KABANATA 14: BREAKING NEWS

1313 Words
THE DESPERATE LOVE EPISODE 14 BREAKING NEWS ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. “HINDI NA ako iinom kasama ka next time, Artemis! Mapapahamak ako sayo eh!” nakasimangot na sabi ng aking kaibigan na si Fabio. Dinalaw ko pa talaga siya rito sa kanyang opisina dahil wala siyang time para makipagkita sa akin dahil tinambakan siya ng napakaraming trabaho ng kanyang Dad ng dahil sa nangyari. “Hoy! ‘Wag mo nga sa akin isisi ang lahat! Ikaw kaya ang nagyaya sa akin na pumunta tayo sa bar at magpakalasing!” nakasimangot ko na sabi sa kanya. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ‘to para ibunton sa akin lahat ng sisi. Eh siya nga ang nagyaya sa akin na pumunta kami doon sa bar upang magpakalasing kami dahil broken siya. Huminga siya ng malalim at sunod-sunod siyang napatango bilang pagsuko. “Oo na! Hindi mo na kasalanan. Sa akin na ang kasalanan, okay? Pero hindi na talaga ako iinom, Artemis. Bahala ka na sa buhay mo kapag nabroken ka ulit. Baka bawiin pa ni Dad sa akin ang kompanya at baka mawalan ako ng trabaho kapag ginawa ko ulit iyon eh,” sabi ni Fabio at napakamot siya sa kanyang ulo. Sobrang strikto talaga ng Dad ni Fabio sa kanya. Sabagay, nag-iisang anak kasi si Fabio at kilala ang mga De Luca sa pagiging workaholic. Kailangan ni Fabio na makipagsabayan sa kanyang Dad dahil siya ang magiging susunod na director ng kompanya nila. “So ano na ang progress ng operation make the single dad fall in love with you, Artemis?” tanong sa akin ni Fabio. Inirapan ko siya. Ginawan niya pa talaga ng title ang ginagawa kong pagpapapansin kay Davien. “Well, sa ngayon ay hindi ko siya makita. Ang alam ko ay nasa Italy siya ngayon at kasama niya ang kanyang anak na pumunta doon. Dinalaw niya ang pamilya nya doon sa Italy at hindi ko pa alam kung kailan siya uuwi,” sabi ko kay Fabio. Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha nang sabihin ko iyon sa kanya. “Wow! Dinaig mo pa ang news sa TV at mga marites sa pagiging updated mo ah?! Asawa yarn?” mapang-asar na sabi ni Fabio. Napasimangot ako at sinuntok ko siya sa kanyang braso. Napahalakhak naman siya at tuwang-tuwa pa siya ngayon na asarin ako. “Tumahimik ka, Fabio! Hindi ka nakakatulong!” inis kong sabi sa kanya. Pinigilan niya ang kanyang tawa, pero nakangiti pa rin siya ngayon. “Hmm, ibang klase talaga mahulog itong bestfriend ko! Sige, ipagpatuloy mo lang ‘yan, Artemis Blithe. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mo! Mapapagod ka rin kagaya ko,” nakangisi niyang sabi sa akin. Umiling-iling ako at tinignan ko ng seryoso si Fabio at nagsalita ako. “Hinding-hindi ako mapapagod, Fabio. I’m a Miller. Hindi sumusuko ang mga Miller at gagawin ang lahat upang makuha ang gusto nila. At iyon ang gagawin ko… makukuha ko rin si Davien,” seryoso kong sabi sa aking kaibigan. Napakamot na lang si Fabio sa kanyang batok habang umiling-iling na nakatingin sa akin ngayon. “Hays… ewan ko sayo, Artemis! Bahala ka na talaga sa buhay mo diyan. Matanda ka na rin naman!” “Bahala na talaga ako!” At hindi ako susuko. Mapapasakin din si Davien. MABILIS LANG ang pag-uusap namin ni Fabio dahil kailangan na niya ulit mag trabaho. Ayoko naman na makadistorbo sa aking kaibigan kaya umalis na ako at nagpaalam sa kanya. Dumalaw na rin muna ako sa opisina namin at kinamusta ko ang aking team sa aming new project ngayon. Pagkatapos kong dumalaw sa workplace ko ay umuwi na rin kaagad ako sa mansion upang makapag pahinga. Wala ngayon si Athena sa mansion dahil honeymoon na nila ng kanyang asawa na si Lorenzo. Wala rin sa mansion ang ka-triplets ko pa na si Apollo. Masyado iyong busy sa kanyang trabaho sa New York at iba pang pinagkakaabalahan nun. Nang makarating ako sa mansion ay nagstay na muna ako sa may living room habang nagbabasa ng libro at kumakain ng sandwich. Nakita ko naman na pababa sa hagdan ang kapatid ko na si Anais, ang kapatid namin na lagi na lang napapasama sa gulo. “Ate Artemis… nandito ka pala,” sabi ni Anais nang makalapit siya sa akin. Inoferan ko siya ng pagkain, pero umayaw siya dahil busog pa raw siya. Umupo siya sa aking tabi at humarap siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin. Napakunot naman ang aking noo dahil hindi naman siya lumalapit sa akin, ngayon lang talaga. “Ate Artemis, may tanong lang sana ako sayo,” mahina niyang sabi. Parang nahihiya pa siya na makipag-usap sa akin ngayon. “Ano ‘yun, Anais? Kinuha ba nila Mommy ang card mo? Kailangan mo ba ng pera ngayon?” sunod-sunod ko na tanong sa kanya. Hindi na ako magtataka kung humiram ‘to ng pera sa akin dahil lagi na lang siyang nakukuhanan ng cards nila Mommy nang dahil sa mga gulong kinakasangkutan ng babaeng ‘to. “H-Hindi, Ate! I have my cards pa. Iba sana ang tanong ko sayo. It’s about… uhm… it’s about Kuya Fabio.” Napataas ang kilay ko nang mabanggit niya ang pangalan ng matalik kong kaibigan. Ano namang kailangan ng kapatid kong ‘to sa kaibigan ko? Sandali lang… “Hoy! May gusto ka ba sa kaibigan ko?!” diretsahan kong tanong kay Anais. Nakita ko ang pamumula sa kanyang mukha nang itanong ko iyon sa kanya. Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig. Confirmed! May gusto nga itong impakta kong kapatid sa impakto kong kaibigan! “A-Ate Artemis, ‘wag niyo po sabihin kay Kuya Fabio. Hindi pa ako handang umamin sa kanya,” nahihiya niyang sabi at napakamot siya sa kanyang batok. “Ano bang itatanong mo, huh?” “Uhm, itatanong ko sana kung… kung may girlfriend si Kuya Fabio?” mahinang tanong niya habang namumula pa rin ang kanyang mukha. Umiling-iling ako habang nakatingin sa aking kapatid. “Nako! ‘Wag ka nang umasa sa lalaking ‘yun, Anais. Wala ngang girlfriend ang lalaking ‘yun, pero in love naman ‘yun kay Athena!” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at para siyang nasaktan sa kanyang nalaman. Mas mabuti pang maaga na malaman nitong kapatid ko ang katotohanan kaysa naman umasa siya. Mahirap magmahal sa taong may iba namang mahal. Lumapit ako kay Anais at tinapik tapik ko ang kanyang balikat. “Mag move on ka na lang, sister ko! Maganda ka… marami pang lalaki dyan na magugustuhan mo. ‘Wag na ‘yung si Fabio! Masasaktan ka lang!” sabi ko sa kanya at napatayo na ako upang pumunta na sa aking kwarto. Habang naglalakad ako ngayon ay nakatingin ako sa aking phone. Nakita ko naman ang pangalan ni Fabio na nag pop-up sa screen ng aking phone. May message siya sa akin kaya tumigil na muna ako sa aking paglalakad at agad kong binuksan at binasa ko ito. May sinend siya sa akin na link at agad ko naman itong tingnan. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang nabasa ko ang nakasulat sa news na sinend ni Fabio sa akin ngayon. BREAKING NEWS: Davien Conrad Maranzano is getting married to an Italian businesswoman! Sandali lang... Totoo ba itong nababasa ko ngayon? May picture sa article na nakalagay at nakita ko ang picture ni Davien na may kasamang babae habang naglalakad sa street ng Italy. “NO WAY!” napasigaw ako sa sobrang gulat at magkahalong emosyon. Nakita ko na napatingin sa akin si Anais na kanina pa tulala at napatayo siya. “Ate, anong nangyari?” alala niyang tanong at naglalakad siya ngayon palapit sa akin. Napaharap ako kay Anais at napaiyak ako bigla. “Ikakasal na ang lalaking mahal ko!” Hindi pwede ‘to! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD