THE DESPERATE LOVE
EPISODE 15
CRAZY IN LOVE
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
NO! HINDI siya pwedeng ikasal sa ibang babae… dapat sa akin lang! Hindi ako naniniwala sa news na sinend ni Fabio sa akin kaya agad ko siyang tinawagan habang patakbo akong pumunta sa aking kwarto.
Nang masagot ni Fabio ang aking tawag ay agad ko siyang minura ng malutong dahil sa inis na aking nararamdaman.
“F*ck you, Fabio De Luca! Ano na naman ‘yung sinend mo sa akin, huh?” galit ko na sabi sa kanya.
“Damn, woman! Ang sakit sa tainga ng boses mo! Sa akin ka pa talaga galit ngayon? Totoo naman ‘yang balita na ‘yan! Kalat na kalat na nga ‘yan sa internet eh,” wika ni Fabio sa kabilang linya.
Napailing-iling ako at napakagat ako sa aking kuko habang hindi pa rin naniniwala sa aking nakita na news tungkol kay Davien. Ang sabi niya sa akin ay hindi na siya ulit magpapakasal! Hindi na siya hahanap ng ibang babae dahil kuntento na raw siya na kasama ang kanyang anak na si Betty. Pero bakit ganito ngayon? Bakit… bakit siya magpapakasal? Akala ko ba ay ayaw na niyang magpakasal ulit?
“F-Fabio… hindi pwede ‘to,” mahina kong sabi at tuluyan na akong napaiyak.
Tang inang buhay ‘to. Ito ang unang beses na umiyak ako sa isang lalaki. Kung noon ay diring-diri ako sa aking kapatid na si Athena na grabe makahabol sa kanyang asawa na ngayon na si Lorenzo, mas malala pa pala ako sa aking kapatid ngayon.
Hindi ko akalain na ganito pala kalala kapag tinamaan ka ng pag-ibig. Nakakabaliw!
“Based on my information, kaya nandoon ngayon si Davien sa Italy upang puntahan ang kanyang mapapangasawa. Well, para sa akin ay mas maganda rin talaga kapag katulad mo na lahi ang pakakasalan mo eh,” sabi ni Fabio sa kabilang linya.
Mas lalo akong nakaramdam ng inis sa aking kaibigan dahil akala ko ay kakampi ko siya, hindi pala.
“May dugo rin naman akong Italian, ah?!”
“Pero mas malakas ang dugo ng espanyol dyan sa katawan mo, Artemis. ‘Wag mo na kasing pilitin. Maghanap ka na lang ng iba. Alam mo, ligawan na lang kita—”
Pinatay ko na ang tawag sa pagitan namin ni Fabio dahil aasarin na naman ako nun at kung anu-ano na naman ang sasabihin niya kagaya ng sasabihin niya sana na ligawan niya na lang ako dahil kamukha ko lang naman daw si Athena. Argh! Bakit ko ba naging kaibigan ang lalaking ‘yun? Nakakabadtrip talaga.
Napahiga ako sa aking kama at napatulala habang nakatingin sa may kisame.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi ako makakapayag na makasal si Davien sa ibang babae. Gusto ko siya… no—mahal ko na talaga siya. Hindi ko kakayanin kapag nakasal siya sa ibang babae.
Lahat ng gusto ko ay makukuha ko.
Ewan ko ba pero napapansin ko talaga sa pamilya namin na kapag may gusto kaming bagay o tao ay nakukuha talaga namin. Just like what happened to my sister Athena na kasal na ngayon sa lalaking matagal na niyang minamahal. Walang imposible sa pamilya Miller.
Magiging akin din si Davien… sa ayaw at sa gusto niya.
Nang sumunod na araw ay nalaman ko na nakauwi na ng Pilipinas ngayon si Davien at ng kanyang anak na si Betty. Totoo nga, engaged na siya ngayon sa isang Italian businesswoman at model na si Beatrice Albizzi. Pure Italian ito at matalik din na kaibigan ng pamilya nito ang mga Maranzano. Kaya ba magpapakasal si Davien sa babaeng iyon dahil business partners din sila? Business partners din naman sila ni Daddy at ng pamilya namin ah?
Bakit hindi siya sa akin magpakasal?
“Artemis, bakit nakasimangot ang anak ko diyan?”
Napa kurap kurap ako sa aking mga mata nang makita ko si Mommy na papalapit sa akin ngayon.
Nandito kasi ako ngayon sa may garden area sa labas ng mansion namin. Nagpapahangin lang muna ako at nagpapalipas ng aking galit.
Huminga ako ng malalim at napatingin ako kay Mommy na nakaupo na sa chair na malapit lang din sa aking kinauupuan ngayon.
“Mommy… can I ask something?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman si Mommy at tumango.
“Sure, anak! Ano ba ‘yang problema mo ngayon at bakit parang ang bigat?” natatawa na sabi ni Mommy.
Ang ganda talaga ng mommy ko kahit na nag a-age na talaga siya, pero super young niya pa rin sa age niya ngayon at parang magkapatid lang kami na mga anak niya.
“Mommy, paano po ba mawala ang pagmamahal sa isang tao?” seryoso ko na tanong sa aking Mom.
Nakita ko ang bahagyang pagkagulat ni Mommy Lara sa naging tanong ko sa kanya.
“Artemis, nakakapanibago naman ‘yang tanong mo sa akin. Bakit parang interesado ka na ngayon sa love? Hmm?” tanong pabalik ni Mommy at bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.
Napasimangot ako. “Mommy naman! ‘Wag mo na kasi alamin…”
Mahina siyang tumawa at tumango. “Okay, baby ko…” lumapi si Mommy sa akin at hinawakan niya ang aking kamay habang nakatingin siya sa akin. Muli siyang nagsalita at sinagot ang tanong ko.
“Ganito kasi ‘yun Artemis, kapag nahulog ka sa tao na hindi mo inakala na doon ka mahuhulog, at sinubukan mo na alisin itong nararamdaman mo… mahirap gawin ‘yun. Kasi kapag napamahal ka sa isang tao ay mahirap na itong alisin pa. Pero depende pa rin naman ‘yan eh… ang masasabi ko lang ay traydor ang pag-ibig, mapanakit, pero masarap din,” seryoso na sabi ni Mommy Lara at ngumiti siya sa akin.
Ngumiti rin ako pabalik sa kanya at tumango. Lumapit ako kay Mommy at niyakap ko siya at sumandal ako sa kanyang balikat. Hinagod-hagod niya naman ang aking likod ngayon habang nakaakbay siya sa akin.
“Mommy, I want you to know that I’m in love…” pag amin ko kay Mommy.
Napatingin si Mommy Lara sa akin at nakita ko ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata na hindi siya makapaniwala sa aking sinabi ngayon.
Hinipo niya ang aking noo at napailing-iling si Mommy.
“Wala ka namang lagnat, anak… pero bakit ka nagsasabi niyan ngayon?” naguguluhan na sabi ni Mommy.
Napanguso ako sa sinabi ni Mommy. “M-Mommy naman eh!” nahihiya kong sabi at umiwas ako ng tingin sa kanya.
Mahina siyang tumawa at muli niya akong niyakap at hinalikan niya ako sa aking pisngi.
“Naninibago lang ako sayo ngayon, Artemis! Alam mo naman na nasanay ako na si Athena ang laging nagsasabi sa akin tungkol sa buhay pag-ibig niya. Hindi lang ako makapaniwala na umiibig na pala ang nag-iisa kong Artemis…” malambing na sabi ni Mommy at hinaplos niya ang aking pisngi.
Napangiti ako sa sinabi ni Mommy at napatingin ako sa kanya.
“Support ka po ba sa akin, Mommy? This is my first time to fall in love… you know?” mahina kong sabi.
Hinaplos ni Mommy Lara ulit ang aking pisngi at nginitian niya ako.
“Of course I’m always here to support you, Artemis. Lahat kayo ng anak namin ni Daddy Adler mo ay suportado namin. Kung saan kayo sasaya, doon din kami ng Daddy mo…”
Huminga ako ng malalim at tumango.
“Thank you so much, Mommy.”
“Pero sandali nga… sino ang lucky guy na nakabihag sa puso ng anak ko?” sabi ni Mommy Lara habang nakataas ang kanyang isang kilay.
Napakagat ako sa aking labi at nagdadalawang isip ako na sabihin ngayon ang pangalan ni Davien. Pero naiintindihan naman siguro ni Mommy Lara ang sitwasyon. Hindi ko naman kasi sinasadya na mahulog ako kay Davien.
“M-Mom… kay Davien Conrad Maranzano po ako nahulog,” mahina kong sabi at inamin ko na kung sino ang lalaking nagpapabalik sa akin ngayon.
Napasinghap si Mommy sa gulat at nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip siya sa kanyang bibig ngayon.
“A-Artemis… business partner siya ng Daddy Adler at ng Kuya Ambrose mo. He’s also way older than you, anak!” sabi ni Mommy Lara sa akin.
Napaismid ako. Alam ko na ito ang unang magiging reaksyon ni Mommy kapag inamin ko na kay Davien ako nahuhulog.
“Mom, hindi ko naman sinasadya na mahulog kay Davien eh. At isa pa, okay lang po sa akin yun. He’s just 12 years older than me, hindi gaano katanda okay? Mahal ko siya, Mom,” seryoso ko na sabi kay Mommy.
Huminga ng malalim si Mommy at tumango siya na para bang wala na siyang magagawa pa sa aking desisyon sa buhay.
“Pero ikakasal na siya sa iba, anak…” mahinang sabi ni Mommy.
Alam na rin pala ni Mommy ang tungkol sa kasal ni Davien sa ibang babae. Nakaramdam na naman ako ng kirot ngayon sa aking puso.
Muli akong humarap ng seryoso kay Mommy at nagsalita.
“Hindi pa naman po sila kasal, Mommy. Habang hindi pa kasal si Davien ay hindi ako mawawalan ng pag-asa,” seryoso ko na sabi ni Mommy at nginitian ko siya.
Alam ko na stress na stress na si Mommy sa mga buhay pag-ibig ng mga anak niya. Pero wala na siyang magagawa… ganito kami eh. Guess nakuha din namin ito sa kanilang dalawa ni Daddy?
Pero hindi talaga ako susuko.
Ako ang babaeng pakakasalan ni Davien at wala nang iba.
TO BE CONTINUED...