THE DESPERATE LOVE
EPISODE 12
MAY CHANCE!
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
ANG SAKIT ng ulo ko! Parang pinukpok ng isang bato ang ulo ko sa sakit at ang sakit din ng buo kong katawan. Ano bang nangyari sa akin?!
“Ouch….” napahawak ako sa aking ulo at hinay-hinay kong iminulat ang aking mga mata.
Napatingin ako sa paligid at nakita ko na wala ako sa aking kwarto… nasa ibang kwarto ako! Agad akong napatingin sa sarili ko at nakita ko na iba na ang suot ko na damit. Hala! Kaninong kwarto ‘to?! At sino ang nagbihis sa akin?
Si Fabio ‘yung kainuman ko kagabi—oh my god! May nangyari ba sa amin ng kaibigan ko?! ‘Wag naman sana. Chineck ko naman ang kiffy ko at naramdaman ko naman na hindi ito masakit o napasukan ng hotdog kaya safe ako.
Pero kaninong kwarto muna ito?!
“Buti gising ka na.”
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko sa aking harapan ngayon si Davien. Siya ang pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Nakaawang lang ang labi ko at hindi ako makapagsalita… speechless ako!
“M-May nangyari ba sa atin?”
Iyon ang unang lumabas sa aking bibig at pati ako ay nagulat sa naging tanong ko. Nakita ko ang pagpula sa tainga ni Davien at umiwas siya ng tingin sa akin.
“Stop it, Artemis! Umagang-umaga!” inis niyang sabi.
Napanguso ako. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ako nandito? Bakit hindi si Fabio ang kasama ko?” sunod-sunod ko na tanong sa kanya.
Muli siyang napatingin sa akin at para akong natakot nang makita ko na ang talim ng kanyang tingin sa akin ngayon, para bang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.
“Don’t mention that name in front of me,” malamig niyang sabi habang matalim pa rin ang tingin sa akin.
“Huh? Bakit naman hindi ko siya eh memention ang pangalan niya eh siya ang kasama ko kagabi?” nagtataka kong tanong sa kanya.
Napairap si Davien at umiling-iling siya.
“Fix yourself, and if your done, lumabas ka sa kwarto at kumain sa labas,” malamig niyang sabi at lumabas na siya sa kwarto. Naiwan akong mag-isa rito na nagtataka pa rin.
Napakamot ako sa aking buhok at hinanap ko ang aking phone hanggang sa nakita ko ito sa may table. Kinuha ko naman ito at binuksan. Hinanap ko naman ang message ko kay Davien upang tingnan kung ano ang sagot niya after ko sinend ang video kagabi dahil hindi ko na maalala ang mga sunod na nangyari.
—Message Conversation—
Artemis Blithe Miller: *Send the video
: Hate mo pala ako, Davien? Pwes panoorin mo itong sinend ko na video sayo! Dagdagan natin ‘yang inis mo!
Davien Conrad Maranzano: What the f**k, Artemis?!
:Nasaan ka ngayon, huh?
:The f**k! Answer my f*****g calls!
Artemis Blithe Miller: Bakit ko naman sasagutin ang mga tawag mo? Ulol!
Davien Conrad Maranzano: Gusto mo bang isumbong kita sa mga magulang mo? Answer my f*****g call!
Artemis Blithe Miller: Edi isumbong mo ako, Tanda! Hindi ako natatakot sayo!
Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig sa gulat nang makita ko ang message convo namin ni Davien kagabi. Infairness, kompleto pa ang mga letters ko sa mga sinisend ko na messages kay Davien. Ito lang ang gusto ko kapag nalalasing ako eh kasi maganda pa rin ang typings ko.
Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa sa conversation namin ni Davien pero wala na akong nabasa pa dahil tumawag ulit si Davien at sinagot ko na ang tawag niya. At hindi ko na rin alam kung ano ang mga sinabi ko at pinag-usapan namin sa tawag dahil wala na akong maalala!
Tinawagan ko na lang si Fabio. Sobrang tagal niya pang sinagot ang tawag ko kaya nakaramdam ako ng inis.
“Bakit ka ba tumatawag?!” bungad niyang sabi nang masagot niya ang tawag ko.
“Aba! Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon?!” sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Fabio sa kabilang linya.
“Artemis, masakit ang ulo ko ngayon. May hangover ako! Parang ikaw ay wala ah?! Iba talaga kapag naka score sa crush niya!”
Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi ni Fabio.
“A-Anong ibig mo sa naka score sa crush?” tanong ko sa kanya.
“Huh? Bakit, wala ka bang naalala sa mga pinaggagawa mo kagabi?” tanong pabalik ni Fabio sa akin.
Bahagya akong napapikit sa aking mga mata upang kontrolin ang aking sarili dahil parang sasabog na sa inis ko ngayon kay Fabio.
“Magtatanong ba ako kung naalala ko ang mga nangyari kagabi, Fabio?”
“Konti lang din ang naalala ko, Artemis. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi rito sa bahay eh. Napagalitan pa ako ni Dad! Sasaluhin ko pa mamaya pagbaba ko ang galit niya. Ang masasabi ko lang ay pinapunta mo sa bar si Davien at nag away kayong dalawa! Sinuntok pa nga ako ng lalaking ‘yan!” pagkukwento ni Fabio sa akin sa nangyari kagabi.
Napasinghap ako sa gulat sa kinuwento niya.
“Sinuntok ka niya?!”
“Oo! Namumula pa nga iyong pisngi ko eh. Ang sakit pa rin! Sige na Artemis, tinatawag na ako ni Dad. Pilitin mo na lang sarili mong makaalala sa mga nangyari kagabi,” sabi ni Fabio at pinatay na niya ang tawag.
Napahawak ako sa aking ulo at napakamot. Ano ba kasi ang nangyari kagabi?!
Think, Artemis… remember what happened last night!
–
“Where the f**k are you right now, Artemis Blithe Miller?!”
Bahagya kong inilayo ang phone ko sa aking tainga sa lakas ng boses ng matandang lalaki na kausap ko sa phone. Mas maingay pa siya sa tugtog dito sa bar eh!
“I’m here at the bar, duh?! Ano namang pakialam mo? Hate mo naman ako, diba?!” sagot ko sa kanyang tanong.
“Please, Artemis… just tell me where you are right now.”
Nakaramdam ako ng inis sa kausap ko ngayon at parang naging emosyonal din ako bigla kasi naiyak na lang ako dahil naging sad song na ang mga tugtugin dito sa loob ng bar.
“Bakit mo ako hate?! Ano bang ginawa kong masama, Davien?!” sabi ko sa kanya at tuluyan na akong naluha.
Napasulyap naman ako sa aking kaibigan na si Fabio at nakita ko siya ngayon at umiiyak na rin habang patuloy na umiinom ng alak. Umayaw na kasi ako sa pag inom dahil nasusuka na ako kaya siya na ang uubos sa boteng natira na binili namin.
“Mahal na mahal kita, Davien! Please, ‘wag mo na akong eh hate,” para kong bata na sabi habang patuloy ako sa aking pag-iyak.
Hindi siya nagsasalita sa kabilang linya kaya muli akong nagsalita.
“Alam mo, nandito ako ngayon sa bar kung saan una kitang nakilala… I still remember the time that you saved me! Davien, ako na lang please….” umiiyak kong sabi at humihikbi na rin ako ngayon.
“Okay.”
Tumigil ako sa aking pag-iyak at nagtaka sa sinabi niya.
“A-Anong okay?”
“I will not hate you anymore if you do one thing for me right now.”
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “A-Ano ‘yun?”
“Lumayo ka diyan sa kasama mo ngayon. Don’t you dare kiss him again or else I will hate you forever,” malamig na sabi ni Davien sa kabilang linya.
Dahil sa sinabi niya ay muli akong naiyak sa hindi malaman na rason.
Napasandal na lang ako rito sa couch na kinauupuan ko habang patuloy sa pag-iyak. Nakadikit pa rin ang phone ko sa aking tainga upang marinig ni Davien sa kabilang linya na umiiyak pa rin ako. Pero makalipas ang ilang minuto ay na-off na lang ang tawagan namin… pinatay niya!
Napaiyak ako nang malakas at napatingin na sa akin si Fabio at lumapit siya sa akin.
“Anong chika?” tanong niya.
Humarap ako kay Fabio at yumakap na ako sa kanya at doon ako umiyak sa kanyang malapad na dibdib. Hinahagod ni Fabio ang aking likod ngayon at hinayaan niya akong umiyak.
“What if tayo na lang, Artemis?”
Nag angat ako ng tingin kay Fabio nang sabihin niya ‘yun. Lasing na talaga siya!
“Kamukha mo naman si Athena… okay na lang na ikaw,” mahina niyang sabi at muli siyang naluha.
“Gago!” sabi ko at sinuntok siya sa kanyang dibdib kaya napadaing siya.
“Pero seryoso! Tayo na lang! Matututunan naman siguro nating mahalin ang isa’t isa eh,” sabi ni Fabio habang nakatingin siya sa aking mga mata, hanggang sa bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Mukhang gusto ulit ng halik ng lalaking ‘to ah?
Unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa aking mukha hanggang sa…
“Fabio!”
Bigla na lang bumulagta si Fabio sa may sahig dahil may sumuntok sa kanya.
“Asshole!”
Nang mapatingin ako rito ay nakita ko si Davien na matalim na ang tingin ngayon kay Fabio.
“D-Davien….”
Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harapan ko. Bumaling ang tingin niya sa akin at para akong natakot bigla dahil ang sama ng kanyang tingin. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila niya ako patayo at paalis.
“D-Davien, sandali lang! Kailangan kong puntahan si Fabio—”
“I said don’t come near him! Bakit ba ang tigas ng ulo mong babae ka?!” galit na sigaw ni Davien.
Napanguso ako at hindi ko mapigilan ang aking sarili na maiyak ulit dahil sinigawan niya ako. Never pa akong nasigawan sa buong buhay ko, siya lang talaga.
“I hate you!” sigaw ko sa kanya.
Nakita ko ang pag-irap niya habang nakahawak siya sa kanyang bewang. “I hate you more.”
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking braso at tinignan ko siya ng masama.
“Lumayo ka sa akin!”
Muli siyang lumapit at hinawakan ang aking braso.
“Stop being stubborn, Artemis.”
“I hate you! Ayoko sa mga matatanda!” muli kong sabi.
Mukhang nainis na siya sa akin kaya bigla niya akong binuhat in bridal style at ako naman ay napatili sa kanyang ginawa. Napakapit ako sa kanyang batok dahil para na akong mahihilo. Wala akong magawa kundi ang magpadala kay Davien hanggang sa nakalabas kami sa bar at napapunta sa madilim na parking lot.
Dahil sa sobrang lapit ko sa mukha niya ay bigla akong na temp… hinalikan ko siya sa kanyang labi.
Napatigil si Davien sa kanyang paglalakad at napatingin siya sa akin.
“Artemis!”
“Davien, please… please… love me back,” mapang-akit kong sabi at muli ko siyang hinalikan sa labi.
Akala ko ay ibababa na niya ako at tinutulak palayo… pero hindi…
Hinalikan niya ako pabalik!
“TITA BLITHE!”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Betty. Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako.
“B-Betty!”
“Tita Blithe, you’re here! I’m glad that you’re back! Bago lang sinabi ni Daddy na nandito ka sa house kaya agad akong pumunta dito.”
Napangiwi ako dahil wala pa akong ayos at amoy alak pa ako.
“G-Ganun ba, Betty… sorry. Uhm, usap na lang tayo mamaya? Maliligo muna at mag-aayos si Tita Blithe. Bababa na lang ako later, okay?”
Ngumiti siya at tumango. “Sige po! Faster Tita, okay?”
“Okay, baby.”
Nang makalabas na si Betty sa kwarto ay napasabunot na ako sa aking buhok at silent na napatili dahil sa mga pangyayaring ginawa ko kagabi.
Damn it! Sigurado akong mas lalong nainis sa akin si Davien… pero hinalikan niya ako pabalik.
Parang nag iba bigla ang mood ko nang maalala ko ang paghalik niya pabalik sa akin.
May chance… I feel it. Kung wala, bakit niya ako hinalikan pabalik, diba? Alam ko na may chance talaga!
Konting push ko pa kay Davien… magiging akin din siya.
TO BE CONTINUED...