THE DESPERATE LOVE
EPISODE 13
VIRUS
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
TAPOS NA akong mag-ayos at ngayon ay pababa na ako sa hagdan para makapunta sa dining area. Nang makarating ako sa dining area ay agad kong nakita si Davien na nakaupo na doon at si Betty na nagsisimula na rin kumain. Nag-angat ng tingin sa akin si Betty at natigil siya sa kanyang pagkain at patakbo siyang lumapit sa akin.
“Tita Blithe!” masaya niyang sabi at niyakap niya ako.
Napangiti ako at niyakap ko rin pabalik si Betty at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. Ang cute talaga ni Betty! Kapag naging mag-asawa kami ni Davien ay magkakaroon na ng Mommy si Betty at ako ‘yun. Wala namang problema sa akin na mag-alaga ako ng anak ni Davien. Madali lang namang mahalin ang anak niya kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ang corny!
“Buti at tapos ka na mag-ayos,” narinig ko na sabi kay Davien.
Nang mapatingin ako sa kanya ay muli ko na namang naalala iyong paghalik niya pabalik sa akin kagabi. Totoo ba ‘yun, o panaginip ko lang? Argh! Ang sakit talaga ng ulo ko. Napahawak ako sa aking ulo at bahagya kong hinihilot ang aking sintido.
“Tita Blithe, masakit ba ang head mo?”
Nag angat ako ng tingin kay Betty nang magsalita siya.
Bahagya akong ngumiti at tumango.
“O-Oo, baby eh. Pero mawawala rin ito mamaya.”
Napanguso siya at tumango. “I want to take care of you, pero may school pa ako, Tita. Mamaya pag uwi ko ay nandito ka pa rin ba sa house?” tanong niya sa akin.
Napakurap kurap ako sa aking mga mata at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.
Sasagot na sana ako sa tanong ni Betty ng naunahan ako ni Davien.
“No, baby. Uuwi na ang Tita Blithe mo sa house nila. May work din ang Tita mo kaya kailangan na niyang umuwi sa kanila pagkatapos niyang mag eat,” seryoso na sabi ni Davien habang nakatingin siya sa kanyang anak.
Hindi ko naman mapigilan na mapasimangot habang nakatingin kay Davien. Ang killjoy talaga ng lalaking ‘to! Wala naman akong work ngayon kaya pwede ako rito buong araw sa bahay nila.
“Aw! That’s sad. Akala ko pa naman ay makakabond ko na ulit si Tita Blithe,” malungkot na sabi ni Betty.
Humarap ako sa kanya at hinaplos ko ang kanyang pisngi.
“Next time na lang, baby. Let’s bond together, okay?”
Nagningning ang kanyang mga mata sa aking sinabi at parang na-excite siya.
“Really, Tita?! Promise mo ‘yan? Isama nyo po si Trigger!”
Tumango-tango naman ako at muling ngumiti sa kanya. “Sure, Betty! Isasama ko next time si Trigger.”
“Yehey!”
“Wait… bakit gusto mong kasama ang Trigger na ‘yun?” biglang singit na tanong ni Davien. Nakakunot na ang kanyang noo ngayon na para bang hindi niya nagustuhan ang pinag-usapan namin ng kanyang anak.
“Daddy Davien, Trigger is my friend!”
“Trigger is a boy, princess. Baka ligawan ka bigla niyan!”
“Daddy! I’m still five!” nakasimangot na sabi ni Betty sa kanyang ama.
Napaka-possessive at protective na ama pala nitong si Davien. Mas lalo akong natuturn on sa kanya.
“Oo naman, Davien… bata pa ang anak mo. Kaibigan lang naman… hindi naman shota,” nakisali na ako sa usapan.
Tinaasan ako ng kilay ni Davien kaya napayuko na lang ako at hindi na ulit nagsalita at nagsimula na akong kumain.
Nauna nang umalis si Betty dahil may class pa siya. Hinatid siya ng kanyang bagong driver at may bago rin siyang tagabantay. Pinaalis na talaga ni Davien iyong mga kasama ni Betty nung nawala ito at nakita ito sa labas ng gate.
Nang makaalis na si Betty ay kami na lang dalawa ni Davien. Nakaramdam ako ng kaba ngayon at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.
Nandito kami ngayon sa may living room sa kanilang bahay at nakaupo na ngayon si Davien sa may couch habang nagbabasa ng newspaper.
“Uhm, Davien…” tawag ko sa kanya.
Nag angat siya ng tingin sa akin at seryoso niya akong tinignan ngayon.
Napalunok ako sa aking laway bago ako makapagsalita ulit.
“G-Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo…” mahina kong sabi.
Napatayo si Davien kaya muli akong kinabahan. Ang lakas na rin ng pagtibok ng aking puso ngayon. Humakbang palapit sa akin si Davien habang seryoso pa rin ang kanyang tingin sa akin.
“Bakit gusto mong humingi ng tawad?” malamig niyang sabi.
Napakurap kurap ako sa aking mga mata bago muling magsalita at sagutin ang kanyang tanong.
“U-Uhm… k-kasi naabala kita kagabi,” sagot ko sa kanyang tanong at bahagya akong napakagat sa aking labi.
Nang makalapit si Davien sa akin ay tumigil siya sa paglalakad sa aking harapan at ipinantay niya ang kanyang mukha sa aking mukha.
“You shouldn’t have done that, Artemis Blithe Miller,” malamig at seryoso na sabi ni Davien sa akin.
Napaisip ako kung bakit ko ba ginawa ‘yun kagabi… kung bakit ako nag lasing sa bar kasama si Fabio. Kasalanan din naman niya!
Matapang akong humarap kay Davien at nagsalita ako.
“Kasalanan ko naman kung bakit ko ginawa ‘yun eh,” sabi ko sa kanya.
Napataas siya sa kanyang kilay. “Kasalanan ko na may hinalikan kang lalaki kagabi, huh?” inis niyang sabi.
Matapang akong tumango. “Oo! Kasalanan mo dahil pinaasa mo ako! Bakit mo ba ako pinuntahan kagabi sa bar? Akala ko ba ay hate mo ako?!”
Bahagya siyang napapikit sa kanyang mga mata at napahawak siya sa kanyang noo bago siya muling tumingin sa akin at nagsalita.
“You texted me, Artemis!”
“And I didn’t demand your replies! Edi sana ay hindi mo na lang pinansin ‘yun! Diba hate mo naman ako?! The reason that I sent you that video ay para mas lalo kang magalit sa akin!”
Nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata ng hawakan ni Davien ang aking braso at bahagya niya akong hinila palapit sa kanya. Sobrang lapit na ng aming mga mukha ngayon at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha sa akin.
“Hindi lang hate ang nararamdaman ko sayo ngayon, Artemis Blithe… I f*cking loathe you! You’re like a virus, ang hirap mong alisin sa sistema ko!” galit na sabi ni Davien at marahas niya akong binitawan habang ako naman dito sa aking kinatatayuan ay tulala pa rin.
Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko ngayon na para bang mahihimatay na ako.
“Umalis ka na sa bahay ko. At wag ka nang bumalik,” malamig na sabi ni Davien at umalis na siya sa aking harapan at tuluyan na siyang nawala.
Napahinga ako ng malalim at napahawak ako sa aking dibdib.
You’re like a virus, ang hirap mong alisin sa sistema ko!
Parang paulit-ulit na nag e-echo sa aking isipan ang sinabi ni Davien tungkol sa akin.
He just didn’t hate me—he loathed me.
Pero hindi ako nasasaktan… mas lalo lang akong ginaganahan dahil hindi na ako mawawala sa sistema ni Davien.
Nakatatak na ako sa kanya.
Hindi na niya ako kayang mawala sa buhay niya.
At gagawin ko ang lahat para lang mapasa akin siya.
TO BE CONTINUED...