THE DESPERATE LOVE
EPISODE 19
THE DESPERATE WEDDING
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
“MAGKAPATID NGA talaga tayo, Artemis… pareho tayong baliw sa pag-ibig!” sabi ng aking kapatid na si Athena na kakauwi lang dito sa Pilipinas galing sa Italy.
Napasimangot ako habang nakatingin sa kanya. Alam na niya ang kalokohan na ginawa ko at pati na rin sa aking pekeng pagbubuntis. Alam ko naman na hindi ako ilalaglag ni Athena kahit anong mangyari dahil magkapatid kaming dalawa at mas naintindihan niya ako sa sitwasyon ko ngayon.
“So what’s your plan now? Paninindigan mo talaga ang buntis thingy mo? Alam mong magagalit si Mommy niyan lalo na si Daddy kapag nalaman nilang nagsisinungaling ka,” sumeryoso bigla si Athena nang sabihin niya iyon sa akin.
Naisip ko naman ‘yun at alam ko na magagalit talaga ang mga magulang ko kapag nalaman nilang nagsisinungaling lang ako.
Pero bahala na… magagawa ko naman ito ng paraan.
“Magpabuntis na lang talaga ako kay Davien,” sabi ko kay Athena. Napadaing naman ako ng bigla niya akong hinampas sa aking braso
“Aray naman!” nakasimangot kong sabi habang nakahawak sa braso ko na hinampas ni Athena.
“Gaga ka talaga! At sure ka talaga diyan na bubuntisin ka ni Davien? Lalo na’t alam niya ang mga kasinungalingan mo? Sigurado ako na kahit paghawak sayo ay kinamumuhian na niya,” sabi ni Athena na ikinasakit ng dibdib ko sobra.
Napanguso ako upang pigilan ang luha ko dahil totoo naman ang mga sinabi ng kapatid ko sa akin. May mga consequences talaga ng mga kalokohan ko at isa na rito ay ang ma-hate ako ni Davien nang sobra. Hindi niya hahayaan na maging masaya ako sa kasal namin at kapag naging mag-asawa kaming dalawa. Pero gagawin ko pa rin ang lahat ng aking makakaya upang mahalin niya ako pabalik.
NGAYON ANG fitting of the gowns namin para sa kasal namin ni Davien. Nandito ako ngayon sa boutique ng aking Tita Isabelle dahil ang mga gowns niya ang susuotin namin para sa wedding ko.
Habang sinusukatan ako ngayon ni Tita Isabelle sa aking wedding gown ay hindi ko mapigilan na maging emosyonal dahil wala talaga ito sa plano ng buhay ko. Okay na sa akin na mamatay ako na ako lang mag-isa, na wala akong asawa. Tanggap ko na nga na magiging dalagang matanda ako eh. Pero nagbago lahat ng perspective ko sa aking buhay ng dumating si Davien.
At ngayon ay magkakatotoo na talaga… ikakasal na ako sa kanya.
“Ang ganda ng pamangkin ko!” sabi ni Tita Isabelle nang tuluyan na nilang masuot sa akin ang aking wedding gown.
Sinamahan ako ni Tita Isabelle papunta sa may full mirror at nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay kusa nang pumatak ang mga luha sa aking mukha at napangiti ako. Niyakap ako ni Tita Isabelle at nginitian niya ako habang nakatingin din sa repleksyon ko sa salamin.
“I’m so happy for you, Artemis. At alam ko rin na masaya ang Mommy mo kahit na nagtatampo pa rin ‘yun sayo ng dahil sa news,” sabi ni Tita Isabelle sa akin.
Humarap ako kay Tita Isabelle at pinunasan ko muna ang mga luha sa aking mukha bago ako magsalita at magtanong sa kanya.
“Tita Isabelle, sa tingin niyo… deserve ko ba na ikasal?” mahina kong tanong kay Tita.
Nakita ko ang bahagyang pagkunot sa kanyang noo. Naweweirdohan siguro siya sa naging tanong ko sa kanya ngayon. Lumapit si Tita Isabelle sa akin at hinawakan niya ang aking pisngi at nginitian niya ako at nagsalita siya.
“Of course, Artemis. You deserve all the happiness in your life. At bagay na bagay sayo ang suot mo na wedding gown. Napakaswerte ng mapapangasawa mo dahil ikaw ang pakakasalan niya,” nakangiti na sabi ni Tita Isabelle.
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tita Isabelle at muli akong napatingin sa sarili ko sa harapan ng salamin. Napaisip ako bigla sa kanyang sinabi sa akin. Swerte ba talaga si Davien na ako ang mapapakasal niya? Dahil sa nakikita ko sa kanya ay hindi eh… kinamumuhian niya ako.
“Thank you for the wonderful gown, Tita Isabelle.”
Pagkatapos kong magsukat ng gown sa boutique ni Tita Isabelle ay agad akong dumiretso sa kompanya ni Davien. Hindi pa kasi raw ito pumupunta sa boutique upang magsukat ng kanyang susuotin para sa kasal namin. Sa susunod na araw na ang kasal namin ni Davien kaya kailangan na niyang mangsukat kundi wala siyang masusuot.
Kilala na ako ng mga empleyado sa kumpanya ni Davien kaya pinapasok na nila kaagad ako sa loob hanggang sa makarating na ako sa opisina niya. Agad ko siyang nakita na busy sa kanyang desk habang may mga binabasa at mga pinipirmahan na mga papeles.
Hindi siya sumulyap sa akin kahit na nakapasok na ako rito sa loob. Alam ko na alam niya na ako ang pumasok sa kanyang opisina ngayon.
Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.
“Bakit hindi ka pa pumupunta sa boutique at nagsukat ng susuotin mo sa kasal natin? Davien, kailangan mo ng magsukat para maprepare na ang damit mo,” seryoso kong sabi sa kanya.
Sa wakas, tinigil niya na rin ang kanyang ginagawa at nag angat siya ng tingin sa akin. Sobrang lamig ng tingin ni Davien sa akin ngayon… nasasaktan ako.
“I can wear whatever I want on that day. And besides, it’s not really an important event for me,” malamig na sabi ni Davien at muli niyang ibinalik ang atensyon niya sa kanyang ginagawa.
Natigilan ako sa sinabi ni Davien at parang kumirot bigla ang dibdib ko sa kanyang sinabi sa akin.
That’s the most important event in my life… ang kasal naming dalawa.
Pero sa kanya ay parang wala lang ito.
“Can you just respect me for one time, Davien? Kahit sa event lang na ito?” tanong ko sa kanya.
Muli siyang napatingin sa akin at mukhang nakuha ko na ang buo niyang atensyon kasi napatayo na siya at humakbang siya palapit sa akin. Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso at nakaramdam ako ng sakit sa kanyang ginawa.
“A-Aray!” daing ko ng humigpit ang pagkaka hawak niya sa aking braso na may halong gigil.
“Respect you? Naririnig mo ba ang sarili mo, Artemis? Nirerespeto mo ba ako? Hindi! You will never gain my respect for you dahil hindi ka naman ka respe-respeto!” galit niyang sabi at marahas niyang binitawan ang aking braso. Napahawak naman ako nito at napatingin at nakita ko ang pamumula sa aking braso ng dahil sa kanyang ginawa.
Muli akong napatingin kay Davien at nagsalita.
“B-Bakit ba ang hirap mo akong mahalin, Davien? Magiging asawa mo na ako! Magiging Mrs. Maranzano na ako sa susunod na araw kaya wala ka nang magagawa!” sabi ko sa kanya.
“Isa lang ang asawa ko at hindi ikaw ‘yun, Artemis,” malamig niyang sabi sa akin.
Ang ibig niyang sabihin ay ang namayapa niyang asawa noon, ang nanay ni Betty.
Umiling-iling ako at matapang ko siyang tinignan.
“Ako na ang magiging asawa mo, Davien. Kalimutan mo na ang namayapa mong asawa!”
Pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata.
“Sa papel lang kita magiging asawa, Artemis. Hinding-hindi mo mapapalitan ang asawa ko sa buhay ko at sa buhay namin ng anak ko. Kaya itigil mo na ‘yang kahibangan mo. Kahit patay na ang asawa ko, siya pa rin ang mahal at mamahalin ko at hindi ikaw,” sabi ni Davien at umalis siya sa aking harapan at lumabas siya sa kanyang opisina.
Hina akong napaupo sa couch at napahawak ako sa aking dibdib at napaiyak ng malakas.
Ang hirap naman kalabanin ng patay na.
NGAYON NA ang kasal namin ni Davien at gaganapin lang ito sa isang maliit na chapel. Mga pamilya lang namin ang invited ngayon dahil nga mabilisan lang itong kasal namin ni Davien at kulang na sa preparation kapag binonggahan pa. Ayaw din naman kasi ni Davien na may bongga kaming kasal. Ako, okay lang naman sa akin kahit ano… ang importante lang ay makasal siya sa akin.
Kompleto ngayon ang mga kapatid ko, kahit na si Ares na may mission pa ata pero umuwi talaga siya para lang sa kasal ko ngayon kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil binigyan nila ng time ang kasal ko ngayon.
“Parang noong nakaraan lang ay ako pa ang kinakasal, ngayon ay ikaw na!” sabi ni Athena na nasa aking tabi ngayon. Nandito kami ngayon sa loob ng aking hotel room at kasama ko si Athena at pati na rin si Dianne na asawa ni Kuya Ambrose.
“Ayaw ko kasing maiwan sayo! Alam mo naman na napaka competitive ko,” asar kong sabi kay Athena.
“Artemis, advice ko lang na sana ay wag mo masyadong ibigay lahat sa asawa mo, magbigay ka rin para sa sarili mo, okay?” seryoso na sabi ni Dianne sa akin.
Napahawak ako sa kanyang kamay at nginitian ko siya. Sa aming tatlo ay mas may alam na siya sa buhay may asawa dahil malapit na rin na mag one year na kinasal siya sa aking Kuya Ambrose. Kaya marami na talaga siyang alam at experiences sa pagiging asawa.
“Thank you for the advice, Dianne. I will, don’t worry.”
May kumatok sa pintuan at nang bumukas ito ay nakita namin na pumasok si Mommy. Iniwan na muna kami ni Athena at ni Dianne ni Mommy dito sa loob at umalis na muna sila. Lumapit si Mommy sa akin at tumabi siya sa aking upuan.
“M-Mommy…”
Simula nang sabihin ko sa kanila na buntis ako ay parang lumayo na ang loob ni Mommy sa akin at parang galit pa rin siya. Kaya ngayon ay nagulat ako ng makita ko siya na lumapit sa akin.
“May ibibigay lang ako sayo, Artemis,” sabi ni Mommy at may binigay siyang maliit na box sa akin. At nagulat ako ng makita ko na isa itong cartier necklace.
“M-Mommy…” naiiyak na ako ngayon.
“Artemis, you know naman na kahit nagalit kami ng Daddy mo sayo ay mahal na mahal ka pa rin namin. At masaya ako para sayo sa araw na ito… dahil alam ko na gusto mo na talagang makasal sa lalaking gusto mo,” malumanay na sabi ni Mommy habang nakatingin siya sa akin.
Habang sinasabi iyon ni Mommy at tuluyan na akong naluha. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
“Thank you so much, Mommy. Masaya na po ako ngayon na malaman na hindi kayo galit sa akin,” sabi ko habang nakayakap sa kanya.
Hinalikan niya ako sa aking pisngi at muli niya akong nginitian.
“I love you forever, my baby. Hinding hindi ako magagalit sayo,” nakangiti na sabi ni Mommy at siya na rin ang nagsuot ng necklace sa akin dahil gusto ko itong isuot ngayon sa kasal ko.
Sabay na kami ni Mommy na pumunta sa chapel at nang makarating kami sa chapel ay nakita ko kaagad si Daddy. Nang makalapit siya sa amin ay agad ko siyang niyakap kahit na hindi pa siya nagsasalita sa akin. Hindi naman ako tinulak ni Dad at masaya ako na niyakap niya ako pabalik at hinalikan niya ako sa aking noo.
“I-I’m so sorry, Dad,” mahina kong sabi sa kanya.
Hinawakan niya ang aking pisngi at bahagyang ngumiti sa akin si Daddy Adler at nagsalita.
“We love you, Artemis. Always remember that, princess.” sabi ni Daddy at hinalikan niya ulit ang aking noo at nagyakapan kaming tatlo.
Nagsimula na ang seremonya at nandito ang mga Maranzano ngayon para sa kasal namin ni Davien. Lahat sila ay seryoso habang naglalakad ako sa aisle. Nandito rin si Betty at siya ang flower girl namin. Napatingin ako kay Davien na nasa unahan na at seryoso lang ang kanyang tingin sa akin ngayon habang naglalakad ako.
Sobrang lakas ng t***k ng aking puso ngayon. Pero mas nangingibabaw ang excitement dahil sa wakas, ikakasal na talaga kami ni Davien at magiging asawa ko na siya.
Nang makalapit na ako kay Davien ay narinig ko ang binulong niya sa akin na mas lalong ikinakaba ko.
“This is the start of your miserable life, Artemis.”
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at nag focus ako sa seremonya ng kasal namin.
Nang matapos na ang seremonya ng kasal ay nagharap na kaming dalawa ni Davien. Ito na iyong time na maghahalikan kaming dalawa. Inalis na niya ang belo na nakatabon sa aking mukha at nagulat na lang ako nang halikan niya ako bigla sa aking labi. Pero hindi ito simpleng halik dahil kinagat niya ang lower lip ko kaya nakaramdam ako ng sakit. Lalayo na sana ako sa kanya ng ipinulupot niya ang kanyang braso sa aking bewang at bumulong siya sa akin.
“Welcome to hell, Artemis. Brace yourself to the consequences of your desperate love.”
TO BE CONTINUED...