lorenzo. Tapos ngayon ay nababaliw na ako sa lalaking mas matanda sa akin ng 12 years.
Naghahanap pa ako ng mga impormasyon tungkol kay Davien at nalaman ko na nagmamay-ari siya ng maraming hotel at casinos dito sa Luzon at may mga branches din sa Cebu at sa ibang bansa. Dahil wala akong alam sa business world, ngayon ko lang nalaman na mayayaman din pala ang mga Maranzano. At kaibigan niya rin si Kuya Ambrose!
“Hindi ka pa rin tapos kay Davien?” tanong sa akin ni Fabio habang nagkakamot siya sa kanyang ulo habang nakangiwi na nakatingin sa akin.
Nandito ako ngayon sa kanyang office upang dito gawin ang paghahanap pa ng impormasyon tungkol kay Davien. Wala kasi akong sarili na opisina sa building namin at ayokong makita ng mga empleyado ko na may pinagkakaabalahan ako sa cellphone ko na hindi related sa trabaho.
Napasulyap ako kay Fabio bago ko ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
“No, and never, Fabio De Luca. Hihinto lang ako kapag malaman ko kung may asawa ba siya o wala,” seryoso kong sabi.
“So, hindi ka nga talaga hihinto.”
Napatigil ako sa kanyang ginagawa at napatingin ulit sa kanya.
“What? Walang nakalagay ng status niya rito sa internet. Ang alam ko lang ay mag anak siya at hindi asawa,” seryoso kong sabi kay Fabio.
Totoo nga, may anak na si Davien… si Betty Maranzano, five years old na rin ang anak niya. Hinanap ko ang impormasyon tungkol sa ina ng anak ni Davien, pero walang lumalabas. Pinaalis ba?
“The close family decided na ‘wag isapubliko ang nangyari sa dating asawa ni Davien.”
Mas lalo akong na-curious sa sinabi ni Fabio.
“May alam ka ba, Fabio?” tanong ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya at napasandal sa kanyang kinauupuan bago siya muling magsalita muli.
“May alam si Dad kaya nagtanong ako sa kanya. Alam mo naman si Dad, maraming mga alam sa paligid kahit tahimik lang ‘yun. May asawa dati si Davien, si Lana Maranzano… pero namatay ito,” sabi ni Fabio.
Nagulat naman ako sa naging rebelasyon ni Fabio sa akin.
“Paano namatay? May sakit?” tanong ko sa aking kaibigan.
Umiling siya. “She died in a plane crash four years ago, Artemis.”
“F-Four years ago? Hala… sobrang bata pala nawalan ng ina ang anak nila ni Davien,” mahina kong sabi.
Naawa ako bigla sa anak ni Davien. One year old pa lang ito nang mawala ang Mommy niya. Hindi niya man lang ito nakasama sa paglaki.
“Ang alam ko rin ay mula nang mamatay ang asawa ni Davien, never na siyang nagkaroon ng girlfriend,” muling sabi ni Fabio.
“Edi mas mabuti!” sabi ko sa kanya.
Mahina siyang natawa at napa iling. “It means he doesn’t have time to enter into a relationship again, Artemis. Kahit na wala na ang asawa niya, mahal na mahal niya pa rin ito. Hindi niya ito kayang ipagpalit kaya nanatili siyang mag-isa na pinapalaki ang kanyang anak,” seryosong sabi ni Fabio.
Napasimangot naman ako at nakaramdam din ako ng konting kirot sa aking dibdib.
Mapapabago ko pa naman ang kanyang isipan… diba?
“Okay lang,” confident ko na sabi.
Kumunot ang noo ni Fabio sa aking sinabi at tinaasan niya ako ng kilay.
“Okay lang?”
Ngumiti ako sa kanya at tumayo.
“I will make him fall in love with me, Fabio. Ako ang makakapagpabago kay Davien,” seryoso kong sabi at kinindatan ko si Fabio.
Huminga siya ng malalim at umiling-iling siya na parang suko na siya sa aking katangahan.
“Ewan ko sayo, Artemis! Magkapatid nga kayo ni Athena, pareho kayong baliw!”
Oo, baliw na ata talaga ako. Kailangan ko nang makita ulit si Davien sa lalong madaling panahon!
—
“Kuya Ambrose!”
Habang nag iisip ako ng gagawin ko para magkita ulit kami ni Davien, nakita ko na pumasok sa loob ng mansion ang nakakatanda naming kapatid na si Kuya Ambrose Miles Miller. Minsan lang siya pumupunta rito sa mansion dahil may sarili na silang bahay ng kanyang asawa na si Dianne Saavedra Miller.
Natigil siya sa kanyang paglalakad at napatingin siya sa akin. Patakbo naman akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya at mabilis siyang hinalikan sa kanyang pisngi. Bahagya niya naman na ginulo ang aking buhok at nginitian niya ako.
“Hey, Artemis. How are you?” malumanay na sabi ni Kuya.
Ngumiti ako sa kanya. “Okay lang naman, Kuya. I missed you! Ang tagal mo rin hindi nakadalaw dito.”
Kung si Athena at Kuya Ambrose ay inis sa isa’t isa, kami naman ni Kuya ay close sa isa’t isa. I can say that I am his favorite sister.
“I’m sorry, Artemis, I was busy at work. But now, I’m free. Do you want to come with us to a party?”
Bigla akong na curious sa sinabi ni Kuya Ambrose na party.
“What party is that, Kuya Ambrose?”
“Well, it is related to business, but I know you will enjoy it,” sagot ni Kuya sa aking tanong.
Para namang kumislap ang aking mga mata nang mabanggit niya ang tungkol sa business.
“Will all of the popular businessmen come to the party, Kuya Ambrose?” muli kong anong sa kanya.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Kuya at napataas din siya sa kanyang kilay, pero sinagot niya pa rin ang aking tanong.
“Yes, probably, pero nasa kanila na ‘yun kung pupunta sila. Why did you ask that, Artemis?”
Ngumiti ako kay Kuya at kumapit ako sa kanyang braso bago magsalita ulit.
“None, Kuya Ambrose! At sasama rin ako sa party na sinasabi mo,” nakangiti kong sabi at kinindatan si Kuya.
Malakas ang kutob ko na pupunta si Davien sa party… kaya kailangan ko rin na pumunta.
Magkikita ulit kami ng aking knight and shining armor.
TO BE CONTINUED...