KABANATA 11: I HATE YOU

1738 Words
THE DESPERATE LOVE EPISODE 11 I HATE YOU ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. ANO BANG trip ng matandang ‘to at pinapalabas niya ako sa hotel? Nagseselos ba siya sa aming dalawa ni Fabio? Hala ka! Kasi nakakapagtaka naman na tinawagan niya ako bigla. “Davien!” tawag ko sa kanya nang mahabol ko na siya palabas sa hotel. Nakarating kami sa may parking lot kaya nagtaka na ako. Tumigil siya sa kanyang paglalakad at humarap siya sa akin habang may seryoso pa rin na ekspresyon sa kanyang mukha. Tinaasan ko naman siya ng aking kilay habang nakahalukipkip. “What do you want, Fabio? Bakit mo ako pinapasunod sayo?” tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya mas lalo akong nagtataka sa kanyang mga galaw. Humakbang siya palapit sa akin habang seryoso pa rin ang ekspresyon sa mukha. Nagtataka ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. “Come, ihahatid na kita sa inyo,” malamig niyang sabi. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat sa kanyang sinabi. “W-What? Nababaliw ka na ba?! Pinasunod mo ako rito para sabihin na ihatid ako pauwi? Hindi pa ako uuwi!” inis kong sabi sa kanya. How dare he?! Akala ko pa naman… argh! I hate him. “Don’t be stubborn, Artemis. Kung sinu-sino na lang na lalaki ang sinasamahan mo sa loob!” Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi. “Kung sinu-sinong lalaki?! Are you nuts?! Fabio De Luca is my best friend! Hindi lang siya kung sinu-sinong lalaki na pinagsasabi mo!” galit kong sabi sa kanya. Wala na, nawawala na ang pagka pabebe ko ng dahil kay Davien. Iniinis niya ako! “Kahit na, hindi pa rin maganda na makitang makipag-inuman ka sa mga lalaki,” wika niya at sinubukan akong hilain pero nagmatigas ako kaya muli siyang napaharap sa akin. “Even you? Lalaki ka rin naman ah?” tanong ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya. Parang nahihirapan siyang sagutin ang mga tanong ko ngayon kasi tama naman ako, sino ba siya para gawin niya ito sa akin ngayon? Unless sabihin niya sa akin ngayon na nagseselos siya sa aming dalawa ni Fabio! Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya muli akong nagsalita. “Sinusundan mo ba ako kanina? Ano ba talaga ang gusto mo Davien? Are you jealous dahil may kasama akong ibang lalaki?” sunod-sunod ko na tanong sa kanya. Napalunok ako sa aking laway nang makita ko na humakbang siya palapit sa akin habang hindi pa rin naaalis ang kanyang mga tingin sa akin ngayon. Ang tahimik niya… nakakaramdam ako ng kaba ngayon sa kakaibang awra ni Davien. Pero hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kanya ngayon. “Or natapakan ko lang ang ego mo dahil kaya kong mag entertain ng ibang lalaki kahit na ikaw ang gusto ko?” pagpapatuloy ko na tanong sa kanya. “You want to know the truth, Miss Miller?” seryoso na sabi ni Davien habang nakatingin pa rin sa akin. Napakurap-kurap ako sa aking mga mata at hinay-hinay akong tumango. Bakit kapag nagsalita na si Davien ay parang nawawala na kaagad ang angas ko. Bigla akong nagiging maliit kapag nagsimula na siyang magsalita! Ipinantay niya ang kanyang mukha sa aking mukha at nagsalita siya. “I hate you, Artemis Blithe Montenegro Miller,” madiin at seryoso na sabi ni Davien habang nakatitig pa rin siya sa aking mga mata. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat sa kanyang sinabi at nagtataka ako. “W-What?” nauutal kong sabi. “Yes, I hate you. The reason? I don’t know… I just hate you for entering my peaceful life. So please, stay away from me and my daughter’s life. Hinding-hindi kita magugustuhan,” malamig na sabi ni Davien na nagpaluha sa akin. Umalis siya sa aking harapan at iniwan niya akong mag-isa rito sa parking lot na umiiyak. Masama ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya paalis. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at umalis na siya. Nang makaalis si Davien ay doon ako muling umiyak ng malakas. “Parehas lang pala tayo, Artemis.” Natigil ako sa aking pag-iyak ng may magsalita sa aking likuran. Nakita ko ang aking kaibigan na si Fabio na malungkot na nakatingin sa akin kaya muli akong naiyak at patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya. “F*ck you siya! Ang kapal ng mukha niyang paglaruan ang feelings ko sa kanya! Anong akala niya, hindi ako magkakagusto ng ibang lalaki kasi siya ang kinababaliwan ko? Ulol siya! Matanda naman siya! Hindi siya fresh!” galit kong sabi habang patuloy ako sa aking pag-iyak habang nakayakap ako kay Fabio. “Gusto mo bang pumunta sa bar? Magpakalasing tayo,” anyaya niya sa akin. Mabilis akong tumango bilang pagpayag sa kanyang gusto. Wala namang pipigil sa akin at walang magbabawal. I can do whatever I want because I’m single and I’m free! Akala niya ay masisindak niya ako sa pa I hate you niya? No way! Si Artemis Blithe Miller kaya ‘tong katapat niya! Hindi ako magpapatalo. “Go ahead! Let’s party!” sabi ko at kumapit na sa braso ni Fabio. Sumakay na ako sa kanyang kotse at nag drive na rin siya papunta sa bar na unang pinuntahan namin noon ni Fabio… kung saan ko rin nakita si Davien. s**t! Bakit hindi ko kasi nasabi kay Fabio na ‘wag na sa bar na ito. Pero nakakahiya ng magsabi dahil nandito na kami sa loob. We ordered the hardest drink here at the bar. Desidido na talaga kaming dalawa na maglasing kasi pareho kaming heartbroken. Siya ay heartbroken dahil kinasal na ang kanyang matagal ng crush, ako naman ay heartbroken dahil sinabihan ako ng I hate you ng crush ko. “Ang sakit! Hindi man lang niya iniisip na masasaktan ako sa sinabi niya?! Ang insensitive niya!” galit kong sabi at muli akong napainom ng alak. Bahagya akong napapikit dahil sa lakas ng alak ng iniinom namin ngayon, pero ginusto namin ‘to kaya dapat ubusin namin. Huminga ng malalim si Fabio at nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha bago siya magsalita. “Ang sakit! Bakit ang manhid mo sa nararamdaman ko para sayo, Athena? Mahal na mahal kita!” sigaw ni Fabio at naiyak siya ng parang bata. Napanguso ako habang nakatingin sa aking kaibigan. Mahal na mahal niya talaga ang kapatid ko, pero wala na siyang magagawa pa dahil kasal na si Athena sa kanyang matagal na rin na mahal na si Lorenzo. “Alam mo, cheers na lang natin ‘yan!” sabi ko at inangat ko ang aking baso. Kinuha na rin ni Fabio ang kanyang baso at nag cheers kami at sabay kaming umiinom dalawa. Habang tumatagal ay tinamaan na ako ng alak. Si Fabio naman ay tuloy-tuloy pa rin sa pagrarant at hinahayaan ko na lang siya dahil minsan na lang din niya itong nagagawa dahil sa pagiging busy person niya. I hate you, Artemis Blithe Montenegro Miller. Muli kong naalala ang sinabi ni Davien sa akin. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! Gusto ko siyang inisin… gusto kong makaganti sa kanya. May naisip naman akong kalokohan at napatingin ako ngayon sa kaibigan ko na si Fabio na lasing na rin. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanyang inuupuan. Napatingin naman si Fabio sa akin habang nakakunot ang noo. “What?” nagtataka na sabi ni Fabio nang makalapit ako sa kanya. “May gusto lang akong inisin, game ka ba?” “Yung nanakit sayo ba ‘yan?” tanong niya. Tumango naman ako. Inakbayan ako ni Fabio at ngumiti. “Sure, game! Ayokong sinasaktan ang kaibigan ko kaya turuan natin ‘yan ng leksyon! Ano ba ang gagawin?” Humarap ako kay Fabio at nagdadalawang isip ako ngayon kung gagawin ko ba ang naiisip ko, pero tanungin ko muna siya kung game siya. “Mag vi-video ako ngayon na nasa bar ako tapos ikikiss kita sa lips,” diretso ko na sabi kay Fabio. Nanlaki ang kanyang mga mata at inalis niya ang pagka akbay sa akin. “Hoy! Artemis Blithe, hindi tayo talo! Hindi pwede ‘yan!” parang nandidiri niyang sabi. Sinuntok ko siya sa kanyang dibdib kaya bahagya siyang napadaing. “Ang bad mo! Wala ka namang girlfriend at alam ko naman na wala kang feelings sa akin. Kiss lang ‘to as a friend kaya ‘wag kang ano dyan!” Napakamot naman siya sa kanyang buhok habang nakatingin sa akin na para bang nag-iisip kung papayag ba siya sa gusto ko. Makalipas ang ilang segundo na pagtitig sa akin ay bumuntong-hininga siya at tumango siya. “Sige na nga! Pero after ng kiss ay walang awkwardness na mangyayari huh?! Patay ka talaga sa akin!” sabi niya. Malakas akong napatawa. “Gago! Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan? Hindi ‘yan! Ano, game na ba?” “Game na!” sabi niya na parang napilitan. Uminom na muna siya ng alak para raw pampalakas loob. Parang gago lang eh. Kinuha ko na ang aking phone at nagsimula na akong mag video sa aking sarili, hindi ko muna pinakita si Fabio sa aking camera. “Hi Davien! Ano, hate mo ako? Edi wow! Guess where I am right now? Yes! I’m at the bar… and guess kung sino ang kasama ko ngayon?” pinakita ko na si Fabio sa camera at ang gago, inakbayan ako. Pwede rin talaga itong maging artista eh, galing umakting. “Hey, bro! Inom tayo?” nakangiting sabi ni Fabio sa camera at pinakita pa ang alak na hawak niya. Bahagya akong tumawa at tumingin ako sa camera at seryosong tumingin dito bago magsalita. “Hate mo ako, diba? Pwes mainis ka lalo sa akin sa gagawin ko ngayon,” sabi ko at humarap kay Fabio at… at ginawa ko ang pinaplano namin kanina… hinalikan ko si Fabio sa labi! Bahagya akong nagulat nang halikan ako pabalik ni Fabio at mas pinalalim ang halik. Napasulyap ako sa camera at bahagyang nag smirk at pinatay ko na ito at itinigil ko na ang paghalik kay Fabio. Nagtatawanan kaming dalawa sa kabaliwan na ginawa namin. Muli siyang napainom ng alak habang ako naman ay sinend ko na ang video kay Davien. Tingnan lang natin ang magiging reaksyon mo sa video na sinend ko ngayon. You hate me pala huh? Pwes, inisin kita lalo. Sabi pa nga nila, the more you hate… the more you love! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD